Uri ng paglalahad ng Filipino MGA URI NG PAGLALAHAD
1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa ng isang bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto. 2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi o paraan ng paglaro ng isang uri ng laro. 3. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng o pinyon o palagay ng editor ng isang pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu. 4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, pananaw, paniniwala at damdamin ng manunulat, hango sa kanyangkaranasan at sa inaakalang palagay niya sa katotohanan. 5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa. 6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin. Naglalaman ng reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag din itong kolum. 7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan. 8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita o naranasan.sa kahalagahan
Halimbawa ng Paglalahad 1. ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG-UUGALI NG MGA MAG-AARAL Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pagaaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaringgawin nila. Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy angkanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang “kaibigan” at “kaagapay” sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon, at ito ay ang teknolohiya. Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan, ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagging madali, mabilis, at mabisa. Kung kaya nama’t napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Ang teknolohiya rin ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman sa mga mag-aaral kundi pati na rin ang kalibangan at kaligayahan. Buko d sa telebisyon at radyo, nandyan rin ang mga home at handheld consoles (hal. PlayStation), mp3 players, ang cellphone, at syempre ang personal computers at ang dala nito ay Internet. Tunay nga’t nabago ng teknolohiya ang pamamaraan ng buhay ng mga mag-aaral, o maging ng kabataan sa kabuuan. Masasabi natin na napakarami ng naitulong ang teknolohiya sa ating buhay.Lahat ng sektor sa ating komunidad ay madarama ang kahalagahan ng makabagong teknolohiyasa pang araw-araw na pamumuhay. Ang mga imposible dati ay kaya nang gawin ngayon.
2.Epekto Ng Teknolohiya Nakakabuti Nga Ba O Nakakasama? Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng t eknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong. Sa isa pang ka hulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.