Ikalawang Markahang Pagsusulit - AP 7Full description
Contents are NOT ALL mine. Credits to the sources I used. Because of rushing, I wasn't able to put it here, but I acknowledge them in my course outline. Thank you, authors of different refer…Full description
Full description
grade 10Full description
Filipino
Filipino
AP 10 Ekonomiks Ikatlong Markahang PagsusulitFull description
Full description
FilipinoFull description
unang markahang pagsusulit sa filipino
htgfh
fil 10Full description
Full description
FilipinoFull description
AP10
teest
UNang markahang pagsusulit sa EsP 9
1st Quarter Exam in Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahang Pagsusulit Sa Filipino IIIFull description
pangungusap , ayos ng pangungusap,
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
TALAAN NG ISPISIPIKASYON Edukasyon sa Pagpapakatao VI
Mga Kasanayan
Bilang ng Aytem
Kinalalagyan ng Aytem
%
1. Naipapakita ang paggalang sa may kapangyarihan.
5
1-5
10%
2. Naipapakita ang pagsunod sa batas at patakaran na pinairal ng pamahalaa.
5
6-10
10%
3. Naipapakita ang pagtulong at pagtupad ng mga tuntunin at batas.
7
11-17
14%
4. Natutukoy ang mga paraan sa malayang pagpapahayag.
8
18-25
16%
5. Naipapakita ang pagsasaalang alang sa karapatan ng iba.
10
26-35
20%
6. Naipapakita ang pagiging matapang sa animang trahedyang duamaa.
5
46-50
10%
7. Natutukoy ang katangian/kakayahan ng Pilipinong kilala sa iba’t ibang larangan.
10
36-45
20%
KABUUAN
50
50
100%
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT Edukasyon sa Pagpapakatao VI
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Nakasalubong ni Mario ang kanilang kapitan habang siya ay naglalakad. Ano ang dapat niyang gawin? a.
Tumungo at magkunwaring hindi nakita ang Kapita.
b. Bariin ang Kapitan: “Kumusta?” c.
Batiin ang Kapitan: “Magandang umaga po, Kapitan.”
2. Pumunta sa inyong tahanan ang isa sa mga kagawad ng inyong barangay upang magtanong ng mga ilang bagay. Ano ang gagawin mo? a.
Hindi ko siya patutuluyin.
b. Patutuluyin ko siya at pauupuin. c.
Lalampasan ko lamang siya.
3. Nagmamadali ka at nais mo nang tumawid, nakita mong walang pulis na nagbabantay. Ano ang gagawin mo? a.
Hihintayin ang hudyat kung kailang maaaring tumawid.
b. Titingin sa kaliwa’t kanan kung walang makakakita sa kanyang gagawing pagtawid. c.
Mabilis na tatakbo patawid sa kabilang kalsada.
4. Umiinon ka ng juice na nakalagay sa lata. Naalala mo ang sinabi ng iyong ina na itapon ang lata sa tamang lalagyan. Ano ang gagawin mo? a.
Ilagay ito sa basurahan.
b. Ilagay ito sa basurahan na may nakalagay na karatulang nabubulok. c.
Ilagay ito sa basurahan na may nakalagay na kar atulang di-nabubulok.
5. Hindi napansin ng iyong ama ang pulang ilaw at dire-diretso ang patakbo niya sasakyan Narinig mo ang pito ng pulis. Ano ang dapat mong gawin? a.
Pabayaan na lamang ito spagkat marahil ay di nito natandaan ang kanilang sasakyan.
b. Tatapikin ko ng mahina si itay at sasabihing pinituhan kami ng pulis at marahil ay nakagawa ng paglabag sa batas. c.
Tatapikin ko si Itay ng mahina at pahihintuin sapagkat nakagawa siya ng paglabag sa batas.
6. Ang mga barangay tanod ang siyang namamahala ng trapiko sa tapat ng inyong paaralan. Pinatigil ka nito at sumenyas na hintayin ang kanyang hudyat. Ano ang gagawin mo? a.
Bibitaw sa kanya at tatakbo ng mabilis.
b. Hindi ko siya susundin at tatawid ako kung kelan ko gusto. c.
Hihintayin ko ang kanyang senyas kung kalian maaari na akong tumawid.
7. Malapit ng dumilim nang ipatapon sa iyo ng iyong in ang inyong mga basura. Malayo ang pagtatapunan mo nito at dadaan ka pa sa ilog na may karatulang nakasabit sa puno na “Bawal magtapon ng Basura sa Ilog.” Ano ang gagawin mo? a.
