Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon 1. 1. Ang Pagtuturo ng Filipino sa Batayang Edukasyon 2. 2. Ang Pagtuturo ng Filipino sa ELEMENTARYA : 3. 3. A. Deskripsyon 1. Mga lawak o kasanayan Lumilinang sa kasayang: Pakikinig Pagsasalita Pagbasa Pagsulat Pag-iisip 4. 4. 2. Saklaw sa mga lawak o kasanayan a. Ang mga tiyak na kasanayan ay nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO. b. SIBIKA at KULTURA – una hanggang ikatlong baitang (1) Maaring gamitin ng Filipino ang nilalaman ng SK/HKS. (2) Ang batayang kasanayan sa pagbasa ay matutunan nang lubusan sa tatlong baitang. 5. 5. B. Pagbabago sa Kasanayan o Kompetensi sa Pagkatuto 1. Pagsasaayos, pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad. 2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan. 3. Pagbibigay DIIN SA PAGBABASA at PAKIKIPAGTALASATASAN para sa paguunawa sa mga BATAYANG KAISIPAN O KONSEPTO SA MATEMATIKA AT AGHAM. 6. 6. C. Mga Inaasahang Bunga MITHIIN: - Mabisang pakikipagtalastasan (Pasalita o pasulat) Patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. 7. 7. D. Nakalaan/Nakatakdang Oras sa Pagtuturo ng Filipino PAGBABAGO: BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO I-III 60 80 Dagdag na 20 minuto IV-VI 60 60 Walang dagdag 8. 8. E. Mga Dapat Isinasaalang-alang sa Pagtuturo ng Filipino 1. Pamaraang Pagsasanib (Integrative Method) Integrasyon o Pagsasanib ng mga Kasanayan/Lawak sa Filipino (SkillsBased Integration) HULWARAN 1 - Maaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa Isang aralin, kung saan samasama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral. 9. 9. Ang paglinang ng gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng mga kasanayan sa PAKIKINIG,PAGSASALITA, PAGSUSULAT o PAG-IISIP. Isaalang-alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI o LUBUSANG PAGKATUTO. HULWARAN 2 Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat malinang lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay. 10. 10. 2. Pagsasanib ng tiyak na kasanayan sa Filipino sa Nilalaman o Konsepto ng Ibang Asignatura (Content-Based Integration) TANDAAN: a. Sa Baitang I-III Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng FILIPINO Palinang sa kasanayan sa pakikipagtalastasan ang pokus. 11. 11. b. TEKSTO/BABSAHIN/PAKSANG-ARALIN ng SK at PAGPAPAHALAGA/EKAWP ginagamit na mga KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO, ALAMAT at iba pa.) Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD sa paglinang ng mga Kanayan sa Filipino HALIMBAWA: Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay isang kwento. 12. 12. Ang PAKSA o nilalaman ng kwento ay nauukol sa SK at EKAWP, sa ganitong sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO. c. BIGYANG-DIIN ang ganitong PAGSASANIB sa oras ng TALAKAYAN sa
13.
14. 15. 16.
17.
18.
19.
20.
21. 22.
23.
nilalaman ng mga TEKSTO o KAGAMITANG PANLITERATURA na ginagamit na LUNSARAN sa paglinang ng kasanayan. 13. 3. Interaktibong Pagdulog (Interactive Approach) a) Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon (meaningful interaction) b) Isang gawaing samasama (collaborative activity) c) Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan (1) pagpapahayag ng sariling ideya (2) pag-unawa sa ideya ng iba 14. (3) nakikinig sa iba (4) bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto (shared context) 15. Ang Pagtuturo ng Filipino sa SEKONDARYA 16. Pangunahing MITHIIN ng Filipino: - Makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino. Kailangang taglay ang kasanayang makro: PAGBSA, PAGSULAT, PAGSASALITA at PAKIKINIG. - Bilang sanay na komunikatibong pakikipagtalastasan, nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng kasanayang komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyolinggwistik at istratedyik. 17. SA UNANG DALAWANG TAON - Binigyang pokus ang masusing pag-aanalisa at pagaaral ng mga tiyak na istrakturang gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay sa pagtatamo ng wastong kasanayan sa maunawang pagbasa. - Upang matamo ito, pinagsanib ang mga tekstong prosidyural, reperensya, journalistic, literasi at politiko-ekonomiko at pagkatuto ng iba’t ibang istrakturang gramatikal. 18. HULING DALAWANG TAON - Ang pokus ay pagtatamo ng mapanuring pagiisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa at pag-unawa sa iba’t-ibang genre ng panitikang nakasalin sa Filipino. - Sa Bawat taon ay binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa iba’t ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito’y Pinagtutuunan ng isang linggong leksyon bawat markahan. 