KABANATA 46 ANG SABUNGAN
Upang ipangilin sa Pilipinas ang hapon ng araw ng Linggo, karaniwan nang nagtutungo ang mga tao sa sabungan, 1 ito ay katulad din naman nang pagparoon ng mga tao sa laruan ng toro sa Espanya. Ang sabong, isang bisyo na ipinasok sa lupaing ito at pinagkakakitaan na sa loob ng isang dantaon, isa ito sa mga bisyo ng bayan, na higit pa kaysa pagkasugapa sa apyan ng mga Insik; 2 doon pumupunta ang maralita upang itaya ang buong kabuhayan dahil sa pagnanais na kumita ng malaking salapi nang hindi nagtatrabaho;3 doon nagpupunta ang mayayaman upang maglibang, na itinataya ang salaping lumabis sa mga pista at pamisa de gracia ; nguni·t sadyang kanila ang salaping ipinupusta, ang manok ay alagang-alaga, marahil ay higit pa kaysa pag-aalaga sa isang anak na siyang hahalili sa ama sa sabungan,4 at sa bagay na ito·y wala kaming masasabi. MGA
PALIWANAG 1 Makikita na ang pagsasabong ay regular na ginagawa ng mga kalalakihan sa Pilipinas katulad ng kanilang pagsisimba. Malimit sa umaga ay dumadalo ng gawaing pansimbahan at sa hapon naman ay nasa loob ng sabungan.
2 Ipinapakita rito ni Rizal (mula sa obserbasyon ni Jagor) ang labis na pagkasugapa ng mga Pilipino sa sugal na sabong. Isipin na kung ang mga sugapa sa narkotiko ay mahirap na alisin sa bisyo ² lalo na ang mga sabungero. 3 Dito ay nagawang ipakita ni Rizal ang isa sa mga masamang hilig ng mga Pilipino ² ang magkamal ng salapi sa madaling paraan. Tandaan sana ng mga mambabasa na ang pag-unlad sa buhay ay hindi produkto ng katamaran kundi ng patuloy na paggawa na kinakailangang gamitan ng Talino, Pagkamalikhain, at Determinasyon sa tatlong bagay na ito walang papel ang katamaran at matalinong pagbabaka-sakali. 4 Ugali ng mga sabungero ² ito ay ang pagpapakita ng labis na 530
Dahil sa pinapayagan ng Pamahalaan at halos nanghihikayat pa na puntahan, kaya iniuutos na ang pagsasabong ay gawin lamang sa mga liwasang-bayan, sa mga araw ng pista (upang mapanood ng lahat at gayahin ang halimbawang iyon?) matapos ang misa mayor, hanggang sa pagtatakip-silim (walong oras) ay manood tayo ng laro 5 upang makita ang ilan nating kakilala. Walang pinagkaiba sa ibang bayan ang sabungan sa San Diego maliban sa ilang bagay, ito ay may tatlong lugar: lugar: ang una, ang papasukan, ay isang bahaging may dalawampung metro ang haba at labing-apat ang luwang; sa isang panig ay may isang pinto, na ang karaniwang nagbabantay ay isang babae na sumisingil ng upa sa pagpasok. Sa ibinabayad ng bawat pumasok, ay tumatanggap ang Pamahalaan ng isang bahagi, mga ilang daang libong libong piso sa isang taon: sinasabing ang ang salaping ito na ibinabayad ng legal na bisyo, ay ipinagpapatayo ng maiinam na paaralan, ipinagpapagawa ng mga tulay at lansangan, ng mga gantimpalang ikapapaunlad ng pangangalakal at pagtatanim«pagpalain nawa ang bisyo na nakapagbibigay ng gayong kabubuting bagay! 6 Sa unang pook na ito naroroon ang mga nagtitinda ng hitso, tabako, mga kakanin at mga pamatidgutom, atbp.; doon naglipana ang mga bata na sumasama sa kanikanilang ama o amain na maingat na nagtuturo sa kanila ng mga lihim ng buhay. Ang pook na ito ay karugtong ng isa pang lalong malaki, isang parang pinakasalas na siyang pinag-iipunan ng mga tao bago dumating ang solt ada ada . Naroroon ang maraming maraming manok manok na na ang tali ay nakatusok sa lupa; naroroon ang mga manunugal, ang mga mahilig sa sabong, ang mananari; doon nagkakasundo, nagiisip, nag-uutangan, nagmumurahan, sumusumpa, naghahalakhakan; hinihimas doon ang kanilang mga manok, i
k
pagmamahal sa manok kaysa sa kaniyang pamilya. 5 Walong oras ² napakahabang oras para sa pagpapalitan ng suwerte at kamalasan. Mapapansin ang kahusayan ni Rizal sa pagsasalarawan ² mararamdaman ng mambabasa na para siya ay nasa loob ng sabungan.
