KAGAMITAN NG GURO
Inihanda ni: ANGELINA M. ACORDA BANABA SOUTH ELEMENTARY SCHOOL
Panlingguhang Layunin Pakikinig :Pag-unawa sa Napakinggan Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa alamat na napakinggan. F6PN-Id-e-12 Pagsasalita :Gramatika Nagagamit ang ibat-ibang uri ng panghalip sa ibat-ibang sitwasyon. F6WG-Ie-g-3 Pagbasa: Pag-unlad ng Talasalitaan Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan . F6PT-Ie-1.8 Pagbasa :Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon.. F6PB-Ic-e-3.1.2 Pagbasa: Estratehiya sa Pag-aaral Napupunan nang wasto ang kard na pang-aklatan. F6EP-Ie-13 Pagpapahalaga sa Wika , at Panitikan : Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng pagmamahal sa pagbasa ng panitikan. F6PL-Oa-j-
Unang Markahan Ikalimang Linggo Unang Araw I. Layunin Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa alamat na napakinggan. (F6PN-Id-e-12) II. Paksang-Aralin: A. Pagbibigay hinuha sa kalalabasan ng pangyayari B. Sanggunian: Curriculum Guide p.119 Filipino Yaman ng Lahing kayumanggi pp. 304-305 C. Kagamitan: projector, laptop D. Pagpapahalaga Mahalin at igalang ang kapwa.
III. Proseso ng Pagkatuto A. Gawaing Rutinari • Panalangin at Pagbati • Pagtatala ng Liban • Pagtse-tsek ng takdang Aralin • Balik-Aral Magpapakita ang guro ng larawan. Hayaan ang mga bata na magbigay ng pangungusap gamit ang pangngalan.
B. Presentasyon ng Aralin 1. Pagbabaybay Buuin ang pinaghalong letra upang makabuo ng salita. 1. angpawus 2. aserte 3.adoenngkardo 4. hanuhi 5. limmata
2. Pagganyak Puno ko , Puno mo! Ipasa ang larawan ng puno na may nakasulat na sitwasyon sa likuran. Gawin ito na may saliw na musika. Ang huling makatatangap ng larawan sa pagtigil ng tunog ay siyang sasagot sa nakasaad na sitwasyon.
Malalaki at matatamis ang bunga ng manggahan ni Mang Tibo.Paano niya mailalako sa merkado ang kanyang produkto?
Matamis ang puno ng Sampalok nina Felix. Ano kaya ang mainam niyang gawin sa mga bunga nito upang higit niyang mapakinabangan?
3. Pangganyak na tanong Sa palagay ninyo,paano nagkaroon ng puno ng Sampalok? 4. Pagtatakda ng Pamantayan sa Pagbasa Tanungin ang mag bata sa pamantayan sa pakikinignsa kuwento. 5. Pagbasa ng kuwento Pipili ang guro ng isa sa mga mag-aaral upang basahin ang kuwento at masusing pakikinggan ng mga mag-aaral. Itanong sa mga bata ang pamantayan sa wastong pakikinig. Pagbasa ng kuwento. ANG ALAMAT NG SAMPALOK Noong araw ay may isang mayamang babaing ubod ng suwapang at masamang ugali. Ang pangalan niya’y Felicidad. Donya Felicidad kung tawagin siya ng lahat. Dahil sa kasamaan ng ugali ni Donya Felicidad, hindi niya pinagamot ang asawang may sakit. Ayaw niyang mabawasan ang kanyang kayamanan. Namatay ang lalaki na hindi nabigyan ng remedyo.
Mula nang mamatay ang asawa ni Donya Felicidad ay lalo siyang naging masama ang kanyang pag-uugali. Pinalayas pa niya ang kanilang enkargadong si Regalado ‘pagkat’t nanghihinayang na siya sa ibinabayad dito. Isang araw, nag-ususap ang mga magsasaka sa pangunguna ni Regalado. Pinag-uusapan nila ang kanilang kawawang buhay dahil kay Donya Felicidad. Nag-isip sila ng paraan kung paano maihaharap sa donya ang kanilang reklamo. Nalaman ni Donya Felicidad ang pag-uusap ng mga magsasaka. Nagalit ito ‘pagkat inisip na baka masama na ang gustong gawin sa kanya ng mga magsasaka. Lalong nagging masama ang ugali ng Donya at nang dumating ang anihan ay walang itinira sa mga magsasaka. Kinuha niya lahat ang mga inaning bigas at sinabing iyon ay bayad sa mga utang sa kanya. Nakiusap ang mga magsasaka na bigyan sila kahit na ilang salop lamang na bigas para makain lamang ng kanilang pamilya. Pero hindi naawa ang donya. Dahil doon, naisipang umalis ng mga magsasaka sa lupa ni Donya Felicidad. Isang araw, may matandang pulubing pumasok sa villa ng donya para humingi ng pagkain. Gayon na lamang ang galit ni Donya sa utusang napapasok sa pulubi. “Ikaw, ano ang kailangan mo rito?” “Ako po’y nagugutom at ibig ko lang pong manghingi ng kaunting pagkain, “ and sagot ng pulubi.
Kumuha ng kapirasong tinapay si Donya Felicidad at nang hawak na’y sinampal ang pulubing inalok. “Hayan ang tinapay. Umalis ka na at uli-uli ay huwag mong dudumihan ng mga marurumi mong paa tiong aking villa” Hindi mo sa inirespeto ang katandaan ko,” ang galit na sabi ng pulubi. “Sinampal mo ako at saka inalok.” At pagkasabi niyon ay umalis na ang pulubi na isinigaw ang salitang “Sampal-alok! Sampal-alok! Parang nabingi si Donya Felicidad at walang malamang gawin. Nagtatakbo siyang pumanhik sa terasa ng villa, at sa kanyang pagkalito ay nahulog. Noon din ay namatay ang may masamang ugaling babae. Ang mga nangyaring iyon ay nalaman ng lahat ng mga tao. Inilibing nila ang donya sa isang lugar, pagkatapos ay kinuha ang mga pagkain sa bodega at sinunog ang villa. Makaraan ang ilang buwan, may tumubong punong kahoy sa pinaglibingan ng donya. Ang bunga ay maasim katulad ng maasim na ugali ng donya. Tinawag nila itong “sampal-alok,” at di nagtagal, pinaikli nila itong “sampalok”. 6. Analisis a. Pagsagot sa Pangganyak na tanong Tumawag ng mag-aaral upang sagutin ang katanungang, kung paaano nagkaroon ng Sampalok base sa kuwentong napakinggan. b. Pagtalakay Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Sino si Donya Felicidad?
2. Ano-ano ang mga pang-aapi na ginawa ni Donya Felicidad sa kanyang mga tauhan? 3. Bakit nagalit ang matandang pulubi kay Donya Felicidad? 4. Kung ikaw ang taong bayan ano gagawin mo upang magbago si Donya Felicidad? Bakit? 5. Anong aral ang natutunan mo sa Alamat ng Sampalok? Ipaliwanag. 7. Pagpapayaman ng Gawain Bigyang hinuha ang mga sumusunod sa pamamagitan ng masining na pamamaraan: Unang Pangkat (rap) Hindi
lahat
ng
Overseas
Filipino Worker
ay nagtatagumpay.
