GRADE IV MATERYAL O DI – MATERYAL MATERYAL NA KULTURA
ALAMIN MO
Pag-aralan ang larawan sa ibaba.
Anong ipinakikita ng mga larawan? Makikita pa ba natin sa kasalukuyan ang mga gawaing tulad nito? Bakit kaya? Ang gawaing ito ay bahagi ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinakikita rito ang mga paraan kung paano sila namumuhay, ang kanilang mga gawain, mga kagamitan, kaugalian at mga paniniwala. Kultura ang tawag dito. Sa pag-aaral ng modyul na ito, matututuhan mo ang tungkol sa –
Dalawang uri ng kultura ng mga Pilipino – ang materyal at di-materyal na kultura.
PAG-ARALAN MO
A. Tingnan mo ang mga larawan sa ibaba. May ganito rin ba sa bahay ninyo?
1. 2.
3.
4.
KILALALANIN ANG BAWAT ISA Nahahawakan ba ang mga ito? Bahagi rin ba ito ng ating kultura? B. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?
Ang sayaw ba at laro ay nahahawakan. Bahagi rin ba ito ng ating kultura. May dalawang uri tayo ng kultura. Alam mo ba kung ano-ano ito? Ito ay ang kulturang materyal at kulturang di-materyal. Kaya mo bang tukuyin kung alin sa mga larawang nauna ang materyal na kultura at ang di-materyal na kultura?
Suriing mabuti ang paghahambing sa dalawa.
Kulturang Materyal
Kulturang Di-Materyal
Ito ang mga bagay na nakikita, nahihipo Ito ang mga bagay na di- nahahawakan o o nahahawakan gaya ng damit, kasangkapan, di-nahihipo gaya ng awit, sayaw, sining at pagkain, tirahan, palamuti sa bahay at sa panitikan, mga tradisyon, kaugalian, katawan at iba pa. paniniwala, saloobin, edukasyon, pagpapahalaga, pamahalaan at iba pa.
Maliwanag na ba sa iyo kung ano ang materyal at di-materyal na kultura?
PAGSANAYAN MO
Isulat sa kuwaderno ang sagot sa mga sumusunod na pagsasanay. A. Isulat ang M kung materyal at DM naman kung di-materyal na kultura ang sumusunod. ________________
1.
Katutubong awit
________________
2.
Katutubong sayaw
________________
3.
Kwintas, hikaw at palamuti
________________
4.
Prusisyon
________________
5.
Bahay-Kubo
________________
6.
Barangay
________________
7.
Bugtong at Kasabihan
________________
8.
Simbahan sa Quiapo
________________
9.
Paghalik sa kamay ng nakatatanda
________________
10. Banga at palayok
B. Magbigay ng 7 halimbawa ng materyal na kultura at 7 di-materyal.
Kulturang Materyal
Kulturang Di-Materyal
Kung nagawa mo na nang mahusay ang mga pagsasanay, binabati kita!
TANDAAN MO
Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagbibigay ng pagkakakilanlan sa kanila ay tinatawag na kultura. Ang kulturang materyal ay mga bagay na nakikita, nahahawakan o nahihipo at nagagamit sa araw-araw na pamumuhay gaya ng pagkain, tirahan, damit at kagamitan. Ang mga kulturang di-materyal ay di-nahihipo o nahahawakan gaya ng paniniwala, kaugalian, pagpapahalaga, edukasyon at iba pa.
ISAPUSO MO
Magbigay ng 3 kaugaliang Pilipino na nakikita mo pa ring ginagawa hanggang ngayon. Isulat sa kuwaderno ang sagot. A. B. C. Nakabuti ba sa palagay mo ang pagsasagawa nito hanggang sa ngayon? Pangatwiranan mo ang sagot.
GAWIN MO
Gumawa ng isang larawan na nagpapakita ng mga materyal at di-materyal na bahagi ng kultura ng mga Pilipino.
SAGUTIN MO
Isulat ang sagot ng mga sumusunod sa iyong kuwaderno.
A. Sabihin kung materyal o di-materyal na bahagi ng kultura ang ipinapakita sa mga sumusunod na larawan.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
B. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang √ kung ang pangungusap ay totoo, at X naman kung hindi t otoo. _____ _____ _____ _____ _____
1. Ang larong sipa ay halimbawa ng kulturang di-materyal nating mga Pilipino. 2. Ang kultura ng bansa ang nagbibigay ng pagkakakilanlan dito. 3. Bahagi ng ating kulturang materyal ang mga katutubong sayaw. 4. Ang sining at panitikan ay bahagi ng kulturang materyal ng bansa. 5. Ang pangingisda ay halimbawa ng kulturang materyal ng mga Pilipino.
_____ _____ _____ _____ _____
6. Ang bahay-kubo ay halimbawa ng kulturang materyal. 7. Ang batas na ipinatutupad ng pamahalaan ay maituturing na kulturang di-materyal. 8. Bahagi ng ating kulturang materyal ang mga katutubong awit. 9. Ang relihiyon ay bahagi ng ating kulturang di-materyal. 10. Ang baro’t saya ay halimbawa ng kulturang materyal.
Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.