Filipino sa Piling Larang –Tech Voc
Handout #2
PAGSULAT NG SULATING TEKNIKAL-BOKASYONAL Kahulugan ng Sulating Teknikal-Bokasyonal - Ang teknikal-bokasyonal teknikal-bokasyonal na na pagsulat ay napakahala napakahalaga ga sa paraan ng ng pagsulat at at komunikasyon komunikasyon para sa propesyunal propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo, panglaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at mga dayagram. - komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham, inhenyera, teknolohiya at agham pangkalusugan. pangkalusugan. Ito ay payak, tumpak, kumpleto ang impormasyon, impormasyon, malinaw, di -emosyonal at obhetibo. Katangian ng SulatingTeknikal-Bokasyonal - naglalahad at nagpapaliwanag nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw, obhetibo, tumpak, at di-emosyonal di -emosyonal na paraan 1. Inilalahad at ipinaliliwanag nito ang isang paksa sa paraang malinaw, walang kinikilingan, maiksi at di madamdamin. 2. Gumagamit ito ng mga kompleks na teknik sa pagsulat tulad ng deskripsyong mekanismo, deskripsyon proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga, paghahambing at pagkokontrast, analohiya at interpretasyon. 3. Gumagamit ito ng mga teknikal na bokabularyo 4. Gumagamit ito ng mga talahanayan, grap at pigura upang linawin at suportahan ang mga kalakip na pagtalakay. 5. Sumusunod ito sa mga kumbensyonal kumbensyonal na organisasyon at estilo 6. Matapat ito, tama ang impormasyon impormasyon at nakabase lamang sa katotohanan. Layunin ng isang sulating Teknikal-Bokasyonal 1. Magbigay ng impormasyon - isunusulat ito upang bigyan ang mambabasa ng impormasyon ukol sa isang bagay o ng direksyon sa paggamit ng isang produkto. 2. Magsuri – ang sulatin ay binubuo upang analisahin at ipaliwanag ang implikasyon ng mga pangyayari upang magamit bilang basehan ng mga pagdedesisyon sa kasalukuyan at sa hinaharap. 3. Manghikayat – upang kumbinsihin ang mambabasa o pinatutungkulan nito. Bagaman kasama nito ang layuning makapagbigay ng impormasyon. impormasyon. Gamit ng isang sulating Teknikal-Bokasyunal 1. Nagbibigay-ulat 2. Nagbibigay-instruksyon 3. Naghahain ng isang serbisyo o produkto 4. Nagsisilbing basehan ng mga pagdedesisyon 5. Nagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon. Anyo ng sulating Teknikal-Bokasyunal 1. Sulating Interpersonal o Inter-Institusyonal – tumutukoy ang mga ito sa mga sulating ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o institusyon upang ipabatid ang mga hangarin, impormasyon o datos na makatutulong sa pagtamo ng layunin ng nagpapadala. hal: liham pangnegosyo 2. Sulating ukol sa isang produkto – tumutukoy ang mga ito sa mga sulating may kinalaman sa isang produkto. Hal. deskripsyon ng isang produkto, manwal sa paggamit ng produkto 3. Sulating Pabatid –Publiko at Sulating Promosyonal – tumutukoy ang mga ito sa mga sulating naglalayong magpabatid ng impormasyon sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang produkto,serbisyo produkto,serbisyo o kaganapan. kaganapan. Hal. flyers, leaflets, promo material, anunsyo, paunawa paunawa at babala. 4. Sulating ukol sa Pagkain – tumutukoy ito sa mga sulating may kinalaman sa pagkain. hal. recipe at menu Katangian ng isang Mahusay na Manunulat ng Sulating Teknikal-Bokasyonal 1. Matatas sa wika 2. Analitikal 3. Obhetibo 4. Mataas ang kaalaman sa paksa 5. Mahusay sa kumbensyon ng pagsulat 6. Sumusunod sa etikal na pamantayan Paghahanda sa pagsulat 1. Kilalanin ang mambabasa 2. Tukuyin ang layunin 3. Magbasa at magsaliksik 4. Magsulat na
Inihanda ni: Gng. Raquel M. Cruz Teacher II
Filipino sa Piling Larang –Tech Voc
Handout #2