Nakapagtatrabaho naman sila ngunit ilan laamang ang sinusuwerte. Ano kaya ang dahilan? Ikalawang Pangkat (Dula-dulaan) Alaga ni Joseph ang asong si Speaky. Isang tanghaling pakakainin sana niya ang aso nang matuklasanng wala ito sa kulungan. Ano sa palagay mo ang gagawin ni Joseph Ikatlong Pangkat (Pagbabalita) Magkaibigan sina Guia at Marla. Biglang hindi kinausap ni Marla si Guia na hindi naman niya alam ang dahilan. Ano kaya ang gagawin ng bawat isa?
RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN Batayan
Napakahusay ( 4pts)
Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating. Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon. Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain.
.
Mahusay (3pts.)
DiGaanong Mahusay (2pts.)
Nangangailangan ng Pagpapabuti (1pts.)
8. Abstraksyon Paano mo mabibigyang hinuha ang isang pangyayari. Ano ang ibig sabihin ng pagbibigay hinuha? Ang pagbibigay ng hinuha ay ang pagbibigay ng kuro kuro sa maaaring kalabasan ng pangyayari. Ang pahghihinuha ay mas mataas na antas ng pag-iisip kaysa pagtukoy kung saan wala sa teksto ang sagot kundi ipinahihiwatig lamang. 9. Aplikasyon Basahin ang bawat sitwasyon na buhat sa kuwento. Bigyang hinuha ang mga sumusunod. 1. Kung ikaw si Donya Felicidad, nalaman mo ang pag-uusap ng mga magsasaka na idudulog nila ang kanilang suliranin sa iyo, ano ang gagawin mo? 2. Nakiusap ang mga magsasaka na bigyan sila kahit na ilang salop lamang
na bigas para makain lamang ng kanilang pamilya, ngunit ipinagkait ito ni Donya Felicidad. Kung ikaw ay naroon sa lugar na iyon paano mo kaya mapapayag si Donya Felicidad? 3. Nagulat si Donya Felicidad sa pagbabagong anyo ng matandang pulubi. Nagtatakbo siyang pumanhik sa terasa ng villa, at sa kanyang pagkalito siya ay nahulog at namatay. Kung ikaw ang sumulat ng kuwento paano mo kaya ito tatapusin? Katulad rin ba ng kuwento ng may akda o babaguhin mo ito? Bakit? IV. Ebalwasyon Babasahin ng guro sa mag-aaral ang Alamat ng Ampalaya. Bigyang hinuha ang sitwasyong itatanong ng guro. Alamat ng Ampalaya Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay. Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit. Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag. Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung
hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay. Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot. Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan. Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya. Tanong: 1. Ano sa palagay ninyo ang ginawa ng kanyang mga kasamahang gulay kay Ampalaya? 2. Kung ikaw ang diwata ano pa kayang kaparusahan ang maaari mong gawin kay ampalaya? 3. Dahil sa pangyayari ano kaya ang ginawa ni Ampalaya? 4. Maaari ba itong mangyari sa totoong buhay? Sa paanong paraan? 5. Sa hiya ni Ampalya nagpakalayo layo siya, ngunit patuloy pa ri niyang hinahanap ang mga ksamahang gulay kaya pinagpasyahan niyang bumalik sa mga ito? Tinanggap kaya siya ng mga kasamahang gulay? V.Kasunduan Bumasa ng isang alamat at isalayasay ito sa klase bukas.
Ikalawang Araw I. Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan. (F6V-IIe-h-1.8) II.
Paksang-Aralin: A. Paksa:
Pagbibigay kahlugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng sitwasyon.
B. Sanggunian: Filipino Curriculum Guide, p,119 C. Kagamitan: projector, laptop D. Pagpapahalaga; Pangalagaan ang kalikasan III. Proseso ng Pagkatuto 1.Gawaing Rutinari • Panalangin at Pagbati • Pagtatala ng Liban • Pagtse-tsek ng takdang Aralin • Balik-Aral Paano kayo maghihinuha? Magbibigay ang ng sitwasyon at itatanong sa mga mag-aaral ang kanilang magiging hinuha ditto
A. Presentasyon ng Aralin 1. Pagbabaybay Pakinggan ang mga salita na ididikta ng guro. Isulat ito sa sagutang papel. 1. nagbuwal 2. damdam 3. bukid-sabana 4. kalikasan 5. bilasa 2. Pangganyak Pangalanan Mo Ako! Ipakita sa mga bata ang mga larawan. Pagtatanong kung ano ang tawag nila dito.
3. Pangganyak na Tanong Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng kalikasan? 4. Pagtatakda ng Pamantayan sa Pagbasa Ano- ano ang mga pamantayan sa pagbasa? 5. Pagbasa ng Tula Ipabasa sa mag-aaral ang tula nang tahimik. Sariwain ang mga pamantayan sa pagbasa ng tahimik Kalikasan – Saan Ka Patungo? ni: Avon Adarna Nakita ng buwan itong pagkasira, Mundo't kalisakasan ngayo’y giba-giba, Ang puno – putol na, nagbuwal at lanta, Ang tubig – marumi, lutang ang basura.
Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan, Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam, At nakipagluhaan sa poong Maylalang, Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon, Nasira ng usok na naglilimayon, Malaking pabrika ng goma at gulong, Sanhi na ginawa ng pagkakataon!
Ang dagat at lawa na nilalanguyan Ng isda at pusit ay wala nang laman, Namatay sa lason saka naglutangan, Basurang maburak ang siyang dahilan!
Ang lupang mataba na bukid-sabana, Saan ba napunta, nangaglayag na ba? Ah hindi… naroon… mga mall na pala, Ng ganid na tao sa yaman at pera.
Mga sapa at ilog sa Kalungsudan,
Ginawa na ng tao na basurahan, At kung dumating ang bagyo at ulan, Hindi makakilos ang bahang punuan.
Ang tao rin itong lubos na dahilan, Sa nasirang buti nitong kalikasan, At darating bukas ang ganti ng buwan, Uunat ang kamay ng Poong Lumalang! 6. Analisis a. Pagsagot sa Pangganyak na tanong Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng kalikasan? b. Pagtalakay Sagutin ang mga sumususnod na katanungan 1.
Bakit nalungkot ang Buwan?
2.
Sino ba ng sumira sa kalikasan?
3.
Ano-ano ang nagyari sa mga puno? Sa dagat? Sa iliog?
4.
Sa palagay mo ano ang nagging dahilan ng pagkasira nito?
5. Ano kaya ang maaaring maging ganti ng Poong Maykapal?
7. Pagpapayaman ng Gawain Ang mga sumusunod na pangungusap ay hinango sa tula. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang di pamilyar na ginamit sa pangungusap at ibigay ang kahulugan nito. 1. Namatay sa lason saka naglutangan, Basurang maburak ang siyang dahilan 2. Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon, Nasira ng usok na naglilimayon, 3. Ang lupang mataba na bukid-sabana, Saan ba napunta, nangaglayag na ba? 8. Abstraksyon Paano mo madaling matutukoy ang kahulugan ng di pamilyar na salita? 9. Aplikasyon Pangkatang Gawain Unang pangkat: Sumulat ng Slogan gamit ang di pamilyar na salita. Ikalawang pangkat: Gumawa ng usapan na gamit ang mga di pamilyar na salita. Ikatlong pangkat Bigyang kahulugan ang mga di apmilyar na salita. 1. May madilim na kahapon ang babaeng aking nakilala. 2. Naninggalang pugad si Atong kina Ada kagabi.