Itatapon ko ang basura sa ilog, madilim na at wala nang makakakita sa akin.
b. Magtitiis akong maglakad ng malayo upang itapon angaming basura sa tamang lalagyan. c.
Hindi ko susundin ang utos ni inay sapagkat malapit nang dumilin.
8. Wala kang perang pambili ng bulaklak para sa namayapa mong ina. Napadaan ka sa parke at nakakita ka ng maraming bulaklak ditto ngunit may karatulang nagsasabing “ Bawal Pumitas ng BUlaklak Dito.” Ano ang
gagawin mo? a.
Hindi ko pipitasin ang bulaklak at ipagdarasal ko na lang si inay.
b. Titingin ako sa paligid at kung walang nakakakita ay pipitasin koi to para lamang sa aking ina. c.
Kahit maraming nakakakita ay pipitasin ko ang bulaklak at sasabihin ko na lamang na ito ay par a sa namayapa kong ina.
9. May ordinansa sa inyong barangay na ang mga batang edad 17 pababa ay kailangang manatili na sa mga sarisariling tahanan at wala ng maaari pang lumabs simula als-nwebe nang gabi hanggang alas-kwatro ng umaga. Ano ang gagawin mo? a.
Hindi koi to susundin sapagkat marami naman akong pwedeng idahilan.
b. Susundin ko ito para na rin sa aking kaligtasan. c.
Lalabas ako kung kelan ko gusto at tataguan ko na lamang ang mga nagroronda.
10. Namigay ang mga opisyal ng barangay ng sulat na kailngang nakatali ang mga alagang aso upang hindi makapangagat ng ibang naninirahan sa barangay. Ano ang dapat ninyong gawin? a.
Ipamigay na lamang ang alagang aso.
b. Itali ang aso upang di makapangagat ng iba. c.
Huwag pansinin ang ipinadalng sulat ng barangay.
11. Nakita mong walng pakundangang itinapon ng may ari at mga trabahador ng pabrika ang langis at mga nakakalasong kemikal sa dagat. Ano ang gagawin mo? a.
Idudulog koi to sa mga opisyal ng barangay at hahayaan ko silang gumawa ng aksyon tungkol ditto.
b. Susugurin ko ang mga taong ito at pagsasabihan. c.
Pababayaan ko na lamang ito sapagkat di naman ako apektado ditto.
12. Malapit ng matapos ang pagpaparehistro ng pagiging botante. Naalala mong 18 taon na ang ate mo at alam mong hindi pa siya nakakapagparehistro. Ano ang gagawin mo? a.
Hahayaan ko na lamanh siya sapagkat mas nakakatanda siya sa akin.
b. Ipapaalala ko sa kanya na malapit nanag matapos ang pagpaparehistro. c.
Sasabihin k okay ate na malapit na ang botohan.
13. Dumating ang isang pulis sa inyong sild-aralan upang ibahagi ang kanyang nalalaman sa mga batas na ipinatutupad sa ating bansa. Ano ang gagawin mo? a.
Lahat ng aking nalaman ay ibabahagi ko sa aking pamilya.
b. Hindi ko muna ito isasaisip sapagkat ako ay bata pa lang. c.
Hindi ako makikinig sapagkat wala akong mahihita rito.
14. Si George ay isang botanate. Sino kaya ang pipiliin niya? a.
Si Mayor Ligaspi dahil sa pagiging mabait, matapat, mababang loob ngunit walang gaanong karanasan sa batas.
b. Si Mayor Perez dahil sa pagiging mabait, matapat, mayaman at maraming negosyo. c.
Si Mayor Reyes dahil sa pagiging matapat, mabait, abogado at may t akot sa Diyos.
15. Napansin mong hindi itinapon sa tamang lalagyan ngiyong kapatud ang kanilang pinagkainan. Ano ang dapat mong gawin? a.
Magkukusa na lamang akong itapon ito sapagkat aako naman ang nakakatanda.
b. Sasabihan ko ang mga kapatid ko sa ginawa nilang ito. c.
Sasabihan ko ang mga kapatid ko at ipapatapon ang mga pinagkainan sa tamang lalagyan.
16. Nakasalubong mo ang lalaking mukhang takot na takot at may dalang bag na puno ng alahas at pera. Pagdating mo sa inyong bahay narinig mo na lamang na nag –uusap ang iyong mga magulang tungkol sa nakawang nangyari sa inyong kapitbahay at di pa nahuhuli ang gumawa nito. Ano ang gagawin mo? a.
