ISANG TALUMPATI PARA SA KABATAAN BY JAM JUMAWAN Sa tingin nyo kung makikita ni Dr. Jose Rizal ang kabataan ngayon, matutuwa kaya siya? Sabi niya ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan, pero sa nangyayari sa kabataan ngayon, mukang magiging malabo ang tinatawag nating pag-asa. Kung ikukumpara natin ang kabataan noon, sa kabataan ngayon, naku, walang gawa ang kabataan ngayon. Sa ngayon kasi, hindi na uso ang po at opo. Nakalimutan na ang pagmamano. Wala nang saysay ang paga-aral. At higit sa lahat wala nang saysay ang virginity. Dota ng dota, hindi naman naga-aral. Hindi mo naiisip ang magulang mo na nagpapa-aral sayo. Hindi nila tinatae ang perang pinapang-aral mo. Edukasyon na nga lang ang kaya nilang ibigay sayo, hindi mo pa ma-appreciate. Na-first blood ka no? Kung hindi ka parin tinablan, eto pa. Hindi na bago ngayon ang makakita ng grupo ng kabataang babae na parang kinulang sa tela ang mga suot. Kitang-kita ang mga parte ng katawan na hindi naman dapat ipakita sa publiko. Ang aga-aga mangati, nagpakamot sa kapwa kabataan, ayun nabuntis. Sabi ng matatanda, ang pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa asawa mo sa araw ng honeymoon nyo e, ang virginity. Kaso winalang bahala mo ang kasabihan yun kasi hindi ka na marunong makinig sa matatanda. Feeling mo may mas alam ka sa kanila kasi nabubuhay ka sa panahon ngayong may internet at pwede mo i-Google ang lahat. Kung titignan natin, mas matalino at maabilidad sila noon. Walang internet na makakapagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa research nila pero nakapasa sila’t nakapagtapos. Walang copy-paste noon, itatype mo mano-mano ang research mo, malas mo pa kapag nagkamali ka ng kahit isang letra kasi walang erase ang gamit mong typewriter. Pero sa kabila ng hirap noon, hindi sila tinamad gumawa ng assignments. E ikaw, copy-paste na nga lang kailangan mong gawin, tinamad ka parin at pina-xerox mo nalang yung assignment ng utu-uto mong classmate! May pagkain ka sa tapat mo pero hindi mo kinain kasi diet ka. Bat ka ba nagda-diet? Mainstream kasi? O trip mo lang? Hindi mo ba naiisip yung mga batang namamalimos sayo kanina? Nakita mo yung katawan nila na sa ilalim ng balat e, buto kaagad at wala nang laman? Ganun ang mangyayari sayo kung hindi ka makakain. Yung mga batang yun, salat sa pagkain, e ikaw nasa harap mo na yung biyaya hindi mo pa kinain. Nag-aaksaya ka masyado, kung ipagpapatuloy mo yan, dapat ikaw nalang yung naging
bata sa kalsada at yung bata nalang yung may sapat na pagkain. At least siya, maa-appreciate niya yung pagkain na nasa harap niya. Bisyo, hay, bisyo. Pang matanda lang ‘to kaso curious ka kaya tinry mo din. Yosi ka ng yosi, bat di ka pa namatay. Tutal unti-unti mo namang binabawasan ang oras ng buhay mo sa pagyoyosi. Isang yosi ay katumbas ng limang minuto ng buhay mo. Hindi ka naman siguro kawalan sa mundo kung sakaling mamatay ka dahil sa bisyo mo, pero malaking kawalan ka para sa mga magulang mo at mga nagmamahal sayo. Isipin mo naman sila. Nagpakahirap ang nanay mo na dalhin ka sa tiyan niya ng siyam na buwan tapos ngayon magpapakamatay ka? Wag kang timang sa katotohanan. Kahit gaano kasakit ang katotohanan kailangan mo ‘tong tanggapin. Hindi pagpapakamatay ang sagot sa problema. Isipin mo, may isang tao sa isang parte sa mundo na mamamatay na dahil sa isang sakit. Sila, nagkukumahog na mabuhay pa ng mas matagal tapos ikaw, ikaw na mahaba pa ang buhay, gusto magpakamatay. Siguro kapag mamamatay na tayo, dun lang natin naiisip na dapat ginawa nating makabuluhan ang buhay natin para kahit nasa kabilang buhay ka na, wala kang regrets. Dun lang din natin maiisip na mahalaga pala ang buhay at dapat hindi natin pinangunahan ang Diyos dito. Habang hindi mo pa oras, gumawa ka na ng mabubuting bagay para kapag dumating na yung oras na kailangan na maghiwalay ng katawan mo at kaluluwa mo, hindi ka masusunog sa nagbabagang apoy sa impyerno. Bata ka pa, madami ka pang tatahakin kaya hindi mo kailangan dibdibin yang tampuhan niyong magsyota. Laslas, sus, emo. Tapos ipagmamalaki mo yang sugat mo sa braso? Try mo sa leeg minsan. Hindi kasi nakakamatay yang sa braso e. Ang labo ko no? Kanina ayoko kayong magpakamatay, ngayon sinasabihan ko kayong i-try maglaslas sa leeg. Kasi naman, bakit ba natin sinasaktan ang sarili natin e, nasaktan na nga tayo? Ano yun, gusto mo ma-double kill? Bakit hindi natin i-try na magpakasaya kapag nasasaktan? Sana naman may naitulong ako sa inyo. Kung hindi ko man naimulat ang mga nakapikit nyong mata, sana minuta kayo dahil medyo naluha kayo sa mga sinabi ko. Hindi pa huli ang lahat para magbago ka. Bata ka pa, madami pang pagkakataon sa buhay mo na pwede mong baguhin ang mga maling gawa mo noon. Naway maging pag-asa tayo ng bayan tulad ng sabi ni Rizal. Tayo ang kinabusakan. Kung mapapariwara tayo, paano na ang susunod na henerasyon? Mahalin mo ang buhay, magulang at bayan mo. Manalig ka lagi sa Diyos at magpasalamat sa mga biyayang binibigay niya kahit di mo naman hinihingi. Magpasalamat ka din sa mga pagsubok na nagpapatatag sayo. Ibigin mo ang kapaligiran. Kung
hindi man kaibig-ibig ang kapaligiran, gawin mo itong kaibig-ibig. Gumawa ka ng paraan, hindi yung naghihintay ka lang. Salamat sa pakikinig.
