BIALA, Christine Joyce G. 3BSA
Konseptong Pilipino
MAÑANA HABIT
Konsepto: Ang Manana Habit ay isasng kaugalian na natutunan natin sa mga Kastila. Ang ugaling ito ay nakatanim sa isipan ng mga Pilipino mula pa noong panahon ng mga Kastila kung saan kinauugalian nila ito sa trabaho at pormal na negosyo bilang walang imik na protesta laban sa mga banyaga. A ng ibig sabihin ng salitang “Manana” ay ‘bukas’ o sa ‘tiyak na darating na panahon’ at kilala din bilang “ procrastination” sa Ingles o “mamaya na” sa Filipino. Ang Manana habit ay isang kaugalian kung saan nakakagawian ng mga tao na ipagpaliban muna ang mga gawain sa takdang panahon. Hanggang sa kasalukuyan, ang “manana” habit ay nananatiling pangkaraniwan sa atin mga Pilipino at ito ay nakakaapekto sa atin sa positibo at negatibo na paraan. Ang Manana habit ay maituturing din bilang “ procrastination virus” dulot ng dami ng
negatibong epekto sa atin. Sa ugaling ito, tayo ay nagiging mas tamad at nababawasan ang ating kakayahang makapagtapos ng gawain. Ito din ang isa sa mga higit na dahilan kung bakit tayo ay hindi gaanong umasenso at bakit nahuhuli tayo sa pagbibigay ng ating gawa, kung saan ito ang sanhi ng pagpigil ng ating pagunlad bilang tao. Bunga ng ating katamaran, naging dahilan ito sa atin na hindi gaanong ninais na magtamo kaysa sa magtamo ng mas mataas na hangarin, samakatuwid nawawalan nawawalan tayo ng mga oportunidad.
Likas ng indibidwal : Sa isang tao na nasasanay sa Manana habit, kahit may oras pa upang gawin ang isang bagay, sadyang ipinagpapabukas pa. Habang patuloy naming hinahayaan ang ganitong kaugalian, lahat ng plano ay hanggang plano na lamang o di kaya’y hanggang umpisa lang at di na matatapos. Ang masaklap pa nito, habang lumilipas ang panahon ay dumadami din ang mga plano at mga gawaing di na matapostapos na siyang dahilan ng pagiging maintinang ulo at pagkawalan ng concentration. Ito rin ay magdadala ng pagkakaroon ng pagkabigo at depresyon. Bumababa dain ang tiwala sa sarili, at madalas na kadahilan ng pagkasira ng kanyang karera. Ang Mañana habit ay maaaring magresulta sa stress, pagkaramdam ng pagkakasala at krisis, at malubhang pagkawala ng mga personal na produktibo. Ang mga damdamin pag
pinagsama ay maaaring magsulong ng mga karagdagang pagpapaliban. Habang ito ay pinagpalagay bilang normal para sa mga tao sa umantala sa ilang antas, ito ay nagiging isang problema kapag ito ay nakakahadlang sa normal na gawain sa araw-araw. Ang talamak na pagpapaliban ay maaaring maging isang senyas ng isang batayan ng karamdaman sa isipan. Ang mga nagpo- procrastinate ay maaaring nahihirapang maghanap ng suporta dahil sa stigmatic na paniniwala na ang gawaing pag-ayaw ay sanhi ng katamaran, mababa paghahangad, o mababang ambisyon. Sa kabila ng napakadaming negatibong epekto ng ugaling ito ay may iilang magagandang dulot naman din ito. Dahil sa pagkalaunan pa natatapos ang mga gawain, ang isang tao ay natututong unahin ang mga tiyak at mas mahalagang prioridad. Bunga din nito ay nakakapagpahinga ang isang tao mula sa napakaraming pang-araw-araw na gawain.