i
6 Isa sa ipinamana ng pamahalaang kolonyal sa ating makabagong pamahalaan ay ang pag-asa sa sugal bilang pinagkukunan ng karagdagang pondo ng pamahalaan. Sa bahaging ito ay hindi lamang ang pook ang inilarawan kundi ang kaayusan ng mga tao na nasa loob ng bahagi ng sabungan na inilalarawan ni Rizal.
k
531
hinahaplos ang makintab na balahibo; sinisiyasat at binibilang ang kaliskis ng paa:7 pinagyayabang ang mga kabayanihan ng mga matatapang na manok; doon ay makikita ninyo ang maraming malungkot ang mukha, dala sa paa ang isang patay na manok na wala nang balahibo; ang manok na pinakamahal sa loob ng ilang buwan, hinihimas-himas, inaalagaan sa gabi at araw at pinag-ukulan ng mga magagandang pag-asa, ngayon ay isang bangkay na lamang at ipagbibili sa halagang isang piseta, o kaya ay upang mailutong may lahok na luya at kakainin sa gabing yaon: s ic ic t ran ran s si i t t g lo lo ria ria mundi !8 Ang natalo ay uuwi sa kanyang bahay na kinaroroonan ng kanyang kakaba-kabang asawa at mga marurungis marurungi s na anak, nawala ang puhunan at ang manok. Ang lahat ng magagandang pangarap na iyon, ang pag-aalagang iyon ng ilang buwan magmula sa pagsikat ng araw sa umaga hanggang sa pagdilim, ang pagpapagod na iyon at pagkalinga ay walang kinauwian kundi isang piseta, ang abong nalabi sa gayon karaming pa-usok. Sa salas na ito ay nakikipagtalo ang lalong mangmang ; ang pinakawalang hunus-dili ay nagsisiyasat na mataimtim,9 tinitimbang ang bigat, minamalas, iniuunat ang mga pakpak, hinihipo ang mga mga hita ng mga hayop na iyon. Ang ilan ay may mainam mainam na bihis, sinusundan at napapalibutan napapalibutan ng mga pupusta sa kanyang manok; manok; ang iba·y marurusing, na na taglay ang tatak ng pagkagumon sa bisyo sa kanilang nangangalirang na mukha10, sinusundan ang galawan ng mga mayayaman at pinakikinggan ang mga pustahan11 sapagka·t maaring maubusan ng laman ang supot, ngunit walang kabusugan ang udyok ng
7 Nagawang ipakita ni Rizal ang pagiging mapamahiin ng mga sabungero, palagi silang naghahanap ng mga senyales na nagbibigay sa kanila ng magandang palatandaan na mananalo ang manok na kanilang ilalaban o pupustahan. 8 Sa ganito o nagtatapos ang kaluwalhatian sa lupa. ² Lahat ay mayroong katapusan. 9 Inilagay ni Rizal ang bahaging ito upang iparamdam sa mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan, na ang kanilang lakas, talino at dedikasyon ay higit na ginagamit nila sa kanilang mga bisyo lalo sa sabong, kaysa sa pag-iisip ukol sa pambansang kagalingan. 10 Nangangalirang na mukha ² marungis at napabayaang mukha dahilan sa kapabayaan o karukhaan ² mukhang hindi maaring mapagkatiwalaan, hubad sa karangalan, at kababaang moral. 11 May masamang iniisip ² maaring krimen o maaring humanap ng pagkakataon na sumakay sa suwerte ng mga mayayamang pumupusta. 532
kalooban;12 doon ay walang mukha na hindi gumagalaw; walang Pilipinong mapagpabaya, patay-patay, walang imik; doon ay gumagalaw lahat, dumog, pag-aasam-asam; 13 masasabing sila ay may pagkauhaw na pinasisidhi ng tubig ng latian.14 Buhat sa pook na ito ay magtungo tayo sa pinaglalabanan na tinatawag na rueda . Ang pinagsasabungan pinagsasabungan na nababakuran nababakuran ng kawayan ay karaniwang maging mataas kaysa dalawang nailarawan nailara wan na sa unahan. Sa itaas, na halos umaabot na sa bubungan ay ang kinaroroonan ng mga nanonood o nagpupustahan na magkasama magkasama na rin rin sa lugar na na ito. Pag naglalaban