BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6 Ikatlong Markahan – Unang Linggo – Unang Araw
I.
Layunin Naisasagawa ang napakinggang hakbang ng isang gawain. F6PN-IIIa-1.2 Nakapagbibigay ng panuto. F6PS-IIIa-8
II.
Paksang Aralin Pagsasagawa ng mga napakinggang hakbang ng isang gawain Pagsunod sa Panuto Sanggunian: Landas sa Pagbasa 6 pahina 222 Curriculum Guide pahina 124 Pagpapahalaga: Mabuting Pakikinig
III.
Kagamitan Tarpapel/
powerpoint
presentatio,
video
presentation
https://www.youtube.com/watch?v=jUyb266HcYc IV.
Pamamaraan A. Panimulang Gawain: 1. Padiktang Pagsulat Bigyang pansin ang gamit ng bantas sa hulihan ng pangungusap na ididikta ng guro. a.
Nanunuod ba kayo ng cooking show?
b. May mga panuto na dapat sundin sa pagluluto. 2. Balik-aral Paano mo maibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita? 3. Pagwawasto ng takdang-aralin B. Gawain sa Pagkatuto 1. Pagganyak Sino sino ang madalas na magbigay ng utos? Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi nasunod ang mga hakbang panuto sa isang gawain?
2. Paglalahad Sa ating pang-araw-araw na buhay ay hindi natin maiiwasan na magbigay ng panuto o direksyon o di kaya ay makarinig tayo ng direksyon sa paggawa ng mga bagay-bagay. Narito ang isang video presentation tungkol sa pagluluto ng Java Rice.
3. Pagtatalakay
Tungkol saan ang video na inyong napanood?
Sa video presentation, ano ang unang hakbang na ginawa ng chef? Ikalawa? Ikatlo? Ikaapat? Ikalima?
Malinaw ba ang panutong binigay ng chef?
Bakit mahalagang maging malinaw at nauunawaan ang panutong binigay?
Paano ito magiging epektibo sa mga tagasunod?
4. Pagsasanay a.
Pinatnubayang Pagsasanay Pagsunod-sunurin ang mga panuto sa pagsasaing ng kanin. Lagyan ito ng bilang 1-5 sa patlang. ____ magtakal ng isa hanggang dalawang basong bigas at ilagay sa rice cooker ____ isaksak ang rice cooker at takpan
____banlawan ang bigas tatlo hanggang apat na beses ____ bago ilagay sa pagsasaingan, punasan ang ilalim ____ maglagay ng malinis na tubig na kasukat ng bigas
b. Malayang Pagsasanay Ibigay ang kasunod ng hinihinging tungkol sa pagkain: A. Bago kumain 1. 2. B. Habang kumakain 3. C. Pagkatapos kumain 4. 5. c.
Pangkatang gawain Magbigay ng direksyon para sa mga sumusunod na larawan. Isulat ang inyong direksyon o panuto sa manila paper. 5 minuto ang nakalaan sa bawat pangkat. At 2 minuto sa pagtalakay sa klase. Unang Pangkat – Maayos na pagtawid sa kalsada Ikalawang Pangkat – Paghahanda ng Pagkain sa Kantina Ikatlong Pangkat – Pagbabasa sa Silid-Aklatan Ikaapat na Pangkat – Sa loob ng ICT
5. Paglalahat: Ano ang mga dapat tandaan o isaalang-alang sa pagsasagawa ng isang gawain o hakbang sa isang panuto?
Ang panuto ay nagsasaad ng direksyon na dapat sundin upang maisagawa nang wasto ang isang gawain.
Gawing malinaw at maikli ang bawat panuto. Gumamit ng mga salitang tiyak at tuwiran. Walang paligoyligoy.
Pagsunud-sunurin ang mga hakbang na gagawin.
May panutong pasalita at pasulat.
6. Paglalapat: Sundin ang sumusunod na mga panuto na ibibigay ng guro sa kantang Kumusta Ka, Halina’t Magsaya
Kumusta Ka, Halina't Magsaya Kumusta ka! Halina't magsaya! Pumalakpak, pumalakpak Ituro ang paa Padyak sa kanan, Padyak sa kaliwa Umikot ka, umikot ka't humanap ng iba Kumusta ka! Halina't magsaya! Pumalakpak, pumalakpak Ituro ang paa Padyak sa kanan, Padyak sa kaliwa Umikot ka, umikot ka't humanap ng iba Kumusta ka! Halina't magsaya! Pumalakpak, pumalakpak Ituro ang paa Padyak sa kanan, Padyak sa kaliwa Umikot ka, umikot ka't umupo ka na! V.
