WIKANG PILIPINO SA PAMBANSANG KALAYAAN AT PAGKAKAISA. Ni Patrocinio Villafuerte Sa bawat panahon Sa bawat kasaysayan Sa bawat henerasyon May palawakan ng isip May palitan ng paniniwala May tagisan ng matuwid Maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit Sila-sila’y Sila-sila’y nagtatagpo, kayukayu-kayo’y nagpapangkat Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit Wikang Pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao Wikang naglalagos sa isipang makabansa Wikang nanunuot sa damdaming makalupa At paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig Bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit Hinihingi’y Kalayaan! Katarungan! Kalayaan! Katarungan! Hanggang saan susukatin? Hanggang kalian bubuhayin? Hanggang kalian maangkin? Layang mangusap, laying sumulat Layang mamuhay, laying manalig Layang humahalakhak, laying mangarap, Layang maghimagsik Maghimagsik! Maghimagsik! Maghimagsik! At, parang isang pangarap, parang isang panaginip Kasaysayan pala’y mababago isang saglit Sa dakong silangan… doon sa silangan Ang sikat sikat ng araw… sumilip, sumikat, uminit Sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid Sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsa’t nag-alsa’t tumindig Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig! Laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapag-lupig Bata’t matanda, propesyonal at di propesyonal Manggagawa, kawani, guro, mangangalakal Mangingisda’t magbubukid, pari, madre, iskolar Sundalo, pulis, drayber, estudyante, istambay At, lahat-lahat na Sa sama-samang tinig, sa sama-samang lakas Nagkakaisa, nagkasama Nagkasama, nagkaisa Mga bagong bayani ng Bagong Republika At… Wala nang dapithapon Wala nang takipsilim Wala nang lungkot, takot, luha, dusa’t hinagpis
Walang nang tanda, ng dusting pagkalupig Bagwis ng ibong dati’y pinuyian sa tinid ng galit Ngayo’y nakalipad na… umaawit, humuhumi, umaawit Dahil Malaya Dahil sa Wika Dahil sa Lakas Bagong kalayaa’y naririto ngayon At nakamit natin nang buong hinahon Ni walang digmaa’t pinapanginoon May mabuting nasang taga sa panahon At kung sakaling magbalik muli Ang kasaysayang hininog ng isang madilim na kahapon Muli, ang paisa-isang dila, ang parami-raming labi At sama-samang tinig Ang sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo’t magkakapatid Sama-samang gigising, magkakapit- bisig aalsa’t titindig Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig! laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig. Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa kilala’t di-kilala, kaaway at di-kaaway, mayama’t mahirap, matalino’t mangmang, aktibista’t militar. nagkaisang ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap. propesyonal at di-propesyonal, manggagawa, kawani, guro, mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay, sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisda’t magbubukid. nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa. Ang wikang ginamit? Wikang Filipino! wikang ginagamit sa lahat ng dako ma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano, ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, ma-Bikolano ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng ito’y Filipino! wika ng pagkakaisa, kababayan ma’t dayo wikang tagapagligtas ng digmaa’t gulo wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.
WIKANG FILIPINO’Y ‘WAG BAGUHIN ni Emmanuel F. Del Rosario Sa pag-agos ng ilog na hindi na muli pang babalik, Bawat sandali’y dapat nating ikasabik, Ngunit paano kung ang ating dapat ipanhik, Nilamon ng modernismo’t sa kawala’y inihasik. Ang wikang Filipino sa ‘tin halaga’y mumunti, Binabago, binubura, pilit nating pinaiikli, Kung mga ‘Kano’y may Ingles;ang Pinoy may Filipino rin, Ngunit bakit ngayon wikang Filipino’y Ingles na din! Bansa’y di nagkakaisa, walang pagkakaintindihan, Dahil wikang pambansa, nasa ilalim ng kahapisan, Ito ay regalo ng Maykapal, at kanyang inaasahan, Na bawat isa’y dapat natin itong linangin at pagsaluhan. Kung gusto natin ng pagbabago, wika’y ‘wag baguhin, Dapat bawat Pinoy ito’y paunlarin, Wika ang susi sa pagkakaisa ng bansa, Kaya dapat natin ito’y taas noong ibandila!
AKO'Y PILIPINO
Pilipino ako sa anyo, sa kulay, Sa wika, sa gawa at sa kalinangan. Ang mutyang bayan ko'y Perlas ng Silangan, Kilala sa ganda at sa iwing taglang na yaman. Sa mga ugat ko ay nananalaytay, Magiting na dugo ng raha at lakan; Ang kasaysayan ko'y di malilimutan Ng aking kalahi't liping pinagmulan. Maraming bayaning nagbuwis ng buhay, Di nag-atubili sa tawag ng bayan, Nabuwal sa dilim at nagdusang tunay Upang kalayaan ay aking makamtan. Ikararangal ko itong lahi, Di ikahihiya sa alinmang lipi; Busilak ang puso, malinis ang budhi Mamatay ay langit kung bayan ang sanhi. Taas noong aking ipinagmalaki Pilipino akong may dangal na lahi, Sintang Pilipinas ang bayan kong saksi, Dinilig ng dugo ng mga bayani.
BANDILA NG LAHI Hayun, lumilipad sa kaitaasan; Ang ating bandilang kay gandang pagmasdan. Kay ganda ng kulay: pula, puti, bughaw; May tatlong bituin, sa gitna ay araw. Kapag itinataas ang ating bandila, Iyong maririnig, awit na pambansa. Ang bandilang ito ay dapat mahalin, Katulad din nitong Inang Bayan natin.
ANG WIKANG PILIPINO Wikang Pilipino ay ating mahalin Ito ang sagisag nitong bansa natin, Binibuklod nito ang ating damdamin Ang ating isipan at mga layunin.
Wikang Pilipino ay maitutulad Sa agos ng tubig na mula sa dagat, Kahiman at ito'y sagkahan ng tabak Pilit maglalagos, hahanap ng butas. Oo, pagkat ito'y nauunawaan Ng Wikang Pambansa sa baya'y ituro, Tatlumpu't dalawang taong sinapuso Ng bata,matanda; lalo na ng guro. Mapasok na nito'y maraming larangan Ng mga gawain na pampaaralan, Transaksyon sa bayan at sa sambayanan. Iya'y lumitaw na sa mga bayani, Rizal, Bonifacio, Del Pilar, Mabini, Kaya't kabataan, sikaping mag-ani Sa sariling bayan ng dangal at puri. Magkaisa ngayon, ganap ang hirap sa mundo unawa ang kailangan ng tao uso parin ang harana sa babaeng napakaganda tulad ng isang wika nagbubuklod sa isang bansa at sa bawat dako ay nagkakaisa sa libu-libong pagkakataon na ika'y ginamit iilan ulit pa lang kitang binigang halaga naiinis kaming isipin na parang wala ka na Siguro ay hindi nila alam ang yong tunay na halaga minsan di ko maintindihan parang wika natin ay pinagtri-tripan medyo malabo yata ang mundo binabasura ng iba ang pagkapilipino