Republic of the Philippines University of Rizal System Morong, Rizal Graduate Studies
Maria Cecilia R. San Jose MAT-Filipino MAT-Filip ino Dr. Maria Martines Ed.D. Prof. Lecturer Pagsusuring Pampanitakan TATA SELO I. Pagkilala ng May-akda: Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo.. Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). (Tagalog). Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Ang akda niyang Tata Selo ang ang pinagbatayan pinagbatayan sa pelikulang pelikulang “Munting “Munting Lupa” Lupa” ni Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. . II. Uri ng Panitikan: Ito ay isang uri ng maikling kwento ng tauhan. III. Layunin ng May-Akda: Aug layunin layunin ng may-akda may-akda ay maipakita maipakita ang ang sitwasyon sitwasyon ng mga magsasaka magsasaka lalo na ang mga magsasakang walang sariling lupang sinasaka at ng kawalang hustisya. IV. Tema O Paksang Akda: Pakikipaglaban sa karapatan. V. Mga Tauhan I Karakter Sa Akda: Tata Selo - isang magsasaka. Kabesang Tano- napatay ni Tata Selo
Saling- anak ni Tata Selo VI. Tagpuan/Panahon Sakahan/Bukid. VII. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda: Ang akda ay nailahad sa paraang flashback. Gumamit ng pag-uulit ng mga salita upang mabigyang pansin/emphasis ang salita sa akda. VIII. Buod: Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. . Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao . Inilabas nya ang kanyang damdamin ukol sa pagpapaalis sa kanya sa kabila ng kanyang ng pagiging patas nya sa partihan ng ani at ang pag-amin niya sa pagkakataga sa Kabesa. Ayon naman sa isang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa istaked hindi nya dapat tinaga ang kabesa dahil lamang sa pagpapaalis sa kanya sa lupa at karapatan ng may-ari na paalisin siya sa anumang oras na naisin nito. Hindi narin nakatiis si Tata Selong sabihin sa binata na malakas pa sya at kaya pa nyang magsaka huwag lamang siyang paalisin at sa kanila ang bukid lamang at naisanla iyon ng magkasakit ang kaniyang asawa hanggang sa maembargo iyon. Nakita niya ang isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas.
May sukbit itong lilik. Ikinuwento niyang siya ay pinuntahan ng kabesa sa sakahan at siya’y pinaalis dahil may magsasaka na raw iba, nakiusap siya ngunit tinungkod siya mng tinungkod hanggang sa mataga niya ito. Tanghali na ay hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abutabot ang busina ng dyip na kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao. Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng maykatabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking lalaking hepe. Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Sa tanggapan inusisa ng alkalde ang nagyari at inilahd naman ni Tata Selo na siya’y pinuntahan ng kabesa at siya’y pinapaalis sa lupang sinasaka niya. Si nabi rin niyang siya’y nakiusap na huwag paalisin dahil kaya pa niyang magsaka ngunit siya ay tinungkod ng tinungkod ng kabesa hanggang sa mataga niya ito at mapatay. May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-Poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindimakapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang Kabesa. Nagtataka at hindimakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal. Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo.Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhatan siyang dalawang pulis. Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaeng nakaupo sa harap ng mesa ng
presidente. Nagyakap ang mag-ama. Suot pa rin ni Saling ang damit niya tatlong araw na ang nakararaan mula ng ito ay umuwi sa kani;ang bahay. Sinabi ni Tata Selong huwag nitong ipapaalam ang kaniyang nalalaman at pilit niya itong pinauuwi. Muling ibinalik sa istaked si Tata Selo at naiwan sa tanggapan ng alkade si saling. Hapon na ay naroon pa rin si Saling. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang Inutusan niyang sumundo kay Saling. Sinabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! Ang lahat ay kinuha na sa kanila…
IX. Angkop na Teoryang Pampanitikan:
Realismo Naipakita ito sa mga pangyayari na kung saan may mga magsasakang walang sariling lupang sinasaka, ang pagsasanla ng isang bagay na maaaring humantong sa pagkakaembargo nito kung hindi mababayaran.
Markismo Nailahad ito sa mga eksenang tinutungkod ng Kabesa si Tata Selo sa kabila ng pakikiusap nito at ang mga pananakit ng mga pulis sa matanda. Ang pagpapalis sa matanda sa lupang sinasaka na dating pag-aari nito.
Dekonstruksyon Ang mga eksena na kung saan si saling ay makikitang tulala at tila wala sa sarili at suot pa rin ang damit na suot niya tatlong araw na ang nakararaan. Ang pahayag ni Tata selo na huwag ipaalam ang kaniyang nalalaman at ang pagkakaiwan ni saling sa tanggapan ng alkalde na humantong sa pagtangis ni Tata selo at sabihing “Kinuha na nila ang lahat sa akin.. Ay, kinuha na nila ang lahat.”