"KABATAAN" Sabi nila.. ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kabataan ang magpapaunlad sa susunod na henerasyon, At ang mag-aangat sa Pilipinas. Subalit, sa paanong paraan magagawa ng kabataan ito? Paano?! Kung ngayon pa lamang ang ilan sa atin ay hindi nakakapag-aral! At hindi makapunta sa eskwelahan! Kaya't ang iba'y nagta-trabaho na lang para may maitulong sa pamilya. Tulad ng palilimos, pamumulot ng basura, Pag-bebenta ng kung anu-ano sa kalye. At ang iba ay nakakagawa ng bagay na hindi mabuti. Kaya ma-swerte ka kabataan! ma-swerte ka! Ma-swerte tayo, tayo na nakakapag-aral sa pribadong paaralan. Kung kaya't huwag mong sayangin, Ans oportunidad na makapag-aral. Dahil ito, Ito ang makakatulong tungo sa kaunlaran Na maaring sa darating na panahon, Ikaw kabataan ay isa sa pag-asa at mag papaunlad ng ating bayan. Kaya mag-aral ka! mag-sumikap ka! KABATAAN
Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng bayan? Ayon sa isang sikat na kasabihan, ang kabataan ay ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayongmga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. Iaahon natin itosa kahirapan at ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganaan. Iwawagayway natin ang bandilang ating bayan patunay na tayo’y malaya sa anumang pang-aalipin ng mga dayuhan. Ito ay ilanlamang sa mga katangian at kaugaliang inaasahan natin na taglay ng bawat kabataan para saikauunlad ng ating bayan. Noon, masasabi kong napakatatag ang ating paniniwala sa naturang kasabihan at sakaisipang nais nitong iparating sa atin. Ngunit ngayon parang humina ang paniniwalang ‘to.Masyado na yatang mabilis ang takbo ng panahon. Kasabay sa paglipas nito at sa pagsilang ng bagong henerasyon ay marahil ang paglipas din ng paniniwalang pag-asa ng bayan ang mgakabataan.Tumatayo ako ngayon dito sa harapan ninyong lahat bilang isa sa mga kabataan ngmakabagong henerasyon tulad ninyo. Bigyan ninyo ng katahimikan ang inyong pag-iisip sa mgasandaling ito at alalahanin ninyo ang lahat ng mga pinaggagawa ninyo. Ngayon, sagutin ninyo angtanong ko: kayo ba’y pagasa pa rin ng bayan? Kung ako ang inyong tatanungin, hindi akomahihiya at magaatubiling sabihing “Oo!”. Sapagkat lahat tayo ay pag-asa pa rin ng bayan. Sakabila ng katotohanang may iilan sa atin na mga nagrerebelde, pasaway, batugan at parang wala ngtamang nagawa sa buhay. Umaasa akong balang araw maintindihan nila ang tunay nilangtungkulin at pananagutan. Ngunit paano nga ba natin magagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? Aba simplelang naman! Kailangan lang natin ng kasipagan, katapatan, pagkamakabayan, disiplina at pagmamahal. Ipamalas natin ang ating kasipagan sa lahat ng bagay na nakakabuti o nakatutulong.Hindi ‘yong tipong upo lang ng upo habang hawak ang cellphone at nanunuod ng tv maghapon.Katapatan – maging matapat tayo sa lahat lalo na sa ating sarili. Pagkamakabayan – ang pagtangkilik sa produktong sariling atin ay halimbawa ng gawaing makabayan. Pagmamahal – sino ba naman ang di nakaranas ng pagmamahal? Lahat tayo ay nagmahal at minahal. Kungdisipina naman ang paguusapan, lahat ng nabanggit ay may kaakibat na pagdisiplina. Lagi natingtatandaan na magtatapos din ang ating pagiging kabataan ngunit tayo’y magiging magulang nagagabay at magtuturo sa susunod na henerasyon ng kabataan.Tayo mismo ang tagaguhit ng ating kapalaran sa sarili nating mga palad. Lagi nating isipinna magtatagumpay tayo kung ito’y ating nanaisin. Kapag tayo naman ay nalugmok, ito ay dahil sakagagawan din natin. pagkatandaan na importante ang oras. Huwag na nating ipagpabukas pa angating mga gawain kung puwede naman nating gawin ngayon. Panahon na para tayo ay sumulong! Nasa ating mga kamay ang kaunlaran at kalayaan. Tayo nga’y malaya ngunit ang kalayaa’y hindiupang gawin ang bawat
naisin ngunit upang gawin ang tama at nararapat. Tara na kapwa kabataan! Patunayan nating tayo’y pag-asa pa rin ng Inang Bayan!
Halimbawa ng Talumpati - Sa Kabataan Sa Onofre
Kabataan Pagsanghan
I Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot". Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa. Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pagunlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilogtapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.
II Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pagaaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang. Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.