Ang Buhay Marino.
sa panahon ngayon, maraming kabataan ang piniling tahakin ang landas ng pagbabarko, pagbabarko, sa kadahilanang kadahilanang nais nilang umahon sa hirap at abutin ang kanilang mga pangarap. inakala nila na ang buhay sa barko ay masaya at madali. marahil marahil ay isa na ako sa mga kabataang iyon, pero pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang magsisi. pinili ko a ng kursong ito ng may ganap na pagunawa sa mga alon na dapat kong salubungin sa landas na aking nais tahakin.
Hindi madali ang isang buhay Marino,
-ayon kay Shalnark from Marikina
Iba¶t iba ang pananaw ng tao sa pagbabarko, nais ko sanang ibahagi ang aking panig tungkol sa larangang tinatawag nilang, larangan ng pagbabarko. hindi maubos ang aking galak, ng una akong sumampa sa barko, hindi maubos ang tuwa na aking nadarama, sa ganda ng makukulay na tanawin na aking napagmamasdan habang naglalayag. unti-unti, ang oras ay nagdaan, hindi ko na namalayan, na unti-unti na ring nauupos ang apoy na naglagablab ng unang beses akong makasampa sa barko. walang walang trabahong madali, pero di ko rin namang masabi na mahirap na mahirap ang trabaho sa barko. kung tutuusin, paulitulit lang ang trabaho dito, nakakabagot lang at nakakasawa. sabi nila ang numero uno mong kalaban sa barko, ay ang lungkot. pero para sakin, nalulungkot ka, dahil pinili mong maging malungkot. ika nga nila "ang buhay ay idinidikta ng kung ano ang gusto mo at hindi ng kung ano ang gusto ng iba para sayo". pinili kong maging masaya, inisip ko na lang na ang mga taong kasama ko dito ay ang bago kong pamilya. Andyan si maestro amo, siya ang gumagabay sa akin sa kubyerta, maituturing pangalawang ama, parehas din sila ng kaarawan ng aking ama. andyan si mayor (ma-yor not may-or) na nagsisilbing parang ina, naghahanda ng masasarap na pagkain upang bigyang lakas ang bawat myembro ng pamilya na makapagtrabaho ng mabuti sa kubyerta. andyan ang mga a/b at o/s na nagsisilbing mga kuya na gumagabay din sa araw araw na pamumuhay sa loob ng barko, nariyan din si messman na nagsisilbing kaibigan, nariyan ang mga opisyal na nagsisilbing guro. at nariyan ang kapitan na nagsisilbing batas upang mapanatili ang kaayusan. isang malaking pamilyang maituturin ang mga tauhang bumubuo sa buhay sa loob ng barko.
Paano
nakatutulong ang isang Marino sa Ekonomiya ng Bansa?
Ang kaunlaran ng isang bansa ay nakasalalay sa kanyang ekonomiya, kong mahina ang kanyang economy, mahina rin pag-unlad nito. Ano ang ibig sabihin ng ekonomiya? Ayon sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya: Ang ekonomiya ay isang kalipunan ng mga gawain ng tao, pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, palitan, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Ang ekonomiya ng bansang Pilipinas ay nakaugnay sa buwis o taxes ng mga mamayan, sapagkat ang tax na ito ang nagpapagalaw sa lahat ng project ng bansa. Bakit taxes? Dahil ang bansa natin, ang P ilipinas ay di katulad ng ibang bansa na may sariling negosyo, oo, noon mayron tayong sariling corporation ngunit dahil ito ay nalulugi, dahil sa hindi maganda pamamalakad o management ay minarapat ng goberno natin na ipagbili sa pribadong sector, kaya sa ngayon ay umaasa ang Pilipinas sa buwis na ibinabayad ng mamayang Pilipino. Ang ibig sabihin, kung walang buwis na ibinayad ang mga mamayan, Pilipino man o banyaga babagsak ang ekonomiya ng pilipinas kaya dapat bayaran ang buwis na dapat niyang bayaran, dahil kung hindi sila magbabayad ay malulugmok, o magiging lumpo ang Pilipinas.
Nakatutulong ang isang Marino sa Ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pag papasok nito ng Dolyares sa bansa, sa pamamagitan nito natutulungan ng mga marino na mapataas ang Piso laban sa Dolyar. Hindi lang sa pag papadala ng Dolyar sa bansa ang naitutulong ng mga marino. Bukod dito nakatutulong din sila sa pamamagitan ng pag tatayo ng mga establisyamento o mga business tulad ng Restaurant o mga Factory sa bansa. Sa pamamagitan ng pag tatayo ng mga establisyamentong ito maliit man o malaki, nakatutulong sila sa mamamayan sa pamamagitan ng pag bibigay ng trabaho sa mga ito. At dahil nag kakaroon ng trabaho ang maraming tao.. tumataas din ang kita ng Gobyerno sa pamamagitan ng paniningil ng Buwis sa bawat empleyado at mga namamahala ng isang kumpanya.
Sa pamamagitan ng mga buwis na ito napapaganda ng gobyerno an gating bansa, nakapagpapatayo sila ng mga eskwelahan at mga hospital. Dito rin sila kumukuha ng mga pang gastos para sa gastusin ng bansa tulad ng mga pam pasweldo sa mga opisyal ng gobyerno, mga public teachers at lahat ng empleyado ng gobyerno.