ang mga manok ay napupuno ang mga pook na ito, mga matatanda·t mga bata na nagsisigawan, naghihiyawan, pinagpa-pawisan, nagkakagalit at nagpapalitan ng mga murahan: mabuti na lamang at walang babaeng nakararating doon 15. Sa rueda naroon ang mga dakilang tao, ang mayayaman, ang mga bantog na tahur, ang ang may pasabong, pasabong, ang tagahatol. tagahatol. Sa lupa, na mabuti ang pagkakapit-pit, naglalaban ang mga manok, at mula roon ay namamahagi ang kapalaran, sa mga kaa-kaanak, ng tuwa o kalungkutan, ng kapasasaan o gutom. Sa pagpasok ay makikita na natin ang kapitan sa bayan, si Kapitan Pablo16, si Kapitan Basilio, si Lucas, ang taong may peklat sa mukha na lubhang nagdamdam dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Si Kapitan Basilio ay lumapit sa isang taong-bayan at nagtanong: ´Alam mo ba kung aling manok ang dala ni Kapitan Tiyago?µ
12 Isang pangungusap ngunit nagawa ni Rizal na bigyan ng pagsusuri ang pagkagumon ng isang tao sa sugal ² nauubusan ang supot ngunit hindi ang udyok ng kalooban ² ito ang dahilan kung bakit ang mga manunugal sa panahon ng walang tigil na pagkatalo ay nalulubog sa utang ² ito ang udyok udyok na sila ay makakabawi pa sa natalo sa kanila. 13 Nakapanghihinayang na maisip na ang pagiging pabaya ng mga Pilipino ay kabaligtaran sa ipinapakita niyang enerhiya sa loob ng sabungan. 14 Pagpapkilala na ang anumang bisyo ay isang anyo ng pagkauhaw ² na mapapatid lamang sa pag-inom ng maruming tubig. 15 Noon walang babae na pumapasok sa sabungan ² pero ngayon ay marami na. 16 Hindi ito si Kapitan Pablo na puno ng mga tulisan na kinausap ni Elias sa nakalipas na kabanata. 533
´Hindi po; kanginang umaga·y dumating ang dalawa niyang manok na ang isa ay ang lasak na tumalo sa talisain ng konsul.µ ´Sa akala mo ba·y mailalaban natin sa lasak ang aking bulik?µ ´Aba, opo! Itataya ko pati ng aking bahay at suot na cami s sa a !µ ! µ17 Nang sandaling iyon ay siyang pagdating ni Kapitan Tiyago. Ang suot niya ay barong Canton, pantalong lana at sumbrerong hipi-hapa, na gaya ng mga pinakadakilang manunugal. Sumusunod sa kanya ang dalawang alila, na may dala sa lasak at sa isang puting malaki. ´Ang sabi sa akin ni Sinang ay pabuti nang pabuti na raw si Maria!µ ang sabi ni Kapitan Basilio. ´Wala nang lagnat, nguni·t mahina pa.µ ´Natalo ba kayo kagabi?µ ´Kaunti; alam kong kayo ay nanalo«titingnan ko kung ako ay makababawi.µ ´Ilalaban ba ninyo ang lasak?µ tanong ni Kapitan Basilio, tiningnan at hiningi ang manok sa bataan. ´Kung may pusta.µ ´Magkano ang ilalagay ninyo?µ ´Kung kukulangin sa dalawa ay hindi ko ilalaban.µ i lalaban.µ ´Nakita ba ninyo ang aking bulik?µ ang tanong ni Kapitan Basilio at tinawag ang isang taong may dalang isang munting manok. Siniyasat ni Kapitan Tiyago, at matapos na matimbang ang bigat at matingnan ang kaliskis ay isinauli. ´Magkano ang itataya ninyo?µ ang tanong. ´Ang inyong itataya.µ ´Dalawang libo·t limang daan?µ ´Tatlo?µ ´Tatlo!µ ´Sa susunod na laban, pagkatapos nito!µ Ikinalat ng mga nagkalipong mga nakikinig at mga manunugal ang balitang maglalaban ang dalawang bantog na manok; kapwa balita at may kani-kanyang kani-kanyang kabantugan. kabantugan. Ang lahat ay may nasang makakita at sumiyasat sa dalawang bantog na iyon; may nagpapahayag ng kanyang mga haka-haka, may humuhula na sa magiging kalalabasan ng laban. Samantala ay lumalakas ang sigawan, lumalaki ang ingay, ang rueda ay rueda ay dinudumog, dinudumog, ang mga panooran ay napuno. napuno. Ang mga solt ad ad o or r ay nagdala sa pinagbibitawan ng dalawang manok, ang
