Suring-basa ng Akdang
KAPITAN SINO Pagsusuri sa Pamagat Kapitan Sino
Ang akda ay tungkol sa bayaning hindi kilala ng bayan ngunit ginagawa ginagawa pa rin ang kanyang kakayanan para tumulong. Ang pamagat ng akda ay Kapitan Sino dahil nang matapos iligtas ng bayani ang estudyanteng babae ay saktong dumating ang mga barangay tanod na sila na rin ang nagdala sa presinto ng mga kriminal matapos pasalamatan ang hindi kilalang tagapagligtas.Dahil walang ideya kung sino ang bayani, may isa sa kanila ang nagtanong kung sino ang tagapagligtas at may isa namang humiyaw ng “May makakapitan na tayo!”. tayo! ”. Bilang sagot kanina, may sumagot suma got na “Hindi ba si Kapitan yon?” at may nagtanong ulit ng “ Kapitan? Sino?”. Mula Mula noon, dahil hindi nga kilala ang bayani at walang binibigay na pangalan tuwing nagliligtas, tinawag na ang bayani ng mga tao ng Kapitan Sino.
Awtor Bob Ong
Ang ‘Bob Ong’ ay sagisag sagisag -panulat o palayaw o pen name sa Ingles, ng awtor na nagsusulat ng nobelang nagpapakita ng buhay ng isang Pilipino at ang mga kaugalian din ng mga Pilipino ngunit ang mga salitang ginagamit sa nobela niya ay impormal o mga salitang ginagamit ng mga Pilipino Pilipi no sa pakikipag-usap sa araw-araw, hindi katulad sa mga dating akda na mga malalalim na salitang Filipino ang gamit. Ang awtor ay mayroon ng sampung akda na nailimbag sa ilalim ng Visual Print Enterprises at pangpito rito ang Kapitan Sino.Karamihan sa mga m ga akda na gawa ng awtor ay katatawanan ang dyanra. Nanggaling ang palayaw na ‘Bob Ong’ noong gumawa ang awtor ng website na Bobong Pinoy at nang may isang taong nakipag-konekta nakipag -konekta sa kanya na ang buong akala ay totoong pangalan niya ang Bob Ong. Nanalo ang website ng People's Choice Philippine Web Award for Weird or Humor noong 1998 ngunit nagsara ang website matapos patalsikin ang dating Pangulong Joseph Estrada sa pwesto noong Second People Power Revolution.
Maraming tao na ang itinu turo na si ‘Bob Ong’ ngunit hindi pa rin kilala si Bob Ong hanggang ngayon.Bagama’t hindi kilala, siya raw ay pinagnganak noong Pebrero 1975 sa lungsod ng Quezon, Metro Manila, Philipppines at hindi raw niya apelyido ang ‘Ong’.
Tauhan Pangunahing Tauhan
Rogelio Manglicmot Binata na may 5’6 na taas, maikling buhok na umaalon pakaliwa at kayumanggi ang kulay. Isang taong na lamang ang kulang para makaptos ng ECE sa kolehiyo ng magkasakit ang kanyang ama kaya siya ay huminto. Simula nito, nagsimula siyang tumanggap ng mga aayusin na sirang gamit upang kumita. Dahil siya ay magaling, hindi siya nababakantehan ng gagawin.Siya ay may taglay na kalakasan. Kaya niyang buhatin ng isang kamay lamang ang dalawang aircon na magkapatong at may tv sa ibabaw at sa ibabawa ng tv ay pusang natutulog. Siya rin ay nagbalak pumasok sa Kyoto Electronics sa Japan ngunit hindi niya na ito pinagpatuloy dahil ayaw ng kanyang ama Labinlimang taong gulang lamang siya nang matutong tumugtog ng mga kanta ni James Taylor sa gitara at nang lumipas na ang sampung taon ay hindi na siya marunong tumugtog dahil hindi na nasauli sa kanya ang gitara ngunit kahit hindi na marunong tumugtog, alam pa rin niya kung nasa tono o wala. May taglay na kapangyarihan gaya ng lakas niya na ibang sa lakas ng karaniwan na tao, ang talon na napakataas at ang kuryenteng nasa loob ng kanyang katawan. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang tumulong sa mga taong nangangailangan. Binigyan siya ng tao na tawag na “Kapitan Sino”. Dugo lang din niya ang tumugm a sa gamot na ginagawa ng mga doctor para sa kumakalat na sakit. Bokbok Matalik na kaibigan ni Rogelio simula noong bata pa. Siya ay naging ulila sa murang edad pa lamang. Naging pamilya na ang turing sa kanya ng magulang ni Rogelio dahil sa mabait at nauu tusan din ng pamilya. “Kambal” nga raw ito ni Rogelio kahit na ang itsura ng dalawa ay magkalayo. Medyo kalbo si Bokbok at mataba sa taas na 5’ ½”. Siya ang unang nakaalam ng sikretong kapangyarihan ni Rogelio at siya rin ang naghikayat kay Rogelio na gamitin ang kapangyarihang taglay sa pagtulong sa tao. Simula noon , lagi na siyang katulong ni Rogelio sa pgliligtas. Naapektuhan rin siya ng misteryosong sakit na kumakalat sa buong mundo. Tessa/Teng Maliit na dalaga at kababata nila Rogelio at Bok-bok. Teng ang tawag nila sa dalaga. Siya ay hindi nakakakita. Siya ang itinuturing sa pamilya nila na pinakamagaling na sastre. Siya ang nagtahi ng costume ni Rogelio at sa kanya galling ang helmet na gamit din ni Rogelio. Siya ang babaeng mahal ni Rogelio at