Pagtataya Sundin ang sumusunod na mga panuto na ibibigay ng guro at tingnan kung ano ang iyong mabubuo. Gawin ito sa kalahating bahagi ng papel. 1. Kumuha ng isang kalahating bahagi ng papel. 2. Sa kanang bahagi nito sa parteng itaas, isulat ang inyong buong pangalan at sa ibabang bahagi naman ang inyong baitang at seksyon. 3. Sa gitnang bahagi ng papel, gumuhit ng parisukat. 4.
Gumuhit ng puso sa loob nito.
5. Isulat ang pangalan ng iyong paboritong tao sa loob ng puso. VI.
Takdang- Aralin Gumawa ng iyong sariling panuto sa pag-aalaga ng inyong nakakabatang kapatid kapag ito ay maysakit. Isulat sa kalahating bahagi ng papel.
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6 Ikatlong Markahan – Unang Linggo – Ikalawang Araw
I.
Layunin Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng paraan, panahon, lugar ng kilos at damdamin. F6WG-IIIa-c-6
II.
Paksang-Aralin Paggamit ng pariralang pang-abay sa paglalarawan ng paraan, panahon, lugar ng kilos at damdamin. Sanggunian: Suhay 6 Wika at Pagbasa pahina 194-196 Curriculum Guide pahina 124 Pluma 6 pahina 372-374 Pluma 4 pahina 372, 384, 398 Bagong Filipino Wika at Pagbasa 6 pahina 337, 348, 362 Pagpapahalaga: Pakikinig ng Mabuti
III.
Kagamitan Tarpapel/powerpoint presentation, mga bugtong, metacards
IV.
Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Padiktang Pagsulat Bigyang pansin ang mga bantas at malaking titik sa pangungusap na ididikta ng guro. a.
Nagsaing si Insiong sa ibabaw ng gatong.
b. Patihayang lumakad ang Bangka. 2. Balik-aral Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto? 3. Pagwawasto ng Takdang Aralin B. Gawain sa Pagkatuto 1. Pagganyak
Sino sa klase ang may alam kung ano ang bugtong? Sino-sino ang mahilig sa bugtong?
Sagutin ang mga sumusunod na bugtong: a. Nagsaing si Insiong, sa ilalim ng gatong. (Kinakain ito, lalong masarap kung may tsaa) b. Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. (Dito nagmumula ang iyong sinasabi) c. Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumakad ay patihaya. ( isang sasakyan ito sa t ubig) d. Wala na ang tiyan, malakas pa ang sigaw. (pinatutugtog ito sa simbahan tuwing umaga) e. Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap. ( isinasabit ito tuwing pasko o di kaya ay kung malapit na ang pasko)
Ano-ano pang bugtong ang alam ninyo?
Masaya ba ang pagsasagot sa mga bugtong?
Bakit mahalaga ang bugtong sa ating panitikan o sa k ulturang Filipino?
2.
Paglalahad Itanong: Sa unang bugtong, saan daw nagsaing si Insiong? Sa ikatlong bugtong, papaano lumakad ang tinutukoy na bagay? Sa ikalimang bugtong, kailan naman kumikislap ang bituing buto’t balat?
Ipasuri ang mga sumusunod na pangungusap:
Nagsaing si Insiong sa ibabaw ng gatong
Patihayang lumakad ang bangka
Tuwing pasko kumikislap ang bituing buto’t balat.
Anong bahagi kaya ng pananalita ang mga salitang may salungguhit? 3. Pagtatalakay Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na pang-abay. Ito ang tawag sa mga salitang ginagamit na panturing sa mga pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay. Halimbawa: Natulog sa sopa
sumasama kanina
Matuling maglakad
padabog na isinara
dito sa inyo
kumain sa mesa
Ang mga pangunahing uri ng pang-abay ay ang mga sumusunod:
1. Pang-abay na panlunan. Ang mga pang-abay sa panlunan ay tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na SAAN? Halimbawa: a.
Ang ama ng tahanan ay pumasok sa opisina.
b. Nagpunta kami doon. c.
Dito bumili ng sabon si Elena.
2. Pang-abay na pamanahon. Ang mga pang-abay na pamanahon ay tumutukoy sa lugar kung kailan naganap ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na KAILAN? Halimbawa: a. Naglilinis siya kanina ng kanyang silid. b. Pupunta ako mamaya sa silid-aklatan. c.