17 Ang saloobin ng isang manunugal ² ang kahandaan na itaya ang lahat sa kaniyang buhay. 534
isa·y puti at ang isa ay pula, na kapwa may sandata na, nguni·t ang mga tari ay mayroon pang supot. Nadinig ang sigawan ² s a a pu t t i i! sa pu t ti i ! at mangisa-ngisa ang sumisigaw nang s a pu l la a ! Ang puti ay siyang ll amad amad o o, at ang pula ay siyang dejad o o. Sa kakapalan ng tao ay kasama ang mga guwardiya sibil; hindi nila suot ang uniporme ng mga kawal na sibil, ngunit hindi rin naman lubos na nakasibilyan. Nakapantalon silang ginggon na may guhit na pula, barong may bahid na bughaw na nanghawa, gorang pangkuwartel; ito ang kanilang balatkayo na alinsunod sa kanilang inuugali:18 pumupusta sila at nangagbabantay, nangagsisipanggulo at nagsasabing dapat paghariin ang kapayapaan. Samantalang sumisigaw, isinasahod ang mga kamay, kinakalog at pinakakalansing pinakakalansing ang ang salapi: samantalang kinakapa sa bulsa ang kuwaltang nalalabi o kung wala na ay nangungutang sa pamamagitan ng pangako na ipagbibili ang kalabaw, ang aanihin, atbp.19, ang dalawang binata, na magkapatid mandin, ay nakatinging parang naiinggit sa mga nagpupustahan, naglalapit, nagbubulungan ang may pangambang pag-uusap na wala namang nakakarinig, unti-unting sila ay lalong lumulungkot at nagtitinginang may may sama at di-kasiyahang loob. Sila ay tinitingnan ni Lucas, na napapangiti, nagpapataginting ng mamisong pilak pagdaan sa kalapit ng magkapatid at sumisigaw na nakatingin sa rueda : 20 ´Eto ang cincuen t ta a , limampu na dalawampu ang tatalunin, sa puti!µ Ang magkapatid ay nagtinginan. ´Sinasabi ko na sa iyo,µ sabi ng pinakamatanda, ´na huwag mong itayang lahat ang pera; kung sinunod mo ako ay mayroon tayong ipupusta ngayon sa pula!µ Ang pinakabata ay lumapit na may pangingimi kay Lucas at kinalabit ito sa bisig.
18 Ganoon din pala ang mga sundalo ng kolonyal na hukbo noon, kapag nasa sabungan ² ayaw magpakilala ngunit nagpapahalatang sundalo. 19 Ang labis na pagkagumon sa bisyo ² ipinapangutang at ipinapangako ang kinabukasan. 20 Kaya nasa sabungan si Lucas ay hindi para magsugal, kundi para sa mas mahalagang bagay. Alam ni Lucas ang istorya ukol sa ama ng magkapatid at nakausap na niya ang mga ito sa kaniyang plano, ngunit hindi pa sumasang-ayon ang mga ito ² kaya pinapanood ni Lucas ang reaksiyon ng magkapatid, kung ang mga ito ay maari niyang magamit sa kaniyang masamang balak. Aalukin niya ng maruming tubig ang magkapatid na uhaw sa bisyo. 535
´Ikaw pala!µ ang bulalas ni Lucas nito na nagpakunwaring nagulat, ´pumapayag ba ang iyong kapatid sa sabi ko, o pupusta ka?µ ´Papaano ang pagpusta namin, sa natalo nang lahat ang aming kuwalta?µ ´Ano, pumapayag kayo?µ ´Ayaw siya! Kung mapapautang mapapautang ninyo kami ng munting halaga, sabi ninyo kilala ninyo kami«µ Nagkamot ng ulo si Lucas, binatak ang baro at sumagot: ´Oo, kilala ko kayo; sina Tarsilo at Bruno, na mga bata at malalakas. malalaka s. Alam kong ang inyong ama ay namatay dahil sa tumanggap ng isang daang palo araw-araw sa mga sundalo; alam kong hindi ninyo iniisip na siya ay ipaghiganti«µ ´Huwag ninyong panghimasukan ang aming buhay,µ ang sabi ng pinakamatanda, pinakamatanda, na si Tarsilo: iyo·y nagbibigay-kasawian. Kung wala lamang kaming kapatid na babae ay malaon na kaming nabitay.