Ito ang kumpletong buod ng Noli Me Tangere. Simula kabanata 1 hanggang kabanata 34.
Noli Me Tangere Script by my blockmatesFull description
Descripción: History of Noli me tangere
PagsusulitFull description
A Script for a play about Noli Me Tangere, a masterpiece of Dr. Jose P. Rizal.Full description
Full description
noli me tangere, pagsusulitFull description
Script
A Script for a play about Noli Me Tangere, a masterpiece of Dr. Jose P. Rizal.Full description
Noli
A Script for a play about Noli Me Tangere, a masterpiece of Dr. Jose P. Rizal.Full description
youifhedfdeger
sbc skdjlfFull description
A Script for a play about Noli Me Tangere, a masterpiece of Dr. Jose P. Rizal.Full description
Full description
Uploaded from Google Docs
Simbolismo sa Pabalat ng Noli Me Tangere Ang Pamagat na Noli Me Tangere ay nasa gitna mismo ng pabalat. Tandaan sana na ang kahulugan sa Filipino ng pamagat ng Nobela ay HUWAG MO AKONG HIPUIN. Nagbababala kaya si Rizal sa kaniyang mga mambabasa sa maaring maging epekto ng pagbabasa nito sa kaniyang kapanahunan. Ang pamagat ng nobela ay humahati sa pabalat sa dalawang magkahiwalay na bahagi. Ang magkabilang triyangulo na inyong nakikita na hinahati ng pamagat ay kumakatawan sa dalawang magkaibang kapanahunan.
Itaas na bahagi Ang Kahapon Ibabang bahagi Ang hinaharap ng bayan; Ang kanang triangulo ay isang paglalarawan ng mga elemento na bumubuo ng panlipunang realidad sa kapanahunan ni Rizal.
Paa ng Prayle Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulo ang paa ng prayle. Ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa kung ano ang pinakabase ng kolonyal na lipunan sa kaniyang kapanahunan. At bilang pagpaparamdam sa mga mambabasa kung sino ang tunay na nagpapalakad ng bayan. Sapatos Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng mga prayle sa aral ni Cristo para sa kaniyang mga tunay na alagad. Huwag din kayong magdala ng supot ng pagkain sa paglalakad; kahit dalawang bihisan, kahit panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kaniyang ikabubuhay. Mateo 10:10 Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paanan ng prayle ay isang anyo ng pagbubunyag sa pagiging maluho ng mga prayle sa Pilipinas. Nakalabas na binti na may balahibo sa ilalim ng abito Pagpapahiwatig ni Rizal sa kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na kaniyang hayagang tinalakay sa loob ng nobela. O kaya ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa balahibo ng lobo na nasa loob ng damit ng kordero. Ang pulang pangungusap ay lihim na ipahihiwatig ni Rizal sa Kabanata 14 noong murahin ni Don Filipo si San Agustin ng “putris” at sa isang sulat ni Rizal kay Blumentritt (Peb. 2, 1890) Capacete (helmet) ng guardia sibil Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa karapatang pantao ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan. Latigo ng alperes. Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay personal na naging biktima ng latigo ng alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo ng alperes ay pagpapakita na hindi niya malimutan ang ginawang pananakit sa kaniya ng alperes sa Calamba noong kaniyang kabataan. Kadena Inilagay ni Rizal ang kadena sa pabalat ng aklat bilang simbolo ng kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan. Suplina Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang kanilang mga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay makapaglilinis sa kanilang mga nagawang kasalanan. Para kay Rizal, wari bang ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia sibil ay hindi pa sapat para sa mga Pilipino at kailangan pang sila na mismo ang magpahirap at manakit sa kanilang mga sarili. Punong kawayan isang mataas ngunit malambot na puno. ang pangunahing katangian nito ay ang pagkakaroon nito ng malaking kahalagahan sa paggawa ng bahay at maraming mga mahalagang kagamitan at kasangkapan sa kapanahunan ni