ganoon rin ang nararamdaman niya kay Rogelio. Siya ang huling biktima ng mabalbong halimaw. Aling Hasmin Nanay ni Rogelio at kapangalan rin ito ng katapat nila na may ari ng Hasmin’s Eatery na nasunog. Nagsimulang pumasok na manlalaba ng magkasakit ang kanyang asawa at nalaman din agad ito ni Rogelio. Siya ang taga-basag ng katahimikan sa bahay at gumagawa paraan para magkaroon ng konting kwentuhan. Sinabi niya rin sa kwento nang pabiro na mas gusto niyang nakikipagaway sa asawa dahil ibig sabihin raw noon ay malakas pa ang asawa. Naapektuhan rin siya ng sakit na kumakalat. Mang Ernesto Tatay ni Rogelio na nagkasakit. Simula nang magkasakit, nagging mabigat ang loob niya sa sariling anak. Sinabi niya sa kwento na hindi na babalik ang dati noong siya ay wala pang sakit. Siya ay mayroon ding kapangyarihan ngunit hindi nya ito ginamit upang tumulong sa kapwa. Kapatid din niya ang mayor ng Pelaez sa ama. Siya rin ay naapektuhan ng sakit na kumakalat. Alkalde Solomon Suico/ Omeng Ang alkalde ng Pelaez na mabait at laging tumutulong sa mga tao. Ang mga pagtulong na ginawa niya ay paghatid kay Aling Baby sa bahay nito, pagbibigay ng suporta sa pamilyang nasugod sa ospital ang anak at pagbigay ng makinang panahi sa asawa ng kanyang drayber. Ayon sa kanya, ayaw niyang maturing na iba kaya gusto niyang tawagin na lang siya ng “Omeng”.Ngunit lahat ng ito ay pakitang tao lamang dahil sa likod nito, siya ang mabalahibong halimaw na kumukuha ng mga tao para sa kalusugan ng kanyang anak. Ayon sa kanya, ang mga tao ng Pelaez ay salot na nag-aantay na maligtas at siya lamang raw ang nagbibigay ng pag-asa sa bayan. Michael Anak ng Alkalde Solomon Suico na namana ang sakit ngunit mas malala. Nilabanan rin ni Kapitan Sino ngunit namatay ng magasgas ang tagiliran sa yero.
Pangalawang Tauhan
Ging-ging Makulit na batang bili ng bili pa rin sa tindahan ni Rogelio kahit ito ay Electronic Repair shop na. Hindi niya tunay na pangalan ang Ging-ging, ito ay ibinigay na palayaw lamang ni Rogelio sa kanya. Naging malungkutin ang batang ito ng mawala si Rogelio. Aling Precious Si Aling Precious ay kapit-bahay ni Rogelio na masinop sa garbage segregation. Pinaghihiwalay niya ang mga basura nila sa kung alin ang aakuin at alin ang ibibintang sa kapitbahay. Siya rin at nagreklamo sa tae ng asong si ET na alaga ni
Rogelio dahil sa ito ay palaging nagwawalis at naglilinis sa kalye. Kapag ito ay nag rereklamo ay hinahayaan na lamang ni Rogelio matapos makasagot dahil kailangan lamang ilabas ng ng Ale ang kanyang nais sabihin at kung may sasagot man ay importante din na sya ang huling magsasalita sa usapan. Nakita rin ni Rogelio ang Ale na ito na nangungulangot sa gitna ng kalsada. May karaoke ito na umagang umaga pa lang ay ginagamit na. Kakompetensa niya si Aling Baby na lagi rin niyang ka-tsismisan at kausap kahit ang pinaguusapan lamang ay ang kanilang yabangan. Aling Chummy May ari ng karaoke na pinagawa kay Rogelio at gagamitin sa sa Field day ng anak. Siya ang tinuro ni Mang Berto napagtanungan ang tungkol sa kooperati ba na kahit siya ay walang alam. Siya ang itinuturing na pinakamabait sa Pelaez ngunit ng malaman niya kung sino si Kapitan Sino ay sinisi niya ito sa pagkamatay ng asawa dahil sa lung cancer. Aling Baby Kapit-bahay rin ni Rogelio na sa Saudi nagtatrabaho ang asawa kaya hindi ito nagpapatalo sa mga kagamitan ng kapitbahay lalo na kay Aling Precious. Kung si Aling Precious ay may karaoke, siya naman ay may component. Kakompetensiya si Aling Precious at ka-tsismisan rin. Anghela Ang tsismosang manikurista ng bayan ng Pelaez. Ang kanyang buhok ay laging naka-gel na may glitters, may malaking pulseras ang kamay at may hikaw na iba’t ibang kulay ang tenga. Siya ang laging ka-tsismisan ni Aling Precious habang nililinisan ang mga kuko. Maraming kakilala at bumabati sa kanya ngunit laging may tsismis nadala tungkol sa mga kakilala niya. Mang Berto Barangay tanod na pinagtatanungan ng mga tao sa bayan ng Pelaez tungkol sa mga proyektong gagawin para sa ikabubuti ng bayan gaya ng kooperatiba, Clean and Green Project at sportsfest. Bise-alkalde Virgilio Samonte Ang pumalit sa pwesto ni Alkalde Suico na naghanda ng mga programa para kay Kapitan Sino ngunit puro pagmamayabang lang sa nagawa talaga ang nababanggit dito. Ito raw ay nandadaya at hindi kasundo ni Akalde Suico. Dating Heneral Kapatid ni Mang Jose na biktima ng Alkalde. Siya ang desperadong Kapitan Sino noon na may dala ng granada noong unang pagbibigay pasalamat kay Kapitan Sino. Dahil lasing at wala sa sarili ay hinagis ang granada ngunit hindi siya nakulong.