3. Nahumaling si Atong kay Ada kaya patuloy niya itong sinuyo. RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN Batayan
Napakahusay ( 4pts)
Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating. Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon. Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain.
.
Mahusay (3pts.)
DiGaanong Mahusay (2pts.)
Nangangailangan ng Pagpapabuti (1pts.)
IV. Ebalwasyon Ibigay ang kahulugan ng di pamilyar na salita.
1. Hindi pa rin nawala ang agatat sa kamay ni Lina. 2. Narinig niya ang agas ng ahas kaya nagmadali siyang umalis. 3. Pinanuod ng mag-asawa ang pag-ampang ng kanilang anak. 4. Itinuring niyang mga kapatid ang kanyang mga katoto. 5. Magkasamang sumakay ng salipawapaw ang pamilya ni June. IV. Kasunduan Magltala ng sampung di pamilyar na salita at isulat ang kahulugan nito.
Ikatlong Araw I.
Layunin: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon. (F6PB-Ic-e-3.1.2)
II.
Paksang-Aralin A. Pagsagot tungkol sa tekstong pang-impormasyon B. Sanggunian: Curriculum Guide p.119 Google, Youtube C. Kagamitan: laptop, projector D. Pagpapahalaga Tangkilin ang sariling atin.
III. Proseso ng Pagkatuto A. Gawaing Rutinari • Panalangin at Pagbati • Pagtatala ng Liban • Pagtse-tsek ng takdang Aralin • Balik-Aral Batay sa ating tinalakay kahapon magbigay ng mga salitang dipamilyar at ibigay ang kahulugan. B. Presesntasyon ng Aralin 1. Pagbabaybay Gupitin ang bawat letra ng mga salita. Tumawag ng batang bubuo muli nito at sabay-sabay na ipabaybay sa klase.
1.siphayo 2. nag-aalimpuyo 3. yumupyop 4. nagtiwarik 5. pinilakang tabing 2. Pagganyak Ipakita sa mga bata ang larawan. Gamit ang kanilang imahinasyon, puntahan ang mga lugar na ito. Magtanong ng ilang bagay tungkol dito. LAKBAY-ARAL Mamasyal tayo mga bata. Libutin natin ang Batangas. Handa na ga? Eto na!!!!!!!!
Marian Orchard
Bulkang Taal
Gen Malvar Memorial Library
Tagaytay
3. Pangganyak na tanong Bakit ipinagdiriwang sa Lungsod ng Batangas ang Sublian Festival? 4. Pagtatakda ng Pamantayan sa Pagbasa nang malakas Ano-ano ang mga pamantayan sa pagbasa nang malakas? 5. Pagbasa ng Kuwento Tumawag ng mag-aaral upang basahin ang teksto. Ipabasa ito ng dalawang beses. Unawain ang nilalaman
Subli-an sa Batangas Subli-an Festival Ito ay ginaganap tuwing 23 ng Hulyo. Ito ay orihinal na nagumpisa bilang debosyon sa Banal na Sto. Niῆo. Nang magtagal, ito ay naging isang uri ng sayaw na mas kilala bilang “Subli”. Ito ay sayaw na nagmula sa Batangas. Ang Subli ay sinasayaw sa saliw ng musika na may apat (4) na uri: ang unang uri ay inaawit ng isang mang-aawit; ang ikalawa ay nagbibigay pugay sa Banal na Sto. Niῆo sa lungsod ng Batangas at nagsasalaysay ng pinagmulan ng
Batangas; ang ikatlo ay ang mismong “Subli” na may kasamang tula, sayaw at awit; samantalang ang ikaapat naman ay tumatalakay sa buhay ng may-akda sa kanyang paghahanap ng kanyang kaganapan. Ang Subli ay isang uri ng kultura na tumutukoy sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan na nilapatan ng musika upang kapulutan ng aral. Ito ay isang tradisyong kinagisnan ng mga Batangueño na naging isang ganap na pista kung saan ang mga mamamayan ay sama-samang nag-aalay ng sayaw sa buong bayan ng Lungsod ng Batangas bilang paggunita ng kanilang araw ng pagkakakilanlan. 6. Analisis a. Pagsagot sa Pagganyak na tanong Bakit ipinagdiriwang sa Lungsod ng Batangas ang Sublian Festival? b. Pagtalakay 1.
Kailan ginaganap ang Sublian Festival?
2.
Ano-ano ang apat na uri ng musika na isinasaliw sa sayaw na Subli?
3.
Nakasali na ba kayo sa Sublian Festival?Ibahagi ang karanasan.
4.
Bakit sa palagay ninyo naging tradisyon na sa ating lalawigan ang mga pista?
5.
Bilang Batangenyo, paano mo ito mapapagyaman?
7. Pagpapayaman ng Gawain A. Punan ang impormatibong teksto upang mabuo ang diwang nais nitong maiparating sa mambabasa.
Tuwing buwan ng _______ ay nagdiriwang tayo ng Floers De Mayo.
Inaalayan
natin
ng___________ang
Birheng
Maria.
Dinadasal natin ang Santo Rosaryo upang magpasalamat sa mga__________ na tinatanggap natin. Gayundin ang ________ tayo sa anumang kapahamakan. Bawat may kaarawan sa araw na iyon ay nagdadala ng kaunting handa upang ipakain sa nakilahok sa nasabing Flores. 8. Abstraksyon Ano ang kahalagahan ng tekstong impormatibo? Ang tekstong impormatibo ay naglalaman ng mga mahahalagang bagay na tumatalakay sa ekonomiya, pulitika at iba pang paksa na kailangang maipabtid sa mamamayan. 9. Aplikasyon Pangkatang Gawain Unang Pangkat Ala TV Patrol- Iuulat ang pinakahuling kaganapan sa ating paaralan
Ikalawang Pangkat Sing-ala- Sarah- Anong balitang pulitikal ang huli mong napakinggan? Awitin ito. Ikatlong Pangkat Komersyal Model kami- Gayahin ang isang sikat na patalastas na nagbibigay impormasyon ukol sa kalusugan
RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN Batayan
Napakahusay ( 4pts)
Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating. Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon. Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain.
.
Mahusay (3pts.)
DiGaanong Mahusay (2pts.)
Nangangailangan ng Pagpapabuti (1pts.)
IV. Ebalwasyon Basahin ang teksto at sagutan ang mga katanungan. .
Kultura ng mga Batangenyo Ang mga Batangueño ay kilala sa pagsasalita ng Tagalog na mayroong punto. Kilala rin sila sa pagdadagdag ng salitang “eh” sa kanilang pananalita at sa paggamit ng “ga”. Isa rin sa kilalang katangian ng mga Batangueño ay ang tinatawag na “Matanda sa Dugo”, kung saan nagbibigay respeto ang isang kamag-anak hindi dahil sa edad kundi dahil sa konsangginidad. Ang mga Batangueño ay kilala sa pagiging malapit sa isa't isa. Halimbawa sa isang pagtitipon, mapapansin na ang mga Batangueño ay magkakasama hanggang sa matapos ang nasabing pagdiriwang. Ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Batangueño ay ang pagsasaka at pangingisda, dahil na rin sa lokasyon ng lalawigan. Kilala rin ang mga ito bilang malakas sa pag-inom ng alak at pagkain ng matatamis. Isa sa mga itinuturong dahilan nito ang Central
Azucarera Don Pedro, na itinuturing na pinakamalaking tagagawa ng asukal sa buong bansa. Isa naman sa pinakakilalang produkto ng lalawigan ang kapeng barako, gayon din ang balisong.