19. Binibigyang pansin ang mga tiyak na akda bilang mga akdang pampanitikan. Sa UNANG TAON - Ibong Adarna Sa IKALAWANG TAON - florante at Laura Sa IKATLONG TAON -Noli Me Tangere. Sa IKAAPAT NA TAON – El filibusterismo Pinagtutuunan ang mga akdang ito ng dalawang linggong sesyon sa bawat markahan. 20. - Ang binibigyang pansin sa apat na taong pagaaral sa Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa akdemikong wika. - Hindi nagkakaroon ng radikal na pagbabago sa kontent ng Filipino bilang sabdyek sa lebel sekondarya. - Binibigyan lamang ng pokus ang maunawaang pagbasa sa tulong iba’t-ibang uri ng text upang malinang ang kasanayang linggwistika ng mga mag-aaral. 21. - Sa panitikan, tinitiyak lamang ang batayan at sukatan ng pagkatuto tulad ng mga tiyak sa tema, pamantayan at simulain. 22. SA KABUUAN: - Mahusay ang pagkakabuo/pagkakabalangkas ng RBEC sa Asginaturang Filipino sapagkat hindi lang ang kapakanan ng mga mag-aaral ang isinasaalang-alang dito kundi pati rin ang kapakanan ng mga guro. - Maayos ang paglalahad ng bawat gawain sa tulong ng ready-made na BanghayAralin. 23. - Magaganda at napapanahon ang mga teksto at naangkop ang lebel ng pag-unawa ng mga mag-aaral, lalung-lalo na sa ikaapat na taon. - Magsisilbing hamon para sa kanila upang sila’y mag-isip. - May sapat na oras ang inilaan sa bawat aralin upang mabigyan ng
pagkakataon ang mga mag-aaral na makagawa ng kanilang mga output. Nabibigyang linaw din nito ang araling tinatalakay bago matapos ang sesyon. 24. 24. Sa bahagi ng guro: - Hindi na mauubos ang oras ng guro sa paghahanda ng banghayaralin. - Maganda ang pagkakaroon ng cooperative leaning dahil sa less talk na ang guro sa loob ng klase. - Nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na magpahayag ng kanilang saloobin/pananaw na may kaugnay sa aralin. 25. 25. SALAMAT SA WALANG SAWANG PAKIKINIG!!! :D Inihanda ni: CHARIZE SARING RUBIOS III-D BSE FILIPINO
MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON
1 .
Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya angm mga kasanayang makro: ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita, pakikinig at pag-iisip.
2 .
Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan , nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng kasanayang komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyo-linggwistik at istratedyik.
Sa Unang Dalawang Taon Sa Huling Dalawang Taon Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag aaral Ang ng pokus mga aytiyak ang na pagtatamo istrukturang ng mapanuring gramatikal ng pag-iisip Filipino sa pamamagitan bilang isang kasabay ng kritikal ng pagtatamo na pagbasa ng wastong at pag-unawa kasanayan sa iba’tsa ibang genre ng maunawang pagbasa. panitikan Upang na nakasalin matamo ang sa Filipino. mga ito, pinagsanib ang mga interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa iba’t-ibang uri ng teksto tulad ng mga tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic, literasi at politicoekonomik at ang pagkatuto ng iba’t –ibang istrukturang gramatikal.
Sa Bawat Taon Sa Apat na Taonng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat Binibigyan na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa iba’t-ibang Binibigyan uri ng komposisyon ng pansinatang malikhaing pag-aaral pagsulat. ng Filipino Itoay ayang pagtatamo ng kasanayan pinagtutuunan ang isang liggong sa akademikong leksyon sa wika. bawat markahan. Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat Taon Unang Taon
Ikalawang Taon
Ikatlong Taon
Ikaapat na Taon
Florante at Laura
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Ibong Adarna
Ang Thematic Curriculum
Ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng programa, kurso at iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at pangnilalamang tema. Ang mga Benepisyong Matatamo sa Paggamit ng Thematic Curriculum 1 .
Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga karanasan sa pagkatuto.
2 .
Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at pagkatutong nagaganap sa lugar ng
paggawa at komunidad. 3 .
Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan awtentik.
4 .
Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain.
5 .
Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay.
6 .
Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na mataas na edukasyon at paghahanapbuhay.
7 .
Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkariniwang interes
Ang mga Benepisyong Matatamo Para sa mga Edukador
1 .
Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng grupo ng mga propesyunal na may mga estratehiya sa pagkatuto.
2 .
Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay nama’y mga positibong impak sa mga mag-aaral.
3 .
Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng pamumuno sa pagsasaayos ng paaralan at pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga matagumpay na karanasan sa paaralan.
Ang mga Pangunahing Salik sa Lahat ng Aspeto ng Thematic Curriculum
1 .
Ang Thematic Curriculum ay maaaring maipatupad sa maraming paraan gaya ng kurso, akademya klaster, magnet at ang buong paaralan.
2 .
Ang Thematic Curriculum ay maaaring maisanib sa ibang mga reporma gaya ng integrasyon ng edukasyong bokasyunal at akademiko, transisyong paaralan-paggawa.
3 .
Ang Thematic Curriculum ay nakalaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat maaari ring maging kapakipakinabang sa paaralang elementarya.
4 .
Ang Thematic Curriculum ay magsisilbing tulay upang mapagsama angmga karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa paaralan at paggawa.
5 .
Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na produksyon at tradisyon ay binawasan ang pagpapatupad ng thematic curriculum na nabuo mula sa mga aspekto. Ang mga Pangunahing Pagdulog sa Pagtuturo ng Filipino sa Antas ng Elemenytarya
Lapit/Pagd ulog
Tradisyun al
Istruktural
Komunikatib
Wh Lan
Teorya/Prinsi pyo
Isang organismo nasusulat,
Sistemang pasalita, arbitraryo at
Isang pormal na sistema ang wika at
Isan Glob nak
pang – komunikasyon ang kumbensy unal ang wika pagkilala at pagbuo
Mga Layunin
Pagkilala at pagbuo ng mga bahagi ng pananalita , wastong gamit ng salita
wika, mekanikal ang pagkatuto at huhubog sa mga kaugalian (habits)
Pagtatamo ng mga kasanayan pang-ling-
sa mga komunikatibong pangangailangan
Pagtatamo ng kasanayan
Pag liter na nan
-linggwistik gwistik (pagbuo ng mga ponema, morpema at pangungusap
Magkahiw alay na pagsasanay sa pagbuo ng mga ba-
may mga gamit ding functional para
(lan ang kaya inte kasa ang Map ang tugo espi pan
-sosyo-linggwistik -pang-diskors
ng m na
pag ka-
-pang-estratehiya
sana pan
sa ib gam Patterns,
(aka
kom
kasy
Coo acti
ve lear
solv coac Cooperative/inter acttive learning (dyadic substitution hagi ng pananalita
Drills, mimicry,tagmemics (pokus sa anyo ng wika)magkahi walay na pagtuturo ng wika at pagbasa
exchange, group work information gap,taskoriented)
ing emp
men
inte pag interaktibong pagaaral ng wika at pagbasa
aara
pag n
Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (Content –Based Instruction o CBI)
Binibigyang kahulugan nina Brinton , Snow at Iverche (1989) Ang pagtuturong Batay sa Nilalaman bilang integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman at sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y tumutukoy sa kasalukuyang pag-aaral ng paksa at paksang aralin , nang may porma at pagkakasunud-sunod ng presentasyong taglay ng nilalaman ng teksto. Nakapokus ito hindi lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang gamit bilang midyum ng pagkatuto ng matematika, agham panlipunan, at iba pang mga asignaturang pang-akademiko.
Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA)
MGA ESTRATEHIYA
1 .
Ang estratehiyang metakognitib. Ito’y tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa (Royo,1992). Ito’y pagpaplano para sa pagkatuto, pagmomonitor at produksyon, sa pagtataya kung paano natamo ang layunin sa pagkatuto.
2 .
Ang estratehiyang kognitib. Ito’y interaksyong may kasamang materyal (pagpapangkat-pangkat, pagtatala, pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental, pagbabahagi ng bagong impormasyon sa dati nang natutuhang mga konsepto o mga kasanayan. Ito’y estratehiyang gingamit ng mga manmbabasa sa pagkatuto ng mga akademikong disiplina.
3 .
Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Ito’y interaksyon sa iba pa upang makatulong sa kanyang pagkatuto.
PARAAN/TEKNIK
Pagkatutong Tulung-tulong (Cooperative Learning) Ito’y isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na humihikayat sa mga mag-aaral na gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat upang matutuhan ang aralin. Natutuhan ng pangkat ang isang partikular na konsepto o nilalaman kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang miyembro sa diskusyon/usapan. Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong tulung-
tulong na nilahad nina Johnson at Johnson (1986):
1 .
Pagbuo ng pangkat
2 .
Paggawa bilang isang pangkat
3 .
Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat
4 .
Pagbuo ng magkakaibang ideya.