Pantulong na tauhan
Jong Siya ang Emilio Santiago ng Pelaez dahil sinasabing kamukha nito si Emilio Aguinalado na nasa limang pisong buo kung pahahabain ang buhok, lalagyan ng shades at gagawing Randy Santiago. Ginagawa ito mismo ni Jong sa mga limang pisong buo na nahahawakan niya gamit ang ballpen. Iba din ang pagbikas ng “pare” nito sapagkat mabili s nawawala agad yung “a” ngunit hindi eksaktong “pre” ang pagbigkas nito kundi ay “p’re”. Mahilig manghiram ng kariton ni Rogelio na nilalagyan ng ng mga scrap metal na nakuha kung saang mang pabrika. Minsan ay kulang ang gulong ng kariton pagbalik kay Rogelio. ET Aso ni Rogelio na ilang lingo pa lang sa kanya at laging pinagbibintangan ni Aling Precious na tae ng asong ito ang malapit sa bahay niya, kahit nakatali naman ito. Mang Boy Asawa ni Aling Baby na nagtatrabaho sa Saudi. Siya ay isang masipag na padre de pamilya ngunit kapag kumanta na ay mapagkakamalan mong criminal dahil sa boses nito. Dr. Chua Isang pathologist at nuclear medicine specialist na duktor ng mabuhok na binatang may sakit at tanging siya lamang ang may alam sa sakit na ito ng binata. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa magulang ng binata na nagpa-aral sa kanya, inigatan niya ang sikreto ng binate hanggang sa siya ay pumanaw. Ang binatang iyon ay si Michael. Mercy Ang drayber ni alklade Solomon Suico na tumatanaw ng utang na loob sa alkalde dahil tinulungan siya nito Mang Herkules Asawa ni Aling Chummy na namatay dahil sa lung cancer. Gizmo Aso rin ni Rogelio na nilason ng mga tambay. Mang Fred Asawa ni aling sally at tatay ni Lyla, na pamilyang pinaglalabahan ni Aling Hasmin. Na kwento ni Aling Hasmin sa pamilya niya ang pamilya ni Mang Fred. Lyla Panganay na anak ni Aling Sally at Mang Fred na isang taong gulang na. Nang nagdiwang ng unang kaarawan ay maraming natuwa sa batang ito dahil may hawig kay Matet. Ibinidyo din ang kaarwan nito at ito ang napanood sa Betamax ng pamilya. Aling Sally Asawa ni Mang Fred at nanay ni Lyla. Labandera ng pamilya niya si Aling Hasmin na nanay ni Rogelio. Noong nagdiwang ng ikaunang kaarawan ang anak na si Lyla
ay hindi niya muna inutusan maglaba si Aling Hasmin. Ito ay pinakain niya ng mga handa. Doktor Doktor sa center na duktor ni Mang Ernesto. James Taylor Ang mga kanta ng singer na ito ang natutan na tugtugin ni Rogelio noong labinlimang taong gulang lamang siya. Jet May ari ng Jet’s Video kung saan nag-rerenta sila Rogelio ng papanoorn na movie gaya ng Superman IV JC Bonnin Artistang nabanggit lamang sa kwento at ayon kay Bokbok ay kahawig niya raw ang artistang ito. Carole King Isang kanta nito ang pinatugog sa plaza at gusto ni Tessa. Ito rin daw ang tugtog noong prom, ayon kay Rogelio. Jograg de la Torre Kahawig raw ni Rogelio ayon kay Bok-bok. Dax, Zither, Thron,Mishqua, Vixia/Xorex Mga anak ni Aling Baby na ayon nga sa sarling anak na si Mishqua ay para silang mga taga-Jupiter dahil sa pangalan. Si Vixia/Xorex ay pangalan ng batang ipinagbubuntis ni Aling Baby. Hindi pa alam kung ano ang kasarian ng bata kaya dalawa ang naisip ni Aling Baby. Kung babae ay Vixia, Xorex naman kung lalaki. Mang Dino Siya ang pinaghiraman ng dyaryo ni Bok-bok at ang mahilig magsiga ng basura dahilan para mahinto ang tsimisan nila Aling Baby at Aling Precious at dahilan na rin para mahinto ang pagtatambay ng mga tao sa kalye. RC, KC, JP, JB . TJ, Jonymay Mga anak ni Aling Precious at may mga asawa na maliban sa bunsong si Jonymay. Mhelamyn, Jaspe Von, Jennavee, Flordeliza, Lucibelle Mga apo ni Aling Precious ngunit hindi nabanggit kung kaninong anak niya naging apo ang mga ito. Si Jonymay ang taga-alaga ng mga batang ito. Mang Jose Siya, kasama ang anak at manugang ang unang nawala na sinasabing kinain raw ng halimaw. Lola ni Tessa Nabanggit lamang noong nag-uusap ang magkakaibigan tungkol sa helmet na akala ng lola ni Tessa ay TV. Reporter, Newscaster, Estudyante, Tinera, Jeepney driver, Tindera ng pakwan Taong kasama sa unang misyon ni Kapitan Sino
