Instruktura ng Wikang Filipino
Ponolohiya- ang tawag sa pag-aaral ng mga pattern ng mga tunog ng wika.
Ponema- ito ay binubuo ng makabuluhang tunog
Articulatory phonetics- isang paraan upang ilarawan kung paano binibigkas ang mga fonema ng isang wika.
Tatlong salik ang kailangan upang makapagsalita ang tao:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. ang kumakatal na bagay o ar tikulador
3. ang patunugan o resonador
Ang hangin ang nagiging midyum o pahatiran ng mga alon ng tunog na siya naman nating naririnig.
Mga ponemang katinig
/p/ vs. /b/
/?/ vs. /h/
/m/ vs. /b/
/?i . liN/ iling
/ma . ta/ mata
/hi . liN/ hiling
/ba . ta/ bata /la . ya/ laya
/n/ vs. /d/
/n/ vs. /g/
/no . on/ noon
/na . ta/ nata
/do . on/ doon
/ga . ta/ gata
/s/ vs. /h/
/l/ vs. /r/
/si . pag/ sipag
/ku . lot/ kulot
/hi . pag/ hipag
/ku . rot/ kurot
/pa . sa/ pasa /ba . sa/ basa
/t/ vs. /d/ /ta . tay/ tatay /da. tay/ datay
/la . wa/ lawa
/w/ vs. /y/
/k/ vs. /g/ /kuloN/ kulong /guloN/ gulong
Mailalarawan ang mga katinig ng Filipino sa pamamagitan ng limang punto ng artikulasyon:
1. Panlabi- ang ibabang labi ay dumidiit sa labing itaas. /p,b,m/
2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas. /t,d,n/
3. Panggilagid – ang ibabaw ng dulo ng dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid. /s,l,r/
4. (Pangngalangala) Velar – ang ibabaw ng puno ng dila ay dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala. /k,g,n/
5. Glottal – ang mga babagtingang ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog.
Diptonggo – Ito ay magkasamang patinig at malapatinig sa isang pantig. Ang diptonggo ng Filipino ay a y, ey, iy, oy, uy, aw at iw.
Klaster o kambal katinig- ang magkasunod na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. /pl/, /tr/,/dr/, /kl/, at /bl/.
Pares Minimal- ito ay pares ng salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na nasa parehong pusisyon sa salita.
Hal: gulay-kulay
sabaw-sabay
Ponemang malayang nagpapalitan- ang isa sa mga ponema nito ay naipagpapalit ng ibang ponema ngunit hindi naman nagbabago ang kahulugan ng nasabing salita. Hal: kurut- kurot
binte-binti
Ang Kaurian ng Palatunugan sa Wikang Filipino: A. Malumay 1.
Ito ay binibigkas ng marahan o banayad at walang impit sa lalamunan.
2.
Ito ay hindi ginagamitan ng bantas o tuldik.
3.
Maaaring magtapos sa patinig o katinig.
Mga halimbawa: buhay
kawayan
kama
halaman
gulay
pagkain
B. Mabilis 1.
Ito ay binibigkas ng tuluy-tuloy at walang impit sa lalamunan.
2.
Ito ay ginagamitan ng bantas na pahilis.
3.
Ito ay karaniwang nagtatapos sa patinig o ka tinig.
Mga halimbawa: buhay
katawan
mapula
marumi
dalawa makulit
C. Malumi 1.
Ito ay binibigkas ng marahan o banayad ngunit may impit sa lalamunan.
2.
Ito ay ginagamitan ng bantas na paiwa (‘ ).
3.
Ito ay karaniwang nagtatapos sa patinig.
Mga halimbawa: makata
muta
sakali
puno
suka bata
D. Maragsa 1.
Ang diing maragsa ay binibigkas ng tuluy-tuloy ngunit may impit sa lalamunan.
2.
Ito ay karaniwang nagtatapos sa patinig.
3.
Ang bantas na ginagamit ay pakupya (^).
Mga halimbawa: dugo sampu
dukha kaliwa
ginto wala
ARALIN 2 MORPOLOHIYA
Morpolohiya
Sa linggwistika, kilala din sa katagang palabuuan.
Tawag sa pag-aaral kung paanong ang bawat bahagi ng salita ay pinagsasama-sama upang makabuo ng salita.
Ito ay pag-aaral ng istraktura ng mga salita at ng relasyon nito sa iba pang mga salita.
Morpema
pinakamaliit na yunit ng wika na may kahulugan.
Ito ay maaaring salita o bahagi lamang ng salita.
Ang morpema ay laging may kahulugang taglay sa sarili.
Halimbawa:
mabait = ma- + bait matalino = ma- + talino
Anyo ng morpema
Morpemang salitang ugat
binubuo lamang ng salitang ugat.
Ito ay mga salitang-hubad dahil sa hinubaran ang salita ng panlapi o walang kasamang panlapi.
malayang morpema, ito ay maaaring makapag-isa o may taglay na kahulugan kahit walang kasamang panlapi.
Halimbawa:
Itlog, langit, bahay, yaman, talino, diwa, sulat, atbp.
Morpemang binubuo ng panlapi
ang mga panlapi, kahit hindi buong salita, ay mayroon parin kahulugan dahil sa dumadagdag ito sa kahulugan ng salitang ugat.
di-malayang morpema; hindi makikita ang tiyak na taglay na kahulugan hanggang hindi naisasama sa ibang morpema.
Halimbawa:
ma- + bait ma- + talino
Mga uri ng morpema
Morpemang may kahulugang leksikal
mga morpemang may natatanging kahulugan na madaling malaman.
Content-morphemes
Open class, dahil sa maari itong madagdagan ng mga bagong salita.