Tanong: 1. Ano ang tinatawag na konsaginidad ayon sa teksto? 2. Paano makikilala na isa kang tunay na Batangenyo? 3. Bakit pagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ditto? 4. Alina ng nagpapatunay na mahihilig sa matatamis ang mag Batangenyo? 5. Kung ikaw ay isang Batangenyo , paano ipapakilala ang lalawigan mo? V. Kasunduan Ano- ano ang mga kilalang Landmark sa Batangas? Magdala ng ilan sa mga larawan nito?
Ikaapat na Araw I. Layunin: Nagagamit ang ibat-ibang uri ng panghalip sa ibat-ibang sitwasyon. (F6WG-Ie-g-3) II. Paksang-Aralin: A. Paggamit ng iba’t ibang uri ng panghalip sa paglalarawan ng ibat-ibang sitwasyon. B. Sanggunian: Curriculum Guide p. 119 Google C. Kagamitan: projector, laptap D. Pagpapahalaga Mahalin at pahalagahan ang pamilya. III. Proseso ng Pagkatuto A. Gawaing Rutinari • Panalangin at Pagbati • Pagtatala ng Liban • Pagtse-tsek ng takdang Aralin • Balik-Aral Balitaan ukol sa huling kaganapan sa Baranggay.
B. Presentasyon ng Aralin 1. Pagbabaybay Gugupitin ng guro ang bawat letra ng mga salita. Tumawag ng batang bubuo muli nito at sabay-sabay na ipabaybay sa klase. 1.langot 2. labangan 3. lagibas 4. lag-ok 5. lahor 2. Pagganyak Pagmasdan ang larawan. Magsabi ng mga pangungusap ukol dito. Anoano ang mga ginagawa ninyo kapag kayo ay nasa parke ?Isa-isahin at itatala ng guro sa pisara.
3. Pangganyak na tanong? Bakit kaya umuwi ang magkapatid na may ngiti sa kanilang mga labi? 4. Pagbasa ng Talata Sabay sabay na ipabasa sa klase ang talata
Ang Magkapatid. Masayang namasyal ang makapatid na sina Ghaernette at Gerard noong Linggo. Nagbisikleta sila Community park. Isinuot nila ang kanilang protecdtive gear upang maging ligtas ang kanilang pagbibisekleta. Nilibot nila ang buong parke. Bagaman sila ay napagod kapwa sila masaya. Matapos magbisekleta kumain sila kasama ng kanilang pamilya. Nagtanong ang dalawang magkapatid kung kalian sila muling babalik sa parke. Lahat sila ay may ngiti sa labi na umuwi.Pagdating nila doon sa kanilang bahay ay kaagad silang lumabas at ikinuwento ang kanilang masayang karanasan sa mga kalaro. 5. Analisis a. Pagsagot sa pangganyak na tanong Bakit kaya umuwi ang magkapatid na may ngiti sa kanilang mga labi? b. Pagtalakay Sagutin ang mga sumusunod na tanong 1. Saan Namasyal ang magkapatid? 2. Ano ang kanilang isinuot upang sila ay maging ligtas? 3. Bakit kaya sila umuwi na may ngiti sa labi? 4. Ano-ano ang nais mong gawin kung ikaw ay mamamasyal? Bakit? 5. Kung ikaw sina Gerard at Ghaernette paano higit na mas sasaya ang kanilang pamamasyal?
6. Pagpapayaman ng Gawain Basahin ang ilang pangungusap na hango sa talata. Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Itanong kung ano ang tawag sa salitang may salungguhit. 1. Ikinuwento nila ang kanilang masayang karanasan sa mga kalaro. 2. Lahat sila ay may ngiti sa labi na umuwi. 3. Pagdating nila doon sa kanilang bahay ay kaagad silang lumabas ng bahay. 4.Kailan po tayo muling babalik dito sa Parke? 5. Isinuot nila ang kanilang protective gear 7. Abstrksyon Ano-ano ang iba’t ibang uri ng panghalip? Mga Uri ng Panghalip 1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun) Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya 2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire ,malapit sa kinakausap: iyan niya ayan hayan diyan,malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon 3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin 4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun) Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang Lahat.
8. Aplikasyon Unang pangkat: Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang panghalip panao Ikalawang pangkat Iguhit ang lugar na nais ninyong pasyalan. Sumulat ng Tatlong tanong ukol dito
Ikatlong pangkat Isulat ang sketch ng direksyon patungo sa paaralan mula sa inyong bahay. Ipaliwang ito. RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN Batayan
Napakahusay ( 4pts)
Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating. Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon. Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain.
.
Mahusay (3pts.)
DiGaanong Mahusay (2pts.)
Nangangailangan ng Pagpapabuti (1pts.)
IV. Ebalwasyon Pagmasdang maige ang larawan. Sumulat ng limang pangungusap gamit ang
uri
ng
panghalip.
Tukuyin
kung
anong
uri
ito.
IV. Kasunduan Sumulat ng tig- dadalawang pangungusap gamit ang bawat uri ng pang-uri
Ikalimang Araw I.Layunin: Napupunan nang wasto ang kard na pang-aklatan. (F6EP-Ie-13) II. Paksang Aralin A. Kard na Pang-aklatan B. Sanggunian: Curriculum Guide p.119 google C. Kagamitan: projector, laptap III. Proseso ng Pagkatuto A. Gawaing Rutinari • Panalangin at Pagbati • Pagtatala ng Liban • Pagtse-tsek ng takdang Aralin • Balik-Aral Ano-ano ang iba’t ibang uri ng panghalip. Magbigay ng pangungusap gamit ang panghalip? B. Presesntasyon ng Aralin 1. Pagbabaybay Ita ang mga sumusunod na salita: 1.naglupage 2. kumaripas 3. nagkaribok 4. lente
5.kitse 2. Pagganyak Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung gaano sila kalimit bumisita sa silid- aklatan. Ipakita ang mga na larawan at isa-isahin ang mga alituntunin sa loob ng silid-aklatan
3. Pangganyak na tanong. Bakit kaya napadali ang paghahanap ng Grupong Dilaw sa aklat na nakaatas sa kanila? 4. Pagbasa ng kuwento Babasahin ng guro ang kuwento.