rizal. inilagay ni rizal ang larawang ito upang ipakita ang pamamaraan ng mga pilipino sa pakikibagay sa mga nagaganap na kalupitan at pagsasamantala ng mga naghaharing uri sa kanilang lipunan. Lagda ni Rizal Pansinin na inilagay ni Rizal ang kaniyang pangalan sa triangulong nakaukol sa kaniyang kapanahunan. Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunan na kaniyang inilalarawan. Bahagi ng manuskrito ng paghahandog ng Noli Me Tangere • Makikita na bago ang bahagi ng paghahandog ni Rizal sa kaniyang nobela ay ang taong 1887. • Paiitaas sa taong 1887 ang malaking bahagi ng manuskrito paghahandog ng nobela. • Pansinin sana na pagkatapos ng paghahandog ay unti-unti ng lumiliit ang panig ng tatsulok. • Isa kaya itong paraan ng pagpapahiwatig ni Rizal na nakikini-kinita na niya ang paglalaho ng kolonyal na lipunan, bilang resulta ng kaniyang nobela. Bulaklak ng Sunflower • Ang sunflower ay isang natatanging bulaklak dahilan sa kakayahan nito na sumunod sa sikat ng araw. • Inilagay ni Rizal ang bulaklak na ito sa layunin na maging halimbawa ng kaniyang mga mambabasa na sundan at ipagpatuloy ang pagbabasa ng kaniyang nobela, na sa kaniyang kapanahunan ay ninanais ni Rizal na maging liwanag ng kaniyang bayan. Simetrikal na Sulo • Iginuhit ni Rizal ang sulo bilang simbolo ng Noli Me Tangere. • Pansining mabuti ang disenyo na kinalalagyan ng liwanag. • Mapupuna ng mga nakapagbabasa ng mga lumang libro, na ito ang karaniwang disenyo na ginagamit noon sa mga pahina ng aklat. • Mapapansin na ang sunflower ay nakatingala sa liwanag ng sulo, na sa panahon ng kadiliman ng panunupil ng kaisipan ay simbolo ng preserbasyon ng kaalaman ng tao. Salitang Berlin Mapapansin ninyo ang salitang “Berlin” – ang lugar kung saan ipinalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere. Subalit ang paglalagay ni Rizal ng “Berlin” sa pabalat ay mayroon din layunin na ipaalam sa kaniyang mga mambabasa ang mayamang koleksiyon ng lungsod sa mga materyales ukol sa Pilipinas. Ang bagay na ito ay sinabi mismo ni Rizal sa kaniyang kaibigang si Blumentritt. Bahagi ng manuskrito ng paghahandog ni Rizal. • Pansining mabuti na ang sulo ay nag-ooverlap sa manuskrito ng paghahandog ni Rizal ng kaniyang nobela. • Ito ay dahilan sa layunin ni Rizal na ang kaniyang sinulat na nobela ay magsilbing liwanag ng bayan, upang makita natin ang ating mga kahinaan na siyang nagiging dahilan ng ating pagiging huli sa karera ng kaunlaran. • O maaring ang mga taong mayroong maliwanag na isipan lamang ang makakatuklas ng tunay na kahulugan ng nobela. Ulo ng babae Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ng paglalagay niya sa tabi ng pinag-uukulan niya ng paghahandog sa nobela. Ito ay walang iba kundi ang INANG BAYAN Ang Krus • Ang krus ang siyang simbolo ng relihiyosidad ng malaking bilang ng mga mamamayang Pilipino. • Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat. • Nakakataas o nakapaghahari sa isipan ng Inang Bayan at ng mga Pilipino. • Bakit ito nasa pinakamataas na bahagi ng pabalat? Siguro ay optical illusion lamang kaya maaring sabihing ang krus ang pinakamataas na elemento sa pabalat. Ang pinakamataas na elemento sa pabalat ay ang dulo ng triangulo na hindi pa nagtatapos at patuloy na lumalapad ayon sa takbo ng panahon. Padalisdis na direksiyon ng tatsulok Parang napanhik ka sa isang bundok. Supang ng Kalamansi Isa sa laganap na paniniwala natin ang kalamansi ay mahusay na sangkap sa paglilinis.
