ANG LAGOM AT HAWIG Ang lagom ay ang pinasimple at/o pinaigsing bersiyon ng isang prosa or berso. May mahalagang intelektuwal at praktikal ng gamit ang lagom para sa estudyante. Nasasanay siyang maging intelihenteng mambabasa - natututo siyang umintindi at sumuri sa kanyang binabasa mga gawaing nangangailangan ng masuring pag-iisip. Dito'y kinakailangan niyang magtimbangtimbang kung alin sa mga idea ang importante at siya niyang gagamitin at alin ang di gaanong importante na siyang isasaisantabi. Hindi lamang sa pagbasa makukuha ang kasanayan ng estudyante sa paggawa ng lagom. Masasanay din siya sa mahusay at masurng pagsulat at sa pagkikinig. Sa pagsulat ng lagom ay kinakailangan din ang pagtitimbang-timbang sa pamimili ng kung alin ang pangunahin o mahalangang idea, pagpapahayag ng napiling ito sa malinaw, simpleng wika, at pagsusuri sa mga bagay sa kabuuan nito. Sa pakikinig, natututo ang mag-aaral na magkonsentreyt sa kanyang panakikinggan - isang proseso na ginagamit ang pag-iisip. Isa rin magandang pagsasanay ang paglalagom sa pagpapalawak ng bokabularyo, paggawa ng tiyak, maayos na pangungusap. Natututo ding umiwas sa pagiging maligoy, paulitulit, at sabog sa pagpapahayag. May mga praktikal na kahalagahan ang paglalagom. Bukod pa sa nakakatipid sa oras at pagod sa pagbasa, ang natapos na produkto ay masasabing hindi sakripisyong basahin. Natututo dun ang estudyante o mambabasa na magkonsentreyt at maging matiyaga. Nakakatulong nang malaki ang ganito sa pag-aaral, propesyon at bisnes. Kapag nakikinig o dumadalo sa lektyur, interbyu, panayam, simposyon, kumperensya, sermon, miting, demonstrasyon, atbp. nakakatulong ang isang taong may kaalaman sa paglalagom sa kanyang sarili at sa iba pang makapagpapahayag ng pinakasentro ng idea ng mga pinakinggang ito sa mas simple, maayos at malinaw na paraan.
Mga Uri ng Lagom Ang lagom ay may iba't ibang uri. Ang bawat uring ito ay may partikular na gamit, anyo at pamamaraan. Ang ilang sa mga uring ito ay ang sumusunod: presi, abstrak, at sinopsis. Ang hawig o parapreys, bagamat hindi isang uri ng lagom, ay tatalakayin dito sapagkat kaugnay ng lagom.
1
PRESI Ang presi ay ang pinakaubod o katas ng isang talata, mahabang prosa o kay'y ng isang tula. Ito'y isang mahalagang pamamaraan ng pagkakalap ng tala o nowts. Malaki ang naitutulong ng presi sa pagsasanay sa pagbasa, pagsulat at pati pakikinig. Nangangailangan ito ng pag-intinding mabuti sa binabasang materyal kung kaya't natututo ang estudyante hindi lamang basta bumasa nang halos dinadaanan lang ng mata ang mga pahina ng binabasa paris ng ginagawa ng maraming estudyante. Gayundin, natututo din siyang makinig na mabuti nang hindi lamang pinapadaan sa kabilang taynga ang napakinggan sa isa. Sa pagsulat naman, natututo ang estudyante na maging maingat at masuri. Dito'y nasasanay siyang sumuri kung alin sa mga idea ang pangunahin at alin ang di pangunahin. Nakakapagpalawak din ng bokabularyo ang paggawa ng presi. Gayundin, nasasanay ang estudyante na bumuo ng malinaw, simple at maayos na pangungusap. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Presi 1. Basahing mabuti at dahan-dahan ang materyal upang makuha ang pinakasentro ng idea. Huwag lalampasan ang anumang salita. Huwag kumuha ng anumang nowts. 2. Basahing muli ang materyal. Puwede na ngayong kumuha ng nowts. Maging alisto sa mga kahulugan ng bawat salita at kataga. Konsultahin ang disyunaryo sa mga dimaintindihang pagpapahayag, konotasyon atbp. 3. Basahing muli ang materyal sa kanyang kabuuan. Gumawa na ng paggugrupo ng mga idea (pangunahin vs. detalye). 4. Lagumin ang mga pangunahing idea ng awtor. 5. Sulatin ang presi. Gawing kumpletong pangungusap ang mga pangunahing idea na kinokonsidera noong una. Gumamit ng mga kinakailangang pang-ugnay. 6. Tsekin ang presi batay sa orihinal. 7. Basahing muli ang presi upang masigurong mga pangunahing idea at hindi suportant idea ang isinama. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Presi 1. Organisasyon - Ang orihinal na order o kaayusan ang dapat na manatili. Halimbawa, kung kronolohikal (i.e. pagkakasunud-sunod ng pangyayari na ginamit ng awtor ang siyang sundin maliban na lamang kung talagang napakagulo ng pagkakaayos ng awtor.) 2. Ilustrasyon - Hindi lahat ng ilustrayon sa orihinal ay kailangang balewalain. Bawat ilustrasyon ay dapat suriin nang hiwalay. Gayunman, ang mga piguratibong salita, sipi, metapora at pang-uri ay dapat isama. Maging simple at direkta.