Sasabihin sa magulang na nakita ko ang lalaking may dalang bag na puno ng alahas at pera at baka ito rin ang nagnakaw sa inyong kapitbahay.
b. Hindi koi to sasabihin spapagkat baka kami ang balikan ng taong ito. c.
Sasahin mo sa iyong mga magulang ang pangyayaring nakasalubong mo ang lalaking may dalang bag n amay lamang alahas at pera at magpapasama ka sa pulisya upang ireport ito.
17. Nakita mong ninanakawan ng mga binatilyo ang tindahan malapit sa inyo. Ano ang gagawin mo? a.
Babalewalain ko na lamang ito.
b. Pasimple kang sesenyasan ang may-ari ng tindahan at ituturo ang mga binatilyo. c.
Magsisigaw ka upang mabulabog lahat ng tao ng tindahan at maalerto ang mga binatilyo.
18. Nais mong ipahayag nag iyong saloobin tungkol sa nagging tanong ng guro ngunit may nagsasalita pa. ano ang gagawin mo? a.
Hihintayin kong matapos ang nagsasalita at itataas ko ang akin gang aking kamay upang mapansin at matawag ng guro.
b. Tatayo ako at sisingit ako sa pagsasalita ng nagsasalita. c.
Pauupuin ko na ang nagsasalita at ako naman ang magsasalita.
19. Nais mong pag-ibayuhi pa ang sistema ng mga waiter sa re stawran na iyong kinainan sapagkat sa tinngin mo ay hindi ito sapat. Ano ang gagawin mo? a.
Kakausapin ko ang namamahala sa restawran at imumungkahi kong tanggalin ang waiter na di maayos ang pagseserbisyo.
b. Susulat ako sa namamahala ng restawran tungkol sa mga napapansin kong di sapat na serbisyo ng kanilang mga waiter at lalagyan koi to ng lagda s huli. c.
Sisiraan ko ang restawran sa aking m ga kaibigan upang hindi na sila doon kumain.
20. Naniniwala ang mg atao sa lugar nina Roy na mainam magtanim ng binhi ng palay tuwing kabilugan ng buwan. Alam ni Roy na ito ay isang pamahiin lamang. Ano ang dapat niyang gawin? a.
Pagtawanan nag mga taong ito sapagkat wala naman silang basehan.
b. Pabayaan na lamang nag mga taong ito sapagkat wala naming mawawala kung susundin ito.
c.
Ipaliwanag ng maayos sa mga taong ito na ito ay isang pamahiin lamang at walang kinalamn ang pagtatanim ng binhi sa kabilugan ng buwan.
21. Naatasan ng guro ang dalawang mag aaral sa bawat grupo na sila ang magtatala ng makukuhang puntos ng magkabilang panig sa larong basketball. Napansin mong labis-labis na ang puntos ng kalaban sa inyo. Ano ang gagawin mo? a.
Pupunta ako sa namumuno ng laro at sasabihin ko ang aking saloobin ng mahnahon tungkol sa pagbibigay ng puntos.
b. Hihikayatin ang aking ga kasama na sumigaw ng madaya upang makuha ang atensyo ng lahat. c.
Hihikayatin nag ibang ga kasapi na pumunta sa gitna ng court upang ipakita ang pagkadismayado sa pagpupuntos sa magkabilang panig.
22. Si Mang Kiko ay nagtatrabaho bilang isang mekaniko sa isang talyer. Alam niyang mali ang pasahod sa kanila ng kanilang amo at hindi ito makatarungan sa hirap na kanilang dinaranas. Ano ang dapat niyang gawin? a.
Hikayatin ang ibang mga kasamahan na magrally tungkol sa pasahod.
b. Hindi na dapat pumasok kahit walang paalam sa amo. c.
Kausapin ng maayos ang amo na pinagtatrabahuhan at ihayag ang mga hinaing tungkol sa pasahod at kung hindi magkasundo ay magpapaalam ng maayos dito.
23. Napansin ni Dina na mali ang timbangan ni Aling Guada. Kaya pala mukhang hindi tama ang ntanggap niyang bigat ng binili niyang isad. Ano ang gagawin mo? a.
Irereklamo niya ang ginagawang pandaraya ni Aling Guada sa kanilang KApitan ng maayos at mahinahon.
b. Susugurin niya si Aling Guada at pagsisigawan ito upang makahikayat ng atensyon ng ibang mamimili. c.
