Hay buhay, ito ang nagiging resulta ng mga taong nagpapakamakata!!!
talumpati
Full description
Ito ay sadyang ginawa para sa mga nagnanais na humusay sa pagsulat ng sanaysay, lalo na sa mga nag-uupisa pa lang. Maligayang Pagbabasa!
FILIPINO
fil
mga katotohanan tungkol sa taong pag ibig..
Talumpati sa mga Kabataan
Filipino assignment
FEDERALISMONG SISTEMA NG PAMAHALAAN “FEDERALISMO TUNGO SA TUNAY NA PAGBABAGO”
Tayong mga Pilipino ay naghahangad ng kalayaan, kapayapaan, at pantay pantay na pamumuhay. Nais nating magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan. Bilang isang Pilipino, isa rin ako sa mga taong naghahangad ng mapayapang buhay, na walang panghuhusga sa kapwa tao at pang-aapi. Kahit sabihin pa nating tao lang tayo at nagkakamali lang, dapat isipin pa rin natin ang kapakanan ng bawat isa Ang pagkakaroon ng Sistemang Federalismo sa Pamahalaan ay maaaring maging susi sa tuluyang pagbabago ng ating bansa. Sa Federalismo, ang kapangyarihan ay mahahati sa pagitan ng National Federal Government at Local State Government. Magiging malaking tulong ito sa ating mga hinahangad na kalayaan, kapayapaan, at pagkakaroon ng pantay-pantay na pamumuhay. Sa tulong nito, bawat Pilipino ay may karapatan ng gumawa ng sariling desisyon at opinyon ukol sa pamayanan. Maaari rin itong maging paraan upang mapaunlad natin ng tuluyan ang ating bansa. Wala ng dayaan dahil lahat ng tao ay mayroon ng karapatan kaya malaki ang posibilidad na tuluyan ng masugpo ang corruption. Mas makakatulong na rin ito sa mga taong nangangailangan dahil bawat rehiyon ay may pondo na upang makabangon kung may kalamidad mang dumating. At dahil may iba’t ibang estado o rehiyon sa federalismo na kung saan ang mga lugar na may pagkakatulad sa kultura at pananalita ay maaaring maging isang estado o rehiyon. Mas mapapahusay ang pamamahala dahil mas mabibigyan ang ganitong pamayanan ng awtonomiya para pamahalaan ang kanilang sariling gawain. Hindi lamang sa pamahalaan nakasalalay at nakabatay ang patutunguhan o ikauunlad ng isang bansa kung di sa mga mamamayang nakapaloob dito Ang Federalismo ay isang sistema na nangangailangan ng mahaba-habang panahon para sa proseso. Walang pagbabago ang hindi nagsisimula sa mahirap na pakikibaka sa kasalukuyan tungo sa ikauunlad ng sambayanan. Matalinong pagpapasya at disiplina sa sarili ang kailangang maintindihan ng maraming Pilipino. Dahil sa kalooban ng isang tao nagmumula ang matuwid at tunay na pagbabago. Sa kabila nito, mayroon pa ring mga masasamang epekto na maaaring maidulot ang Federalismo sa ating bansa. Ngunit kaylangan nating tandaan na lahat ng bagay ay may mabuti at masamang epekto kaya dapat magtulongtulongan tayong mga Pilipino na maiwasan o mabawasan ang mga masasamang maidulot ng Federalismo kung maipatupad man ito. Tayo ay dapat magkaisa.