2
3. Proporsiyon - Ang bawat idea sa orihinal ay dapat na pareho ng porsiyento o haba ng pagtalakay sa presi. Ang isang pangunahing idea na hindi gaanong tinalakay sa orihinal ay di dapat bigyan ng malawak o mahabang pagtalakay sa presi. 4. Wika - Pangkalahatang tuntunin dito ang panatilihin ang mga salita, pangungusap, at bahagi ng pananalita ng orhinal. Gayunman, mas madalas ang pagkakataon na kinakailangang gumamit ng sariling salita. Kung sakaling gagamitin ang mga salita mula sa orihinal, ang sumusulat ng presi na rin ang mamimili kung aling kaayusan o salita ang higit na magrerepresenta sa awtor. 5. Pang-ugnay - Kailangang gumamit ng mga angkop na pang-ugnay upang maging tuluytuloy ang daloy ng idea at upang magkaroon ng kaisahan ang presi. 6. Siguruhing ang panghalip ay tumutuloy sa kilala o tiyak na bagay o tao. 7. Gawing pangatlong panauhan ang unang panauhan. 8. Huwag lilihis sa idea ng awtor. Huwag igiit ang sariling idea. Ireserba iyon sa ibang pagkakataon. 9. Huwag isama ang mga anyong pampanulaan sa tula (tugma, metro, diksyon) pero maari pa ring gumamit ng imahinasyon at damdamin. 10. Huwag gumamit ng mga listahan, grap, atbp. Ang lohikal na kaayusan ang dapat na manatili. 11. Siguruhing tiyak o ispesipiko ang lugar at oras na tinutukoy. Mga Halimbawa 1. Isang pangungusap: Kung makikinig ka sa pagpapaliwanag ng mga teknokrata at iba pang dalubhasa wari'y wala nang magagawa ang mga mamamayang nahihirapan kundi ang tanggapin ang umiiral na kalagayan, higpitan ang sinturon at tiisin ang kalam ng sikmura. Presi Kung makikinig ka sa mga teknokrata ay mga dalubhasa, wari'y wala nang magagawa ang mga mamamayan kundi ang tanggapin ang kanilang kahirapan. 2. Isang talata: Ang disisiyete ay puno ng buhay, abala sa goodtime at paporma, yugyugan sa disco at sounds. Hindi para kay Emmanuel Lazo. Sa gulang na disisiyete'y nakaburol siya sa Malate Church, namamaga ang noo dahil ang balang pumasok sa ulo'y di na nakalabas, putok ang mga labing nasubsob sa kalsada, duguan ang knapsack. Kagaya siya ng karaniwang bangkay na pinapangit ng kamatayan pero ang kamatayan niya'y lubhang pinapangit ng pangyayaring ang mga pumatay sa kanya'y maaring i na 3
matagpuan kailanman. Siya ang pinakahuling biktima ng mahabang listahan ng mga estudyanteng napatay sa rally.
