Istruktura ng Wikang Filipino Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabyluhang siwens ay makakalikha ng mga salita(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay isang istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. Ang pag-aaral ng istruktura ng wikang Filipino ay nagsisimula sa pag-aaral ng ponolohiya, ito ay ang pag-aaral ng fonema o makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Ang Morpolohiya o morfoloji naman ay ang pag-aaral ng morfema; ito ay tawag sa pinakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino, mayroong talong uri ng morfema, ito ay ang salitang – ugat, panlapi at fonema. Halimbawa sa salitang “mag-laba, ang salitang ugat ay ang “laba”, “mag” naman ang panlapi at ” a” ang fonema” Sintaksis ang tawag sa pag-aaral ng sintaks o ang formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at possible naming pagbaligtarin ito. Samantalang sa ingles ay lagging nauuna ang paksa. Bilang halimbawa ay gamitin natin ang pangungusap na “Ang puno ay mataas”. Maaari natin itong balgtarin na “Mataas ang puno.” Sa ingles ito ay The tree is tall, at ito ay hindi maaring baligtarin na “Tall the tree”. Ang Semantiks ay ang pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag. Ang Sintaks ay tumutukoy sa set ng mga tuntunin na pumapatnubay kung paano maaring pagsama-samahin o pag-ugnayin ang mga salita sa pagbuo ng parirala o pangungusap. Ang parirala ay tawag sa lipon ng mga salita na walng paksa at panaguri na ginagamit para makabuo ng pangungusap. Sugnay ay ang lipon din ng mga salita na maaring may diwa at maari ring wala. Maaari rin itong magkaroon ng paksa at pang-uir at maari ring wala. Mayroog dalawang uri ng sugnay, ito ay ang sugnay na makapag-iisa, ang sugnay na ito ay mayroong diwa at ang sugnay na hindi makapag-iisa na tinatawag ding pantulong na sugnay sapagkat ito ay walang diwa kung hindi ito isasama sa punong sugnay o sugnay na makapag-iisa. Ang Hugnayan naman ay nagpapahayg ng isang punong kaisipan at isang pantulong na kaisipan. Halimbawa ; Magiting na ipinagtanggol ni Benjie ang kanyang kakayahang kumanta nang siya’y pagtawanan ng buong klase. Langkapan naman ang
tawag sa isang punong kaisipan o dalawa o higit pang pantulong na kaisipan. Halimbawa: Nagalit sa amin si Sir Enarle dahil maingay kami at hindi nakikinig. Ang Pangungusap ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng diwa. Ito ay binubuo ng simuno o paksa at ang panaguri. Ang simuno ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap samantalang ang panaguri naman ay ang nagbibigay kaalaman o impormasyon sa paksa. Mayroong mga pangungusap na walang tiyak na paksa. Ang pangungusap na eksistensiyal ay pagpapahayag ng pagka-mayroon o wala. Halimbawa: May mga raliyista ngayon sa edsa. Wala na. Ang pangungusap naman na pahanga ay nagpapahayag ng damdamin ng paghanga, halimbawa: Kay ganda talga ng tanawin sa mariveles.Maikling sambitla naman ang tawag sa mga iisahin at dadalawahing pantig na nagpapahayg ng matinding damdamin. Halimbawa nito ay: Ay!, Aray! Ang pangungusap na pamanahon ay nagsasaad ng oras o uri ng panahon, halimbawa: Maulan na naman. Napakainit, kainis! Ang mga pangungusap naman na ginagamit sa pagbati, pagbibigay-galang at iba pa ay tinatawag na mga pormulasyong panlipunan. Halimbawa nito ay: Mano po, Salamat po. Ang Modal naman ay nangangahulugan ng gusto/ nais/ ibig. Halimbawa ay: Nais kong makapag-aral. Ang penomenal ay nagsasaad ng mga pangyayari sa kalikasa, walng simuno o panaguri ang mga sumusunod na pangungusap. Halimbawa ay babaha na naman sa maynila. Ang pangungusap na pautos ay sinusundan ng panghalip na mo at o pang-abay, Halimbawa: Dalian mo. Sige pa. Alis. Nagsasaad ng pagyaya o pagyakag ang pangungusap na pagyaya. Halimbawa nito ay: Tayo na. Halika na. Ka-pandiwa ay nagsasaad ng katatapos na kilos, halimbawa ay: Kaaalis lang niya. Kakakain ko lang. Panawag naman ang pangungusap na ginagamit sa pagtawag, halimbawa ay; Hoy!, Psst!, Manang! Pokus ng pandiwa
Tagaganap
Layon Ganapan Tgaganap
Kagamitan Sanhi
Pokus Naglaro ng sipa ang bata
Kaganapan Ipinagdiwang ni Junius ang kanyang kaarawan sa Yellowcab. Kinain ni Leah ang french Si Nona ay bibili ng bagong fries ng Mcdonalds. relo sa Robinsons. Pinuntahan ng mga tao ang Idinaos ang seminar sa bagong pasyalan. Manila Diamond Hotel. Binigyan ko ng papel si Nagluto si Shallah ng Nicolo. instant Noodles para kay Leah. Ipinimpunas niya ang panyo Hinukay niya ang lupa sa lamesa gamit ang laruang kutsara. pinagkasakit niya ang Nagtagumpay si Denise
pagsugod sa ulan. Direkyon
Pinagpasyalan naming ang lungsod ng Iloilo.
dahil sa kanyang magandang talumpati. Naglakbay kami papuntang Boracay.
Pagpapalawak ng Pangungusap Dito’y makikita ang mga Paningit bilang pampalawak. Ang mga paningit o ingkliotik ang tawag sa mga katagng isinasama sa pangungusap upang higit na maging malina ang kahulugan nito. Halimbawa: ba, na, pa, lamng, muna, kasi, naman, din, lang, sana, kaya, nga, man, tuloy. Ang mga panuring pampalawak naman ay mayroong dalawang kategorya na mga salita ang magagamit na panaring, ang pang-uri o panghalip at ang pang-abay. Halimbawa ay: Ang magaling na mag-aaral ay lagging una sa klase. Ang mga kaganapan ng pandiwa ay maaari ring gamitin bilang pampalawak, halimbawa nito ay: Tumatakbo ang tao patungo sa liblib na lugar. Mahalaga na mapag-aralan ng bawat Pilipino ang istruktura ng ating wika, nang sa gayon ay magamit natin ito ng wasto at epektibo sa pakikipag-ugnayan, pormal man o di-pormal, pasulat man o pasalita, gayon din sa pagkatuto ng iba pang mga sabjek na itinuturo sa wikang Filipino.
Istruktura ng Wikang Filipino
Prepared by: Benjie M. Manila IV- BEED-I