Bakla, Sindikato, Kidnaper, Carnapper, Dambuhalang Gorilya Nakalaban ni Kapitan Sino Dalagita na esudyante, Batang lalake, Pusa Mga nailigtas ni Kapitan Sino Pulis, Barangay tanod, Payat at bunging fishbal vendor, Nagtitinda ng sigarilyo, Bumbero, Balut vendor Nabanggit na mga taong nasa eksena noong nagligtas si Kapitan Sino Heneroso Nasa tren na napahinto ni Kapitan Sino ngunit nahuli ng isang babae na dahilan na naman ng bagong gulo Mga iba pang tauhan : doktor ng iba-ibang bansa, lalaking sumaksak kay Rogelio dahil sa inakalang mapapagling ang bata sa dugo lang ni Rogelio, mga pulis na nag-aresto kay Rogelio at Bokbok mga bata ng Pelaez na ginagaya ang mga laban ni Kapitan Sino, ang babaeng konsehal na gusto sa kanya mapunta ang perang 30,000 pesos kaya pinagpanggap ang asawa na maging si Kapitan Sino, at ang buong komunidad ng Pelaez ,
Tagpuan
Dekada ‘80 Hindi direktang sinabi ng awtor na dekada’80 ito naganap ngunit may mga patunay na ito ay panahong dekada ’80. Una, binanggit sa unang kabanata ng nobela na hindi pa nababaril si Ninoy Aquino sa MIA nang manahin ni Rogelio ang tindahan ni Aling Hasmin na naging repair shop niya at binarili si Ninoy Aquino na noong Agosta 21, 1983. Pangalawa, ay ang tungkol kung kalian namatay ang unang aso ni Rogelio na si Gizmo at sinabing nilason ito ng mga tambay ng mga panahon na kakaupo pa lang ni dating President Cory Aquino at ito ay taong 1986. Wala mang eksaktong taon ngunit ang panah on sa nobela ay dekada ’80. Bayan ng Pelaez Ito ang bayan ni Rogelio at dito siya nakatira. Ang bayan na ito ay maraming proyektong pinaplano ngunit hindi matuloy-tuloy dahil walang nagkukusang loob nasimulan kundi puro salita lamang. Maraming nakatambay sa kalye nito at doon nakikipag-tsismisan ang mga tao. May pamahalaan na hindi rin matapat. Ilan sa mga lugar sa Pelaez ang nabanggit Kwento: Rogelio’s Elctronic Repair Shop (Hasmin’s Eatery)/ Bahay ni Rogelio Madalas si Rogelio sa repair shop dahil dito siya nagtratrabho at nag-aayos ng mga gamit na pinapaayos sa kanya. Dati itong tindahan ni Aling Hasmn. Dito rin nakasanayan ng mga tao tumambay kapag may pinapanood. Presinto Dito nakulong sina Rogelio at Bok-bok at dito rin sila huling nagkahiwalay. Simabhan ng Sto. Domingo
Sa may kampana nito nakatambay sina Rogelio at Tessa noong selebrasyon ng bayan habang iniintay si Bok-bok. Dito nasabi ni Rogelio ang nararamdaman kay Tessa. Sa loob naman nito kinuhanan ng dugo si Rogelio. At dito nangyari ang unang misyon ni Kapitan Sino. Plaza Dito ginanap ang mga programa para kay Kapitan Sino. Jet’s Video Dito nanghihiram sina Rogelio at Bok-bok ng mga palabas na panonoorin. Banco Suico Ang ninakawan na banko ng mga sindikato na inakala ni Kapitan Sino na gumagawa lamang ng pelikula dahil sa pag-aarte ng bakla. Munisipyo Kung saan nagpunta ang Alkalde matapos ihatid si Aling Baby sa bahay. Palengke Laging matao ayon kay Aling Baby na kahit 6:00 ng umaga na umalis ay ang dami pa ring tao na naabutan. Dito siya nag-aantay para sa traysikel nang dumating ang sasakyan ng kanyang kakilala na ang Alkalde. Lunas Ospital Dito naglaban si Kapitan sino at ang mabalbong halimaw na si Alkalde Suico dahil dito dinadala ni Alkalde Suico ang mga tao na kinukuha niya para ipakain lamang sa anak ang dugo ng mga taong ito.
Buod Nangulit na naman ang bata sa kakabili ng kung ano-ano ng pagkain sa Hasmin’s sari sari store na ngayon ay electronic repair shop na ni Rogelio.Dahil wala ngang tinda ay binigay niya na lamang sa bata ang bubble gum na meron siya. Nagpasalamat ang bata at tumakbo papalayo. Maya-maya ay bumalik na naman ito para bumili. Pinaliwanag ni Rogelio sa bata na matagal na silang walang tinda.Binigyan pa nga niya ng palayaw ang batang babae na ‘Ging-ging”. Dahil roon ay masayan g tumakbo ang bata na nakapangibon ang mga braso nito. Marahil repair shop na ni rogelio ang dating Hasmin’s sari sari store ngayon ang karatula pa rin ng shop ay “Hasmin’s Eatery” dahil hiningi lamang ito sa kainan na nasunog sa harap nila Rogelio, tutal ay kapangalan rin ng nanay na si Aling Hasmin ang may-ari nito. Tatakpan sana ang salitang eatery ng tatay niya na si Mang Ernesto ngunit hindi ito nangyari dahil nagkasakit ang tatay niya. Simula noon ay huminto siya sa pag-aaral ng ECE na isang taon na lang ang kulang para makatapos. Naging mabigat na rin ang pakikitungo ng tatay niya. Doon nagsimula na gumawa si Rogelio ng mga sirang gamit at nalaman rin niya na pumasok bilang labandera ang nanay niya para rin pampagamot sa tatay niya.