Ito ang dahilan, kung bakit mayroon pang mga produktong panlaba at panlinis ng plato na ipinagmamalaki na mayroong halong sangkap ng kalamansi. • Ang masakit na katotohanan, ang paglalagay ni Rizal supang nga kalamansi sa tabi ng krus ay isang mataas na anyo kaniyang ng insulto para sa kolonyal na Katolisismo na umiiral sa kaniyang kapanahunan. • Walang pinag-iwan sa isang tao na alam mong hindi naliligo at naamoy mo na ang pagiging mabaho. • Pagkatapos mong makita at maamoy ang baho ay saka mo ilalagay sa kaniyang tabi ang isang sabong pampaligo. • Ganyang mang-insulto si Rizal sa kaniyang sining. Masasabi ko ito, dahilan sa halos maraming mga sining si Rizal na kaniyang nilikha bilang isang anyo ng protesta. Dahon ng Laurel • Ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa matatandang sibilisasyong kanluranin. • Ito ginagawang korona para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang, matatalino, at mapanlikhaing mga mamamayan. • Mapapansin na ang mga dahon laurel ay hindi pa napipitas sa halaman. • Isang paglalarawan ni Rizal ng kaniyang pag-asa na ang mga kabataang Pilipino ay pipitasin ang mga laurel na ito upang gawing korona ng inang bayan. • Subalit ang higit na dapat na mapansin na ang krus ay gawa sa bato. • Subalit ang halaman ng kalamansi at laurel ay mga buhay na elemento. • Na maaring lumago sa pagsapit ng panahon. • Mamimili ang krus, kung siya magpapakalinis at makiki-agapay sa pagtalino ng bayan. • O sa pagdating ng panahon ay matatabunan lamang siya ng paglilinis at katalinuhan ng bayan na hindi na bulag sa panatisismo. Supang ng Kalamansi • Ang katotohanan ay pinagtabi ni Rizal ang krus at supang nga kalamansi at mga dahong laurel. • Dahilan sa mayroong dalawang uri ng konsensiya ang nais na ilarawan ni Rizal sa kaniyang nobela. • Una ay ang sinasabi ni Ibarra na “bulag na konsensiya ng bayan”. • At ang pangalawa ay ang isang “PAMBANSANG KONSENSIYA” na nais ni Rizal na sumibol para sa sambayanang Pilipino na hinahadlangan lamang noon ng mga makapangyarihang alagad ng kolonyal na simbahan. • Maaring mapagbintangan ako sa pagiging mapagmalabis sa aking ginawang pagpapakahulugan. • Subalit wala akong takot na ipaalam na ang mga kahulugang aking binanggit ay nakapalaman sa loob mismo ng nobela na ating pag-aaralan. • At sa marami niyang mga artikulo at personal na sulat sa kaniyang mga kamag-anak at mga kasamahan sa kilusang propaganda.
Itaas na bahagi Dahon ng Laurel Ulo ng babae Supang ng kalamansi
KRUS
Ang Pamagat na Noli Me Tangere ay nasa gitna mismo ng pabalat. Tandaan sana na ang kahulugan sa Filipino ng pamagat ng Nobela ay HUWAG MO AKONG HIPUIN. Nagbababala kaya si Rizal sa kaniyang mga mambabasa sa maaring maging epekto ng
Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me tangere
Itaas na bahagi Simetrikal na sulo
Bulaklak ng Sunflower
Ang MAGKABILANG TRIYANGULO na inyong nakikita na hinahati ng pamagat ay kumakatawan sa dalawang magkaibang kapanahunan. ** Ang Kahapon ** Ang hinaharap ng bayan
Ang pamagat ng nobela ay humahati sa pabalat sa dalawang magkahiw
Punong Kawayan
Ibabang bahagi Tanikala
Suplina Latigo Capacete ng guardia sibil. Paa ng prayle na labas ang balahibo. Nakalabas na binti sa ibaba ng abito.