µ ´Nabitay? Ang duwag duwag lamang ang nabibitay, ang walang walang salapi, at makakapitan. At saka ang isa pa ay malapit ang kabundukan, sa anumang mangyayari .µ21 ´Isang daan laban sa dalawampu, sa puti ang pusta ko!µ ang sigaw ng isang taong dumaan .22 ´Pahiramin ninyo kami ng apat na piso«tatlo«dalawa,µ ang samo ng pinakabata, ´ibayong isasauli namin sa inyo mamaya, sisimulan na ang solt ada ada .µ .µ Kinamot na muli ni Lucas ang kanyang ulo. ´Tst! Hindi akin ang ang salaping ito, ibinigay sa akin ni ni Ginoong Crisostomo upang ipamudmod sa mga may nais na maglingkod sa kanya. kanya. Nguni·t namamalas namamalas kong hindi kayo kagaya ng inyong ama: iyon ang matapang; matapang; ang walang tapang ay huwag huwag 23 maghanap ng libangan. µ 21 Wala kayang layunin si Rizal na ituro sa hanay na ito na ang maaring maging taguan ng mga Pilipino sa kung lalabanan nila ang kolonyal na sistema? 22 Mapansin sana na dumaan lamang ang tao na nagsalita nito ngunit nagbibigay ng isang istadistiko na nagpapakita ng ratio na 100 laban sa 20 ng lakas ng kolonyal na hukbo sa mga taong maaring lumaban sa kolonyal na pamahalaan. Pansinin din ang palusot ni Rizal ² ang taong dumaan ay pumusta sa puti.. 23 Sa bahaging ito ay pinalalabas ni Lucas na ang pera na kaniyang ginagamit sa pagre-recrui pagre-recrui t t ng mga sasama sa kaniyang balakin ay galing kay Ibarra. Ipinapakita ni Rizal ang pagkakahawig ng pagrerekluta ni Lucas sa mga sasama sa kaniyang balaking pag-aalsa sa naganap sa Cavite ng 1872. Isa sa paliwanag sa kaganapan noong 1872 na 536
At lumayo nang bahagya sa mga kausap. ´Pumayag na na tayo, ano ano ba?µ ang ang sabi ni Bruno, Bruno, ´Mabitay at mabaril ay iisa rin: tayong mga dukha dukha ay talagang sa ganyan 24 na lamang nakalaan. µ ´May katwiran ka, ngunit alalahanin mo ang ating kapatid na babae.µ Umalis ang mga tao sa gitna ng rueda, sisimulan na ang paglalaban. paglalaban. Ang sigawan sigawan ay tumahimik, at ang dalawang dalawang magbibitiw at ang mananari mananari ay naiwan sa gitna. Sa hudyat ng tagahatol ay inalis ng mananari ang balot sa mga patalim at kumislap ang maninipis na sundang, na nagbabala at makintab. Ang magkapatid ay lumapit na malulungkot at walang imik sa bakod at nakimatyag na isinandig ang noo sa mga kawayan. Isang lalake ang lumapit at pinagsabihan sila: ´Pare! Isang daan, kalaban ng sampu, ako ay sa puti! µ Siya ay tiningnang tiningnang pamulala pamulala ni Tarsilo. Tarsilo. Siniko siya ni Bruno at ito ay sinagot ng isang ungol. Pigil na mabuti ng mga magbibitaw ang mga manok at nagiingat na sila·y masugatan. masugatan. Isang ganap ganap na katahimikan katahimikan ang naghari: waring ang mga mga naroon, maliban maliban na sa dalawang tagapagbitaw, ay walang kakilos-kilos na parang mga manyikang gawa sa kandila. kandila. Pinaglapit ang mga manok manok upang tukain ng isa at pagkatapos ay ang isa naman upang sila·y pagalitin: sa alinmang paglalaban ay nararapat na huwag magkalamangan, kung ano ang paraan ng pagsasabong sa mga manok sa Paris ay Pagkatapos ay pinaghaharap, gayon din sa Pilipinas.25 pinaglalapit, bagay na nagpapakilala sa mga kaawa-awang hayop, kung sino ang bumunot ng isa nilang balahibo at kung sino ang kakalabanin. Nangalisag ang ang mga pulok, pulok, nangagtitigan, at mga kislap ng galit ang tumatapon sa mga bilog nilang matang maliliit. Matapos ang gayon ay dumating ang sandaling katangi-tangi; binitiwan sila sa lupa, na magkalayo nang kaunti, at sila·y iniwan sa gitna ng paglalabanan.