Alam ni Rogelio sa sarili niya na may kakaiba siyang abilidad na hindi nagagawa ng karaniwan na tao. Nang mawalan ng kuryente sa bayan ng Pelaez, nalaman ng matalik na kaibigan niya na si Bok-bok ang tinatagong kakayanan ni Rogelio dahil sa ilaw na nasa tapat ni Rogelio na nakasindi pa rin kahit wala ng kuryente. Nang malaman ay sinabi sa kanya ng kaibigan niya na gamitin ang kapangyarihan sa pagligtas ng mga taong nangangailangan. Unang misyon na ginawa ay nang huliin ang lalaking nagnakaw ng pakwan at wala pa siyang costume nito kaya pinangtakip lamang niya ang damit sa mukha dahil rito ay binansagan siya na “ninja” ng mga tao. Naging katulong na ni Rogelio si Bok-bok kasama si Tessa/Teng na kababata nila na pinagkwentuhan ni Bok-bok tungkol sa kakayahan ni Rogelio upang makahingi ng tulong sa costume ni Rogelio. Si Tessa ang gumawa ng costume ni Rogelio na kulay silver kasama na rin na gamit din ni Tessa na galing sa tita niya, ang helmet na kulay silver rin na kapag nagsalita ang may gamit ng helmet ay boses robot ang tunog. Palpak ang pangalawang misyon ni Rogelio sa paglitas ng bangko na nanakawan dahil nakumbinse siya ng mga sindikato na shooting ng pelikula ang nangyayari. Dahil rito bumawi ang bayani sa pagliligtas. Nahuli niya ang carnapper, nailigtas niya ang babae laban sa mga lalaking sindikato, nilabanan niya ang gorilya, niligtas niya ang mga taong naiwan sa building na nasusunog. Inilalayan ang mga building na guguho dahil sa lindol hanggang makalabas ang mga tao at inihinto niya ang tren na nawalan ng preno sa paghinto at mahuhulog na. Pagkatapos ng mga paglitas ni Rogelio, tinawag siya ng mga tao na Kapitan Sino at nagkaroon pa ng selebrasyon kasabay ang pyesta ng bayan. Dito niya nasabi ang nararamdamang pagmamahal sa kababata na si Tessa. Samantala, maraming tao na ang nawawala sa bayan at hindi na nahanap at sinasabing kinuha ng halimaw na maraming buhok.Noong gabi na iyon ay bigla naglakasan ang mga tahol ng aso at usapan ng mga tao na may kinuha raw na bata ang halimaw. Sinundan ito ni Rogelio hanggang makarating sa ospital na luma na at hindi na ginagamit. Dito niya nilabanan ang mabalbong halimaw na si Solomon Suico na kilala bilang matulungin at mabait na Alkalde ng Pelaez. Nangunguha siya ng mga tao upang ibigay sa anak na si Michael dahil sa sakit nito na katulad kay Alkalde Suico ngunit ito ay mas malala. Namatay si Alkalde Suico sa laban at pati si Michael na nilabanan niya rin ngunit namatay dahil nakayod ang tagiliran sa kalawanggin at punit na yero ng lababo. Pagkatapos ay hinanap ni Rogelio ang bata ngunit nang makita niya ay hindi pala ito bata, kundi ay isang dalaga. Si Tessa ang biktima na may pulso pa ngunit duguan at walang saplot. Dinila niya si Tessa sa ospital bilang Kapitan Sino at agad na bumalik bilang Rogelio. Sa pagbalik, nalaman niya ang balitang patay na si Tessa. Nang mamatay si Tessa, wala nang ibang ginawa si Rogelio kundi ang pagtatrabaho bilang Kapitan Sino. Buong araw ay pagliligtas ng mga tao ang ginagawa niya. Hindi niya na nakikita si Bok-bok o nakakausap ang mga magulang. Hindi niya na nil alaro ang asong si ET o ang basketball. Hindi niya na rin hinahawakan ang mga gamit sa shop at ang
pagbububunting dito. Hindi na rin siya nagsusulat ng mga tula. Huminto na ang buhay niya bilang Rogelio. Dahil sa ganoong estado ni Rogleio, kinausap siya ni Mang Enresto. Sinabi ng matanda na kahit may kapangyarihan siya ay hindi niya pa rin hawak ang buhay ng isang tao. Sinabi rin ng matanda na hindi siya katulad ni Rogelio na nagkaroon ng tapang na harapin ang landas ng paggamit ng kapangyarihan. Dito rin nasabi ng matanda na kapatid niya si Alkalde Suico sa ama. Ayon sa matanda, pinili ni Alkalde Suico na maging bayani ng sariling anak at pinili niya naman maging siya lang at dahil sa hindi paggamit na kapangyarihan ng pagligtas sa mga taong nangangailangan ay hindi niya alalm na may kabayaran pala at ito ay ang kanyang sakit. Sinabi niya sa anak na tungkulin niya na tumulong dahil may kakayahan siyang tumulong ngunit pinaalala din niya na hindi niya kayang baguhin ang mundo at hindi niya kayang maligtas ang lahat ng tao. Huling sinabi ni Mang Enresto sa anak bago umalis ng kwarto ay ang pagtulong sa kapwa ay hindi kaylangang nang rekognasyon ngunit gawin lamang niya ang sa tingin niyang nararapat. Dahil namatay si Alkalde Suico, pinalitan ito ng Bise-alkalde Virgilio Samon te na nag-utos na gumawa ng programa para sa kabayanihang ginawa ni Kapitan Sino. Sa pagdaos ng programang ito ay nasayang lamang ang pondo sana na pampaggawa ng mga ospital dahil sa mga inimbintahan na mga aristang dumalo sa programa. Tumagal ng tatlong oras ang unang parte ng programa bago simulan ang pagbibigay parangal kay Kapitan Sino na bibigyan ng 30 000 pesos na nakalagay sa sobre na dating 50 000 pesos ang halaga na galing sa mga donasyon ng ilang organisasyon. Marami ang nagpanggap na Kapitan Sino gamit ang kung ano-anong damit at helmet na pang-motorsiklo. Kasama na rin sa nagpanggap ang asawa ng isang babaeng konsehal.Nagkagulo ang lahat dahil lamang sa halaga ng pera ngunit sa gitna ng kaguluhan ay walang nakapansin sa desperadong kapitan sino na lasing at may hawak na granada. Inihagis ng lasing ang granada sa entablado ngunit natabig