Lanting Region National High School Masusing Banghay – Aralin Araling Panlipunan Grade 10 Enero 27, 2016 I. LAYUNIN Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa; b. nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng agrikultura. II. PAKSANG-ARALIN Paksa: Ang Sektor ng Agrikultura Sangguian: Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral Awtor: Bernard R. Balitao, Et. al. Pahina: 363-385 Kagamitan: Laptop, powerpoint presentation, marker III. PAMAMARAAN Gawaing Guro A. Paghahanda 1. Panimula a. Panalangin b. Pagbati c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum d. Pag tsek ng atendans e. Pagbabalik-aral
Gawaing Mag-aaral
B. Pagtuklas 1. Pagganyak First 5! Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa isip mo kapag binasa, narinig o inaawit ang ‘Magtanim ay ‘Di Biro? Tama! Limang puntos para sa inyo. C. Paglalahad Base sa aking ginawang aktiviti, ang ating paksa sa araw na ito ay 1. Mga Gabay na Tanong Ngayon, basahin naman natin ang mga Gabay na Tanong.
D. Paunlarin 1. Pagtalakay Ilang isla ang bumubuo sa Pilipinas? Mahusay! Dahil sa lawak at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil sa malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing agrikultura. Malaking bilang ng mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya na ipinapakita sa talahanayan. Industriya = 5 M Agrikultura = 12 M Paglilingkod = 18 M AGRIKULTURA – malaking bahagi ng ekonomiya ang nakadepende dito. Nahahati ang sektor ng agrikultura; 1. Paghahalaman (farming) 2. Paghahayupan (livestock)
Ma’am, palay, gulay, mga halaman, tubig at lupa.
Ang Sektor ng Agrikultura
1. Bakit mahalagang sektor ng agrikultura ang agrikultura? 2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura?
Ma’am 7107 po.
3. Pangingisda (fishery) 4. Paggugubat (forestry) Ano-ano ang mga pangunahing pananim sa ating bansa? Jerwin? Ma’am ang mga pangunahing pananim sa bansa ay palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, manga, tabako at abaka. Mahusay! Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa NSCB, magkano ang kabuuang kita ng sekondaryang sector noong 2012? Micha? Ma’am, Php 797,731 Bilyon po. Sa paghahayupan, binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa. Ang Pilipinas ay itinuturing na tagatustos ng isda sa buong mundo. Ang pangingisda ay nauuri sa tatlo, ano-ano ito? Jessa? Tama! Komersyal – tumutukoy ito sa uri ng pangingisdang gumagamit ng bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada. Ano naman ang munisipyo ng pangingisda? Ivane?
Ma’am komersiyal, municipal at aquaculture po.
Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15km sakop ng munisipyo at gumagamit ng Bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng fishing vessel.
Mahusay! Ang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pagisdaan: Fresh (tabang) Brackish (maalat-alat) Marine (maalat) Ang aquaculture ang may pinakamalaki ang naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan na umabot sa anong presyo? Jemar?
Php 92,289.9 Bilyon po.
Magaling! Ang pangisdaang municipal naman? Meldy?
Php 79,527.4 Bilyon po.
Tama! At ang komersyal? Ruel?
Php 65,894.2 Bilyon po Ma’am.
Ito ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikutura? Jhastine?
Ma’am paggugubat po.
Tama. Pinagkukunan ng plywood, table, torso at venner. Ano pa ang pinagkakakitaan na mga produkto?
Tama! Kahalagahan ng Agrikultura Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay saan? Karen?
Magaling! Dapat mapagtuuan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, lalo na ang agrikultura dahil dito nagmumula lahat ng pagkain ng
Mga rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
Ma’am nakabatay po ito sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya.
lahat ng mamamayan. Ano-ano ang kahalagahan ng agrikultura;
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. 2. Pingkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto.
3. Pinagkukunn ng kitang panlabas 4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. 5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa sektor agrikultura patung sa sektor ng industriya at paglilingkod. Sa pangkalahatan, ipinapakita na ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. E. Pagpapalalim 1. Bakit mahalagang sektor ng agrikultura ang agrikultura? Rannie? Ma’am napakahalaga po ng sektor ng agrikultura dahil tulad nga po ng nabanggit kanina, ito ang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng ating bansa. 2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Daryl? Ma’am sa aking sariling palagay, tutulong ako na magtanim ng maraming gulay at ibebenta koi to sa palengke upang magkaroon ako ng kita at maitaguyod ang sektor ng agrikultura. F. Pangwakas na pagtataya Gawain ang Gawain 5: First 10! Para sa sampung puntos! Larawan! Kilalanin! At sagutin ang mga pamprosesong tanong. Gawin ito sa loob ng limang minuto. Isulat ang inyong kasagutan sa inyong mga kwaderno.
IV. TAKDANG ARALIN 1. Ano-ano ang suliranin ng sektor ng paghahalaman, paggugubat, paghahayupan, at pangingisda? 2. Ano-ano ang kasalukuyang solusyong ginagawa ng pamahalaan, mga magsasaka, at mga nasa pribadong sektor?
Sanggunian: 1. Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral Pahina 370-376
Inihanda ni: ALMARIE S. MALLABO Praktis Titser Sinuri ni: Gng. SOTERA P. MOLINA Koopereyting Titser