mayroong mga upahang tauhan ang mga prayle na nagrekluta ng mga taong makikilahok sa Pag-aalsa sa Cavite at pinalabas ng mga ito na si Padre Burgos ang utak sa likod ng nasabing pag-aalsa. Sa estilo ng pagrerekluta ni Lucas ay nagsisilbi ang N ol ol i Me Tangere bilang isang nobela na nag-iinbestiga sa kaganapang pangkasaysayan sa Cavite ng 1872. 24 Ipinakikita ni Rizal ang desperasyon ng mga mahihirap sa kaniyang kapanahunan. 25 Punong lunsod ng Pransiya na isa sa mga kinaganapan ng Rebolusyong Pranses noong 1789. 537
l
Unti-unting naglalapit ang dalawang manok. Ang mga yabag nila sa matigas na lupa ay maririnig; walang nagsasalita, walang humihinga. humihinga. Ang dalawang manok manok ay marahil marahil bumubulong ng babala o insulto, itinataas at ibinababa ang ulo, nagsusukatan sa tingin. Natanaw ang ang makintab na patalim na nagtatapon ng malalamig at bughaw na kislap; ang panganib ay nagpainit sa kanila at panabay silang naglapitan, ngunit nang isang hakbang na lamang ang agwatay huminto, at ibinaba ang mga ulo na walang kilos ang titig at muling nangalisag ang ang kanilang mga pulok. Umakyat ang ang dugo sa ulo, bumuga ang lintik, at dala ng sadyang katapangan ay biglang nagsagupaan ang dalawa; nagtama ang mga tuka, ang mga dibdib, ang mga patalim, ang mga pakpak: ang mga taga ay nailagang mabuti, mabuti, at walang nalagas kundi ilang balahibo lamang. lamang. Muli silang nagsukatan nagsukatan sa tingin: ang puti ay ay biglang lumipad, nagpaimbuyog nagpaimbuyog na ikinukumpay ang pamatay na patalim, nguni·t umupo ang pula, yumuko, kaya sa hangin tumaga ang puti, subalit nang lumagpak sa lupa ay biglang hinarap ang kalaban, sa pag-ilag na masugatan sa likod. Binigyan siya nang nang katakut-takot na taga ng pula, ngunit kanyang nailagan: nailagan: bagay na nagpapakilalang karapatkarapatdapat nga siyang mapiling isigaw ng mga mamumusta. Sinusundan nang buong ingat ng lahat ang paglalaban, na nakabibitiw kung minsan ng mangisa-ngisang sigaw. sigaw. Ang lupa ay ay unti-unting nakakalatan ng mga balahibong puti at pula na puno ng dugo; nguni·t ang labanan ay hindi hanggang magkatuluan ng dugo; ang ibig ng Pilipino ay matapos sa pagkamatay pagkamatay o kaya·y kaya·y sa pagtakbo ng isa, alinsunod sa mga batas na ibinigay ng Pamahalaan. Nadidilig na ng dugo ang lupa ,26 ang paluan ay dumadalas, nguni·t hindi pa rin makita kung sino ang magtatagumpay. Sa kahuli-hulihan ay pumalo ang ang puti upang utasin ang kalaban, tumusok ang kanyang tari sa pakpak ng pula at nasabit sa buto; dapatwat nasugatan ang puti sa dibdib, at silang dalawa, na kapwa sugatan, pagod at hingal, ay napahintong magkakawit hanggang sa ang puti ay mabuwal, sumuka ng dugo sa bibig, pumalag at naghingalo; ang pula naman, na pigil sa pakpak, ay nasa tabi ng isa, dahan-dahang napaupo at untiunting napikit.27
Sa bahaging ito ay nailarawan ni Rizal ng buong-buo ang paglalaban ng mga manok. Isang buhay na buhay na paglalarawan na mahirap na mapantayan kahit na ng mga batikang sabungero.
l
26 Maaring sangguniin ang Kabanata 49, pagkakagamit ng hanay ng pananalitang ito. 538
para
magkatulad
na