Kakain kami sa Max’s.
3. Pang-abay na pamaraan. Ang mga pang-abay na pamaraan ay tumutukoy kung paano naganap ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na PAANO? Halimbawa: a. Dahan-dahan niyang kinagat ang prutas na Mabolo. b. Mabilis tumakbo ang batang lalaki. c.
Paikang naglakad ang napilayang manlalaro.
4. Pagsasanay A. Pinatnubayang Pagsasanay Salungguhitan ang mga pang-abay sa bawat pangungusap. 1. Umuwi kami nang maaga kahapon. 2. Dinala na raw sa inyo ang mga prutas. 3. Patihayang nagpalutang-lutang ang lalaking nasa swimming pool. 4. Mabilis na nagbihis si Samuel. 5. Nagluto rito si Abel.
B. Malayang Pagsasanay Ikahon ang pang-abay sa pangungusap. Isulat kung ito ay pamaraan, panlunan, o pamanahon. ______1. Mahusay ba tinatamasa ng mga tao ang kanilang karapatan.
______2. Maaaring pumunta siya sa simbahan naaayon sa kanyang pinaniniwalaan. ______3. Pinupuri niya nang buong-siglo ang Diyos. ______4. Magdasal ka tuwing Linggo, Sabado, Biyernes, at kahit anong araw. ______5. Mabuting sumunod nang tapat ang bawat isa sa batas ng tao at Diyos. C. Pangkatang Gawain: Hanapin sa mga lupon ng salita na nakasulat sa metacards kung ito ay pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan. Malugod
maaga
magaganda
sa hapon
tuwing sabado
Sa opisina
mahusay
kinabukasan
sa bahay
masaya
sa simbahan
mainit
sa aklatan
Bukal sa loob tuwing umaga sa palengke
mabagal
sa parke
Maingat
matiyaga
Sa Lunes
Ikaanim pa lang ng umaga
mabilis
sa tahanan
Pangkat I – Pang-abay na Pamanahon Pangkat II – Pang-abay na Panlunan Pangkat III – Pang-abay na Pamaraan
6. Paglalahat Ano ang pang-abay? Ano-ano ang mga uri nito? 5. Paglalapat Tukuyin ang mga sumusunod na larawan kung ito ay pang-abay na panlunan, pamanahon at pamaraan. Gamitin ito sa pangungusap.
1.
2.
3.
4.
5.
V.
Pagtataya Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na uri ng pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan. 1. Dawalang linggo na ang nakaraan 2. Malungkot na gabi 3. Sa may tabing kalsada 4. Nang hindi nagpaalam 5. Sa loob ng pitong araw
VI.
Takdang Aralin Bumuo ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na lipon ng mga salita bilang pangabay na pamanahon, panlunan at pamaraan. 1. mamayang gabi 2. doon sa ibayong dagat __________________________________________________________ 3. matatag 4. sa madaling-araw 5. sa loob ng silid-aklatan
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6 Ikatlong Markahan – Unang Linggo – Ikatlong Araw
I.
Layunin Nagmumungkahi ng iba pang pangyayari na maaaring maganap sa binasang tekto. F6PBIIIa-20
II.
Paksang Aralin Pagbibigay ng mungkahi sa iba pang pangyayari na maaaring maganap sa binasang teksto. Sanggunian: Curriculum Guide pahina 124 Landas sa Pagbasa 6 pahina 134 Pagpapahalaga: Pagtutulungan at Pagsunod sa Bilin
III.
Kagamitan Tarpapel/Powerpoint presentation, kwento ni Lolo, larawan ng lolo, mga bata, farm.
IV.
Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Padiktang Pagsulat Bigyang pansin ang mga bantas at malalaking titik sa pangungusap na ididikta ng guro. a.
Kinakausap ni Lolo Juan ang mga apo.
b. Ang mga pananim ay muling namulaklak. 2. Balik-aral Ano ang pang-abay? Ano-ano ang mga uri nito? 3. Pagwawasto ng Takdang Aralin B. Panlinang na Gawain A. Pagganyak 1. Pagpapakita ng mga larawan.
Ano-ano ang mga nasa larawan?
Sino-sino sa inyo ang nakarating na sa bukid?
Ano ang madalas na ginagawa sa bukid?
2. Pagganyak na Tanong Ano kaya ang gagawin ng mga apo ni Lolo Juan sa poultry farm? 3. Pagbibigay ng Pamantayan sa Pagbasa 4. Paglalahad Pakinggan ang “Kwento ni Lolo” na babasahin ng guro.
5. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong 6. Pagtatalakay a.
Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
b. Ano ang pinag-uusapan ng mga kagamitan ng magsasaka? c.
Tungkol saan ang ikinuwento ni Lolo Juan?
d. Ano ang naging wakas ng kuwento ni Lolo Juan? e. Pagkatapos marinig ang kuwento, ano kaya ang gagawin ng mga apo ni Lolo Juan? f.
Bakit nalulungkot si Lolo Juan?
B. Pagsasanay Pangkatang Gawain Pangkat I – Kumpletuhin Mo! Muling ikwento ang istorya sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga pangungusap:
a.
Isang araw, malungkot na nagmamasid sa kaniyang alagang mga pananim ang isang magsasaka. “Bakit nagkaganito ito?” ang naibulong niya sa sarili…
b. Ang matandang magsasaka ay hindi nakatagal sa nakita niyang pagkalanta ng pananim na napabayaan… c.
Hindi nalalaman ng magsasaka, ang kaniyang mga kagamitang ito ay naguusap-usap na talagang magtutulungan at makikiisa sa kaniya sa pagpapagandang muli ng mga pananim….
Pangkat II – Drama Tayo! Anong wakas o kalalabasan ang maari mong idugtong sa kwentong napakinggan? Isakilos ito. Pangkat III – Kung Ikaw! Kung ikaw ang manunulat nung kwento, paano mo tatapusin ang kuwento? Pangkat IV – Mahalagang Mensahe! Anong mahalagang mensahe ang nais ipabatid ng kwento? 7. Paglalahat Paano mo mabibigyan ng mungkahi ang isang pangyayari? V.
Pagtataya Bigyan ng sariling mungkahi ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ito sa kalahating bahagi ng papel. 1. Masunuring bata si Gabriel kaya marami ang natutuwa sa kanya. Pati na ang kapwa niya bata ay humahanga rin sa kanyang pagiging masunurin. ____________________________________________ 2. Pilit inaabot ng batang tatlong taong gulang ang gunting sa ibabaw ng mesa at mabuti na lamang ay nakita ito ng kanyang ina at sinaway ito sa ginagawa. ____________________________________________ 3. Nakita mong nagtatapon ng basura ang iyong kapitbahay sa may ilog. Tuwing umuulan ay bumabaha sa inyong lugar. ____________________________________________ 4. Naparami ang inom ng iyong tatay ng alak. Alam mong nakakagawa siya ng mga bagay na hindi mabuti sa inyong magkakapatid. ____________________________________________ 5. Gumuho ang bahay sa itaas ng bundok. At patuloy pa rin sa walang habas na pagputol ng mga puno ang mga illegal loggers. ____________________________________________
VI.
Takdang Aralin Iguhit sa isang short coupon bond paper ang iyong magiging mungkahi sa sitwasyong ito: “Pagkakaroon ng isang dosenang anak”
Banghay Aralin sa Filipino 6 Ikatlong Markahan – Unang Linggo – Ikaapat na Araw I.
Layunin Nagagamit ang nakalarawang balangkas upang maipakita ang nakalap na impormasyon o datos. F6EP-IIIa-i-8 Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito. F6PL-Oa-j-1
II.
Paksang Aralin Paggamit ng nakalarawang balangkas upang maipakita ang nakalap na impormasyon o datos. Pagmamalaki sa sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito. Sanggunian: Curriculum Guide pahina 124 Hiyas sa Pagbasa 5 pahina 33-34 Pluma 6 pahina 74-75 https://www.scribd.com/doc/80091968/Balangkas-Example# https://alstutor.wordpress.com/category/sample-als-outlinebalangkas/
III.
Kagamitan Tarpapel/powerpoint presentation, mga larawan, sipi ng balangkas, sipi ng mga artikulo Pagpapahalaga: Makapagtapos ng pag-aaral at Pagmamalaki sa ating sariling wika
IV.
Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Padiktang Pagsulat Bigyang pansin ang bantas na ginamit sa pangungusap na ididikta ng guro. a. Ang edukasyon ay isang proseso ng pagkatuto. b. Malimit na pagmulan ng sakit ang maruming kapaligiran. 2. Balik-aral Paano mo mabibigyan ng mungkahi ang isang pangyayari? 3. Pagwawasto ng Takdang Aralin B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Pagpapakita ng mga larawan
1.
2. Tungkol saan ang unang larawan? Ang ikalawang larawan naman? 2. Paglalahad Pansinin ang sipi ng balangkas na tumutukoy sa A&E test.
