Halimbawa ng isang Banghay Aralin sa ikawalong baitangFull description
FILIPINOFull description
Ang "Ang Aso at Ang Uwak: Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula" ang naitalaga sa akin bilang paksa nang ako ay mag-apply bilang Filipino Subject Teacher sa St. Agnes Academy. Ito ang nabuo kong bang...Full description
Banghay Aralin sa Ekonomiks: Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
BANGHAY ARALIN
Full description
Komiks
Kagamitang pampagtuturo
:)Full description
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7 Ika-1 ng Agosto 2018 Tema:
Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa sa mga mga akdang pampanitikan ng Mindanao
B. Pamantayang Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
C. Kasanayang Pagkatuto:
Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa pabula sa iba’t ibang lugar sa Mindanao. F7EP-Ic-d-2
I. LAYUNIN
Nalalaman ang mga kagamitan o sangguniang mapagkukunan ng mga impormasyon upang makagawa ng isang pananaliksik tungkol sa mga pabula ng Mindanao.
II. NILALAMAN
Paksa: Pagsasagawa ng Pananaliksik Tungkol sa Pabula
Balik-Aral Ano ang ating tinalakay noong nakaraang pagkikita? Sino ang makapagbabahagi ng ating ginawa kahapon?
B.
Pagganyak: Paghahabi Paghahabi sa Layunin ng Aralin Ipapakita at ipapaskil ang mga larawan ng logo Internet, Google, Youtube, Isang Aklat, Magasin at Diyaryo. Magtatanong sa klase: Ano ang alam ninyo tungkol sa mga naipaskil? Magbigay ng isang salitang makapaglalarawan dito at isulat sa pisara.
C.
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin. Tanong: Sa inyong palagay, ano ang maaaring maging gamit ng mga naipaskil na larawan na nasa pisara?
D.
Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan (Unang Formative Assessment) Tatalakayin ng guro ang mga iba’t ibang mapagkukunan ng mga impormasyon (p ahina 48-49). Bibigyan din ang mga mag-aaral ng kopya.
E.
Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan (Ikalawang Formative Assessment)
F.
Paglinang sa Kabihasaan Pangkatang gawain: Quiz Bee Panuto: Hahatiin ang buong klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay magtatalaga ng isang tagapagsulat ng kanilang sagot. Bibigyan ang bawat pangkat ng isang chalk at illustration board. Isusulat ng bawat pangkat ang titik ng kanilang sagot sa mga sumusunod na katanungan: 1. Gustong maghanap ng isang bidyo ng isang balita si Jose para sa kanyang klase. Saan kaya siya makakahanap o makakakuha nito? a. Wikipedia
b. diksiyonaryo
c. Youtube
d. Diyaryo
2. Nais malaman ni Patrick ang mga uri ng panlapi at mga halimbawa nito. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa kanya? a. Youtube
b. diksiyonaryo
c. Diyaryo
d. Aklat
3. Si Lyka ay tagahanga ng KPOP na grupong Blackpink. Gusto niyang makita ang mga larawan nila. Alin kaya sa mga sumusunod ang makatutulong sa kanya? a. encyclopedia
b. Youtube
c. diksiyonaryo
d. Google
4. Hindi alam ng kaklase ni John kung saan ba matatagpuan ang bansang Alemanya. Ano kaya ang makatutulong sa kanya? a. diksiyonaryo
b. Aklat sa Filipino
c. Diyaryo
d. Atlas
5. Gustong kumpirmahin ni Eunice kung tama ba ang kanyang pagkakaintindi sa salitang “paninibugho”. Alin kaya sa mga sumusunod ang dapat niyang gamitin? a. e-book ng isang nobela
b. encyclopedia c. diksiyonaryo
d. Youtube
6. Kailangang makapagbigay ng isang sipi ng balita tungkol sa “dugo -dugo” gang si Adrian sa kanyang Nanay upang makumbinsi ito na huwag agad maniwala kung kani-kanino man. Ano kaya ang makatutulong sa kanya? a. diksiyonaryo
b. Diyaryo
c. Google
d. Atlas
7. Kinopya ni Roselyn ang isang bahagi ng impormasyon na kailangan niya para sa kanilang proyekto mula sa nakita niya sa isang website. Alin kaya sa mga sumusunod ang mga maaaring gawin ni Roselyn para hindi niya malabag ang intellectual property rights o copyright ng kanyang pinagkopyahan? a. Magsinungaling at sabihing sa kanya ang impormasyon b. Bigyang pagkilala o banggitin kung saan nagmula ang impormasyon c. Magkunwari na hindi alam kung saan ito nanggaling d. Magsawalang bahala na lamang 8. Alin sa mga sumusunod na mga website ang pinakamapagkakatiwalaan kapag kumukuha ng impormasyon tungkol sa tamang paggamit ng mga salita sa Filipino? a. kwf.gov.ph
b. tamangbaybay.blogspot.com
c. facebook.com
d. twitter.com
9. Bakit mahalagang tingnan ang petsa ng pagkakalimbag o pagkakasulat ng isang aklat? a. Para malaman kung masyado na itong luma at ang aklat ay maaari nang sunugin b. Para malaman kung masyado na itong luma at ang aklat ay maaaring may mga mas bago nang impormasyong hindi taglay ng mga ito c. Para malaman kung kaaarawan mo ang petsa ng pagkakalimbag ng libro
d. Para malaman kung mas matanda pa sa iyo ang libro 10. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na search engine? a. Google
b. encyclopedia
c. diyaryo
d. pook-sapot
G. Pagpapahalaga: Paglalapat ng aralin sa pang-araw-raw na buhay Ano kaya ang mangyayari sa isang mag-aaral kapag wala siyang alam kahit isa sa mga iba’t ibang maaaring mapagkukunan ng impormasyon? Ano ang magiging kahahantungan niya?
H.
Paglalahat ng Aralin
I.
Pagtataya ng Aralin Bibigyan ng puntos ang mga mag-aaral batay sa nakuhang puntos ng kanilang pangkat kung saan sila kabilang.
J.
Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation kung kinakailangan Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng isang pananaliksik tungkol sa iba pang mga pabula sa Mindanao. Ibabahagi ng bawat miyembro ang kanilang nasaliksik sa kanilang pangkat. Pagsasama-samahin ng mga miyembro ang kanilang nasaliksik at saka iuulat ito ng kanilang pangkat sa harap ng klase.
V. MGA TALA VI. PAGNINILAY Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya ng Formative Assessment ___________________ Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation___________________ Gawaing Pangremedyal _________________________________________________________________ Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin _________________________________________________ Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation _____________________________________ Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang naka tulong ng lubos? Paano ito nakatulong? _______________ Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng ak ing punongguro at superbisor? ___ Anong kagamitan ng panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? ________