Likas ng lipunan: Sa mas malaking antas, ang Manana habit ay nakakapagantala ng mga transaksyon, plano at pagasenso ng mga korporasyon at mga malalaking komersyal at industriyal na grupo. Makikita ang mga taong may Manana habit bilang hindi maasahan na katrabaho sa mga responsilidad at oportunidad. Sabay ng Manana habit ay ang ugaling Bahala Na. Ito ay isang kultural na ugaling Pilipino na naging ekspresyon ng pagpapaniwala ng kapalaran ng mga Pilipino. Pinaniniwalaan na ang salitang “Bahala” ay nanggaling sa salitang “Bathala” at saka naging pariralang “Bahala na” na nagpapahiwatig ng paraan ng mga Pilipino na ipagpaliban na ang ibang bagay sa pangangalaga ng Diyos. Ito ay may maraming kahulugan, ngunit ito ay mas naiuugnay sa kaisipang “ come what may; it is up to God .”
Likas ng Pag-uusisa: Tayong mga Pilipino ay sadyang may malakas na impluwensya ng Manana habit sa atin. Bukod sa kinalakihan lang natin ang ugaling ito ay tinatanggap din natin na tayo ay sadyang may ganitong ugali at hindi iyon magbabago.
Pamamaraan ng pagsisiyasat: Ang mga artikulo sa pag aaral na ito ay mula sa masusing pananaliksik nga artikulo na may kinalaman sa Mañana habit. Ang mga nakapaloob na mga i deya ay mula sa kaisipan at pagaaral ng mga nabannggit na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay daan upang mas lalong maunawaan ang konseptong Mañana habit para sa mas malalim na pagintindi at nawa ’y magamit ang kaalamang ito sa pangaraw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Mga Pulitikal na Pahiwatig : Tulad ng kung ano ang ipinaparatang ng ilang mga dayuhan sa mga Filipino na palaging ginagawa, kahit sa pulitika ay ginagawa naman natin di-mabagong lumang ugali na Manana. Ang ating sitwasyong pampulitika sa katunayan ay nananawagan sa atin na kumilos ng walang pagaalinlangan para sa pagbabago, ngunit tayo ay nagpapalabis sa pagpapaliban-liban. Alam naman natin na mayroon talagang isang bagay na malubhang hindi wasto sa pamamalakad ng ating pamahalaan, kaya’t sinusunod natin ang ating mga sariling nakasanayan na paraan na hindi pinapansin ang mga halatang palatandaan at nag-aatupag na lang sa pangaraw-araw na gawain. Ang mga naturang ay sadya mang ganoon at bagaman naninirahan na tayo sa modernong panahon, ang ating mga gawi ay nananatiling Iberian (Portuguese at Espanyol). Tila nabigo tayo sa pagunawa na kahit mga Espanyol at Portuges sa mga panahong ito ay inabanduna na nila ang kanilang Manana habit pagdating sa pamumuno at nagpakita ng bahid ng France style-revolutionary upang lamang i wasto ang mga bagay.
Mga Akdang Pinagmulan : “Manana”. http://sweetiefreakielei.blogspot.com/2011/01/5-traits-filipinos-cant-be-proudof.html (Date retrieved 22 Mar 2014) “Bahala Na”. http://sweetiefreakielei.blogspot.com/2011/01/5-traits-filipinos-cant-be-proud-
of.html (Date retrieved 22 Mar 2014) Mañana Habit - "Mamaya na lang". http://www.productivepinoy.com/2009/01/maana-habitand-nike.html (Date retrieved 22 Mar 2014) Manana Habit, A Curse? http://englcomadam.blogspot.com/2012/04/manana-habit-curse.html (Date retrieved 22 Mar 2014) Itigil na ang Mañana Habit. http://www.pagusapan.com/itigil-na-ang-manana-habit/ (Date retrieved 22 Mar 2014) Political Manana Habit. http://pinoyobserver.wordpress.com/2008/11/26/political-mananahabit/ (Date retrieved 22 Mar 2014)