ito ni Bok-bok at nalaglag ng ilang dipa ang layo sa entablado. Nagsigawan ang mga tao at umalis papalayo sa granada. Si Rogelio naman na nakasuot ng pang- Kapitan Sino niya ay pinigilan ang granada at sa kanya sumabog ito na dahilan para masira ang kanyang suot pati na ang helmet niya. Nakilala siya agad ni Aling Precious at hanggang magsigawan na ang mga tao tungkol sa pagligtas na naman sa kanila ni Kapitan Sino. Hinila ni Bok-bok si Rogelio para umalis na sa plaza ngunit lumapit si Aling Chummy na sinampal si Rogelio at sinasabing pinatay raw ni Rogelio ang asawa niya na si Mang Herkules dahil hindi piniglan sa paninigarilyo ang asawa niya kaya ito ay nagka-lung cancer. Dahil doon ay hinuli ng mga pulis si Rogelio at Bok-bok at iniwan ang naghagis ng Granada dahil lasing lamang daw ito ayon sa pulis. Nakakulong na si Rogelo at Bok-bok at narinig nila ang balitang may sakit na kumukalat sa buong mundo at wala pa itong gamot. Nakarating ito sa Piliinas at inabot ang bayan ng Pelaez. Ang lahat ng doktor ay nangunguha ng mga dugo para sa gamot na ginagawa nila. Lahat ng tao ay kinuhanan pati na rin si Rogelio at Bok-bok. Ang dugo ni Rogelio
ang tumugma sa gamot at dahil rito ay dinala siya sa simbahan at kinuhanan ng mga doktor ng dugo. Nakalabas ng simabahan na hilong-hilo si Rogelio at hinahanap ang kanyang magulang. May lumapit na lalaki sa kanya na may kargang batang walang malay. Nagtanong sa kanya ang lalake kung nakakagaling ang dugo niya at sinagot niya ito ng oo at dahil roon ay sinaksak siya ng lalake. Pinahid ng lalake ang dugo ni Rogelio sa walang malay na bata. Namatay si Rogelio dahil sa kulang na rin sa dugo at sa pagsaksak ng lalake sa kanya. Patay na rin ang magulang niya dahil sa sakit na nagkalat . Si Bok-bok na naiwan sa kulungan ay nahawa na rin ng sakit na kumalat. Matapos ang isang buwan ay masigla na ulit ang bayan ng pelaez at nag karoon na naman ng programa para sa kabayanihan hindi lamang ni Kapitan sino, kundi ni Rogelio Manglicmot. Dinaluhan ito ni Bok-bok na gumaling din sa sakit. Napansin niya na wala ng mga taong may suot na kapitan sino na damit, wala ng chichirya na kapitan sino at mga batang ginagaya si kapitan sino. Wala ng nakakaalala kay kapitan sino. Ang programa ay pinanngunahan na naman ni bise-alkalde Samonte na imbis na kabayanihan ni Rogelio ang sinasabi sa ay puro mga nagawa niya at ng pamahalaan niya ang sinasabi niya. Dahil dito, umakyat si Bok-bok sa entablado at sinuntok ang bisealkalde. Nang makilalang kaibian ni Rogelio ay hindi na ipinakulong at dahil rin ay imbitado din si Bok-bok sa programang iyon.Dahil sa ginawa na yon ni Bok-bok, isang bata na naging malungkutin nang mamatay si Rogelio ay muling ngumiti. Ang batang ito ay ang batang binigyan ng palayaw ni R ogelio na ‘Ging-gng. Lumapit ang bata kay Bokbok dahil nakilala niyang kaibigan ito ni Rogelio. Tinanong ng bata kung mag-aayos rin ba ng sira si Bok-bok at sinagot naman ito ni Bok-bok ng kung ano ang kayang niyang gawin ay gagawin niya. Ngumiti ang batang si Ging-ging at tumakbo na parang ibon sa iba pang mga bata.
Panimulang Pangyayari Sinimulan ang nobela sa pagpapakilala kay Rogelio kung saan may bumibiling batang babae sa dating tindahan ni Aling Hasmin na ngayon ay electronic repair shop na.Ngunit ang tindahan na ito na repair shop na ay may karatula pa rin na Hasmin’s eatery. Sa pagsabi ng dahilan kung bakit Hasmin’s Eatery ang karatula, dito napakilala ang mga magulang ni Rogelio na si Aling Hasmin at Mang Ernesto. Ang dahilan rito ay hiningi lamang ito sa kainan na nasunog na kapangalan ni Aling HAsmin ang may -ari at papalitan sana ang ‘eatery’ ng ‘sari -sari store’ ngunit nagkasakit si Mang Erneso. Nang masabi ang sakit ni Mang Ernesto, dito rin na nasimulan ipaliwanag ang buhay ni Rogelio at kung bakit may repair shop si Rogelio at dahil para ito ay makatulong siya sa mga magulang niya. Napakilala na rin ang mga pangalawang mga tauhan sa unang kabata na sina ‘Gingging’ ang batang bumibili, si Aling Precious na kapit -bahay ni Rogelio at masinop sa pagpili ng mga basurang aangkinin at pantulong na tauhan na si Jong na nanghiram ng kariton. Sa isang karaniwang tao ay mahirap na buhatin ang isang aircon, paano pa kaya kung dalawa ito? Sa unang kabanata ay napakita rin kung gaano kalakas si Rogelio sa
pamamagitan ng pangungusap na ito “ Gamit ang kaliwang kamay, pinulot niya ang mga turnilyo isa-isa, habang buhat-buhat ng kanang kamay ang dalawang magkapatong na aircon na may sirang 21” black -&-white TV sa ibabaw kung saan nakahiga ang natutulog na pusa.” Sa pangalawang kabanata naman ay pinakilala rin ang isa pang pangalawang tauhan na si Aling Baby at ilang pang mga pantulong na tauhan gaya ng mga anak ni Aling Precious na si Jonmay at ang asawa ni Aling Baby na si Mang Boy. Dito na rin nakilala ang isa pang pangunahing tauhan na si Bokbok na matalik na kaibigan ni Rogelio. Napakita na rin dito ang isa pang kakayanan ni Rogelio nang makitang kahit walang ng kuryente ang buong bayan ay umiilaw pa rin ang ilaw sa ibabaw niya.Sa pangatlong kabanata, wala man pangalan na binigay ngunit may inilarawan na isang binatang mabuhok ang sakit. Ito ang mga panimulang pangyayayri dahil dito pinakilalala ang mga tauhan at angkakaibang kakayanan ni Rogelio.