Presi Hindi gaya ng karaniwang kabataan na laya sa gulang na disisiyete, si Emmanuel Lazo ay maagang namatay at pinapangit ng kamatayan. Biktima siya sa panakahuling rally at maaring hindi na mabibigyan ng katarungan. 3. Isang editoryal Iyang Tinatawag na Pagtatapos (Sagisag, Mayo 1979) Sumasaksi ang nagdaang buwan ng Abril sa pagtatapos ng kawan-kawang mga estudyante sa iba't ibang paaralan sa bansa. Depende sa antas ng edukasyong natamo ng estudyante, pagkakagastos ang kahulugan para sa magulang ang graduation ng kanikanilang anak. Sa ating lipunan ang pagtaggap ng sertipiko o diploma at itinituring na pagkakataong dapat kabitan ng selebrasyon. Ito raw at pag-angat sa baytang-baytang na landas patungo sa higit na maginhawang buhay. Isa pa raw pinto ang nabuksan papasok sa hanay ng maliliit na bahagi ng populasyong kumikita sa paraang magaan at may katiyakan. Mahirap mamatay ang ilusyon na ang graduation at susi sa pag-unlad ng bawat estudyanteng makapagtapos. Ang karanasan ay ilan sa libu-libong estudyanteng nakatapos sa kolehiyo para sa di-mabilang na magulang upang igapang na mapag-aral ang kani-kanilang anak hanggang ito ay matawag na "titulado." Para na rin sa mga kabataang nangangarap ng buhay na malayo sa bukiring sinasaka, pabrikang pinalilingkuran, at kantong pinag-iinuman, lubhang kaakit-akit ang ipinangangakong oportunidad upang maka-angat sila sa kahirapan. Marahil ay kailangang talaga ang ilusyon, ang pag-asang sa dulo ng landas makalabas ng unibersidad ay mayroong higit na maaliwalas na buhay na naghihintay para sa nagsusumukap. Hindi kailangang subhan ang kumakawag na ningas ng ilusyon. Ang mahalaga'y maipaunawa sa mga magulang at sa kanilang mga anak na rin na habang lumalaon ay kumikipot pang lalo ang pinto, tumatarik pang lalo ang landas. 4
Sa mga darating na panahon, ang sertipiko o diploma ay malamang na maging mga hunghag na sagisang lamang. Habang dumarami ang nakatatanggap nito, ang kapirasong papel na nagsasabi kung ano ang natapos ng isang tao ay hindi na gaanong pahahalagahan ng magbibigay ng empleyo. Ang kakailanganin na ay katibayan ng kalidad ng edukasyon at ang karanasang nagpapakilala ng bisa ng pinag-aralan ng isang aplikante. Ang ganyang pangangailangan ay nararamdaman na sa ating panahon at ito'y pinatutunayan sa pagsulpot ng mga kursong maghahatid sa lalo pang mataas na antas ng edukasyon. Samakatwid, habang kumikipot ang pinto at tumatarik ang landas, ang pagkakamit ng edukasyon ay lalong nagiging magastos sapagkat nararagdagan ang panahon ng pag-aaral. Sa ganitong sitwasyon, ang pagtatapos sa isang kurso ay nagiging paghakbang lamang mula sa isang kurso tungo sa bagong kurso. Hindi naman natin sinasabing mawawalan na ng timbang ang diploma sa hinaharap. Kakailanganin lamang na ito'y langkapan ng timbang ng karanasan o ng dagdag pang haba ng panahon ng pagaaral. Presi Bagamat magastos, laging inaasam-asam ng mga magulang ang graduation ng kanilang mga anak sapagkat ipinapalagay nilang ang diploma ang makapagpapaahon sa kanila sa kahirapan. Hindi masamang mangarap ng ganito ngunit dapat ngayong tanggapin ang katotohanan na hindi na lamang diploma kundi karanasan at mas mataas pang edukasyon ang hinihingi upang magtagumpay. Kung kaya't lalong nagiging magastos ang edukasyon sa kasalukuyan. 4. Isang Tula Balibago, Angeles: 1948 (L. Ricarte) Mag-aapatnapung taon ang nakaraan, Yaon ay isang maliit na nayon Sa isang liblib na pook Na ang nag-uugnay sa kabayanan Ay isang makitid at maalikabok na daan; Lilima-lima ang tumatakbong sasakyan, na kailangan mo pang hintayin 5