Ang Kard Katalog Isang umaga sa oras ng klase ni Gng. Acorda, nagtungo sila sa silid-aklatan. Nagkaroon sila ng paligsahan ukol sa paghahanap ng aklat na may paksang “Paano tumula ang isang Ina; Tula ng Buhay”. Hinati ni Gng. Acorda ang klase sa tatlong grupo. Grupong Dilaw, Grupong Asul at Grupong Pula ang naging pangalan ng bawat grupo. Kanyakanyang hanap ang mga ito. Habang abala sa paghahanap ang ibang grupo may malakas na hiyaw na nagmula sa bandang likuran. :”Yehiiiiiiii! Maam nakita na namin”, sigaw ng Grupong Dilaw. Natuwa si Gng. Acorda, at sumunod na ring natapos ang iba pang grupo. Nagbalita na ang bawat grupo sa kanilang natapos na gawain. Ikinuwento ng lider ng Grupong dilaw ang kanilang naging istratehiya. Gumamit sila ng Kard Katalog kaya napadali ang kanilang paghahanap. Namangha ang buong klase, dahil di nila alam gamitin ang Kard Katalog. Sumunod na ring nagbalita ang iba pang grupo. Lubos na namangha si Gng. Acorda sa istratehiya na ginawa ng Grupong Dilaw. Narito ang Kard Katalog na ginamit ng Grupong Dilaw.
7. Analisis a. Pagsagot sa Pangganyak na tanong Bakit kaya napadali ang paghahanap ng Grupong Dilaw sa aklat na nakaatas sa kanila? Tumawag ng mag-aaral na sasgot sa tanong na ito. b. Pagtalakay Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano-ano ang mga pangalan ng grupo ng klase? 2. Anong istratehiya ang ginamit ng Grupong Dilaw? 3. Nakatulong bas a kanila ang Kard Katalog? Sa paanong paraan? 4. Bakit kaya namangha ang buong klase sa istratehiyang ginamit ng Grupong Dilaw? 5. Kung kayo ang Grupong Dilaw gagayahin ba ninyo ang istratehiya na kanilang ginamit? Bakit?
8. Pagpapayaman ng Gawain
Pagmasdan at suriin ang mga Kard Katalog. Sagutan ang mga sumusunod na tanong: 1.Ano ang kard Katalog? 2. Ano-ano ang mag bahagi ng Kard Katalog? 3.Isa-isahin ang pagkakaiba ng kard ng pamagat, kard ng awtor, at kard ng paksa?
4.May naitutulong ba sa inyo ang mga kard na nabanggit? Isa-isahin ang mga ito. 5. Sa palagay ninyo, alin sa mga Kard Katalog ang mas mainam gamitin? Bakit? 9. Abstrksyon Ano-ano ang mga uri ng Kard Katalog?
Mga uri ng Kard Katalog: 1. Kard ng manunulat/may akda - ito ay ang reference card na tinatawag na pangunahing tala. Nakaayos ito ayon sa alpabeto at sa unang titik ng apelyido ng manunulat.
2. Kard ng Pamagat - tulad ng nauna, makikita rin ang pamagat sa itaas na bahagi ng kard, nungi nakaayos naman ito batay sa pamagat ng aklat.
3. Kard ng Paksa - ito'y ginagamit para sa mga paksang tinutukoy ng aklat. Nakaayos ito ayon sa unang titk ng paksa.
10. Aplikasyon Pangkatang Gawain Pumili ang bawat pangkat ng aklat. Gumawa ng kard katalog. Unang Pangkat Kard ng Pamagat
Ikalawang Pangkat Kard ng Awtor
Ikatlong Pangkat Kard ng Paksa RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN Batayan
Napakahusay ( 4pts)
Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating. Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon. Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain.
.
Mahusay (3pts.)
DiGaanong Mahusay (2pts.)
Nangangailangan ng Pagpapabuti (1pts.)
IV. Ebalwasyon Punan ng impormasyon ang Kard na Pang-aklatan Kard ng May Akda F 398.6 Sa 261 1969
54915
Kard ng Pamagat F 398.6 Sa 261
Kard ng Paksa F 398.6 Sa 261 1969
V.Kasunduan Sumulat ng sarili mong Kard Katalog. Isulat ito sa Index Card.
KAGAMITAN NG MAG-AARAL
Unang Markahan Ikalimang Linggo Unang Araw Layunin Pakikinig : Pag-unawa sa Napakinggan (F6PN-Id-e-12) Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa alamat na napakinggan. TUKLASIN MO Gawain 1 Puno ko , Puno mo! Ipasa ang larawan ng puno na may nakasulat na sitwasyon sa likuran. Gawin ito na may saliw na musika. Ang huling makatatangap ng larawan sa pagtigil ng tunog ay siyang sasagot sa nakasaad na sitwasyon.
Malalaki at matatamis ang bunga ng manggahan ni Mang Tibo.Paano niya mailalako sa merkado ang kanyang produkto?
Matamis ang puno ng Sampalok nina Felix. Ano kaya ang mainam niyang gawin sa mga bunga nito upang higit niyang mapakinabangan?
BASAHIN MO Sa palagay ninyo paano nagkaroon ng puno ng Sampalok?
ANG ALAMAT NG SAMPALOK Noong araw ay may isang mayamang babaing ubod ng suwapang at masamang ugali. Ang pangalan niya’y Felicidad. Donya Felicidad kung tawagin siya ng lahat. Dahil sa kasamaan ng ugali ni Donya Felicidad, hindi niya pinagamot ang asawang may sakit. Ayaw niyang mabawasan ang kanyang kayamanan. Namatay ang lalaki na hindi nabigyan ng remedyo. Mula nang mamatay ang asawa ni Donya Felicidad ay lalo siyang naging masama ang kanyang pag-uugali. Pinalayas pa niya ang kanilang enkargadong si Regalado ‘pagkat’t nanghihinayang na siya sa ibinabayad dito. Isang araw, nag-ususap ang mga magsasaka sa pangunguna ni Regalado. Pinag-uusapan nila ang kanilang kawawang buhay dahil kay Donya Felicidad. Nag-isip sila ng paraan kung paano maihaharap sa donya ang kanilang reklamo. Nalaman ni Donya Felicidad ang pag-uusap ng mga magsasaka. Nagalit ito ‘pagkat inisip na baka masama na ang gustong gawin sa kanya ng mga magsasaka. Lalong nagging masama ang ugali ng Donya at nang dumating ang anihan ay walang itinira sa mga magsasaka. Kinuha niya lahat ang mga inaning bigas at sinabing iyon ay bayad sa mga utang sa kanya.
Nakiusap ang mga magsasaka na bigyan sila kahit na ilang salop lamang na bigas para makain lamang ng kanilang pamilya. Pero hindi naawa ang donya. Dahil doon, naisipang umalis ng mga magsasaka sa lupa ni Donya Felicidad. Isang araw, may matandang pulubing pumasok sa villa ng donya para humingi ng pagkain. Gayon na lamang ang galit ni Donya sa utusang napapasok sa pulubi. “Ikaw, ano ang kailangan mo rito?” “Ako po’y nagugutom at ibig ko lang pong manghingi ng kaunting pagkain, “ and sagot ng pulubi. Kumuha ng kapirasong tinapay si Donya Felicidad at nang hawak na’y sinampal ang pulubing inalok. “Hayan ang tinapay. Umalis ka na at uli-uli ay huwag mong dudumihan ng mga marurumi mong paa tiong aking villa” Hindi mo sa inirespeto ang katandaan ko,” ang galit na sabi ng pulubi. “Sinampal mo ako at saka inalok.” At pagkasabi niyon ay umalis na ang pulubi na isinigaw ang salitang “Sampal-alok! Sampal-alok! Parang nabingi si Donya Felicidad at walang malamang gawin. Nagtatakbo siyang pumanhik sa terasa ng villa, at sa kanyang pagkalito ay nahulog. Noon din ay namatay ang may masamang ugaling babae. Ang mga nangyaring iyon ay nalaman ng lahat ng mga tao. Inilibing nila ang donya sa isang lugar, pagkatapos ay kinuha ang mga pagkain sa bodega at sinunog ang villa.
