Applied Subject 4
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK) Handout 1
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Ang pagsulat ay masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa ispesipikong lingguwistikong pahayag (Rogers, 2005). Ang pagsulat ay sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na kumakatawan sa mga pahayag (Daniels & Bright, 1996). Ito ay masistemang proseso. Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung walang wika, walang pagsulat. Arbitraryo ang mga sistema ng pagsulat. Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord o pagpreserba ng wika. Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat (Fischer, 2001). Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao. Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon (Goody, 1987).
AKADEMIKONG PAGSULAT Sa globalisadong mundo, nakaaangat ang mga indibidwal na may kasanayan sa akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat.
Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pagiisip. Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip. May kakayahan din siyang mangalap ng impormasyon o datos, magorganisa ng mga ideya, mag-isip nang lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.
Halimbawa ng akademikong teksto: Abstrak Bionote Panukalang Proyekto Posisyong Papel Photo Essay
Talumpati Sintesis Repleksibong Sanaysay Katitikan ng Pulong Lakbay-Sanaysay
Pagkakaiba ng Akademiko at Personal na Pagsulat Personal na Pagsulat impormal ang wika Mischelle D. Mariano Ikalawang Semestre, 2016-2017
Akademikong Pagsulat pormal ang wika
Pahina 1 ng 4
magaan ang tono at kumbersasyonal madalas ay maligoy ang paglalahad nangangailangan ng hindi literal na pagbasa karaniwan ay bunga ng imahinasyon
seryoso ang tono hindi maligoy at direct to the point ang paglalahad literal ang pagbasa at hindi ginagamitan ng mabubulaklak na pananalita pinahahalagahan ang kawastuan ng mga impormasyon bunga ng masinop na pananaliksik
Uri ng Akademikong Pagsulat ayon sa Layunin 1. Impormatibong Sulatin Nagbibigay ng kaalaman at paliwanag Halimbawa: balita, lahok sa encyclopedia, ulat na nagpapaliwanag ng estadistika, konseptong papel, sulatin tungkol sa kasaysayan, tesis 2. Malikhaing Akda Nagbibigay rin ng impormasyon ngunit higit ang layunin nitong makapagbigay-aliw sa mga mambabasa Halimbawa: autobiography, diary, memoir, liham, movie review 3. Sulating Nanghihikayat May layuning kumbinsihin o impluwensiyahan ang mambabasa na pumanig sa isang paniniwala, opinion, o katuwiran Halimbawa: konseptong papel, mungkahing saliksik, posisyong papel, manifesto, editorial, talumpati Mga Hulwaran sa Akademikong Pagsulat 1. Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino. Halimbawa, ang pormal na depinisyon ng salitang “kalayaan,” mga salitang kasingkahulugan nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito 2. Enumerasyon – itinatala ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay. Ginagamit ang mga signal na bilang panimula,
Mischelle D. Mariano Ikalawang Semestre, 2016-2017
Pahina 2 ng 4
una, ikalawa, susunod, pagkatapos, bilang pagwawakas, gayundin, sa katunayan, halimbawa, at iba pa. 3. Pagsusunod-sunod ayon sa Panahon – pagsasaayos ng mga pangyayari o proseso batay sa wastong sequence. Halimbawa, kronolohiya ng mga pangyayari sa Pilipinas mula 1896 hanggang 1898, o ang proseso ng pagluluto ng adobo. 4. Paghahambing at Pagtatambis – paglalahad ng pakakatulad at pagkakaiba ng mga tao (PNoy, PDigong), lugar (Gabu at La Paz), pangyayari (Pasko, Bagong Taon), konsepto (pagmamahal, pagseselos), at iba pa. 5. Sanhi at Bunga – paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na epekto nito. Halimbawa, dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura ay lagging bumabaha sa kalakhang Maynila. 6. Problema at Solusyon – paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga ito. Halimbawa, edukasyon ang sagot sa kahirapan. 7. Kalakasan at Kahinaan – paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon, o pangyayari. Halimbawa, mga kalakasan at kahinaan ng mga programang K-12 sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Halimbawa ng Akademikong Sulatin ABSTRAK Ang pananaliksik-papel na ito ay naglalayon na maipakita ang impresyon ng mga estudyante ng unang taon ng College of Nursing ng UST sa mga taong nagpi-PDA (Public Displays of Affection) sa loob ng paaralan. Ito ay sa dahilang nais ng grupo na maipahatid sa mga mambabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng ibang tao sa PDA. Sa ganitong paraan ay mabigyan ng karampatang aksyon ang mga problema sa PDA. Upang makalap ang mga kinakailangang impormasyon, ang grupo ay nagsagawa ng sarbey sa mga estudyante sa unang taon ng UST College of Nursing. Mula dito, nahinuha ng grupo na hindi maganda ang tingin ng mga nasabing respondente sa mga taong nagpi-PDA. Ngunit, karamihan sa kanila ay walang reaksyon sa pagbibigay ng parusa sa mga ito. 1. Tungkol saan ang pag-aaral ayon sa binasang abstrak? Mischelle D. Mariano Ikalawang Semestre, 2016-2017
Pahina 3 ng 4
2. Ano ang layunin ng abstrak na ito? 3. Ano-anong bahagi ang makikita mo rito? 4. Ano ang kalakasan at kahinaan ng abstrak na ito? Digong binati si Trump MANILA, Philippines – Nagpaabot na ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay US president-elect Donald Trump matapos manalo ito sa US presidential elections laban kay Democratic party candidate Hillary Clinton. “President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to Mr. Donald Trump on his recent electoral victory as President of the United States of America. The United States presidential elections is a testament to the enduring traditions of its democratic system and the American way of life. The two-party system gives American voters freedom of choice based on party platforms, not just on personalities,” pahayag ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na kasama ni Pangulong Duterte sa biyahe sa Thailand at Malaysia. Hangad anya ni Duterte ang tagumpay ni Trump sa kanyang pamumuno sa Estados Unidos. Umaasa rin ito na magkaroon ng magandang relasyon ang US at Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ng bagong halal na Pangulo. Magugunita na inilarawan ni Duterte si Trump sa interview niya kamakailan sa Al-Jazeera television na isang ‘good presidential candidate’. 1. Anong uri ng akademikong sulatin ito? 2. Ano ang paksa ng sulatin? 3. Ano ang layunin nito? 4. Ano ang mga detalyeng inilahad tungkol sa paksa?
Mischelle D. Mariano Ikalawang Semestre, 2016-2017
Pahina 4 ng 4