Nang halos isang oras bago magdaan; Sa mga babae roong bahagyan nang makabihis Kami nagpapalaba. Kinukuha nila ang damit sa Kampo, Binabasta at sinusunong na pauwi. Sa kanilang kawalan ng pagpapanggap, Sa kanilang kapayakan at karukhaan, Nadarama ko ang pagpapalang isinermon sa Bundok. Pagkaraan ng mag-aapatnapung taon, Dumalaw ako roon. Hinahanap ko si Aling Maring, Si Luming ang labing-anim-na-taong Hindi marunong magpinta ng mukha At laging nahihiya kung ngumitil Ang nakita ko'y mga banyagang pangalan Sa mga libingang walang lapida. At nasaksihan ko ang pagkalagas ng mga sampaguita Sa yapak ng mga dayuhang takong, Ang mga berdeng kahoy na ibinuwal, Ang basal na lupang ginahasa, Ang himpapawid na pinarumi ng usok Buhat sa kalapit na paliparan. Presi Apatnapung taon na ang lumipas. Sa isang maliit, liblib at mahirap na nayon sila nagpapalaba bilang sundalo sa mga simple, tapat ngunit mahirap, at pinagpalang mga kababaihan. Matapos ng 40 taon, siya'y bumalik at hinanap ang mga dating kababaihang mahiyai't simple. Ngunit ang nakita niya'y mga dayo na roon, mga babaing nilaspag ng mga dayuhan. Nawala na ang mga dating nayon na napalitan na ng modernisasyon.
Abstrak Ito ay isang uri ng lagom na ginagamit sa mga akdang akademiko, siyentipiko o pangsiyensiyang panlipinan (social science). Kaya magagamit ito sa mga tesis, lektyur, mga 6
papel na siyentipiko at teknikal, mga report. Ang mga akademiko at siyentipikong papel ay karaniwang may kanya-kanyang metodo o pamamaraan depende kung sa aling larangan ito nabibilang. Halimbawa, sa larangan ng sikolohiya, ang karaniwang kaayusan ng mga papel o report ay ganito: 1. layunin 2. metodo o pamamaraan 3. kinasapitan or resulta Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.
Basahin mabuti ang materyal. Tiyakin ang mga bahagi bagay sa pormat ng pag-aaral (e.g. layunin, pamamaraan, kinasapitan). Hanapin ang mga pangunahing idea para sa bawat bahagi. Isulat sa simple, malinaw, at direktang pangungusap. Iwasan ang mga ilustrasyon, grap, teybol, atbp. liban kung bahago ng pangunahing idea (hal. bahagi ng pangunahing resulta ng isang eksperimento). Suriing muli ang orihinal. Tingnan kung may pangunahing idea na di naisama sa presi. Basahin ang presi at pakinisin.
Narito ang isang halimbawa ng Abstrak: Ang Wika sa Larangan ng Katutubong Panggagamot Cynthia Balza, L. Montes, L. de Villa at L.M. Sycip Ito ay isang pananliksik tungkol sa iba't ibang pamamaraan ng katutubong panggagamot at sa mga ito. Ang metodong ginamit sa pag-aaral ay ang pakikipanayam ang sistematikong pagmamasid, at ang pagtitipon ng mga nagawang pag-aaral tungkol sa paksa. Layunin ng pag-aaral na ito ay ipakita ang katutubong panggagamot. Ang natipong kaalaman ay hango sa tatlong pangkat: (1) ang mga pangunahing konsepto; (2) mga paraan at gamit sa panggagamot at sa mga paraan sa pagtuklas sa sakit. (3) mga sakit, at mga katutubo at makagham na lunas. Napatunayan ng pagsusuring ito na ang wika ay maaring isang behikulo sa pagbabalangkas ng mga karanasan sa larangan ng katutubong panggagamot. Sikolohiyang Pilipino (1976) -V. G. Enriquez, (ed)
7
SINOPSIS Kung ang abstrak ay sumusunod sa lohikal na order ng mga idea, ang sinopsis naman ay sa kronolohikal na order. Ito ay isang uri ng lagom na higit na gamitin sa mga akdang may elementong naratibo: kuwento, salaysay, nobela, dula, atbp. Mga Hakbang at mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.