Nang magkagayon, alinsunod sa iniuutos ng Pamahalaan, ay binigyan ng panalo ng tagahatol ang pula; isang matinding sigawan ang sumalubong sa kahatulan, sigawan na nadinig sa buong bayan nang mahaba mahaba at nagtagal nagtagal ng ilang sandali. Ang nasa malayong makadinig noon ay nakababatid na nanalo ang dejad o o 28 sapagkat kung hindi ay hindi gayon katagal ang sigawan. Gayon din ang nangyayari nangyayari sa mga bansa: bansa: ang isang munti na manalong minsan sa isang malaking bansang kalaban, ay nasasabi-sabi at inaawit sa daan-daang taon ang pangyayari«29 ´Nakita mo na?µ ang sabing may sama ng loob ni Bruno sa kanyang kapatid, ´kung naniwala ka lamang sa akin ay may isang daang piso sana tayo ngayon: wala tayo ni ni isang beles ngayon dahil sa iyo.µ Si Tarsilo ay hindi sumagot, sumulyap sa kanyang paligid na parang may hinahanap. ´Hayun, nakikipag-usap kay Pedro,µ ang patuloy ni Bruno, ´binigyan ng salapi ang kausap; anong daming salapi!µ Gayon nga ang nangyayari; binibilangan ng salapi ni Lucas sa kamay ang asawa ni Sisa. Nagbulungan Nagbulungan ng ilang salita at naghiwalay na kapwa mandin may kasiyahang-loob. ´Marahil ay nakuha si Pedro; iyan ay hindi na nag-iisip,µ30 ang sabi ni Bruno na nagbuntung-hininga nagbuntung-hininga.. Si Tarsilo ay malungkot at nag-iisip; pinahid ng manggas ang pawis ng kanyang noo. ´Kaka,µ sabi Bruno, ´ako ay lalapit kung ayaw ka; patuloy ang kasunduan, ang mananalo ay ang lasak at hindi natin dapat bayaan. Ibig kong pumusta pumusta sa susunod susunod 27 Inilalarawan ang kalupitan ng mga tao sa mga tandang na inalalaban sa loob ng sabungan. O maari rin kayang ipinapakita ni Rizal ang isang labanan na maaring ang mismong lipunan. Basahin ang isang talababa sa kabanatang ito. 28 Madaling malaman kung nanalo ay ang dehado ² dahilan sa haba ng sigawan at katuwaan ng mga tao. Kapag llamado ay maikli dahilan sa iyon ay inaasahan talaga. 29 Isang patutsada ni Rizal sa Espanya ² daan-daan taon na ikinukuwento pa rin ang kaniyang panalo. Maging tayo ay hindi ligtas sa ganitong kaayusan ² mahigit ng 100 taon na magmula ng lumaya tayo sa Espanya, lagi nating ikinukuwento sa loob ng silid paaralan ² halos dalawang dekada na buhat ng magtagumpay ang ´payapang himagsikanµ sa EDSA ² pero tandaan natin na ang tunay na katuturan ng anumang himagsikan ay hindi ang mapalitan lamang ang naghaharing uri, kundi kung naisulong natin ang tunay na pagbabagong pangkabuhayan at panlipunan ng ating bansa. 30 Basta pera, walang inuurungan si Pedro na asawa ni Sisa. 539
na solt ada ada , mangyari na ang mangyayari. Sa gayon ay maigaganti maigagant i pa natin si Ama.µ ´Hintay ka,µ ang sabi ni Tarsilo at tinitigan siya; kapwa sila namumutla, ´sasama ´sasama ako sa iyo, may katwiran ka: maigaganti natin si ama.µ Gayunman ay napatigil, at muling nagpahid ng pawis. ´Bakit ka napapahinto?µ ang tanong na nayayamot ni Bruno. ´Alam mo ba kung anong solt ada ada ang susunod? Mabuti ba«?µ ´Baki·t hindi! Hindi mo ba naririnig? Ang bulik ni Kapitan Basilio na kalaban ng lasak ni Kapitan Tiyago; alinsunod sa usapan ay mananalo ang lasak.µ ´Ah, ang lasak! lasak! Ako man ay tataya rin« ngunit tingnan muna natin kung tunay nga.µ Si Bruno ay kumilos ng kilos-yamot, ngunit sinundan ang kanyang kapatid na minamasdang mabuti ang manok, siniyasat, nag-isip-isip, nagkuru-kuro, tumanong ng ilan, ang kaawa-awa tao ay nag-aalinlangan; si Bruno ay di-mapakali at pagalit siyang tinitingnan. ´Ngunit hindi mo ba nakikita iyang malapad na kaliskis na malapit sa tahid? Hindi mo nakikita ang ang mga hitang iyan? iyan? Ano pa ang ibig mo? Tingnan mo ang mga hitang iyan, ikadkad mo ang mga pakpak! At ang putok na kaliskis na ito sa ibabaw ng ng malapad, at ang magkakabit na ito?µ Hindi siya naririnig ni Tarsilo, patuloy rin sa pagsisiyasat sa manok: ang tunog ng salaping pilak at ginto ay ay umaabot umaabot sa kanyang tainga. ´Tingnan natin ngayon ang bulik,µ ang sabing timpi ang boses. Si Bruno ay nagpapadyak, nagngangalit, ngunit sumunod sa kanyang kapatid. Lumapit sila sa ibang pangkat. Doon ay ay tinatarian ang isang manok, pumipili ng patalim, naghahanda ng sutlang pula ang mananari, mananari, pinagkitan pinagkitan at makailang hinaplos. Tiningnan mabuti ni Tarsilo ang manok: parang hindi ito ang namamalas kundi ibang bagay na sasapit sa hinaharap na panahon. Hinaplos ang noo. 31 ´Gusto mo ba talaga?µ tanong, na ang boses ay timpi, sa kanyang kapatid. ´Ako? Kanina pa; hindi hindi ko na kailangan ang makita pa ang mga manok.µ
