Michael Arthur Santiago
BS Biology 1A
Talumpati tungkol sa wika Wika, isang salita, na malaki ang naibabahagi sa atin. Ang wika, para sa akin, ay isa sa pinakamaganda na regalong ibinigay sa atin ng panginoon. Isa ito sa mga aspeto ng pagunlad ng sangkatauhan, sa pang-sarili man o sa pang-lipunan. Kung wala ang wika, mananatili tayong nakasadlak sa dilim at walang kaunawaan sa mga bagay na ating nararanasan, nakakasalamuha, at nasusubaybayan. Dahil sa wika, nagkakaroon ng kaunawaan at kapayapaan sa ating mundo. Para sa akin, malaki ang naitutulong ng wika. Sa komunikayson, ang wika ang nagsisilbing daan para mailabas ng isang indibidwal ang kanilang mga saloobin at nararamdaman tungkol sa mga bagay bagay. Tinutulungan din tayo ng wika para masanay at matuto ng iba¶t iba¶t ibang ibang bagay. Sa Sa pamamagitan ng ng komunikasyon, ang isang isang indibidwal ay natututo, nakakaunawa, at nakikipagkapwa sa mga bagay sa ating kapaligiran. Kung hindi dahil sa komunikasyon, ay baka wala na tayong naiisip at natututunan o kaya naman ay wala nang pagkakaintindihan sa bawat nilalang. Ang lengwahe ng tao ay isa din sa mga aspeto ng wika na tumutulong sa ating pagunlad. Ang iba¶t ibang lengwahe sa mundo ay isang paraan para mas lalo pang magkaintindihan ang bawat isa. Bagama¶t may iba ibang lengwahe at dayalekto sa ating mundo, mas nagkakaintindihan ang mga tao sa isang komunidad. Ang bawat lengwahe o dayalekto sa isang lugar ay isang repleksyon ng kulturang nakakabit sa isang lugar. Mas napapadali ang pagkakaintindihan ng tao sa isang lugar dahil sa mga salitang kanilang ginagamit upang ipahayag ang kanilang saloobin. Mayroong mga salita na naangkop lamang sa isang lugar at kahit ano pa mang lengwahe o dayalekto ito. Ito ay nanggaling sa wika. Minsan, naiisip ko, Paano kung walang wika sa ating mundo. Paano na magkakaunawaan ang mga tao? Paano natin maipapahayag an gating nais sabihin kung walang paraan para ito ay ating mailabas Pano uunlad an ating pagkatao kung walang komunikasyong namamagitan sa bawat isa? Mukhang napakahirap kung ang bawat tao ay hindi nagkakaintindihan. Kapag ang tao ay hindi nakakapagsalita, parang may kulang sa ating buhay. Subukan niyong wag magsalita sa buong isang araw, diba¶t parang imposibleng gawin ito. Paano malalaman ng ating kausap ang ating nais sabihin? Pano nila tayo maiintindihan. Mabuti na lang at merong komunikasyon na nagaganap sa bawat tao. Ang pagmamahal ng ating sariling wika ay nawawala na sa ating mga Pilipino. Imbis na gamitin natin an gating sariling wika, ginagamit parin natin ang wika ng mga banyaga. Madalas natin hinahalo ang wika natin sa wika ng iba. Merong nagtataglish, merong gumagamit ng straight english. Naisip ko lang, pwede naman natin gamitin ang sariling wika sa araw-araw na paguusap, bakit hindi natin ito gawin? Sabi nga ni Manuel L. Quezon, Hindi ko nais na Kastila ³
o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika. Bagama¶t nasakop tayo ng ibang mga bansa sa nakaraang mga taon, isa sa mga ebidensya ng pagiging malayang bansa ay ang pagkakaroon nito ng sariling wika. Tama rin naman na hindi natin maiaalis na may magamit at makuha tayong mga salita galling sa ibang bansa, pero dapat siguro na mas pagtuunan natin ng pansin ang sarili nating wika. Mas gamitin at palawakin natin an gating sariling wika para ito ay maging mayaman para hindi na natin kelangan humiram pa ng salita sa ibang mga lengwahe. Mas masasabi natin na tayo ay Malaya sa pananakop ng ibang bansa kung hindi na tayo umaasa sa iba, at isang ebidensya niyan ang paggamit ng ating sariling wika. ´
Isa pang sikat na kataga tungkol sa pagmamahal sa sariling wika ay ang kay Gat Jose Rizal ,sabi niya na ang isang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda.´. Itong mga salitang ito ay isang magandang pahayag patungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Kung hindi mo kayang tanggapin wika ng iyong kapanganakan, para ka naring banyaga sa tingin ng iba. Dapat ay mahalin natin an gating wika katulad ng pagmamahal natin sa ating bayan. Kagaya nga ng sabi ko, ang ating wika ay ang repleksyon ng ating pagiging bansang malaya. Para sa akin, ang paggamit ng ibang wika sa pang karaniwang paguusap ay pagtanggi sa sariling wika. Depende na lang sa situwsayon kung kelan natin gagamitin ang ibang wika katulad ng ingles. Madalas sa skuwelahan ay ingles ang wikang ginagamit sa pagtuturo, pero maliban doon. Mas angkop na gamitin natin ang wikang Filipino. Tama naman diba? Wikang Filipino para sa mga Pilipino? ³
Nakakatuwa ang ating wika. Ang wikang Pilipino ay binubuo ng iba ibang dayalekto galling sa iba¶t ibang lugar sa pilipinas. Ang ating mga dayalekto ay pinagsama sama para mabuo ang isang pambansang wika. Kaya ako natutuwa ditto ay dahil sa simpleng bagay lang ay napakita natin na ang ating bansa ay nagkakaisa. Isa itong senyales na tayong mga Pilipino, kahit na napaghihiwalay ang ating mga lugar ng tubig, ay nagkakaisa. Masasabi ko ngayon na napakahalaga ng wika sa buhay natin. Tama siguro na sabihin na ito ay isa sa mga importanteng regalong ibinigay sa atin ng Panginoon. Buti na lang nandiyan ang wika. Kung hindi, ay baka nananatili parin tayong nakasadlak sa dilim.