MGA TAUHAN:
Bandong Cruz - Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punong- gurong isang paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila ,apo sa tuhod ng yumaong mabait na kabesang Resong ng Sampilong. Don Severo at Doña Leona Grande - Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sakanilang mga trabahador at sa mga nangungupahan sa kanilang mga lupain. Dalawang anak ng mag-asawang Grande Jun - nakapagtapos sa kursong medisina\ Ninet - nakapagtapos sa parmasya Marybee – kasintahan ni Jun Dan – kasintahan ni Ninet Dislaw - Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at kinamumuhian ngmga magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong sa magandang dalagang si Pina. Pina - Ang pinakamagandang dalaga sa kanilang nayonAng dalagang iniibig pareho nina Bandong at Dislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo (Pinuno ng PTA) at AlingSabel. Mang Pablo – ama ni Pina Andres - Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangansiyang magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya. Marta – Ina ni Andres Tasyo - Siya ang hinirang na pinuno ng unyon. Maestro Putin - prinsipal sa kanilang nayon. Cely - kapatid ni Dislaw. Ba Inte - Pinaka matandang tao sa nayon. TAGPUAN: Sa Sampilong
BUOD: Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Dona Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa. Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya. SULIRANIN: Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa (Don severo at dona lena) at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Lalo pang tumindi ang suliranin ng kamkamin ng Dona lena ang bagong nayon na kung hindi dahil sa pagtutulungan nina Andres at badong ay hindi maayos ito, Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib. Sa tulong ni Badong , sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogado.Naging suliranin din ditto ang panghahalay na ginawa ni Dislaw sa anak ni Mang Pablo na si Pina.
TEORYANG PAMPANITIKAN:
Moralistiko
Ang luha ng buwaya ay teoryang moralistiko sapagkat ito ay nagbibigay-diin sa mga layuning dakila at pinahahalagahan nito ang kabutihan, ang tama, ang kagandahang asal, tamang pakikipagkapwa, mabuting pag-uugali at wastong reaksyon ng tao sa kanyang kapwa. Itinatakwil nito ang kasamaan. Halimbawa na lamang yung ginawa ni Andres, hindi siya natakot ipaglaban ang sa tingin niya ay tama. Hindi siya natakot sa kung ano o sino man ang makakabangga niya. Sa teoryang moralistiko binibigyang diin ang literal na unibersal na katotohan - "ang mabuti ay gagantimpalaan at ang masama ay parurusahan. Sa huling parte ng kwento mapapansin n REAKSYON: Dito sa akdang luha ng buwaya mahihinuha na ang mga sakim ay walang patutunguhan. at anumang masamang bagay ang ginagawa mo sa iyong kapwa ay babalik sayo! Hindi man ngayon, ngunit sa takdang panahon. At dapat anumang bahagi mo sa lipunan, magsasaka ka man,o may ari ng lupa dapat ay pantay pantay lamang ang karapatan .At dapat kung anumang bagay ang meron ka,kung maari ay huwag mo ipagdamot sa halip ay ipamahagi mo ng sa gayon ay makatulong ka sa iyong kapwa. Walang mangyayari kung sarili mo lamang opamilya mo lamang iisipin mo. Sa halip na magdamot ay ipamahagi mo kung ano ang meron ka ngayon. Tunay na nakakabilib ang mga magsasaka at mahihirap sa luha ng buwaya lalong lalo na si Andres dahil nagtulong tulong sila upang ipaglaban ang tama at upang ipaglaban ang bagay na alam niyang pagmamay ari nia! Sa katapusan, ang mga makapangyarihang sakim na tao ay bumagsak, lumantad ang kanilang kasinungalingan at nakaranas sila ng karma. At ang katotohanan at karapatan ng tao ay nanaig dahil narin sa pagtutulungan nila at pagkakaisa. TALAMBUHAY NG MAY AKDA:
AMADO V. HERNANDEZ Isa siya sa kinikilalang dakilang Pilipino ng ating bansa. Siya’y isang manunulat, nobelista, makata, lider-manggagawa, at bilanggong pulitikal. Siya ng kanyang asawang si Atang dela Rama ang isa sa dalawang mag-asawa na kinikilalang National Artist ng Pilipinas.
