SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KOLEHIYO HINGGIL SA MAAGANG PAGBUBUNTIS NG MGA KABABAIHAN
Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan Ng Filipino Filipino Yunit ng Kolehiyo sa Sining Sining at Agham ng Pamantasang Normal ng Leyte
Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 102 (Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik)
Nina
Rubilyn L. Macapagat , BSED 1-1 Angelli Faye A. Manalac , BSED 1-1 Emmanuel P. Manito, BSED 2-1 Romeo A. Morante Jr. , BEED 1-2 Ariel C. Peleno , BEED 1-4
TFri 1:00- 2:30 pm
Marso 2011
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksyon
Iba na talaga ang kabataan ngayon. Ito ang kadalasang naririnig sa mga nakatatanda kabilang na rin dito ang mga lolo’t lola. Sa mga salitang ito, masasabing may malaki talagang pinagkaiba ang henerasyon ngayon kumpara sa dati. Mapapansin na karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi gumagalang sa mga matatanda at halos lahat ng resulta sa mga sarvey tungkol sa kabataan ay nagpapakita ng mataas na porsyento sa kaso ng krimen at sa paggamit ng bawal na gamot. Ngunit may isa pang kinalolokohan at kinasasangkutan ang mga kabataan ngayon. Ito ay ang “Premarital Sex” na nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis. Ang pinakamagandang bagay na maaaring ipagkaloob ng diyos sa mga kababaihan ay isang sanggol. Ibinubuhos nila lahat ng atensyon, pagaaruga at binibigyan ng sapat na pagmamahal at nutrisyon. Ngunit sa panahon ngayon, nagiging mapusok na ang mga kabataan ang at pilit nilang sinusubukan ang kanilang mga limitasyon pagdating sa pakikipagtalik. Isang malaking suliranin ngayon sa lipunan ang maagang pagbubuntis. tumutukoy
Ang sa
maagang
pagbubuntis
pagdadalangtao
ng
isang
o
“Teenage
babae
na
Pregnacy” kulang
pa
ay sa
gulang(labintatlo hanggang labinsiyam) o wala sa wastong edad upang magbuntis wasRedirected=true).
(http://en.m.wikipedia.org/wiki/Teenage_pregnancy? May
mga
kabataang
edad
labinlima
hanggang
labinsiyam ang madalas na nasasangkot sa suliraning ito at sinasabing sa edad na ito sila pinaka nagiging mausisa. Mas mahirap ang dinadanasng kabataang nabubuntis kumpara sa mga nabbubuntis ng nasa edad 21 pataas. Bukod sa pinansiyal na problema, magkakaroon din ng problema sa kanilang pangangatawan o kalusugan (http://www.isiswomen.org/wia/wia203/miranda.htm). Hindi kasi madali ang pagdadala ng sanggol, minsan hindi ito kaya ng katawan (Campbell, 2003). Minsan may kaso pa nga ng nalalaglagan ng bata. At hindi din medaling gumawa ng bata. Mainit ang isyu tungkol sa maagang pagbubuntis ng kabataan lalo na sa mga bansang hindi gaanong debelop at mababa ang
antas o “standard” ng edukasyon. Sa mga mauunlad na bansa naman, ang teenage pregnancy ay kadalasang hindi na nakagugulat. Karamihan sa nasasangkot ay hindi kasal, ngunit sa ibang bansa at kultura, sila ay ikinakasal na. Sinasabi na ang United States at New Zealand ang may pinakamataas na bahagdan ng teenage pregnancy at ang pinakamababa ay ang panakamababa ay ang bansang Japan at South Korea. Maraming dahilan ng maagang pagbubuntis. Isa na rito ang “peer pressure” o ang pag-impluwensya ng mga taong malapit sa ating paraan ng pamumuhay, ang hindi paggamit ng “contraceptives”, relasyon sa magulang at iba pang kapamilya, at medya (Guttmacher Institute, 2005). Sa ngayon, ang mga kabataan ay laging sumusunod sa uso, at sa paningin ng ibang lalaking kabataan, napapatunayan ang kanilang pagkalalaki kung sila ay makikipagtalik, na nagbubunga sa pagbubuntis ng isang dalaga. Isa pang dahilan ay ang hindi maayos na paggamit ng contraceptives dahil kulang sa “sex education”. Sinasabi rin na ang mga teenagers na galling sa pamilyang hiwalay na ang magulang ay may mataas na posibilidad at gayun na rin ang pagkukulang na nagdudulot ng maagang pagbubuntis (Schultz, 2006). Ang sabi naman ng iba ay dahil wala silang nararamdamang pagmamahal sa kanilang pamilya kaya’t naiisipan na lamang nilang hanapin ang kanilang sarili. Sa kanilang paniniwala, ang batang kanilang ilalabas ay ang makapagbibigay sa kanila ng kaligayahan at pagmamahal (Butts, 2008). Bawat
tao
ay
may
kanya-kanyang damdamin. Lahat
ay
may
daladalang mga dinaramdaman. At lahat ding ito ay may iba’t-ibang solusyon. Ngunit laging pagkakatandaan na ang isang maling bagay ay hindi maitatama ng isa pang maling pamamaraan. Kung hindi mo mahanap ang pagmamahal sa mga taong nakapalibot sa iyo, o kung ikaw ay natutuksong gumawa ng maling bagay, huwag kalimutang hindi natutulog ang Diyos. Huwag mag-apura sapagkat may tamang pagkakataon din ang lahat ng bagay. Huwag magpadalos-dalos. Sabi nga nila, “Mahirap magbuntis, ngunit mas mahirap maging ina”.