Hindi ko na irererklamo si Aling Guada spagkt nakaktulog na rin ako sa kanya kahit mali ang kanyang pamamaraan.
24. Sama-sama kayo ng iyong mga kapatid na namimili sa supermarket nang mainis ang isa sa mga kapatid mo patungkol sa mabagal na serbisyo ng mga kahera ditto. Nagyaya na lamang siyang pumunta sa palikuran. Nakita mong sinusulatan ng iyong kapatid anf dingding ng palikuran at dito ibinubuhos ang pagkainins sa kahera. Ano ang dapat mong gawin? a.
Pagbabawalan ko ang aking kapatid.
b. Pagsasabihan ko siya at sasabihing mali ang kanyang ginawa. c.
Babalewalain ko na lamang ito sapagkat baka ito pa ang paraan upang m ailabas niya ang sama ng loob.
25. Mayroong maling nasabi ang guro tungkol sa kanyang paliwanag sa aralin ninyo sa agham. Napansin mo ito. Ano ang gagawin mo? a.
Itatama koi to sa pamamagitan ng pagsasabi sa aking katabi.
b. Tatayo ako at pagtatawanan ang guro hanag inilalahad ko ang tamang paliwanag. c.
Itataas ko ang aking kamay at ipapaliwanag ko ng maayos a t mahinahon ang maling nasabi ng guro.
26. Nais mong magpatugtog ng radio ngunit nakita mong natutulog ang iyong mga kapatid. Ano ang gagawin mo? a.
Hihinaan ko na lamang nag pagpapatugtog
b. Hihintayin ko nalang silang magising at saka ako magpapatugtog c.
Bubuksan ko ang radio at papatugtugin ito at marahil ay hindi naman ito maririnig ng k anyang kapatid.
27. Pinangkat kayo ng iyong guro sa lima. Walang tumanggap sa kaklase mong maitim, kulot ang buhok at pango ang ilong. Ano ang gagawin mo? a.
Hihikayatin kong sa aming pangkat na lamang siya sumali.
b. Hindi ko din siya tatanggapin sa maing pangkat c.
Kunwari ay di ko siya napapansin.
28. Nakita mong di maayos nag suot na damit ng iyong kaklase. Ano ang gagawin mo? a.
Lalaitin ko ang kanyan suot.
b. Pagtatawanan ko ang suot niyang damit. c.
Tatahimik lang ako ant hindi magsasalita ng anumang masakit na salita sa aking kaklase.
29. Nanunuod ka ng telebisyon nang Makita mong nag aaral ang iyong kapatid. Ano ang gagawin mo? a.
Wala akong gagawin at kunwari ay hindi ko siya nakita
b. Hihinaan ko ang volume ng telebisyon upang hindi ko maabala ang aking kapatid. c.
Lalo ko pang lalakasan ang volume ng telebisyon upang siya na ang magkusang lumipat ng lugar kung saan siya mag –aaral
30. Mahilig tumugtog ng gitara si Aldrin, napansin niyang malalim na pala ang gabi. Ano ang dapat niyan gawin? a.
Lumabas ng bahay at doon tumugtog ng gitara
b. Tumigil na sa pagtututog ng gitara upang di makaabala sa mga natutulog. c.
Ititigil nz niya abg pagtugtog ng gitara habangbuhay.
31. Nagsasalita pa si Carmela at may nais kang sabihin sa guro ano nag dapat mong gawin? a.
Iintayin ko munang matapos si Carmela bago ako magsalita
b. Sisingit ako sa pagsasalita ni Carmela c.
Sesenyasan ko ang guro na ako naman ang m agsasalita
32. Alam mong may nalalaman si Dina sa nangyaring kaguluhan sa paaralan. Litang-kita mong natatakot siyang magsalita. Ano ang gagawin mo? a.
Sasang-ayunan na lamang ang desisyon ni Dina na huwag magsalita.
b. Ipapaliwanag k okay Dina na huwag matakot magsabi ng totoo sapagkat marami siyang matutulungan c.
Balewalain na lamang si Dina sapagkat baka madamay pa ako sa gulong ito.
33. Dahil sa sobrang kasiyahan mo ay nagtatalon ka sa tuwa at nagsisigaw ng pagkalakas-lakas at naabala mo ang kabilang silid na nagkaklase. Ano ang gagawin mo? a.
Ittigil ang ginagawa at hihingi ng paumanhin sa naabalang silid.
b. Ipagpapatuloy ang ginagawa sapagkat karapatan mong gawin ang nais mo. c.