Makaraan ang ilang buwan, may tumubong punong kahoy sa pinaglibingan ng donya. Ang bunga ay maasim katulad ng maasim na ugali ng donya. Tinawag nila itong “sampal-alok,” at di nagtagal, pinaikli nila itong “sampalok. Mga Tanong: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 6. Sino si Donya Felicidad? 7. Ano-ano ang mga pang-aapi na ginawa ni Donya Felicidad sa kanyang mga tauhan? 8. Bakit nagalit ang matandang pulubi kay Donya Felicidad? 9. Kung ikaw ang taong bayan ano gagawin mo upang magbago si Donya Felicidad? Bakit? 10. Anong aral ang natutunan mo sa Alamat ng Sampalok? Ipaliwanag. PAGYAMANIN NATIN Pangkayang Gawain Bigyang hinuha ang mga sumusunod sa pamamagitan ng masining na pamamaraan: Unang Pangkat (rap) Hindi
lahat
ng
Overseas
Filipino Worker
ay nagtatagumpay.
Nakapagtatrabaho naman sila ngunit ilan laamang ang sinusuwerte. Ano kaya ang dahilan?
Ikalawang Pangkat (Dula-dulaan) Alaga ni Joseph ang asong si Speaky. Isang tanghaling pakakainin sana niya ang aso nang matuklasanng wala ito sa kulungan. Ano sa palagay mo ang gagawin ni Joseph. Ikatlong Pangkat (Pagbabalita) Magkaibigan sina Guia at Marla. Biglang hindi kinausap ni Marla si Guia na hindi naman niya alam ang dahilan. Ano kaya ang gagawin ng bawat isa? RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN Batayan
Napakahusay ( 4pts)
Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating. Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon. Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain.
.
Mahusay (3pts.)
DiGaanong Mahusay (2pts.)
Nangangailangan ng Pagpapabuti (1pts.)
ISAISIP MO Basahin ang bawat sitwasyon na buhat sa kuwento. Bigyang hinuha ang mga sumusunod. 1. Kung ikaw si Donya Felicidad, nalaman mo ang pag-uusap ng mga magsasaka na idudulog nila ang kanilang suliranin sa iyo, ano ang gagawin mo? 2. Nakiusap ang mga magsasaka na bigyan sila kahit na ilang salop lamang
na bigas para makain lamang ng kanilang pamilya, ngunit ipinagkait ito ni Donya Felicidad. Kung ikaw ay naroon sa lugar na iyon paano mo kaya mapapayag si Donya Felicidad? 3. Nagulat si Donya Felicidad sa pagbabagong anyo ng matandang pulubi. Nagtatakbo siyang pumanhik sa terasa ng villa, at sa kanyang pagkalito siya ay nahulog at namatay. Kung ikaw ang sumulat ng kuwento paano mo kaya ito tatapusin? Katulad rin ba ng kuwento ng may akda o babaguhin mo ito? ISAPUSO MO Ang pagbibigay ng hinuha ay ang pagbibigay ng kuro kuro sa maaaring kalabasan ng pangyayari. Ang pahghihinuha ay mas mataas na antas ng pag-iisip kaysa pagtukoy kung saan wala sa teksto ang sagot kundi ipinahihiwatig lamang.
ISULAT MO Babasahin ng guro sa mag-aaral ang Alamat ng Ampalaya. Bigyang hinuha ang sitwasyong itatanong ng guro. Alamat ng Ampalaya Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay. Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si
Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit. Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag. Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay. Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot. Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan. Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya. Tanong: 1. Ano sa palagay ninyo ang ginawa ng kanyang mga kasamahang gulay kay Ampalaya? 2. Kung ikaw ang diwata ano pa kayang kaparusahan ang maaari mong gawin kay ampalaya? 3. Dahil sa pangyayari ano kaya ang ginawa ni Ampalaya?
4. Maaari ba itong mangyari sa totoong buhay? Sa paanong paraan? 5. Sa hiya ni Ampalya nagpakalayo layo siya, ngunit patuloy pa ri niyang hinahanap ang mga ksamahang gulay kaya pinagpasyahan niyang bumalik sa mga ito? Tinanggap kaya siya ng mga kasamahang gulay?
Ikalawang Araw Layunin Pagbasa: Pag-unlad ng Talasalitaan (F6V-IIe-h-1.8) Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan. TUKLASIN MO Gawain 1 Pangalanan Mo Ako! Ipakita sa mga bata ang mga larawan. Pagtatanong kung ano ang tawag nila dito.
BASAHIN MO Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng kalikasan? Kalikasan – Saan Ka Patungo? ni: Avon Adarna Nakita ng buwan itong pagkasira, Mundo't kalisakasan ngayo’y giba-giba, Ang puno – putol na, nagbuwal at lanta, Ang tubig – marumi, lutang ang basura.
Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan, Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam, At nakipagluhaan sa poong Maylalang, Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon, Nasira ng usok na naglilimayon, Malaking pabrika ng goma at gulong, Sanhi na ginawa ng pagkakataon!
Ang dagat at lawa na nilalanguyan Ng isda at pusit ay wala nang laman, Namatay sa lason saka naglutangan, Basurang maburak ang siyang dahilan!
Ang lupang mataba na bukid-sabana, Saan ba napunta, nangaglayag na ba? Ah hindi… naroon… mga mall na pala, Ng ganid na tao sa yaman at pera. Mga sapa at ilog sa Kalungsudan, Ginawa na ng tao na basurahan, At kung dumating ang bagyo at ulan, Hindi makakilos ang bahang punuan.
Ang tao rin itong lubos na dahilan, Sa nasirang buti nitong kalikasan, At darating bukas ang ganti ng buwan, Uunat ang kamay ng Poong Lumalang! Mga Tanong: Sagutin ang mga sumususnod na katanungan 5.
Bakit nalungkot ang Buwan?
6.
Sino ba ng sumira sa kalikasan?
7.
Ano-ano ang nagyari sa mga puno? Sa dagat? Sa iliog?
8.
Sa palagay mo ano ang nagging dahilan ng pagkasira nito?
5. Ano kaya ang maaaring maging ganti ng Poong Maykapal? PAGYAMANIN NATIN Ang mga sumusunod na pangungusap ay hinango sa tula. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang di pamilyar na ginamit sa pangungusap at ibigay ang kahulugan nito. 1. Namatay sa lason saka naglutangan, Basurang maburak ang siyang dahilan 2. Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon, Nasira ng usok na naglilimayon, 3. Ang lupang mataba na bukid-sabana, Saan ba napunta, nangaglayag na ba? ISAISIP MO Pangkatang Gawain Unang pangkat: Sumulat ng Slogan gamit ang di pamilyar na salita. Ikalawang pangkat: Gumawa ng usapan na gamit ang mga di pamilyar na salita. Ikatlong pangkat
Bigyang kahulugan ang mga di apmilyar na salita. 1. May madilim na kahapon ang babaeng aking nakilala. 2. Naninggalang pugad si Atong kina Ada kagabi. 3. Nahumaling si Atong kay Ada kaya patuloy niya itong
RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN Batayan
Napakahusay ( 4pts)
Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating. Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon. Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain.