Saglit na Kasiglahan Nagkaroon ng saglit na kasiglahan nangsinabi ni Bok-bok na gamitin ang kakayanan sa pagligtas ng mga taong nangangailangan at sa mismong araw na rin iyon nagawa ang unang pagligtas niya. Dito nagsimula na tawagin siyang ninja ng mga tao at nabalita rin sa tv. Ito ang saglit na kasiglahan dahil dito nagsimula ang una niyang pagligtas marahil medyo palpak ngunit ito ang simul ng pagkilala ng mga tao kay Rogelio.
Papataas na Pangyayari Nagsimulang tumaas ang mga pangyayari ng ipakilala ang isa pang pangunahing tauhan na si Tessa na sinabihan ni Bok-bok tungkol sa kapangyarihan ni Rogelio at dahil rito gumawa ng masusuot si Tessa para kay Rogelio tuwing magliligtas siya. Nang matapos gawin ang costume, nag-sunod-sunod na ang mga kabayanihang ginawa ni Rogelio.Mas tumaas ang mga pangyayari ng kalabanin niya na ang halimaw na kumukuha ng mga tao sa bayan ng Pelaez na biktima rin si Tessa at dahilan ng pagkamatay niya. Dahil sa pangyayaring namatay si Tessa, sa pananaw ng mambabasa, magkakaroon ng epekto sa ugali ni Rogelio ang pagkamatay ni Tessa at ito nga ay nang naging puro pagligtas na lang ang ginawa ni Rogelio. Ang mga sumusunod ay ang mga papataas na pangyayari dahil unti-unti ng mas sumisikat si Kapitan Sino at mas nakikilala na siya ng mga tao ngunit biglang namatay ang kanyang minamahal dahilan para mapaisip ang mambabasa kung ano na ang susunod na mangyayari sa buhay ng bayani.
Kasukdulan Pinakamataas na pangyayari ay noong araw ng pasasalamat kay Kapitan Sino. Buong bayan ang walang may kakilala kung sino talaga si Kapitan Sino kaya nang iligtas ni Rogelio ang bayan sa bomba na dahilan nang pagkasira ng damit at helmet niya ay nakilala na siya si Kapitan Sino. Ito ang pinakamataas na pagyayari dahil ito ang
pinakinahihintay na eksena sa nobela at ito ay kung ano ang magiging reaksyon ng buong bayan matapos malaman kung sino si Kapitan Sino.
Pababang Pangyayari Pababang pangyayari na nang ikulong si Rogelio at Bok-bok at nang may kumalat na sakit sa buong mundo. Naghanap ang mga doktor ng dugo ng tutugma sa gamot na ginagawa at tumugma rito ang dugo ni Rogelio. Ito na na rin marahil ang huling tulong ni Rogelio sa bayan dahil siya ay sinaksak. Ito ang pababang pangyayari dahil dito na nahinto ang mga pagtulong ni Kapitan Sino.
Wakas Winakasan ang kwento nang pagkakaroon na naman ng programa ng pasasalamat kay Rogelio ngunit sa pasasalamat na ito ay puro pagmamalaki ng mga nagawa lang ng pamahalaan ang sinabi. Sinabi rin na wala ng bakas ng alaala ni Kapitan Sino ang buong bayan. Tinapos ang nobela sa pagpakita na wala pa ring nagbabago sa bayan ng Pelaez matapos ang ilang beses na pagligtas ni Kapitan Sino sa mga trahedya na dumating sa bayan.