X. Reaksyon:
Kitang-kita sa akda ang realidad na ang isang tao kung siya’y nagigipit ay humahantong sa pagsasanla ng kaniyang pag-aari. Magkaganito man ang sitwasyon ang nangutang ay dapat maging responsible na magbayad ng kaniyang utang at sa isang banda naman ang pinangutangan ay magbigay ng sapat na panahon sa pagbabayad. Sa isyung pagpapaalis kay Tata Selo bilang magsasaka, ang may-ari ng lupa ay dapat maglaan ng sapat na panahon ukol dito, hindi ang agad-agarang pagpapaalis sa tao. Hindi tamang gumamit ng dahas tulad ng panunungkod ng kabesa ,ang pagtaga ni Tata Selo sa kabesa na humantong sa kamatayan ng huli at ang pananakit ng alkalde at ng mga pulis sakay Tata Selo. Sa akda kitang-kita ang pagiging usisero ng mga tao dahil nagsiksikan sila sa bahay-pamahalaan upang makita si Tata Selo at matiyak na ito nga ang pumatay sa kabesa. Nagpapahiwatig rin ito na si Tata Selo ay mabait na tao dahil hindi sila makapaniwala na magagawa ni Tata Selo na patayin si Kabesang Tano. Si Tata Selo ay isang tauhang bilog dahil mula sa isang pagiging masunurin, tapat na magsasaka ay nakapatay siya ng tao sa akda. Siya ay simbulo ng mga taong may pagmamahal sa gawain dahil hangad pa rin niyang magsaka sa kabila ng kaniyang edad at handing ipaglaban ang karapatan sukdulang mamatay o makapatay siya.
SA BAGONG PARAISO
I. Pagkilala ng May-akda: Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. II. Uri ng Panitikan: Ito ay isang uri ng maikling kwento ng tauhan. III. Layunin ng may-akda: Layunin niyang mailahad ang kahalagahan ng pagsunod sa magulang. IV. Tema o Paksang Akda: Pagmamahalan na nagsimula noong mga musmos pa ang mga tauhan. V. Mga Tauhan I Karakter sa akda: Ariel - batang walong taong gulang na kalaro at kaibigan ni Cleofe Cleofe - batang babae na walong taong giulang na malimit kalaro at kaibigan ni Ariel Mga magulang ni Ariel at Cleofe VI. Tagpuan/Panahon Sa bakuran / probinsya /tag-nit Vii. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda: . Sinimulan niya ito sa paglalarawan ng tagpuan, upang paipaghambing ang sinasabing bagong paraiso ng mga tauhan sa dati nilang ginagalawan. Lohikal ang pamamaraan ng manunulat sa kanyang pagsulat Ang paglalarawan ng manunulat sa mga bata noong
sila’y walong taong gulang, ang pag-aaral sa elementarya, ang mga pagbabagong naganap sa kanila bunga ng paging dalaga at binata nila, mga pangyayari noong sila ay nasa hayskul na at nang maging kolehiyo. Gumamit rin ang may akda ng mga pahiwatig tulad ng pagkakaroon ng buwanang dalaw, pagpapatuli ng batang lalaki, ang pagbabago-bago ng panahon at ang huli ay ang pagduwal ni Cleofe. Viii. Buod: Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay ng mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga hanggang sa hapon. Misan habang silay nakahiga sa damuhan dala, titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin.Madalas silang makatulog at magigising na lamang sa tawag sa kanilang bahay. Madalas nilang kilitii n ang isa’t isa habang natutulog ang isa sa pamamagitan ng kaputol na damo. At kapag sila naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin. Minsang naitanong ng batang lalaki ang tumutunog sa kanyang dibdib na pakikinggan naman ng batang babae habang nakadaiti ang katawan nito at itatanong sa batang lalaki ang tungkol sa tunog na iyon na hindi masagot ng batang lalaki. Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro ng malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila. Habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw at nagtataka sila kung bakit kulay dugo ito.
Kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa kanila. Madalas nilang marinig sa kanilang mga kanayon na sa kanila raw paglaki ay sila ang magkakatuluyan na kanilang ipinagtataka. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko magkakapit. Isang araw tinukso sila ng kanila mga kaklase na kapit-tuko na ikinaiyak ng batang babae na naging dahilan upang makipagsuntukan ang batang lalaki. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay.Lumipas ang mga araw at nakakita sila ng sinigwelas na bubot na kanilang isinawsaw sa asin at sila’y naasiman. Sinabihan sila ng mga matatanda na madaling mahihinog ang sinigwelas kapag umulan na. Nang sumapit ang tag-ulan silay naligo sa ulanan ng walang saplot sa katawan . Nagtapos sila ng elementarya at sa bayan sila mag-aaral ng hayskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki'y nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid na pomade. Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok, na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at hindi nakikita ng batang lalaki ang alak-alakan nito. Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki'y hindi na sa batang babae lamang nakikipaglaro. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog at isang batang lalaki ang nasa loob niyon at may ipinakikita sa mga kasamahan. Nakisiksik sa mga batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na natuklasan niyang kailangang mangyari sa kanya Ipinagtapat niya sa kanuyang ama ang nagyari at sinabi nitong kailangan iyon para maging ganap na lalaki at sasamahan nya ito kay Ba aryo. Nais niya itong ipagtapat sa batang babae ngunit siya’y nahihiya. Sinamahan siya ng kanyang ama kay Ba Aryo , araw ng Sabado. Samantala ang batang babae naman ay nagsimulang maglaba ng kapirasong tela na may matsang kulay pula. Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating ito isang dapithapon sa tabing-dagat. Sinabi nitong hindi na raw sila pwedeng maglaro tulad ng dati dahil sila’y binata at dalagita na. Ang mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo at ang pakakahawak nila sa bisig ng isa't isa ay parang isang pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan. Hindi na nga sila mga bata. Siya'y dalagita na. Siya naman ay binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa
pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban, ngunit hindi lamang tulad nang dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Nagtapos sila ng hayskul. Nagkamay sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma. At nang magsasayawan nang gabing iyon, magkatambal sila. Gayong hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanilang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-uusap ang kanilang mga mata ngunit ang kanilang labi'y tikom at kung gumalaw man ay upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon. At hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpapalaki sa lamat sa kanilang kawalangmalay. Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita na kung nais niyang makatapos ng kurso kailangang hindi sila magkita ni Ariel at nais ng kanyang ama na siya’y nais nitong maging doktora kaya dapat niyang kalimutan ang mga lalaki. Tumutol siya dahil kaibigan niya si Ariel at siya’y nasasaktan Sinabi niya ito kay Ariel at nalungkot itosapagkat ayaw ng makipagkita sa kanya ni Cleofe. Ayon sa ama ni Ariel , kapag raw malapit sa babae ay malapit sa tukso. Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang panahon dahil ipinagbawal ng kanilang mga magulang habang nag-aaral sila ng kolehiyo. Hindi sila nakatiis. Isang araw na hindi sinasadya'y nagkasalubong sila sa pamimili ng kagamitan. Mula noon, sila'y nagkita sa Luneta nang madalas dala ng kanilang paghihimagsik. Nalaman ng kanilang mga magulang at sinabi na kung hindi sila titigil sa kanilang ginagawa ay patitigilin si Cleofe sa pag-aaral samantalang ang ama ni ariel ay nagsabing napapahiya sila sa magulang ni Cleofe. Sa kabila nito sila ay patuloy na nagkita, sa mga pook na hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot na matutop at ng pangangailangan. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din, ngunit hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya sila sa kanilang daigdig, sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan, at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana - masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umaakyat sa kanyang lalamunan. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang
maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan.Tumungo siya at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may isinikad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya'y napanganga at naduwal siya…at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at pagkaraa'y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang dalaga'y napabulalas ng iyak. IX. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan: Realismo Nailahad sa akda ang katotohanan na maraming kabataan ang nasusuong sa maagang pagbubuntis bunga na kanilang kapusukan na maaaring humantong pagkatigil sa pag-aaral ,maagang pag-aasawa masuong sa maagang responsibilidad ng buhay may-asawa Romantesismo Makikita sa akda ang paggamit ng kalikasan bilang bahagi ng kanilang pag-iibigan. Sinasabing sa teoryang ito ay kakikitaan ng pagtakas sa katotohanan, nailahad ito sa bahaging pinagbabawalan sina Ariel at Cleofe ng kanilang mga magulang dahil lamang sa sila ay binata at dalaga na. Nagpapahiwatig ito na ang kanilang mga magulang ay hindi pa ganap na tanggap na ang kanilang mga anak ay lumalaki na at sa huli ay maaaring magkaroon ng kani-kanilang mga buhay. Eksistensyalismo Nagpapakita ng gawi, kilos at paniniwala ng tauhan. Nailahad ito sa bahaging madalas silang maglaro noong sila ay mga bata pa at ang bahaging nanindigan silang magkita sa kabila ng pagtutol ng kanilang mga magulang. Sa mga magulang naman nila naipakita ang teoryang ito sa bahaging sila ay naniniwala na ang babae ay tukso at dahil ganap ng binata at dalaga ang kanilang mga anak ay bawal ng magkita. X. REAKSYON: Ito ang akdang sa tuwing ipinapapabasa ko sa aking mga mag-aaral ay nagugustuhan nila na sa tuwing itatanong ko kung bakit nila nagustuhan ay sa dahilang nakakaugnay sila sa mga pangyayari sa akda. Sa pamamagitan ng akdang ito maliwanag na naipapaunawa ko sa aking mga mag-aaral ang kahalagahan ng
pagsunod sa mga magulang , ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili at nang pokus sa pag-aaral. Sa akdang ito ang magulang at anak ay parehong nabigyan ng babala na kung ang anak ay sobrang paghigpitan maaari itong magdulot ng pagrerebelde ng mga anak na sa kabilang banda naman, kung ang anak ay hindi susunod sa mga magulang ay maaaringhumantong sa pagkapariwara ng huli. Ang pagtitiwala sa isa’t isa ay mabisang solusyon sa isyung ito, ang pagtitiwala ng magulang sa anak at ang pagpapahalaga sa pagtitiwala ng anak sa magulang. Makikita rin sa akdang ito ang sobrang pagpapahalaga ng mga magulang sa edukasyon na tiyak naming nais ng lahat ng mga magulang.