Isang Alaala Ng Aking Bayan
Nagugunita ko ang nagdaang araw ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw sa gilid ng isang baybaying luntian ng rumaragasang agos ng dagatan; Kung alalahanin ang damping marahan halik sa noo ko ng hanging magaslaw ito'y naglalagos sa 'king katauhan lalong sumisigla't nagbabagong buhay Kung aking masdan ang liryong busilak animo'y nagduruyan sa hanging marahas habang sa buhangin dito'y nakalatag ang lubhang maalon, mapusok na dagat Kung aking samyuin sa mga bulaklak kabanguhan nito ay ikinakalat ang bukang liwayway na nanganganinag masayang bumabati, bumabati, may ngiti sa lahat. Naalaala kong may kasamang lumbay ang kamusmusan ko nang nagdaang araw Kasama-sama ko'y inang mapagmahal mapagmahal siyang nagpapaganda sa aba kong buhay. Naalaala kong lubhang mapanglaw bayan kong Kalambang aking sinilangan sa dalampasigan ng dagat-dagatan sadlakan ng aking saya't kaaliwan Di miminsang tumikim ng galak sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag Mababakas pa rin yaong mga yapak na nag-uunahan sa 'yong mga gubat sa iyong kapilya'y sa ganda ay salat ang mga dasal ko'y laging nag-aalab
habang ako nama'y maligayang ganap bisa ng hanging mo ay walang katulad. Ang kagubatan mong kahanga-hanga Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha sa iyong himlayan ay wala nang luha wala nang daranas ni munting balisa ang bughaw mong langit na tinitingala dala ang pag-ibig sa puso at diwa buong kalikasa'y titik na mistula aking nasisinag pangarap kong tuwa. Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw dito'y masagana ang saya ko't aliw ng naggagandahang tugtog at awitin siyang nagtataboy ng luha't hilahil Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawin ang katauhan ko'y dagling pagsamahin tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin sa pananagana ng bukong nagbitin. Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat ako'y magbabantay, walang paghuhumpay ang kabutihan mo na sa aking pangarap Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap ng dakilang Diwa ng maamong palad; tanging ikaw lamang panatang maalab pagdarasal kita sa lahat ng oras na ikaw ay laging manatiling tapat.
INTERPRETASYON:
Noong 1876, sa edad na 15 taong gulang ay nag-aral si Rizal sa Ateneo de Manila. Habang siya ay nasa Maynila ay naalala niya ang kanyang pinakamamahal na bayan, ang Calmaba. Inaalala niya ang mga masasayang araw ng kanyang kababata roon at inilathala ito sa kanyang tula na may pamagat na, “Un Recuerdo a Mi Pueblo” o “Isang Alaala ng aking Bayan”.
Sa unang saknong mababasa dito kung paano ipahayag ni Rizal ang kayang damdamin sa pag-alis sa Calamba. “Nagugunita ko ang nagdaang araw ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw sa gilid ng isang baybaying luntian ng rumaragasang agos ng dagatan” makikita sa pahayag na ito na si Rizal ay nagababalik tanaw sa kanyang nakaraan at karanasan sa Calamba. Ang kanyang kamusmusan kung saan siya ay nag-lalaro lamang sa bayabayin. Sa pangalawang saknong naman ay ipinapahayag ni Rizal ang kagandahan ng Calamba. Ang kagandahan ng dagat, buhangin, at alon; at ang mahalimuyak na bango ng mga bulaklak.