31 Ang pakiramdam niya sa sarili ay katulad sila ng mga manok na inaarmasan para sa isang pakikipaglaban. Balikan ang talababa 27. 540
´Nguni·t« ang ating kaawa-awang kaawa-awang kapatid«µ ´Aba! Hindi ba ang sabi sa iyo ay si Ginoong Ginoong Crisostomo ang namumuno? namumuno? Hindi mo ba nakitang nakitang kasama ng Kapitan Heneral sa pamamasyal? Ano ang ikakatakot natin?µ ´At kung mamatay tayo?µ ´Eh, ano? Ang ating ama ay namatay sa bugbog.µ ´May katwiran ka!µ Hinanap ng magkapatid si Lucas sa gitna ng mga tao. Nang makita nila ay huminto si Tarsilo. ´Huwag! Lumayo tayo rito, masasawi masasawi tayo!µ anya. anya. ´Umalis ka kung ibig mo, ako ang tatanggap!µ ´Bruno!µ Dala ng kasawian ay lumapit sa kanila a ng isang tao na ang sabi ay: ay: ´Pupusta ba kayo? Ako ay sa bulik.µ Ang magkapatid ay hindi sumagot. ´Logro!µ ´Magkano?µ ang tanong ni Bruno. Binilang ng tao ang tig-aapat na pisong ginto: tiningnan siya ni Bruno na hindi halos humihinga. ´Mayroon akong dalawang daan; limampu kalaban ng apatnapu!µ ´Ayaw!µ ang sabi ni Bruno, ´tumaya kayo ng«µ ´Siya! Limampu laban sa tatlumpu!µ ´I d obl obl ad ad o o ninyo!µ ´Oo! Ang bulik ay ari ng amo ko at at kapapanalo kapapanalo ko pa lamang; isang daan laban sa animnapu.µ ´Kasundo tayo! Hintay muna muna kayo at kukuha ako ako ng kuwalta.µ ´Ngunit ako ang pipigil ng pustahan,µ ang sabi ng isa na walang tiwala sa anyo ni Bruno. ´Walang kailangan sa akin!µ ang sagot nito na nanangan sa lakas ng kanyang bisig. At lumingon sa kanyang kapatid, at nagsabing: ´Kung ayaw ka ay paparoon ako.µ Si Tarsilo ay nag-isip-isip: kapwa niya minamahal ang kanyang kapatid at ang sugal . Hindi mangyayaring bayaan niya ang mag-isa, mag-isa, kaya sinabing: ´Sige na nga!µ Lumapit sila kay Lucas: Lucas: nakita nitong sila ay lumalapit, lumalapit, at ngumiti. ´Mama!µ sabi ni Tarsilo. ´Ano ang ibig ninyo?µ ´Magkano ang ibibigay ninyo?µ ang sabi nilang dalawa. ´Kung hahanap kayo ng ibang kasamahan sa paglusob sa kuwartel ay bibigyan ko kayo ng tatlumpu at sampu karagdagan sa bawat isang kasama ninyong ninyong makuha. makuha. Kapag lumabas lumabas na 541
tagumpay ang lakad ay tatanggap kayo ng isang daan ang bawat isa at kayo ay doble: si Ginoong Crisostomo ay mayaman.32µ ´Siya, payag na ako!µ ang sabi ni Bruno, ´akin na ang salapi.µ ´Alam kong kasintapang kasintapang kayo ng inyong ama! ama! Halikayo at nang huwag tayong madinig niyang mga pumatay sa kanya!µ ang sabi ni Lucas na itinuro ang mga guwardiya sibil. Pagkatapos magpunta sa isang sulok ay sinabi sa kanila habang binibilang ang salapi, na: ´Bukas ay darating si Ginoong Crisostomo, may dalang armas; sa makalawa sa gabi, ika-walo, ay pumunta kayo sa simenteryo, doon ko sasabihin ang huli niyang utos. May panahon panahon pang humanap humanap ng ibang ibang makakasama. makakasama. Nagpaalaman. Ang magkapatid ay parang nagkapalit ng kalagayan: si Tarsilo ay panatag, panatag, at si Bruno ay namumutla.
32 Walang kamalay-malay si Ibarra sa mga lihim na pakana ni Lucas na ginagamit ang kaniyang pangalan sa isang magaganap na kaguluhan. Ang pagkakatulad ng ganitong pangyayari ay noong 1872, ayon sa ilang mga salaysay ng mga kapanahong iyon ay nagkaroon ng lihim na pagrerekruta ng mga tao na lalahok sa Pag-aalsa sa Cavite, at ang sinasabing mangungulo ay si Padre Jose Burgos na mortal na kalaban ng mga prayle. 542