PAMANTASANG PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS AGUSAN CAMPUS
KONSEPTONG
PAPEL sa Filipino-II Ipinasa ni: Naranjo, Ma. Alyssa Antoniette Batohinay, Herna Mejias, Zachary Lucino, Algane (GROUP 1 OF I-6) Ipinasa kay: Prof. Fe S. Bermiso (PROFESSOR)
Larangan: Edukasyon
Paksa: Mga Dahilan at Epekto ng Pagkahumaling ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus sa mga Social Networking Social Networking Sites (SNS’s) sa Taong-Panuruan: Taong-Panuruan: 2013-2014
Rasyunal: Sa panahon ngayon ay posible na ang lahat. Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, unti-unti nang napapadali ang paraan ng komunikasyon at pakikipag-ugnayan. Dito nakikilala ang pagkakaroon ng internet. Ang internet internet ay isa sa pinakapopular na naimbento sa panahon ngayon na naglalayong mas palawakin pa ang komunikasyon. At gamit ang internet, sa isang pindot lang ay maari nang maabot ang iba’t ibang panig ng mundo sa pinakamalapit o pinakamalayo man dahil sa mga social networking sites. Ang mga social networking sites ay maraming naidudulot na kabutihan subalit maari ring magdulot ng kasamaan kung pagmamalabisan. Ang mga halimbawa dito ay ang Facebook, Twitter, Tumblr at Instagram. Marami ang hindi makakaiwas ng pagkahumaling dito lalong lalo na sa mga kabataan dahil ito ang trend ngayon, kaya minsan ay naapektuhan na ang mas importanteng gawain. Ang malupit pa ay mas nabibigyan pa ito ng pansin at napapahalagahan kaya marami sa mga mag-aaral ang nakakaranas ng pag baba ng marka. Kaya napapanahon lamang na aalamin ang mga dahilan at mga bagay na nakakaapekto sa pagdami ng bilang ng mga mag-aaral sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus na nahuhumaling sa mga Social Networking Sites (SNS’ (SNS’s) sa taung panuruan: 2013-2014 para mabigyan ng karampatang solusyon ang ganitong uri ng suliranin. Kapag ito ay masosolusyonan, malaki ang maitutulong nito sa mga mag-aaral ng Pamantasang Normal Pilipinas-Agusan Campus sapagkat ito ay magiging daan sa mas maunlad na mga mag-aaral at mas maayos na kinabukasan nito. Maging daan rin ito sa matalinong paggamit ng mga SNS’s, hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa susunod na henerasyon.
Layunin: A. Pangkalahatan Naglalayon ang pananaliksik na ito ang mapag-aralan at mailahad ang mga dahilan at epekto sa mga mag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus sa mga Social Networking Sites (SNS’s) sa (SNS’s) sa taong-panuruan 2013-2014. B. Tiyak 1. Mailalahad at matutukoy ang mga dahilan at epekto sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa mga Social Networking Sites Sites (SNS’s) sa taong tao ng panuruan 2013-2014.
2. Mapapangkat ang mga dahilan at mga bagay na nakakaapekto sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa mga Social Networking Sites Sites (SNS’s) ayon sa katayuang ekonomiko at edad ng mag-aaral. 3. Makapaghayag at makapagbigay ng impormasyon sa kinauukulan o sa nasabing institusyon upang makabuo ng garantisadong hakbang at makagawa ng mabisang solusyon at agarang aksyon upang maagapan ang mga naitalang di mabuting bunga nito sa mga mag-aaral.
Panimulang Haka: 1. Dahilan sa pag-uso pag-uso ng mga Social Networking Sites (SNS’s), ang mga mag-aaral mag-aaral ng Pamantasang Normal ng PIilipinas ay nagkakaroon ng problema sa pagkahumaling dito na nagdudulot sa pagwawalang bahala sa mas importanteng gawain, pag-aaksaya ng oras at pagka-adik dito. Ang pananaliksik na ito ay magiging daan upang mailahad ang mga dahilan at mga bagay na nakakaapekto sa pagkahumaling dito sa mga mag-aaral at mabigyan ng solusyon o pababain ang pagdami ng bilang ng mag-aaral na nahuhumaling dito. a) Nahuhumaling ang mga mag-aaral dahil: sa koryusidad o presyur sa barkada, sa pagkakaroon ng maraming kaibigan at makilala ito, pampalipas oras at nagbibigay ng kaunting kasiyahan, nalilibang sa marami at bagong mga laro, makapaglathala ng pangyayari o iyong “post status”, makapagdala ng personal na mensahe, makapaglathala ng mga litrato at video, makapagbigay ng komento at higit sa lahat nabibigyan ng pagkakataong makita ang mga kamag-anak sa malalayong lugar. b) Ang mga epekto naman nito ay ang sumusunod: pagbaba ng marka ng mag-aaral, pagtaas ng stress, nakakasira sa oras ng pagtulog, pag-aaksaya ng pera, oras at enerhiya, naging daan rin ito sa talamak na krimen tulad ng nakawan ng panirang uri, murahan ng mga litrato puro kalaswaan o yung mga nude photos, panlolokong mga negosyante ngunit scam pala ito at marami pang iba. 2. Sa ngayon, dumarami ang mga dahilan sa pagkahumaling ng SNS’s at mga bagay na nakakaapekto dito. Isa sa mga dahilan ay kuryosidad at presyur sa mga taong nakapaligid sa mag-aaral at ang magiging epekto nito ay ang pagkahumaling ditto. Dahil ito ang trend ngayon, sumasali at gumagawa din sila ng kanilang account. Dito, mas nabibigyan pa ito nila ng pansin kaysa sa dapat gawin na riserts. Ito ay nagbubunga ng hindi pagtapos sa ginawang proyekto at maging resulta ang pagbagsak ng marka. 3. Ang nasabing institusyon institusyon ay makakagawa ng mga hakbang, solusyon at agarang aksyon na makakatulong sa mga mag-aaral ng Pamantsang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus na bababa ang bilang ng nahuhumaling sa mga SNS’s at para rin maiwasan ang hindi mabuting dulot nito.