PAKSA: Ano ang aking gagawin para makapasa sa A&E Test?
BALANGKAS: I. Mga Pangarap na Nais Kong Maabot Makapagtapos ng pag-aaral Maiahon ang pamilya sa kahirapan May maipagmalaki sa mga taong mababa ang tingin sa akin II. Mga Paraan para Makapasa sa A&E Exam
Magbabasa ng maraming A&E Modyul Magsisipag sa pagsulat ng sanaysay Makikinig sa payo ng aking mga guro III. KONKLUSYON
Gagawin ang lahat para makapasa sa A&E Test Hinding-hindi sasayangin ang pangalawang pagkakataong handog ng Alternative Learning System (ALS) Iaaalay sa bayan ang lahat ng pagsisikap at tagumpay.
3.Pagtatalakay Ano ang paksa ng balangkas? Sa unang bahagi ng balangkas, ano-ano ang nakapaloob dito? Sa ikalawang bahagi ng balangkas? Sa ikatlong bahagi nito? Ano-ano ang mga dapat tandaan sa paggawa ng balangkas? Mahalaga ba na marunong tayong gumawa ng isang balangkas? Bakit? Sa ating pag-aaral o pakikipag-usap sa ibang tao, dapat din ba nating ipagmalaki ang sarili nating wika? Bakit?
4. Pagsasanay A.
Pinatnubayang Pagsasanay
Bumuo ng isang balangkas tungkol sa basura at sumulat ng maikling sanaysay tungkol dito sa inyong kwaderno. Biyaya sa Basura I.
May Basurang Maaaring Pagkaperahan A. B.
II.
May Basurang Maaaring Pagmulan ng Pataba sa Halaman A. B.
III.
May Basurang Hindi na Maaaring Mapakinabang A. B.
B.
Pangkatang Gawain: Gumawa ng balangkas tungkol sa iyong gawain sa bahay at paaralan. Itala ang mga detalye ng mga pangunahing gawain.
Pangkat I. Mga Gawain Bago Pumasok sa Paaralan Pangkat II. Mga Gawain sa Paaralan Pangkat III. Mga Gawain Pagkagaling sa Paaralan 5. Paglalahat Ano-ano ang mga sangkap para makabuo ng isang balangkas? Ang balangkas ay binubuo ng mga pangunahing diwa ng talata, kwento o anumang seleksiyong binasa at ang mahahalagang detalyeng sumusuporta o lumilinang dito. Ang balangkas ay maaaring isulat sa buong pangungusap na balangkas (sentence outline).
Maaari ring isulat ang balangkas sa anyong pa-paksa sa halip na mga pangungusap ang gamitin. Ito ay tinatawag ng papaksang balangkas (topic outline).
Gumamit ng mga titik sa mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod. Maging maingat sa paggamit ng maliit at malaking titik sa paggawa ng balangkas.
6. Paglalapat Igawa ng balangkas ang sumusunod na artikulo tungkol sa sipon. “Ang
karaniwang
sipon
ay
nakakaapekto
sa
katawan.
Nagsisimula ito sa baradong paghinga at pangangati ng lalamunan. Sa bandang huli, maaari rin itong bumaba sa baga at puso.” “Madaling makapasok ang mga
virus ng
karamdamang ito sa
katawang may mahinang resistensiya. Ang pangangaligkig ng katawan ay nangyayari sa mga taong may mababa o mahinang resistensiya. Ang pagkukulang sa tulog ay maaaring maging isa pang dahilan kung bakit madaling kapitan ng sipon.” “Ang pagkakaroon ng malusog na katawan ang pinakamahalaga
upang maiwasan ang sipon at iba pang uri ng sakit. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkain ng mga prutas at gulay at pag-inom ng maraming tubig. Mahalaga rin ang ehersisyo ng katawan, sapat na pahinga at pagtulog. Higit sa lahat, pananatilihing malinis ang ating katawan.”
I.
Mga Sanhi ng Pagkakaroon ng Sipon A. B.
II. Mga Bunga ng Pagkakaroon ng Sipon A. B. C. III. Mga Solusyon Upang Maiwasan Ang Pagkakaroon ng Sipon At Iba Pang Uri ng Sakit A. B. V.