Bata pa siya ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagsusulat. Nang lumaon ay naging tanyag siya sa larangang ito. Mula 1926 hanggang 1932, sinubaybayan ng marami ang kanyang kolum na “Sariling Hardin”. Noong 1929, hinamon siya ng kanyang kaibigang makata na si Jose Corazon de Jesus sa debate sa balagtasan. Ang kay de Jesus ay nakalathala sa pang-arawaraw niyang kolum na “Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi” sa pahayagang Taliba, habang ang kay Ka Amado naman ay sa kolum niyang “Sariling Hardin” sa pahayagang Pagkakaisa. Tumagal nang mahigit isang buwan ang kanilang makasaysayang Balagtasan hinggil “sa lumang usapin ng lahi”. Makaraan ang sampung taon, muling inilathala ito sa pahayagang Mabuhay Extra ni Teodoro Agoncillo na siyang editor nito.
Bilang manunulat, marami siyang natanggap na gawad-pagkilala. Noong 1938, ang kanyang narrative poem na Pilipinas ay nanalo ng Commonwealth Literary Award. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay nanalo ng Balagtas Award mula sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Noong 1962, ang koleksyon ng tula na Isang Dipang Langit ay nanalo ng Republic Cultural Heritage Award. Ang tulang-kasaysayan na Bayang Malaya ay nanalo ng Balagtas Award noong 1969. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay maituturing na pagpa-patuloy ng nobelang El Fili ni Rizal. Bilang mamamahayag, nakasama siya sa nabuong Philippine Newspapers Guild (PNG) noong 1945, na umanib sa Congress of Labor Organizations (CLO). Naging pangulo si Ka Amado ng CLO noong 1947. Sa kanyang pamumuno, pinangunahan ng CLO ang welga ng 2,600 mga mang-gagawa mula sa Manila Trading and Supply, Co., Canlubang Sugar Estate, Metram Gomtawco Sawmill, Republic Sawmill, atbp. Noong 1948, sa pangunguna muli ng CLO, nag-aklas muli ang mga mang-gagawa sa malalaking kumpanya tulad ng Philippine Refining Co., Benguet Consolidated Mines, Luzon Brokerage, atbp. Nagawa rin nito ang kauna-unahang “stay-in” strike sa Franklin Baker, isang kumpanyang Amerikano. Noong 1949, may 83 welgang naisagawa, kung saan sa taon ding ito inilunsad ang ikaapat na Kongreso ng CLO, na ang kanilang gi-namit na islogan ay “Manggagawa at Seguridad!” at “Ibagsak ang Imperyalismo!” Noong 1950 ay nagwelga ang 38,000 manggagawa. Ang kamalayang pampulitika ng manggagawang kasapi ng CLO ay nasustina sa kanilang binuong “Workers Institute” na pinamahalaan ng Komite sa Edukasyon, Impormasyon at Panana-liksik. Dahil sa kanyang pagiging aktibo at pagtataguyod sa kapakanan ng mang-gagawa, noong Enero 26, 1951, hinuli at ikinulong si Ka Amado. Limang buwang inkomunikado si Ka Amado sa Camp Murphy (ngayo’y Camp Aguinaldo) bago naiharap ang pormal na sakdal sa kanya noong Agosto 1951 sa salang “rebellion complexed with other crimes”. Ibinaba ang hatol na nagkasala si Ka Amado kaya’y siya’y nakulong ng limang taon at anim na buwan. Palipat-lipat siya ng kulungan sa Muntinlupa, Camp Murphy, Camp Crame, Fort McKinley, at Panopio Compound. Sa kulungan niya isinulat ang kanyang koleksyon ng mga