Banghay Aralin sa Ekonomiks: Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
lol
Banghay-aralin
Full description
:)Full description
mfbrkt
Banghay Aralin sa MapehFull description
Mapapansin nating nakaayos makabanghay ang akdang ito. May teoryang pampanitikan din ang nakaayon doon at ito’y Teoryang Pormalismo.
TEORYANG PORMALISMO ·
Tinutuklas at pinapaliwanag ng teoryang ito ang anyo o istruktura ng isang akda. Sinusuri nito ang nilalaman, kaanyuan o kayarian ng pagkakasulat. Nakapaloob din ito ang istilo ng may akda.
·
Kung maikling kuwento ang Genre ng literaturang tintalakay, kinailangang masuri ang mg asumusunod.
1.
Tema/ Paksa
2.
Suliranin
3.
Tauhan
4.
Tagpuan
5.
Banghay SimulaàSaglit na kasiglahan àTunggalianà Kasukdulanà Kakalasanà Wakas Isang halimbawa din ng Teoryang Eksistensyalismo ang akda. Dahil pinakita dito ang Kilos, gawa, paniniwala at paninindigan ni Aling Marta na ang pulubing bata ang kumuha ng kanyang kalupi. Natapos ang aralin sa paggawa ng isang maikling kuwento sa makukulay na papel tungkol sa panghuhusga ng tauhan at magsisisi sa huli. Ginawa naming ito upang ibahagi ang maaaring kahihinatnatan sa amin o sa iba kung kami’y huhusga.Nakaisip kami ng iba’t ibang kuwento dahil sa pagninilay namin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga pangungusap na tumutukoy sa panghuhusga.
“ANG PANGHUHUSGA AY ISANG BAGAY NA GINAGAWA NATIN UPANG ATING BIGYANG PANSIN
ANG HINDI MAGANDANG BAGAY SA IBA NA HINDI NATIN NAPAPANSIN NA MAYROON PANG MAS HIHIGIT NA HINDI KAAYA-AYA SA ATIN. DAHIL NA RIN SA MGA BAGAY NA ITO, MAIDUDULOT NITO ANG MALAKI O MARAMING SULIRANIN NA HAHARAPIN NATIN. KAYA TINATAPOS KO ITO SA ISANG KASABIHAN: KUNG AWAY MONG HUSGAHAN KA NG IBA HUWAG KA RIN MANGHUHUSGA SA KAPWA MO AT ISAALANG-ALANG ISAALANG-ALANG ANG IYONG PANSARILING PANSARILING KATAUHAN.”
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO III I.Layunin: Sa pamamagitan ng mga pagsasanay, ang mga mag-aaral na may 80% sa ikatlong taon ay inaasahang: A. B. C. D. E. F.
nakatutukoy ang tema ng maikling katha; nasusuri ang maikling kwento; natutukoy ang tema ng kwento; nakasusuri ang mga dahilan ng pagkilos o paggalaw ng tauhan at pangyayari sa kwento; naibibigay ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa kwento; nakalalahok sa talakayan na isinasaalang-alang ang prosesong kognitibo sa pagbabasa ng panitikan; G. naibabahagi ang sariling karanasan sa mga kaisipang ibinigay mula sa kwento; at H. nagagawa ang isang poster na nagpapakita at naglalarawan sa kaisipan na nais ipahayag ng mayakda sa kanyang kwento.
II.Paksang Aralin Paksa: “Tata Selo” ni Rogelio Sikat Sanggunian: Kudyapi, pahina 80-90 Paquito B. Badayos et. al. Kagamitan: pahayagan, larawan Pagpapahalagang Moral: Huwag maging mapang – mapang – api api at dapat ipaglaban ang karapatan ng isang tao Kasanayan: Pakikinig at pagsusuri ng kwentong “Tata Selo” III.Pamamaraan 1. Pagganyak Ang bawat isa ay bibigyan ng tig-iisang kopya ng isang balita sa pahayagan tungkol sa CARP na pagkakaloob ng lupa sa mga magsasaka. Mula sa nabasang balita ay papangkatin ang klase sa limang pangkat. Sila ay pupunta sa kanilang kapangkat at magkaroon ng “brainstorming” mula sa nabasa. Dito mangyayari ang pagsasalaysay ng mga narinig / nasaksihan / naranasang pangyayari hinggil sa mga isyung sosyo-politikal sa ating bayan, ang relasyong magsasaka at may-ari ng lupa. 2. Paglalahad
Sa loob ng klase ay tatalakayin ang tama ng kwento at sa mga isyung sosyo-politikal sa nakapaloob sa akda. 3. Pagbibigay ng Pangganyak na Tanong Mga gabay na tanong: 1. Bakit ganun ang pamagat ng kwento? 2. Interesado ba kayong malaman ang kwento? 4. Pag-alis ng Sagabal Ipapangkat ang klase gaya ng kanilang dating pangkatan. Sila ay bibigyan ng papel na may salitang hahanapan ng kahulugan. Hahanapin ito mula sa ibinigay na word search. MGA SALITA: 1. istaked 2. kutod 3. propitaryo 4. nangungulintab 5. tinungkod 6. mangudngod 7. kinadyot 5. Pagtatalakay Pagkatapos ay pagtatalakay hinggil sa mga pangyayari sa kwento, mga di tuwirang pahayag na kaisipan at pagkilala ng mga tauhan sa kwento. Kilalanin at iuugnay sa sarili , sa mga tauhan ng akda. NOTE: Ang klase ay bibigyan ng takdang panahon para sa pag-uusap at pagtanggap sa katotohanan sa isang pagkakataon sa panig ng: naapi, nang-aapi, nakita ang mga pang-api ngunit walang ginawang kilos, tumulong sa naaapi, di mabigyang katarungan ang mga pang-aapi. Tatalakayin ng guro ang mga sangkap ng isang maikling kwento. Dito napapaloob ang pagsusuri ng kwento. Inilalapat din ang mga bisang pampanitikan ng isang maikling kwento. 5. Pagpapahalaga/ Pagpapalawak 1. Anu-anong mga kaisipan at pagpapahalaga ang nakita natin sa akda gaya ng: a. mahalaga sa isang tao ang dangal b. pilit na hahanapin ang katarungan 2. Ano sa palagay niyo ang maaring susunod na mangyari?
IV.Ebalwasyon
1. 2. 3. 4.
Batay sa mga kaisipang inilalahad sa sa akda at ayon na rin sa iyong pansarili, karanasan, sumulat ng talata tungkol sa alinman sa sumusunod na paksa. Pumili ng dalawang paksa. Di lahat ng nabibilanggo ay kriminal Ang ugnayanng magsasaka at may-ari ng lupa. Mga suliraning sosyo-politikal Mahalaga sa isang tao ang dangal.
V.Takdang Aralin Sa isang short bond paper, gumawa ng isang poster na napapaloob ang kaisipan o diwang nais ipahayag ng may-akda. Gawing kawili-wili at maging malikhain sa pagguhit nito. Lagyan ng pagpapaliwanag ang iyong nabuong kaisipan batay sa larawan na ipinakita.