Pagtataya Ang sumusunod ay isang artikulo tungkol sa Cholesterol. Punan ang natitirang bahagi ng balangkas. Ang Totoong sa Cholesterol May dalawang uri ng cholesterol, ang High Density Lipo Protein at Low Density Lipo Protein. Ang una ay mabuting cholesterol pagkat ibinababa nito ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Ang ikalawang uri ay nagiging sanhi ng sobrang pagtaba ng tao o obesity, sakit sa puso, diabetes, at pagliit ng mga arteryang daluyan ng dugo. May mga cholesterol namang nakukuha sa margarina, keso, itlog, bacon, at mga salad dressing. Exogenous cholesterol ang tawag dito. Mayroon ding cholesterol na
nalilikha ang ating katawan at tinatawag itong endogenous cholesterol. Ginagamit ito sa normal na metabolism ng ating katawan. I.
Uri ng cholesterol A. High Density Lipo Protein 1. Mabuting cholesterol 2. Ibinababa ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso. B. Low Density Lipo Protein 1. 2.
II. Pinanggalinggan ng cholesterol A. Exogenous 1. 2. 3. B. Endogenous 1. 2. 3. III. Mga Dapat Gawin Upang Maiwasan ang Pagtaas ng Cholesterol A. B. C. VI.
Takdang Aralin Gumawa ng balangkas alinman sa mga sumusunod na kwento. Gawin ito sa isang malinis na papel. 1. Ibong Adarna 2. Ang Tagak at Ang Buwaya 3. Naglahong Himutok
Banghay Aralin sa Filipino 6 Ikatlong Markahan – Unang Linggo – Ikalimang Araw I.
Layunin Nasisipi ang isang ulat mula sa huwaran. F6PU-IIIa-1.2
II.
Paksang Aralin Pagsisipi ng isang ulat mula sa huwaran Sanggunian: Curriculum Guide pahina 124 Landas sa Pagbasa 6 pahina 28-30 http://www.remate.ph/2017/10/oil-price-rollback-ipatutupapad-ngayong-araw/ https://brainly.ph/question/147070 http://news.tagalog.me/ http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/281851/pagasanakatutok-sa-namumuong-sama-ng-panahon-sa-mindanao/story/ Pagpapahalaga: Pagsunod sa angkop na pagsipi ng ulat at ng iba pang mga sulatin
III.
Kagamitan Mga halimbawa ng ulat,sipi ng talata, tarpapel/powerpoint presentation, mga larawan
IV.
Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Padiktang Pagsulat Bigyang pansin ang bantas na ginagamit sa pangungusap na ididikta ng guro. a. Isulat muli nang maayos ang ulat. b. Lagyan ng angkop na bantas ang mga ito. 2. Balik-aral Ano ang mga dapat tandaan sa paggawa o pagsulat ng isang balangkas? 3. Pagwawasto ng Takdang Aralin B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Pagpapakita ng mga larawan.
a.
b.
b. Ano ang nasa unang larawan? Sa pangalawa, saan ginagamit ang mga iyan? 2. Paglalahad Basahin ang balita at pansinin ang pagkakasulat nito.
QC gov’t nagbigay ng computer sa city jail Upang madali at maging maayos ang paghahanap ng mga rekord ng mga preso sa Quezon City Jail, nagbigay ng dalawang computer set si QC Mayor Feliciano Belmonte, Jr. sa mga opisyal ng nasabing piitan. Tinanggap nina BJMP-NCR Director Chief Supt. Armando Llamasares at QC Jailwarden Supt. Ignacio Panti ang mga computers na magsisilbing „notebook‟ ng mga preso upang malaman ang kani kanilang mga records. Ayon kay Belmonte, sa computerized system na ito madaling malalaman kung anu-ano ang estado ng mga bilanggo at mga kasong nakabinbin laban sa kanila. Layunin din ni Belmonte na maibsan ang pagsisikip ng kulungan na kadalasang nagiging dahilan ng riot at pagkakasakit ng mga preso. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Panti kay Belmonte sa pagbibigay nito ng prayoridad sa pangangailangan ng city jail.
a. b. c. d. e. f. g. h. i. j. k.
3. Pagtatalakay Ano ang ibinigay ng pamahalaan ng Quezon City sa piitan ng kanilang siyudad? Sino ang nagbigay at tumanggap nito? Ano ang layunin ng Quezon City Mayor Belmonte sa computerized system na ito? Sino ang nagpahayag ng pasasalamat kay Mayor Belmonte? Kaninong proyekto ang management program na ito? Ano ang napansin ninyo sa pamagat ng balita? Saang bahagi ito nakasulat? Anong bantas ang ginamit? Sa unang talata ng balita, ano ang inyong napansin? Sa ikalawa? Sa ikatlo? At sa huling talata? Tamang bantas ba ang mga ginamit? Ang mga pangalan ba ay nag-uumpisa sa malalaking titik? Kung muli mong isusulat ang balitang iyan, ganyan din ba ang gagawin mo? Bakit? 4. Pagsasanay A. Pinatnubayang Pagsasanay Sipiin muli ang balita at ilagay ang mga angkop na bantas.