Layunin ng Pag-aaral
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang saloobin ng mga magaaral sa unang taon ng kolehiyo hinggil sa maagang pagbubuntis ng mga kababaihan. Hinahangad din ng mga mananaliksik na gisingin ang mga kabataan sa mga katotohanan na nakapalibot sa kanilang kapaligairan nang lalong maiwasan ang sitwasyon
gaya ng maagang
pagbubuntis. Sa
pamamagitan ng mga katanungang: 1. Mulat ba ang mga estudyante sa sitwasyon ng henerasyon ng kabataan ngayon? 2. May sapat na kaalaman ba sila sa mga maaring disadbentahe ng maagang pagbubuntis? 3. Alam ba nila ang masamang epektong pakikipagtalik ng walang proteksyon? 4. Sapat ba ang mga isinasagawang patakaran ng Leyte Normal University upang maiwasan ang sitwasyong ito? 5. Malaki nga ba ang impluwensya ng mga malalapit na kaibigan sa pagkakasangkot ng mga kabataan sa premarital sex? 6. Tanggap ba ng mga estudyante ang pagtuturo ng Sex Education? 7. Sangayon ba ang mga mag-aaral sa RH Bill (Reproductive Health Bill)? 8. Normal na bang usapin sa mga kabataan ang pakikipagtalik? 9. May mga aral bang natutunan ang mga estudyante mula sa ibang mag-aaral na nabuntis? 10.Nababawasan
ba
ang
inyong
pagtingin
sa
isang
dalagang
estudyanteng maagang nabuntis?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kaalaman sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan ay mahalagang malaman ng bawat isa para maiwasan ito. Ang papel na ito ay makakatulong sa pagmulat sa mga mata ng kabataan upang masugpuan ang dumadaming bilang ng kabataang nabubuntis. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa
paggising ng isipan ng kabataan ukol sa masasamang epekto ng sobrang kapusukan at ng pakikipagtalik na walang basbas ng kasal.
Sa
mga
magulang.
Ang pananaliksik
na ito
ay maaaring
makatulong sa mga magulang sa pagdisiplina ng kanilang mga anak. Sa pamamagitan
nito ay
makakakalap
sila ng ideya
kung paano nila
pangangaralan at didisiplinahin ang kanilang mga anak sa paraang hindi ito magrebelde at gumawa ng mga di kanais-nais na bagay. Sa Administrasyon ng Leyte Normal University. Sa pag-aaral na
ito ay malalaman ng administrasyon kung tama at sapat ba ang kanilang mga polisya na ipinapatupad ukol sa isyung pagkakabuntis ng ilang magaaral sa unibersidad. Saklaw at Limitasyon
Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng Pamantasang Normal ng Leyte sa Edukasyong Sekundarya ng unang taon lamang. Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa Edukasyong Sekundarya ng unang taon lamang sapagkat layunin ng pananaliksik na makuha ang pananaw ng mga baguhang estudyante sa unibersidad nang mabigyang pansin ang mga saloobin ukol s abagong kapaligiran nila. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang piling isang daan (100) na estudyante ng Edukasyong Sekundarya ng unang taon lamang. Depinasyon ng mga Terminolohiya Teenage Pregnancy. Tumutukoy sa pagbubuntis ng kabataang
babae na nasa a20 anyos pababa. Contraceptives.
Ginagamit
ito upang mapigilan ang maaaring
pagbubuntis ng babae. STD (Sexually Transmitted Disease). Ito ay ang katawagan sa mga
sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Halimbawa nito ay AIDS. Sex Education. Ito ay ang pagtuturo sa mga estudyante ng paaralan
tungkol sa seks at sa mga disadbentahe nito. Tinatalakay din dito ang mga solusyon upang mapigilan ito. Premarital Sex. Tumutukoy ito sa pakikipagtalik ng isang babae at
lalaki na walang basbas ng kasal.
Bibliyograpiya
http://en.m.wikipedia.org/wiki/Teenage_pregnancy?wasRedirected=true http://www.isiswomen.org/wia/wia203/miranda.htm Campbell, N.A. 2003 Biology : Concepts and Connetions. San Fransisco : Pearsons Education Inc. Guttmacher Institute. 2005 Sex and Relationships. Retrieved. August 15, 2006.