Lalabas ako ng silid at doon angtatalon at magsisigaw.
34. Gutom na gutom ka na at nakita mong mahaba ang pila sa kantina. Sno sng dapat mong gawin? a.
Sumingit sa pila.
b. Humanap ng kaibigan at magpabili na lamng ditto. c.
Pumila at magtiyagang mag-intay ng iyong pagkakataon.
35. Nais mong sumama sa field trip sa darating na buwan ng Agosto. Pumayag ang iyong ina subalit dumating mag malaking pagkakagastusan ng iyong kapatid na kung hindi mababayaran ay hindi siya makakakuha ng exam. Ano ang dapat mong gawin? a.
Ipagpipiltan ko sa aking ina na nauna akong nagsabi at ito ay karapatan ko.
b. Sasabihin ko sa aking ina na unahin muna ang dapat unahin. c.
Aawayin ko ang aking kapatid dahil sa pangyayaring ito at ipagppilitan ang aking gusto.
36. Si G. Robredo ay isang kawani ng go byerno at sa tuwing uuwi sa kanyang tahanan ay isang simpleng mamamayan lamang kung titingnan. Anong katangian ang taglay niya? a.
Mababang-loob
b. Matapat c.
Mayabang
37. Kilalang negosyante si Manny Reyes. Naranasan niyang lumagapak ngunit pinilit na bumangon. Anong katangian ang kanyang taglay? a.
Matiyaga
b. Pasikat c.
Mayaman
38. Sikat na host si Tony Gonzales sa Pilipinas at kahit siya ay sikat na gumagamit pa rin siya ng salitang po at opo sa mga taong higit na mas nakatatanda sa kanya. Anong taglay na katangian niya? a.
Matapat
b. Masipag c.
Magalang
39. Mahusay sumayaw si Bong Almante. Maraming umiidolo sa kanyang husay sa pagsayaw. Malapit r in ang puso niya sa mga batang nais matutong sumayaw. Tinuturuan niya ng libre ang mga ito. a.
Bukasl sa loob nag pagbabahagi ng kakayahan
b. Mapagbigay c.
Masipag
40. Dahil sa pagiging masipag ni Mang Kanor kaya’t narrating niya ang kanyang pangarap. Umasenso siya sa buhay at di pa rin niya nalilimutang magsimba at magpasalamat sa Diyos. a.
May takot sa Diyos.
b. Matulungin c.
Matapat
41. Kahit sikat na sikat na si Manny Paquiao hindi pa rin niya nakakalimutang magbigay ng kaunting donasyon sa mga foundations. a.
Matulungin
b. Sakim c.
Maasipag
42. Unang beses magtatanghal ni Angeline sa entablado na mar aming tao ang manunuod. Nagawa naman niya ito ng maayos at marami ang pumalakpak sa kanya. Anong katangian mayroon siya?
a.
Mayabang
b. May tiwala sa sarili c.
Pasikat
43. Hindi nagging sagabal kay Jane Felipe ng pagiging mahirap. Sa tueing nalalagay sa sitwasyong ito ay kumakapit lamang siya sa Panginoon at nalalampasan niya ito lahat. Anong katangian mayroon si Jane. a.
Matapang
b. Matatag na paniniwala sa Panginoon c.
Malakas ang loob
44. Sa halip na itapon nag mga bagya na maaar i pang gamitin ni Joshua Andres ang sikat na mang-aawit, itinatago niya ito upang muling gamitin sa ibang pagkakataon. a.
Kuripot
b. Matipid c.
Malambing
45. Hindi kinabahan si Jessica Suarez sa kanyang unang pagpeperform sa ating bansa bagkus ay nag enjoy pa siya dito. a.
May tiwala sa sarili
b. Mayabang c.
Pasikat
II. Panuto. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 46-47. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng katapangan? 48-50. bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong katapangan sa anumang trahedyang dumating sa iyo?
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6 SUSI SA PAGWAWASTO
1. A 2. B 3. A 4. C 5. C 6. C 7. B 8. A 9. B 10. B 11. A 12. B 13. A 14. C 15. C 16. C 17. B 18. A 19. B 20. C 21. A 22. C 23. A 24. B 25. C 26. B 27. A 28. C 29. B 30. B 31. A 32. B 33. A 34. C 35. B 36. A 37. A 38. C 39. A 40. A 41. A 42. B 43. B 44. B 45. A 46. -50. GURO ANG MAGWAWASTO