MGA BAGONG PANANAW SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
a) Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at ang kaugnayan ng mga ito sa nagbabagong layunin ng edukasyon b) Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at makatotohanang pakikipagtalastasan. c) Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at paggamit ng alternatibong pagdulog sa pagtuturo ng wika na batay sa pangangailangang komunikatib. d)
Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong komunikatib
e) Higit na malawak na pagkaunawa sa pagkakaugnay-ugnay o integrasyon ng mga kasanayang pangwika tulad ng pagbasa at pagsulat, pakikinig at pagsasalita . f) Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa iba’t ibang antas ng pangangailangan. g)
Interes sa mga pinagsanib na programa tulad ng wika at araling panlipunan.
h) Pokus sa pangangailangan, interes at motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin sa proseso ng pagkatuto at ang mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. i) Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral sa silid-aralan. Pagbibigaydiin sa tambalan at pangkatang interaksyon at sa peer teaching. j) Pagbuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic tulad ng pagdulog na komunikatib.
Batay sa mga nabanggit, nagmungkahi ang DepEd ng mga pananaw at estratehiya sa pagtuturo: 1.
PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN O CONTENT-BASED INSTRUCTION (CBI)
C Integrasyon ng kontent ng mga asignaturang tulad ng Heograpiya, Kasaysayan, Sibika at Kultura, Agham at iba pa sa pagtuturo ng wika. C mahalaga ang kolaborasyon ng guro ng wika at ng content area subject dahlia sa paggamit ng input sa dalawang lawak. C ang layunin ng guro ay malinang nang sabay ang kasanayang pangwika at pagtatamo ng akademikong kaalaman. Pangunahing katangian ng Pinagsanib na Pananaw a)
Nalilinang ang mga kasanayang kognitib at pangwika
b) Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol dito sa pokus kundi kung ginagamit itong instrument sa pagkatuto. c) Naipauunawa ang input sa iba’t ibang kaparaanan tulad ng demonstrasyon, biswal, aktwal na pagsasagawa at manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng guro sa mga aralin. d)
Inaalam ang eskrima o datihang kaalaman at iuugnay ito sa bagong tapik.
e) Ipinakikita ang mga kasanayang komunikatib sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik, interaksyon sa materyal, kapwa mag-aaral at mga guro f)
Hinihikayat/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto
g)
Nililinang/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto
h)
Nahahamon ang katalinuhan ng mag-aaral.
i) Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng awtentikong materyal para maituro nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat. 2.
TEMATIK NA PAGTUTURO Ipinaliliwanag ng DepEd ang pakahulugan dito:
“Thematic teaching recognizes learning around ideas. It provides a framework for linking content and processes from a variety of disciplines. The theme provides coherence and focus for accompanying activities. The theme enables learners to see the meaningful connections across content or skills areas. .” 3.
INTERAKTIB NA MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO C Mahalaga ang interaksyon sa anumang pagtuturo. C ayon kay Well Rivers (1987) ay isang gawaing kolaboratib na kinapapalooban ng tatsulok na ugnayang nagpapahatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat man ang komunikasyon. C May tatlong interaksyon na maaaring lahukan ang mag-aaral:
4.
interaksyon sa guro sa kapwa mag-aaral sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral KOLABORATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO C Nakapokus sa KOOPERASYON ng mga mag-aaral sa mga gawaing pagkatuto. SINTAKS NG KOOPERATIBONG MODELO SA PAGKATUTO a)
Ilahad ang tunguhin ng gawain.
b)
Ilahad ang impormasyon.
c)
Pangkatin ang mga mag-aaral.
d)
I-monitor ang mga pangkat.
e)
Ipalahad sa pangkat ang resulta ng kanilang gawain.
f)
Kilalanin ang pagsisikap ng indibidwal at pangkat, gayundin ang kanilang natamo.
g)
Paglaanan ang mga gawaing lilinang sa iba’t ibang katalinuhan.
h) Pagsanibin ang kahalagahan (values) sa pagtuturo at aplikasyon ng mga pagpapahalagang ito. Samakatuwid… C Napakalaking hamon sa kaalaman at kakayahan ng guro ang pagpaptupad ng kurikulum lalo na ng 2002 sapagkat ang kurikulum ng 2002 ay interaktib, kolaboratib at integratib, nakapokus sa mga batayang kasanayan at kahalagahan at lumilinang ng iba’t ibang katalinuhan.
Posted on March 29, 2013 by filipinotek
https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ang-mgaestratehiya-sa-pagtuturo-ng-wika-at-ang-pamaraangkomunikatib-sa-pagtuturo-ng-wika/