Basahin mabuti ang materyal. Huwag alisin sa isip ang mga detalye. Tiyakin ang mga pangunahing pangyayari sa istorya. Tiyakin ang mga tauhan at ang kanilang papel. Tiyakin ang lugar o mga lugar na pinagyarihan. Tiyakin ang panahon o mga panahon. Sulatin ang sinopsis. Bigyang-empasis ang banghay o pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ngunit tinitiyak ang tauhan, laugar, panahon, panauhan. Gawing pangatlong panauhan ang una at pangalawang panauhan. Gawing tiyak, simple, direkta ang mga salita at pangungusap. Basahing muli ang orihinal para tiyaking walang nakalimutang mahalang idea. Basahing muli ang sinopsis. Rebisahin.
Narito ang isang halimbawa ng sinopsis: Dalawang pares ng mangingibig ang itinatampok ng "Unang nobelistang Tagalog sa kanyang akdang Nena at Neneng at ang pagsubaybay niya sa pag-iibigan nina Nena at Deogracias at Neneng at Sochong ang bumubuo sa nobela. Sa pagbubukas ng nobela, may tampuhan ang matalik na magkaibigang babae na kapwa pumapasok na mananahi sa lungsod ng Maynila. Nahahalata ni Neneng na si Nena ay may lihim na tagahanga, si Miguel, at kanyang pinagseselosan ang dating nasasariling kaibigan. Di naman nagtagal ang kasunduan nina Nena at Miguel dahil sa pagbabawal ng tiyang kumukupkop at nagpalaki sa dalaga. Bumalik si Miguel sa dating nililigawan, kay Chayong na tumanggap naman sa binata gayong kasintahan ang pinsang si Sochong. Uuwi si Nena at ang kanyang tiya sa Bulakan dahil sa pagkamatay ng tiyuhing at doo'y nakaniig muli ni Nena ang kababatang si Deogracias. Ang dating pagkakaibigan nina Nena at Deogracias ay nauwi sa pagmamahalan at humantong sa pag-aasawa. Samantala, sa Maynila naman ay nagtanan sina Chayong at Miguel. Nahuli ang dalawa ng mga magulang ni Chayong at napiit si Miguel. Panay kasawian ang inabot ng dalawa hanggang namatay si Miguel sa piitan at magkasupling si Chayong at palayasin ng mga magulang. Si Sochong na lamang nagpakita ng pagtingin sa mag-nang ulila subalit ito'y naputol din nang makilala nito at 8
mapusuan si Neneng. Maligaya sa simula ang pagsasama nina Neneng at Sochong subalit di pa ito nagtatagal ay tinubuan ng matinding panibugho si Sochong hanggang magawa niyang layasan ang walang kasalanang asawa. Nagtungo si Neneng sa bayan nina Nena at Deogracias at doon namatay sa hinagpis at sama ng loob. Di na siya naabutang buhay nang humabol na si Sochong at malaking panghihinayang at lungkot nang ibalita ni Nena ang sinapit ng kabuyak ay namatay din ang lalaki. - Ang "Pamana" ng Nena at Neneng E. B. Soriano Hawig o Parapreys Iba ang hawig o parapreys sa lagom. Gayunman, iisa ang kanilang layunin: maipahayag sa mas simple, direkta at naiintindihang pananalita ang orihinal. Ang hawig ay isang pagsasabi o paghahayag ng idea at pananalita ng isang akda sa pananalitang naiintindihan ng mambabasa at tagapakinig. Dito, ang isang mahirap intindihing istilo ng manunulat at napapadali. Gayundin, ang isang akdang sinulat noon pang unang panahon, halimbawa, noong panahon ng kastila, ay maipaiintindi maing sa kabataan sa kasalukuyan kung ito'y gagawan ng hawig o isusulat sa pananalitang mas simple at mas naiintindihan ng kasalukuyang mambabasa. Para sa mga akdang mahirap intindihin maging ito'y prosa (kuwento, nobel, dulam sanaysay, artikulo, o teknikal na akda, o tula), lalo na kung ang mga ito'y puno ng mga matatalinhangang pananalita o teknikal na salita, malaki ang maitutulong ng panggawa ng hawig. Ang hawig o parapreys ay isang "pagsasalin" ng idea at pananalita ng awtor sa sariling pananalita ng gumagawa ng hawig. Nakakatulong din ito para sa higit na maging mapagsuri at mapag-isip ang estudyante.