Sarbey ng Sanggunian: A. Aklat
Bookshear, Glenn. (1994). Computer Science: An Overview. The Benjamin/Cumming Publishing Company, Inc. Corrigan, Dan. (1996). The Internet University, College Course. Cape Software Press. Lee, Tim (1999). Weaving the Web. The Orion Publishing Group Ltd. Long, Larry. (1991). Introduction to Computers Compu ters and Information Processing. New Jersey : Prentice Hall, Inc. Stallings, William (2001). Business Data Communication. Prentice Hall, Inc.
B. Magazine
Gargantiel, D. (December 2012). A cerebral Take on Cyber-Socializing. Healthy Cyber-Socializing. Healthy Lifestyle and Living, Enrich Volume Enrich Volume 5, pages 66-69. Ladrona, C. (Second Semester 2011-2012) Friends on the Line.The Line.The Torch. Philippine Normal University-Agusan Campus, page Campus, page 5. (October-December (October-December 2010) Social Networking Don’ts .Vertical .Vertical Thought, Information Mundation, page Mundation, page 23.
C. Tesis
Balsado, Emma M.A. (Oct. 2001). Study on the Computer Literacy of 4th year Home Economics Students.PNU-AC. Cruz, Annaliza S. (March 2012) Interpersonal Relationship and Comunication Style of School Heads in the Norzagaray District and It’s Implication to the Job Performance. Donato, Marita O. (March 2009) Assessment of the Computer Literacy of Grade Two Pupils of Colegio San Agustin-Makati Input To S yllabus Refinement.
D. Internet Site
http://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=pdf [02/23/14] http://www.fastweb.com/student-life/articles/3094-students-becoming-addicted-tosocial-media [02/23/14] https://www.newsdesk.umd.edu/sociss/release.cfm?ArticleID=2144 [02/23/14]
METODOLOHIYA
Deskriptib ang pananaliksik na ito. Sa pangangalap ng mga datos, ang questionnaire, interbyu at sarbey ang mga paraan upang matukoy ang mga dahilan at epekto kung bakit laganap ang pagkahumaling dito sa mga kabataan sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus. Gagawin ang buong pag-aaral sa Pamantsang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus, sa taong 2014, sa lungsod ng Prosperidad, Agusan del Sur.
INSTRUMENTO
Questionnaire at Interview:
Bubuo ng questionnaire at gagawin ang interview guide, ito ang mga pangunahing gagawin ng mananaliksik upang makakalap at mapag-isa ang mga datos, impormasyon at mga facts na magpapaliwanag patungkol sa laganap na pagdami ng bilang ng mga mag-aaral sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus na nahuhu nahuhumaling maling sa SNS’s. Ito rin ang instrumentong gagamitin upang mapabilis ang pagtala sa mga nakalap na mga datos at upang mailahad ang mga sariling pananaw at opinion ng respondent hinggil sa nasabing paksa.
Hakbang: 1. Bubuo ng mga tanong para sa kwestyoner at sa gagawin na interview interview guide at gagamitin gagamitin sa pangangalap sa mga datos. 2. Hihingi ng pahintulot sa mga namamahala sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus (PNU-AC) para sa gagawing pananaliksik. 3. Sa bawat pangkat ay pipili ng respondent sa pamamagitan ng Random Sampling. 4. Sa mga napiling mag-aaral, ibibigay ang mga sarbey-kwestyoner at iinterbyuhin. 5. Gabayan at turuan ang mga mag-aaral na nakatanggap ng sarbey-kwestyoner kung paano sasagutan at isa-isang itiong iinterbyuhin. 6. Kukulektahin ang mga sarbey-kwestyoner matapos sagutan at iinterbyuhin agad sila. 7. Pagkatapos kulektahin ang mga instrument, kukunan ng opinyon ang guro hinggil sa nasabing paksa at veverify naman ng guro ang mga sagot ng mga mag-aaral kung ito ba ay kapani-paniwala o may validity. 8. Agad itatala ang mga naipong datos para sa pananaliksik.