tula, ang “Isang Dipang Langit”. Noong Hulyo 26, 1956, pansamantala siyang nakalaya sa bisa ng lagak , at noong Mayo 31, 1964, si Ka Amado ay napawalang sala. Mula 1958 hanggang 1961, nakatanggap siya ng apat na Palanca Awards sa kanyang mga isinulat na dula. Noong 1965, dumalo siya sa kumperensya ng mga mamamahayag na Asyano sa Indonesia, at nalathala ang kanyang ulat hinggil dito sa Taliba, kung saan nanalo siya ng NPC-Esso Journalism Award. Noong 1966, dinaluhan naman niya ang Afro-Asian Writers meeting sa Tsina. 1966 din nang dumalo siya sa International War Crimes Tribunal sa London kung saan ipinagtanggol niya ang Pilipinas sa bintang na ang kanyang bansa ay isang “war criminal” sa
Biyetnam. Noong 1967, tumakbo siyang konsehal ng Maynila ngunit natalo. Nagsulat siyang muli at naging editor ng Ang Masa. Si Ka Amado ay namatay sa atake sa puso noong Marso 24, 1970. Noong 1973, iginawad sa kanya ang karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Ilan sa kanyang mga isinulat ay ito: 1. Bayang Malaya (Tulang Kasaysayan) 2. Mga Ibong Mandaragit (Nobelang Sosyo-Politikal) 3. Isang Dipang Langit (Koleksyon ng Tula) 4. Luha ng Buwaya (Nobelang Sosyo-Politikal) 5. Tudla at Tudling: Katipunan ng Tula 1921-1970 6. Langaw sa Isang Basong Gatas at Iba Pang Kwento 7. Magkabilang Mukha ng Isang Bagol at Iba Pang Akda
LAYUNIN NG MAY AKDA:
Para sa akin ang layunin ng may akda sa pagsulat ng nobelang luha ng buwaya ay upang iparating sa atin na anumang mayroon tayo ngayon ay gamitin natin sa kabutihan at dapat ay wag tayong magpapaapi lalong lalo na sa mga kapangyarihan. Kung alam mong nasa katwiran ka o nasa tama ka, dapat ay wag kang matakot ipaglaban ito. Kailanman ay hindi nanaig ang kasamaan. At kung ikaw man ay may mataas na katungkulan o ikaw man ay kapangyarihan, wag mong gamitin ito bilang isang instrumento sa paggawa ng masama sa iyong kapwa. Sa halip ay gamitin mo ito upang makagawa ng mabuti sa iyong kapwa. KONKLUSYON: Sadyang nakapanghihimok ng damdamin ang kwentong isinasalaysay ng Luha ng Buwaya dahil ito ay tungkol samasaklap na kalagayan ng mga mahihirap na magsasaka at mga iskwater matapos ang panahon ng pananatili at pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Pinapakita ng nobela ang tunggalian ng mga mapang-abusong mayayaman na nagmamay-ari ng mga malawak na lupain at ng mga inaaping magsasaka at manggagawa na walang magawa sa kanilang kundisyon at kalagayan sa buhay. Ang kwento ng Luha ng Buwaya ay hindi lang basta kathang-isip o gawa-gawa lamang, kundi totoong nangyayari hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Sa akdang ito, ang mga mayayaman o makapangyarihang tao ay ipinairal ang kanilang pagiging sakim. Sa pagiging sakim ng makapangyarihang tao, ang mga mahihina o mahihirap na tao ay tulong-tulong na makamit nila ang kanilang karapatan ukol sa katotohanan. Sa katapusan, ang mga makapangyarihang sakim na tao ay bumagsak, lumantad ang kanilang kasinungalingan at nakaranasng karma. At ang katotohanan at karapatan ng tao ay nanaig dahil narin sa pagtutulungan.
.