Oil price rollback ipatutupapad ngayong araw
IKINASA na ng mga kumpanya ng langis ang tapyas-presyo sa kanilang mga produkto,
Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Seaoil at Flying V ang P0.50 rollback sa presyo sa kada litro ng gasolina, P0.45 sa diesel at P0.85 sa kerosene, Nagpatupad din ng kahalintulad na tapyas-presyo ang Petron Eastern Petroleum Total P TT Philippines Phoenix Petroleum at Shell, mamayang ala-6:00, Ito ang unang beses na nagpatupad ng price rollback ang mga oil company ngayong buwan matapos ang limang sunud-sunod na linggong price increase,
*Tamang sipi ng balita
Oil price rollback, ipatutupapad ngayong araw
IKINASA na ng mga kumpanya ng langis ang tapyas-presyo sa kanilang mga produkto,
Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Seaoil at Flying V ang P0.50 rollback sa presyo sa kada litro ng gasolina, P0.45 sa diesel at P0.85 sa kerosene. Nagpatupad din ng kahalintulad na tapyas-presyo ang Petron, Eastern Petroleum, Total, PTT Philippines, Phoenix Petroleum at Shell, mamayang ala-6:00. Ito ang unang beses na nagpatupad ng price rollback ang mga oil company ngayong buwan matapos ang limang sunud-sunod na linggong price increase.
B. Malayang Pagsasanay Muling sipiin ang talata. Pansinin ang dapat ay malalaking titik at isulat ang angkop na bantas. Ang pasko ay simbolo ng pagmamahalan at pagbibigayan nating mga tao sa mundo. kapag may pasko dapat may kasiyahan sa bawat isa at may pagkakaunawaan tayong lahat. tuwing pasko tayong mga pilipino ay nagluluto sa kanya kanyang bahay at nagpapalitan ng mga regalo, at tayo ay naglalagay ng mga palamuti sa labas o loob nga bahay natin kasi ang pasko ay simbolo ng kasiyahan sa atin
*Tamang sipi ng talata Ang pasko ay simbolo ng pagmamahalan at pagbibigayan nating mga tao sa mundo. Kapag may pasko dapat may kasiyahan sa bawat isa at may pagkakaunawaan tayong lahat. Tuwing pasko tayong
mga pilipino ay nagluluto sa kanya kanyang bahay at nagpapalitan ng mga regalo, at tayo ay naglalagay ng mga palamuti sa labas o loob nga bahay natin kasi ang pasko ay simbolo ng kasiyahan sa atin. C. Pangkatang Gawain Bawat pangkat ay bibigyan ng magkakaibang talata kung saan muli nila itong isusulat sa manila paper sa maayos na paraan at lalagyan ng angkop na mga bantas. Pangkat I Sa antipolo rizal, ang patron ay ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje) Dito, ang pagdiriwang ng pista ay sa buong buwan ng mayo, bukod pa sa ika-8 ng disyembre Itoy dinarayo ng maraming taong nais humiling ng biyaya sa patron ng bayan *tamang sipi ng talata Sa Antipolo, Rizal, ang patron ay ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje). Dito, ang pagdiriwang ng pista ay sa buong buwan ng Mayo, bukod pa sa ika-8 ng Disyembre. Ito’y dinarayo ng maraming taong nais humiling ng biyaya sa patron ng bayan. Pangkat II sa pakil laguna, ang patrona ay ang Mahal na Birhen de los Dolores Idinaraos ang kapistahan nitong tuwing oktubre 20 sa pamamagitan ng Turumba. masayang masaya ang mga tao sa prusisyon habang nagsasayaw at nagsisiawit nang paulit- ulit ng “Turumba! Turumba!” o “Sa Birhen! Sa Birhen!” na kanilang tugon sa dalit na sinasambit ng namumuno sa d asal *tamang sipi ng talata Sa Pakil, Laguna, ang patrona ay ang Mahal na Birhen de los Dolores. Idinaraos ang kapistahan nitong tuwing Oktubre 20 sa pamamagitan ng Turumba. Masayang-masaya ang mga tao sa prusisyon habang nagsasayaw at nagsisiawit nang paulit- ulit ng “Turumba! Turumba!” o “Sa Birhen! Sa Birhen!” na kanilang tugon sa dalit na sinasambit ng namumuno sa dasal. Pangkat III ang moriones ay hindi sa entablado ginaganap kundi sa mga lansangan sa buong bayan Itoy idinaraos taon taon, ilang araw pagkaraan ng biyernes santo o mahal na araw *tamang sipi ng talata
