Kuwento ng isang binatang amang si Lino Rivera at ng hindi niya matumbasang pag-ibig ng dalagang punonggurong si Bb. Loreto Sanchez dahil sa pagkilala niya ritong isang panginoong dapat sambahin ha...
Short Story
Full description
Maikling KuwentoFull description
dmjfdgfiwr6trtyre8w7fer
Florante at Laura - Alaala ng Kamusmusan (Buod)Full description
Case analysis on Ang Kwento ni Rosario
philosophy
buod ng el filibusterismoFull description
Full description
mula sa isang pelikula
Full description
buod
ang maria makiling
Filipino :)Full description
Buod ng kwento ni Tata Selo *Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila n ila sa kanila pero dahil sa kawalan ka walan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. *Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo. Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa. Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat". *Mabilis na kumalat ang usapan tungkol sa pagpatay ni Tata Selo kay Kabesa, ito'y naging mainit na usapan ng mga tao at karamihan ay hindi makapaniwala na nagawa nya ito, dahil halos lahat ng tao sa kanilang ay kilala siya bilang isang mabait na tao . Sya ay kinausap ng presidente habang sya ay nasa likod ng mga rehas, at tinanong kung bakit nya nagawa ito. Palaging sagot ni Tata Selo na tinungkod sya ng Kabesa nang subukan nyang makiusap na huwag syang tanggalin sa pagsasaka dahil ito lamang ang kanyang ikinabubuhay sa kanyang pamilya. Sabi ng binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque na hindi yun sapat na katwiran; paliwanag nya, hindi sya nauunawaan ng mga tao, kung anuh ang rason kung bakit nya nagawa ang nasabing krimen. May isang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong kung paano na ang kanyang anak, si Saling, na naninilbihan kanila Kabesa. Ayaw nyang masali ang kanyang anak sa nangyayari dahil ayon sa kanya, may sakit si Saling at mas
makabubuti sa kanya ang magpahinga at mapalayo sa kapahamakan. Matapos ang buong araw ng pagsusuri, habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas,habang siya ay nahandusay sa sahig, sinasabi ni Tata Selo na lahat ay kinuha na sa kanila, wala nang natira sa kanila, bukod kasi na nasa bilanguan na siya,nwalan pa sila ng ikinabubuhay at may sakit pah ang kanyang anak.