Tunggalian Ang nobela ay may apat na tunggalian. Unang pinakita, bagama’t maiksi lamang, ay ang tungalian laban sa sarili dahil kahit alam na ni Rogelio na may kapangyarihan siya ay hindi pa rin niya ginawang tumulong dati. Nabago lamang ito nang sabihan siya ng kaibigan niyang si Bok-bok. Pangalawa ay ang tunggalian laban sa kalikasan. Nagkaroon ng tunggalian laban sa kalikasan nang magkaroon ng lindol sa bayan, sunog sa gusali, hindi paghinto ng tren at nang kalabanin Rogelio ang hayop na gorilya upang mailigtas lamang ang mga tao. Pangatlo ay ang tunggalian laban sa tao.Tao laban sa tao gaya na lamng ni Rogelio na kinalaban ang mga kriminal ng bayan pati ang mag-amang si Alkalde Suico at Michael na kinalaban rin niya upang mailigtas muli ang mga tao. Pang-apat at ang tunggalian na ipinakita sa nobela mula umpisa hanggang wakas ay ang tunggalian laban sa lipunan. Mula umpisa pa lamang ay nagkaraaon na ng tunggalian si Rogelio laban sa lipunan at isa na rito ang hindi pagkakaroon ng konsiderasyon ng mga kapitbahay niya na sabay sabay na nagpapatugtog noong umaga pa lang dahil lamang nagkokompentensya. Sa gitna ng kwento ay ipinakita rin na sa kahit sa pagtulong ni Rogelio bilang Kapitan Sino ay hindi pa rin nagbabago ang ugali ng buong bayan at puro sisi pa rin sa gobyerno na wala ring ginawa ay mandaya sa bayan gaya nang ginawa ni Bisealkalde Samonte at ang babaeng konsehal na pinagpanggap ang asawa na Kapitan Sino para lamang mapunta sa kanya ang halagang 30 000 pesos. Kalaban rin ang lipunan nang malaman nilang si Rogelio si Kapitan Sino dahil sa ginawa ni Aling Chummy na paninisi kay Rogelio sa ikinamatay ng asawa dahil sa lung cancer. Naging dahilan naman ito upang mabulag ang buong bayan pati na rin ang pulisya na ang taong hinuli lamang
ay si Rogelio at Bok-bok at hindi ang nagpasabog ng Granada. Hanggang sa dumating ang sakit ay may tunggalian pa rin sa lipunan nang magkagulo ito at pati ang mga doktor na umabuso rin sa pagkuha ng dugo kay Rogelio. Kasama na rin ang lalaking sumaksak sa inaakalang dugo lang ni Rogelio ay magpapagaling na sa batang dala niya na walang malay. Hanggang sa dulo ay kalaban pa rin ang lipunan dahil sa dami ng naitulong ni Kapitan Sino at Rogelio MAnglicmot, walang nakaalala rito at wala man lang nagtanaw ngutang na loob pati na rin ang pamahalaan na puro pagmamalaki lang nang nagawa ang sinabi sa programang pasasalamat sana kay Rogelio. Ang pinakamatindi pa ay sa kabila ng pagsasakripisyo at pagligtas ni Rogelio sa bayan ng Pelaez ay hindi pa rin nagbago ang buong bayan at patuloy pa rin sa dating gawain nila.
Kaisipan Gaya ng ibang akda, may mapupulot na aral sa Kapitan Sino. Ikauna, tumutulong tayo sa ating kapwa dahil tayo ay may kakayanan at gusto natin, ngunit dapat tandaan na sa pagtulong natin hindi natin mababago ang mundo at hindi lahat ng tao ay kaya nating iligtas. Ikalawa, ang pagtulong ay walang binibagayan at hindi kaylangan ng rekognasyon dahil tumutulong tayo para gawin ang sa tingin nating tama at nararapat. Ikatlo, walang taong makakapagisa at kahit anong gawin natin ay kaylangan natin ng tulong ng iba at tumulong sa iba dahil ito ang paraan upang mas mapadali ang ating mga buhay ngunit tandaan natin na hindi dapat tayo magpapabuso sa iba at wag tayong umabuso. Ikaapat, hindi dapat natin sinisisi sa ibang tao kung walang pagbabagong nangyayari sa ating buhay dahil kung gusto natin ng pagbabago ay dapat nagsisimula ito sa ating sarili. Ikalima, hindi sapat ang mga programa para sa isang bayani kung hindi naman natin tinandaan at isinapuso ang mga tinulong nito sa atin, maliit man o malaki tio. Ikaanim, kahit gaano natin kamahal ang isang tao ay dapat hindi pa rin tayo maging bulag sa kasamaan. Ikapito, may mga problemang darating sa atin ngunit hindi iyon dahilan para mawalan tayo ng gana sa ating buhay. Ikawalo, hindi importante ang itsura ng isang tao kapag tayo ay nagmamahal. Ikasiyam, ang pakikipagkompetensiya sa ibang tao at pagkakalat ng maling impormsyon o tsismis ay walang naidudulot na maganda. Ikasampu, wag dapat tayo mabulag at madala sa sinasabi ng ibang tao. Wala dapat tayong kaisipan na kapag mas maraming tao ang nandito ay mas tama ito. Ikalabingisa, ang pagiging tapat sa mga ginagawa ay sapat na para umunlad ang bayan. Ikalabingdalawa at ikahuli, hindi natin hawak ang ating buhay ngunit hawak natin ang kapangyarihan upang mas mapadali ito.
Kalakasan Ang kalakasan ng kwento ay ang mismong paksa nito na superhero o tungkol sa isang tagapagligtas dahil sa ganitong paksa maraming mambabasa ang naaakit na basahin ang nobela. Naaakit silang basahin dahil ito ay kwento ng isang tagapagligtas gaya ng mga sikat na komiks at mga palabas na sikat nayon tulad ng Superman. Isa ding
kalakasan ng kwento ay ang paggamit ng impormal na mga salita. Mas madali itong naintindihan ng isang mambabasa dahil ang mga impromal na salita ay ang mga salitang pang-araw-araw na gingamit sa pakikipag-usap gaya din ng ginamit sa nobela. Hindi na kaylangan pang tumingin sa diksyunaryo ang isang mambabasa dahil impromal nga lamang na salita ay wala masayadong malalim na salitang ginamit.
Kahinaan Ang kahinaan ng kwento ay paglalarawan nito sa mga damit ni Kapitan Sino. Marahil na ilarawan nga ang damit ni Kapitan Sino at kung paano gumagana ang helmet ni Kapitan Sino, ngunit, sa aking palagay, nagkulang pa rin ang awtor sa bahaging ito dahil hindi agad naiisip ng mambabasa kung paano gumagana ang helmet niya at nahirapan muna isipin kung ano ang itsura ng damit ni Kapitan Sino bago pumunta sa susunod na bahagi ng kwento. Isa ding kahinaan ay ang mga laban ni Kapitan Sino. Nailarawan naman ng maayos ang mga laban ni Kapitan Sino ngunit nagkulang ito sa impak sa mambabasa. Dahil ito nga ay kwento ng tagapagligtas, dapat ay mas dinadagdagan ng impak ang mga laban ni Kapitan Sino dahil ito ang pinakainiintay ng mga mambabasa sa kwento upang malaman kung gaano talaga kalakas si Kapitan Sino.