Halimbawa:
dahon, ganda, lakad, at karunungan
Morpemang may kahulugang pangkayarian
Mga morpemang nag bibigay ng impormasyon tungkol sa gramatikal na gamit sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga salita sa pangungusap.
Ito ay nakapagpapalinaw ng k ahulugan ng buong pangungusap.
Function-morphemes
Close class, dahil sa hindi ito nadadagdagan ng mga bagong miyembro.
Halimbawa:
ang, si, ng, sa, pero, dahil, kung, kahit, atbp.
Mga Pagbabagong morpoponemiko
Ito ay tumutukoy sa alin mang pagbabagong nagaganap sa k araniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito.
Ang nakaiimpluwensiyang ponema ay maaaring yung sinusundan ng morpema o yung sumusunod dito, bagama’t karaniwang nang ang sinusundang ponema ang nakaiimpluwensiya.
Uri ng pagbabagong morponemiko
1. Asimilasyon
Pagbabagong karaniwang nangyari sa tunog na /n/ sa mga panlaping pang-, mang-, hing- o sing- dahilan sa impluwensiya ng kasunod na tunog. Halimbawa:
pang- + bansa = pangbansa = pambansa mang- + bola = mangbola = mambola sing- + tamis = singtamis = sintamis
2 uri ng Asimilasyon 1.1 Asimilasyong di ganap
–
Ito ang pagbabagong nagaganap sa pusisyong pinal ng isang morpema dahilan sa impluwensiya ng kasunod na tunog.
Halimbawa:
pang- + tukoy = pangtukoy = pantukoy mang- + dukot = mangdukot = mandukot sing- + puti = singputi = simputi mang- + bola = mangbola = mambola
1.2 Asimilasyong ganap
–
Minsan, bukod sa parsyal o di-ganap na asimilasyon, nawawala pa rin ang unang tunog ng salitang nilalapian.
Halimbawa:
pan- + talo = pantalo = pa nalo mang- + kuha = mangkuha = manguha
2. Pagkawala ng Ponema
Nawawala ang huling patinig ng salitang-ugat kapag nilagyan ito ng hulapi.
Halimbawa:
tira + -an = tirahan = tirhan dakpin
sarhan
kamtan
[dakip] [-in]
[sara] [-an]
[kamit] [-an]
3. Paglilipat-diin
Ito ay nagaganap kapag ang salitang-ugat ay hinuhulapian.
Halimbawa:
sira:in
hawa:kan
putu:lin
[si:ra] [-in]
[ha:wak] [-an]
[pu:tol] [-an]
Subuking bigkasin ang mga sumusunod na salita: iwas
sira
lapat
Ngayon, bigkasin ang nilapiang mga salita: iwasan
sirain
lapatan
4. Pagbabago ng ponema
may mga tunog na nagbabago sa ponema
Halimbawa:
ma- + dami = madami = marami ma- + dapat = madapat = marapat Madikit ‘sticky ’ at hindi marikit ‘lovely ’
5. Pagkakaltas ng ponema
Nangyayari ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala kapag nilalagyan ng hulapi.
Halimbawa:
takip + -an = takipan = takpan sara + -an = sarahan = sarhan
PAGBUBUO NG MGA SALITA 1.
PAGLALAPI
2.
PAG – UULIT
3.
PAGTATAMBAL NG SALITA
1.
PAGLALAPI
2.
- sa pagkakapit ng iba’t–ibang uri ng panlapi sa isang salitang- ugat, nakabubuo ng iba’t -ibang salita na may kani-kaniyang kahulugan.
3.
Halimbawa:
4.
TUBIG
5.
ma- + tubig = matubig [ maraming tubig ]
6.
pa- + tubig = patubig [ padaloy ng tubig ]
7.
tubig + -an = tubigan [ lagyan ng tubig ]
8.
tubig + -in- = tinubig [ pinarusahan sa tubig ]
2. PAG-UULIT - isa pang paraan ng pagbuo ng salita mula sa morpemang salitang-ugat. - ang pag-uulit ay maaaring ganap, parsyal o maaaring pareho. Halimbawa: a.
Pag-uulit na ganap – kapag ang salita ay inuulit. Salitang-ugat
Pag-uulit
taon
taun-taon
bahay
bahay-bahay
araw
araw-araw
b. Pag-uulit na Parsyal – kapag ang bahagi lang ng salita ang inuulit.
Salitang-ugat
Pag-uulit
usok
uusok
balita
bali-balita
tahimik
tahi-tahimik
c. Pag-uulit na parsyal at ganap Salitang-ugat
Pag-uulit
sigla
masigla-sigla
saya
masaya-saya
matuto
matuto-tuto
Samantala, sa pagtatambal rin ng dalawang salitang-ugat ay maaari namang makalikha ng ikatlong kahulugan. Halimbawa: basag + ulo = basagulo anak + pawis = anakpawis dalaga + bukid = dalagambukid
. PAGTATAMBAL NG SALITA
- isa pang paraan ng pagbubuo ng salita ay ang pagsasama ng dalawang morpemang salitang-ugat. Tinatawag itong t ambalang salita. Sa pagsasama ng dlawang salitang-ugat maaaring manatili ang kahulugan ng dalawang-salita. a.
Inilalarawan ng ikalawang salita ang unang salita Halimbawa: taong-bundok, kulay-dugo
b. Tinatanggap ng unang salita ang ginagawa ng unang salita Halimbawa: ingat-yaman, pamatid-uhaw c.
Ipinapakita ng ikalawang salita ang gamit ng unang salita Halimbawa: bahay-aliwan, silid-aralan
d. Isinasaad ng ikalawang salita ang pinagmulan ng unang salita Halimbawa: batang-lansangan, kahoy-gubat e.
Kasabay o katimbang ng ikalawang salita ang unang salita Halimbawa: urong-sulong, lulubog-lilitaw