1. 2. 3.
4. 5.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Hawig ng Prosa Basahin ng makailang ulit ang materyal hanggang sa maintindihan mabuti ang ideang ipinapahayag ng awtor. Kung may mga salitang hindi maintindihan, hanapin sa diksyunaryo at iba pang mapagkukunan ng depinisyon. Sulatin ang hawig. Gumamit ng malilinaw, tiyak, direkta at kongkretong mga salita. Hindi kinakailangang palitan lahat ng salitang nasa orihinal kung malinaw naman at pamilyar ang salitang ito. Ang mahihirap intindihaing mga salita lamang (halimbawa, pirugatibo, konotatibo, tektinkal) ang bigyan ng sinonim. Basahib muli ang orihinal para siguruhing talagang naiintindihan nga ang ipinapahayag nito. Basahin muli ang ginawang hawig. Tsekin ang ispeling, ayos ng pangungusap at daloy ng idea. 9
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Hawig ng Tula 1. Basahing mabuti ang tula. Suriing mabuti ang kahulugan ng bawat linya. "Pasukin" ang mga salita para lumabas ang pinakaidea nito. Damahin pati ang damdaming ipinapahayag ng tula. 2. Intindihing mabuti ang mga piguratibo at konotatibong salita. 3. Sulatin ang hawig. Gumamit ng mga simple, tiyak at direktang pananalita. Iwasan ang mga ispesipikong halimbawa. 4. Gumamit ng pangatlong panauhan. 5. Basahing muli ang tula. 6. Muling basahin ang sinulat na hawig. Tsekin kung naipahayag ng hawig ang ideang ipinapahayag sa tula. Narito ang halimbawa: Ina ng Laging Pagpapasaklolo 1 Taus-puso't lubos anyaya ng Lady's Choice: "come, open yourself to some of the best things in life. Food. come, live it up. with... Lady's Choice honest-to-fullness. Foods. eating is living eataway ang live it up!" Sim bingi ang di nakahagip sa payo ng SMC?: "Yung may pulp buts siyempre." Sinong bingi and di nakahagip sa alok ng Cosmos Bottling Company?: "Uminom ng Sarsi Nag-iisa sa lasa. Uminom ng Sunta 10
Katas-California." Magpapresko, presentado ng Presto: "The new landmark in Goody-goody land. Now Open! The Presto Ice Cream Houce on Shaw Boulevard." Di naman gaya-gaya, inihuni ng Maya: New Maya soup always fresh, always delicious!" Ina, mawawala na ang hapdi ng iyong sikmura. Kita'y ipaghahanda ng sambandehadong salita. 2 Makinig, ipinahahatid ng Litton Mills, Incorporated: "Exciting, Fascinating, Fashionable. Litton's world of fabrics captures the ultimate need of its users." Makinig, ipinahahatid ng Ramitex: "Magbalik-anyo with Ramie-Tetoron." Ina, makukuha pa ba sa tagpi ang gula-gulanit mong saya" O dapat nang palitan? Ilang yardang salita ang iyong kailangan? 3 "Planning for future generations... Towards a better quality of life A deep moral obligation. 11
The Total Environmental Community A project of Caliraya Management & Development Corporation Shaping a better Environment for Man." "Maunlad ito! Philbanking yata tayo! Todo-todo ang serbisyo." "Full comfort living ang nagbubugay Singer. Magbuhay-Singer. Ngayon na. The good and easy life. Para sa lahat." Ina, sa iyong pagkakalugmok, sa kulimlim na langit ng buhay mong pinapalibhasa, may balangaw ng mga salita, may balangaw ng mga salita sa tutubos. - Ina ng Laging Pagpapasaklolo R. Sandoval Hawig 1.
mga pagkain, inumin, pampapresko, pampainit ng sikmura. Ina, kahit sa salita lamang ay mabubusog ka na.
2.
tela, pananamit. Ina, mapapalitan na ng salita ang sira-sira mong damit.
3.
pabahay, kasangkapan. Ina, ang pag-asa mong maahon sa kasawian at kahirapan ay nandoon sa bahaghari ng mga salita.
12