.
Mahusay (3pts.)
DiGaanong Mahusay (2pts.)
Nangangailangan ng Pagpapabuti (1pts.)
ISAPUSO MO Paano mo madaling matutukoy ang kahulugan ng di pamilyar na salita?
ISULAT MO Ibigay ang kahulugan ng di pamilyar na salita.
1. Hindi pa rin nawala ang agatat sa kamay ni Lina. 2. Narinig niya ang agas ng ahas kaya nagmadali siyang umalis. 3. Pinanuod ng mag-asawa ang pag-ampang ng kanilang
anak. 4. Itinuring niyang mga kapatid ang kanyang mga katoto. 5. Magkasamang sumakay ng salipawapaw ang pamily ni June.
Ikatlong Araw Layunin Pagbasa :Pag-unawa sa Binasa (F6PB-Ic-e-3.1.2) Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon. TUKLASIN MO Gawain 1 Ipakita sa mga bata ang larawan. Gamit ang kanilang imahinasyon, puntahan ang mga lugar na ito. Magtanong ng ilang bagay tungkol dito. LAKBAY-ARAL Mamasyal tayo mga bata. Libutin natin ang Batangas. Handa na ga? Eto na!!!!!!!!
Marian Orchard
Bulkang Taal
Gen Malvar Memorial Library
Tagaytay
BASAHIN NATIN Bakit ipinagdiriwang sa Lungsod ng Batangas ang Sublian Festival?
Subli-an sa Batangas Subli-an Festival Ito ay ginaganap tuwing 23 ng Hulyo. Ito ay orihinal na nagumpisa bilang debosyon sa Banal na Sto. Niῆo. Nang magtagal, ito ay naging isang uri ng sayaw na mas kilala bilang “Subli”. Ito ay sayaw na nagmula sa Batangas. Ang Subli ay sinasayaw sa saliw ng musika na may apat (4) na uri: ang unang uri ay inaawit ng isang mang-aawit; ang ikalawa ay nagbibigay pugay sa Banal na Sto. Niῆo sa lungsod ng Batangas at nagsasalaysay ng pinagmulan ng Batangas; ang ikatlo ay ang mismong “Subli” na may kasamang tula, sayaw at awit; samantalang ang ikaapat naman ay tumatalakay sa buhay ng may-akda sa kanyang paghahanap ng kanyang kaganapan. Ang Subli ay isang uri ng kultura na tumutukoy sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan na nilapatan ng musika upang kapulutan ng aral. Ito ay
isang tradisyong kinagisnan ng mga Batangueño na naging isang ganap na pista kung saan ang mga mamamayan ay sama-samang nag-aalay ng sayaw sa buong bayan ng Lungsod ng Batangas bilang paggunita ng kanilang araw ng pagkakakilanlan. Mga tanong: 6.
Kailan ginaganap ang Sublian Festival?
7.
Ano-ano ang apat na uri ng musika na isinasaliw sa sayaw na Subli?
8.
Nakasali na ba kayo sa Sublian Festival?Ibahagi ang karanasan.
9.
Bakit sa palagay ninyo naging tradisyon na sa ating lalawigan ang mga pista?
10. Bilang Batangenyo, paano mo ito mapapagyaman? PAGYAMANIN NATIN A. Punan ang impormatibong teksto upang mabuo ang diwang nais nitong maiparating sa mambabasa. Tuwing buwan ng _______ ay nagdiriwang tayo ng Floers De Mayo.
Inaalayan
natin
ng___________ang
Birheng
Maria.
Dinadasal natin ang Santo Rosaryo upang magpasalamat sa mga__________ na tinatanggap natin. Gayundin ang ________ tayo sa anumang kapahamakan. Bawat may kaarawan sa araw na iyon ay nagdadala ng kaunting handa upang ipakain sa nakilahok sa nasabing Flores.
ISAISIP MO Pangkatang Gawain Unang Pangkat Ala TV Patrol- Iuulat ang pinakahuling kaganapan sa ating paaralan Ikalawang Pangkat Sing-ala- Sarah- Anong balitang pulitikal ang huli mong napakinggan? Awitin ito. Ikatlong Pangkat Komersyal Model kami- Gayahin ang isang sikat na patalastas na nagbibigay impormasyon ukol sa kalusugan RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN Batayan
Napakahusay ( 4pts)
Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating. Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon. Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain.
.
Mahusay (3pts.)
DiGaanong Mahusay (2pts.)
ISAPUSO MO Ano ang kahalagahan ng tekstong impormatibo?
Nangangailangan ng Pagpapabuti (1pts.)
Ang tekstong impormatibo ay naglalaman ng mga mahahalagang bagay na tumatalakay sa ekonomiya, pulitika at iba pang paksa na kailangang maipabtid sa mamamayan.
ISULAT MO Basahin ang teksto at sagutan ang mga katanungan. .
Kultura ng mga Batangenyo Ang mga Batangueño ay kilala sa pagsasalita ng Tagalog na mayroong punto. Kilala rin sila sa pagdadagdag ng salitang “eh” sa kanilang pananalita at sa paggamit ng “ga”. Isa rin sa kilalang katangian ng mga Batangueño ay ang tinatawag na “Matanda sa Dugo”, kung saan nagbibigay respeto ang isang kamag-anak hindi dahil sa edad kundi dahil sa konsangginidad. Ang mga Batangueño ay kilala sa pagiging malapit sa isa't isa. Halimbawa sa isang pagtitipon, mapapansin na ang mga Batangueño ay magkakasama hanggang sa matapos ang nasabing pagdiriwang. Ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Batangueño ay ang pagsasaka at pangingisda, dahil na rin sa lokasyon ng lalawigan. Kilala rin ang mga ito bilang malakas sa pag-inom ng alak at pagkain ng matatamis. Isa sa mga itinuturong dahilan nito ang Central Azucarera Don Pedro, na itinuturing na pinakamalaking tagagawa ng asukal sa buong bansa. Isa naman sa pinakakilalang produkto ng lalawigan ang kapeng barako, gayon din ang balisong.
Tanong: 1. Ano ang tinatawag na konsaginidad ayon sa teksto? 2. Paano makikilala na isa kang tunay na Batangenyo? 3. Bakit pagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ditto? 4. Alina ng nagpapatunay na mahihilig sa matatamis ang mag Batangenyo? 5. Kung ikaw ay isang Batangenyo , paano ipapakilala ang lalawigan mo?
Ikaapat na Araw Layunin: Pagsasalita :Gramatika (F6WG-Ie-g-3) Nagagamit ang ibat-ibang uri ng panghalip sa ibat-ibang sitwasyon. TUKLASIN MO Gawain 1 Pagmasdan ang larawan. Magsabi ng mga pangungusap ukol dito. Anoano ang mga ginagawa ninyo kapag kayo ay nasa parke ?Isa-isahin at itatala ng guro sa pisara.