Makikita sa ikatlong saknong ang pagbabalik tanaw ni Rizal sa kanyang kamusmusan sa Calamba. “Naalaala
kong
may
kasamang
lumbay
ang
kamusmusan ko nang nagdaang araw Kasama-sama ko'y inang mapagmahal siyang nagpapaganda sa aba kong buhay”, mababasa dito kung gaano kalung kot si Rizal sa paglisan sa bayang ito. Mga panahong hindi pa hinog ang kanyang isipan at kasakasama pa niya ang kanyang mahal na ina. “Naalaala kong lubhang mapanglaw bayan kong Kalambang aking sinilangan sa dalampasigan ng dagatdagatan sadlakan ng aking saya't kaaliwan”, sinasabi dito ni Ri zal na marami siyang karanasan sa dalampasigan, dito siya nag-lalaro kasama ang inba niyang kapatid, at nag-lalakad kasama ang kanyang mahal na ina. Sa pang-apat na saknong naman ay inilalarawan ni Rizal ang kagandahan ng gubat, hangin, at kapilya. Makikita rin dito ang mga aktibidad na gingawa ni Rizal sa nasabing lugar, tulad sa gubat, inilalarawan ni Rizal ang pag-lalaro at pag-uunahan nila sa gubat; at ang pagdadasal ni Rizal sa nasabing kapilya. Sa ika-limang saknong ay mas inilarawan ni Rizal ang ganda ng kagubatan. Makikita dito na si Rizal ay mapagmahal sa kagubatan at isa ito sa kanyang naging inspirasyon sa buhay. “Ang kagubatan mong kahanga-hanga Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha sa iyong himlayan ay wala nang luha wala nang daranas ni munting balisa”, dito mababasa kung gaano hinhangaan ni Rizal ang kagubatan,
sinasabi din dito na ang lahat ng ito ay likha ng Diyos at dito mararanasan ang kagandahan at kapayapaan ng maykapal. “Ang bughaw mong langit na tinitingala dala ang pag-ibig sa puso at diwa buong kalikasa'y titik na mistula aking nasisinag pangarap kong tuwa”, ito ang natatangi sa kagubatan, maraming puno at hayop ngunit, sa tulang ito ni Rizal binigyang pansin rin niya ang kagandahan ng kalangitan. Sa pag-tingala sa gubat ay makikita ang isang maaliwalas at bughaw na langit. Sinsabi lamang ni Rizal na sa pag-tingala niya sa kalangitan ay nababasa at natatanaw niya ang kanyang mga pangarap, ang pangarap na kalayaan para sa Pilipinas. Sa panganim na saknong ay ipinapahayag ni Rizal ang kanyang pangungulila sa kayang bayan. “Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw dito'y masagana ang saya ko't aliw ng naggagandahang tugtog at awitin siyang nagtataboy ng luha't hilahil”, sinasabi ni Rizal na masagana ang kanyang buhay sa Calamba kumpara sa kanyang kasalukuyang buhay noon sa Maynila. Ang mga tugtog at awitin na nanggagaling sa puno, alon ng dagat, hangin, at ang himig ng kanyang ina ay ang mga awiting nag-aalis ng kanyang kalungkutan sa Calamba. Mababasa rin sa saknong na ito na ang kagustuhan ni Rizal na bumalik sa Calamaba. Sa huling saknong naman ay nag-papaalam si Rizal sa kanyang bayan. “Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat ako'y magbabantay, walang paghuhumpay ang
kabutihan mo na sa aking pangarap Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap ng dakilang Diwa ng maamong palad;”, sinasabi niya rito ang kanyang pasasalamat sa bayan. Ang ibig sabihin ng pahayag na “ako'y magpupuyat ako'y magbabantay”, ay ang kanyang pangakong ipaglalaban ang bayan at bansa sa mga dayuhan, Siya ay magsisikap upang maprotektahan niya ang kanyang bayan, at bansang sinilangan. “tanging ikaw lamang panatang maalab pagdarasal kita sa lahat ng oras na ikaw ay laging manatiling tapat.” Sa huling pahayag na ito ay makikita ang tunay na pag-mamahal ni Rizal sa bayan, sinasabi niya na ito ay kanyang ipagdarasal upang ito ay manatiling tapat sa bayan, sa mga Pilipino a hindi sa dayuhang umaangkin dito.