Hay buhay, ito ang nagiging resulta ng mga taong nagpapakamakata!!!
talumpati
Full description
Ito ay sadyang ginawa para sa mga nagnanais na humusay sa pagsulat ng sanaysay, lalo na sa mga nag-uupisa pa lang. Maligayang Pagbabasa!
FILIPINO
fil
mga katotohanan tungkol sa taong pag ibig..
Talumpati sa mga Kabataan
Filipino assignment
Impormatibong Talumpati Gay lingo: Wikang Mapagbago Sa pagdaan ng panahon, mapapansin natin ang naging mabilis na paglago ng Swardspeak or Gay Lingo. Ang tinaguriang noong “lihim na wika” ng mga bakla ay madalas na natin ngayong maririnig na ginagamit sa radyo at telebisyon upang mangaliw at magpatawa. Maging sa ibang mga lathalain ay ginagamit na rin ito sa gayunding kadahilanan. Sa ngayon, hindi na rin lamang mga bakla ang maririnig na nagsasalita ng gay lingo. Ito’y dahil pati rin ang an g mga babae, mg aba ta at iba mga kalalkihan ay natututo na ring gumamit ng kakaibang lenggwaheng ito. Dahil sa mga pagbabagong ito, masasabi ma sasabi nating may maaaring maging epekto ito sa ating kultura at lipunan. Kaya naman ang pag -alam sa kasaysayan at mga pagbabago sa lenggwaheng ito ay kailangan. Ayon sa mga lingwista, pidgin ang tawag sa isang uri ng wika na nabuo sa kadahilanang may pangangailangan ang ilang grupo ng tao na mag-usap mag-u sap gamit ang pananalita na sila lamang ang nakakaintindi (Lim,2009). Ito Ito rin ay mayroong alituntuning gramatika o baliralang sinusunod. Alinsunod dito, ang gay lingo ay sinasabing isang prepidgin sapagkat wala itong sinusunod na alituntunin. Walang makapagsasabi n a mali ang barirala o ang pagbigkas ng isang tao sa mga salita sa gay lingo (Santos,2007). Ayon kay Renerio Alba , ang gay lingo ay isang jargon na ginagamit ng mga Pilipinong gay sa tuwing sila ay nakaharap sa malaking grupo ng mga tao upang itago o ikubli ang kanilang usapan tungkol sa apkikipagtalik upang maprotektahan ang mga tao na hindi sanay sa ganitong paksa (Alba,2006). Ayon naman kay Michael Tan, ang gay lingo ay maraming pagkakahawig sa Carabao English kungsaan nilalaro, pinaiikot at pinuputol ang pagbibigkas at kahulugan ng mga salitang Ingles. Ang gay lingo ay isa namang anti-language ayon kay Montgomery. Sinabi Sinabi niya na ang anti-language ay kasukdulang bersyon ng wikang bayan na umuusbong sa mga minorya o maliit na grupo na maituturing na walang lugar o di napapansin sa lipunan. Subalit binawi na niya ito ngayon sapgkat sapgk at ayon sa kanya tanggap na itong lipunan (Ruth, 2008). Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng kaalaman ukol sa pinagmulan at paglago ng gay lingo. Kabilang na rin ditto ang mga pananaw at mga kadahilan ng mga bakla sa paggamit nito pati na rin ang pagbabagong naidududlot nito sa kanilang pakikipagtalastasan. Nakapaloob din ditto ang mga ilnga halimbawa ng gay lingo. Ang gay lingo ay isang magulong pag-uusap na pinauso ng mga Bakla sa Pilipinas. Karaniwang mga termino mula sa gay lingo ay hango sa kilalang tao o bagay ma walang kinalaman sa mga ito. Halimbawa. “tom jones na akech” na ay ang ibig sabihin ay “gutom na ako’’. Si Tom Jones ay pop singer noong 80’s na walang kinalaman sa isyu ng kagutuman.