BASAHIN NATIN Bakit kaya umuwi ang magkapatid na may ngiti sa kanilang mga labi? Ang Magkapatid. Masayang namasyal ang makapatid na sina Ghaernette at Gerard noong Linggo. Nagbisikleta sila Community park. Isinuot nila ang kanilang protecdtive gear upang maging ligtas ang kanilang pagbibisekleta. Nilibot nila ang buong parke. Bagaman sila ay napagod kapwa sila masaya. Matapos magbisekleta kumain sila kasama ng kanilang pamilya. Nagtanong ang
dalawang magkapatid kung kalian sila muling babalik sa parke. Lahat sila ay may ngiti sa labi na umuwi. Pagdating nila doon sa kanilang bahay ay kaagad silang lumabas at ikinuwento ang kanilang masayang karanasan sa mga kalaro.
Mga tanong: Sagutin ang mga sumusunod na tanong 1. Saan Namasyal ang magkapatid? 2. Ano ang kanilang isinuot upang sila ay maging ligtas? 3. Bakit kaya sila umuwi na may ngiti sa labi? 4. Ano-ano ang nais mong gawin kung ikaw ay mamamasyal? Bakit? 5. Kung ikaw sina Gerard at Ghaernette paano higit na mas sasaya ang kanilang pamamasyal? PAGYAMANIN NATIN Basahin ang ilang pangungusap na hango sa talata. Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Itanong kung ano ang tawag sa salitang may salungguhit. 1. Ikinuwento nila ang kanilang masayang karanasan sa mga kalaro. 2. Lahat sila ay may ngiti sa labi na umuwi. 3. Pagdating nila doon sa kanilang bahay ay kaagad silang lumabas ng bahay. 4.Kailan po tayo muling babalik dito sa Parke? 5. Isinuot nila ang kanilang protective gear.
ISAISIP MO Unang pangkat: Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang panghalip panao Ikalawang pangkat Iguhit ang lugar na nais ninyong pasyalan. Sumulat ng Tatlong tanong ukol ditto Ikatlong pangkat Isulat ang sketch ng direksyon patungo sa paaralan mula sa inyong bahay. Ipaliwang ito. RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN Batayan
Napakahusay ( 4pts)
Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating. Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon. Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain.
.
Mahusay (3pts.)
DiGaanong Mahusay (2pts.)
Nangangailangan ng Pagpapabuti (1pts.)
ISAPUSO MO Mga Uri ng Panghalip 1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun) Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya 2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire ,malapit sa kinakausap: iyan niya ayan hayan diyan,malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon 3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin 4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun) Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang Lahat. ISULAT MO Pagmasdang maige ang larawan. Sumulat ng limang pangungusap gamit ang
uri
ng
panghalip.
Tukuyin
kung
anong
uri
ito.
Ikalimang Araw Layunin Pagbasa: Estratehiya sa Pag-aaral (F6EP-Ie-13) Napupunan nang wasto ang kard na pang-aklatan. TUKLASIN MO Gawain
1 Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung gaano sila kalimit
bumisita sa silid- aklatan. Ipakita ang mga na larawan at isa-isahin ang mga alituntunin sa loob ng silid-aklatan
BASAHIN NATIN Bakit kaya napadali ang paghahanap ng Grupong Dilaw sa aklat na nakaatas sa kanila? Ang Kard Katalog Isang umaga sa oras ng klase ni Gng. Acorda, nagtungo sila sa silid-aklatan. Nagkaroon sila ng paligsahan ukol sa paghahanap ng aklat na may paksang “Paano tumula ang isang Ina; Tula ng Buhay”. Hinati ni Gng. Acorda ang klase sa tatlong grupo. Grupong Dilaw, Grupong Asul at Grupong Pula ang naging pangalan ng bawat grupo. Kanyakanyang hanap ang mga ito. Habang abala sa paghahanap ang ibang grupo may malakas na hiyaw na nagmula sa bandang likuran. :”Yehiiiiiiii! Maam nakita na namin”, sigaw ng Grupong Dilaw. Natuwa si Gng. Acorda, at sumunod na ring natapos ang iba pang grupo. Nagbalita na ang bawat grupo sa kanilang natapos na gawain. Ikinuwento ng lider ng Grupong dilaw ang kanilang naging istratehiya. Gumamit sila ng Kard Katalog kaya napadali ang kanilang paghahanap. Namangha ang buong klase, dahil di nila alam gamitin ang Kard Katalog. Sumunod na ring nagbalita ang iba pang grupo. Lubos na namangha si Gng. Acorda sa istratehiya na ginawa ng Grupong Dilaw. Narito ang Kard Katalog na ginamit ng Grupong Dilaw.
.
Mga Tanong: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano-ano ang mga pangalan ng grupo ng klase? 2. Anong istratehiya ang ginamit ng Grupong Dilaw? 3. Nakatulong bas a kanila ang Kard Katalog? Sa paanong paraan? 4. Bakit kaya namangha ang buong klase sa istratehiyang ginamit ng Grupong Dilaw? 5. Kung kayo ang Grupong Dilaw gagayahin ba ninyo ang istratehiya na kanilang ginamit? Bakit
PAGYAMANIN NATIN
Pagmasdan at suriin ang mga Kard Katalog. Sagutan ang mga sumusunod na tanong: 1.Ano ang kard Katalog? 2. Ano-ano ang mag bahagi ng Kard Katalog? 3.Isa-isahin ang pagkakaiba ng kard ng pamagat, kard ng awtor, at kard ng paksa?
4.May naitutulong ba sa inyo ang mga kard na nabanggit? Isa-isahin ang mga ito. 5. Sa palagay ninyo, alin sa mga Kard Katalog ang mas mainam gamitin? Bakit?
ISAISIP MO Pangkatang Gawain Pumili ang bawat pangkat ng aklat. Gumawa ng kard katalog. Unang Pangkat Kard ng Pamagat Ikalawang Pangkat Kard ng Awtor Ikatlong Pangkat Kard ng Paksa RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN Batayan
Napakahusay ( 4pts)
Naipahatid ang nilalaman o kaisipan na nais iparating. Kinakitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon. Nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat miyembro sa kanilang gawain.
.
Mahusay (3pts.)
DiGaanong Mahusay (2pts.)
Nangangailangan ng Pagpapabuti (1pts.)
ISAPUSO MO
Mga uri ng Kard Katalog: 1. Kard ng manunulat/may akda - ito ay ang reference card na tinatawag na pangunahing tala. Nakaayos ito ayon sa alpabeto at sa unang titik ng apelyido ng manunulat.
2. Kard ng Pamagat - tulad ng nauna, makikita rin ang pamagat sa itaas na bahagi ng kard, nungi nakaayos naman ito batay sa pamagat ng aklat.
3. Kard ng Paksa - ito'y ginagamit para sa mga paksang tinutukoy ng aklat. Nakaayos ito ayon sa unang titk ng paksa.
ISULAT MO Punan ng impormasyon ang Kard na Pang-aklatan Kard ng May Akda F 398.6 Sa 261 1969
54915
Kard ng Pamagat F 398.6 Sa 261
Kard ng Paksa F 398.6 Sa 261 1969