Ang Moriones ay hindi sa entablado ginaganap kundi sa mga lansangan sa buong bayan. Ito’y idinaraos taon -taon, ilang araw pagkaraan ng Biyernes Santo o Mahal na Araw. Pangkat IV tuwing ikalong linggo ng enero, may isang masayang pagdiriwang na ginaganap sa iloilo, antique, at aklan: ang Ati-atihan Sa masiglang tunog ng tambol gong at iba pang instrumentong pantugtog, ang mga taong kalahok sa kapistahan ay nagsasayaw sa kalye Nagpipinta sila ng itim sa mukha at katawan at buong siglang nagsisiindak sa lansangan *tamang sipi ng talata Tuwing ikalong linggo ng Enero, may isang masayang pagdiriwang na ginaganap sa Iloilo, Antique, at Aklan: ang Ati-atihan. Sa masiglang tunog ng tambol, gong, at iba pang instrumentong pantugtog, ang mga taong kalahok sa kapistahan ay nagsasayaw sa kalye. Nagpipinta sila ng itim sa mukha at katawan at buong siglang nagsisiindak sa lansangan.
5. Paglalahat Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsipi ng ulat o talata? 6. Paglalapat Sipiin ng maayos ang ukol sa lindol. Ilagay ang nararapat na bantas at ang malalaking titik. Lindol sa Surigao Pagputok pa lang ng balita kamakalawa ng gabi hinggil sa malakas na lindol na yumanig sa surigao city sa lalawigan ng surigao del norte sa mindanao, agad nag-trend sa social media ang hashtag #SurigaoCity, #SurigaoQuake, #Surigao
bumuhos ang pagpapaabot ng dasal, “be safe/keep safe” na mga mensahe pangungumusta sa mga kaanak at kaibigan at pagpo-post ng update kung ano na ang nangyayari sa lungsod na tinamaan ng 6.7 magnitude na lindol dakong alas-10:03 ng gabi ng Biyernes may ilang Grupo rin na agad naglunsad ng #TabangSurigao upang mangalap ng anumang tulong na maaaring ipadala sa sinalantang lungsod Ang salitang “tabang” ay Visayan dialect na ibig sabihin ay “tulong o saklolo” Una itong sumikat sa ‘epic pinsala’ ng supertyphoon yolanda. V.
Pagtataya
Pag-aralan ang sipi ng ulat, iwasto ang mga dapat ay malalaking titik at ilagay ang wastong bantas. Isulat ito ng maayos.
PAGASA, nakatutok sa namumuong sama ng panahon sa mindanao
patuloy na minamanmanan ng PAGASA ang isang low-pressure area na posible raw m aging bagyo habang papalapit sa Mindanao, kasabay nito, sinabi rin ng PAGASA na posible rin ang mga pag-ulan sa bahagi ng visayas at mindanao ngayong linggo, Ayon kay PAGASA forecaster glaiza escollar ang LPA ay nakapaloob sa inter-tropical convergence zone (ICTZ) na nakaaapekto sa palawan at mindanao "ang LPA, medyo mababaw kaya hindi natin inaasahang maging bagyo sa loob ng 24 o ras," ani escollar sa isang panayam sa dzBB,
sakaling maging bagyo, ang LPA ay tatawaging "pablo," ang ika-16 na bagyong nakapasok sa philippine area of responsibility
Gamitin ang rubrics sa pagmamarka ng gawa ng mga bata. krayterya Tamang pagsipi ng ulat mula sa huwaran
VI.
1
May apat na mali sa pagsipi ng ulat mula sa huwaran
2 May tatlong mali sa pagsipi ng ulat mula sa huwaran
3 May dalawang mali sa pagsipi ng ulat mula sa huwaran
4 May isang mali sa pagsipi ng ulat mula sa huwaran
5 Walang mali sa pagsipi ng ulat mula sa huwaran
Takdang Aralin Gumawa ng talaarawan tungkol sa inyong ginawa ngayong darating na Sabado at Linggo.