Deniellene S. Hinayon
Grade 10-Quezon
Mrs. Joyce
October 12, 2015
Omapas
The Maze Runner
SURING PELIKULA, SURING BASA I. II.
Pamagat The Maze Runner Buod Nagising si Thomas sa loob ng elevator, na hindi niya alam kung sino siya, ang tanging naalala niya lang ay ang kanyang pangalan. Kinabukasan ay nabuksan ang pinto at nakita niya ang mahigit 60 na mga lalake, na pinalibutan ng malalaking dingding na tinatawag nilang Glade na kung saan sa loob nito ay may mga halimaw na tinatawag na Grievers. Nalaman din ni Thomas na kapag nabiktima ka nang isang Griever ay maaring magkakaroon ng pagbabago sa iyong katawan na nag iiwan ng trauma. Nakilala ni Thomas ang leader ng Glade na si Alby, Si Newt bilang pangalawang leader, si Chuck na nagging kaibigan ni Thomas, si Gally na may kalaban ni Thomas, at si Minho na kung saan siya ang leader sa mga tumatakbo sa loob ng maze. Lumipas ang araw malaki ang gulat ng mga taga-Glade ng may nakita silang babae sa Elevator. Ang pangalan niya ay si Teresa. Base sa nakasulat doon sa letter si Teresa na ang panghuling papasok sa Glade. Nag desisyon si Thomas na maging isang Runner din kagaya ni Minho, upang mapasok at masuri niya kung ano ang nasa labas ng Maze. Sa hindi inaashang panahon ay sinalakay si Thomas ni Ben, na kung saan ay nabiktima ng mga Grievers. Tinangka niyang patayin si Thomas ngunit napigilan ito ni Alby at piñatay si Ben. Habang naglalakbay sila sa loob ng Maze ay sinalakay si Alby ng isang Griever, tinangka ni Minho na makalabas sa Maze bago ito sumira ngunit nabigo ito. At nanatili silang dalawa ni Thomas sa loob ng Maze kasama si Alby. Mas delikado ang maze lalo na kung gabi, Natakot si Minho ng may nakasalubong siyang isang Griever na kung saan ang nag udyok sa kanyang iwanan si Alby, ngunit ang gusto ni Thomas ay dahin si Alby paabas din ng Maze. Nilabanan nila ang Griever, mahirap man nila itong ginawa ngunit napagtagumpayan nila ito, at pagsapit ng umaga ay nakalabas din silang lahat sa Maze. At yun ang nagturing kay Thomas bilang isang matapang na bayani, dahil wala pang nakakagawa ng paglabas sa Maze na inabot ng gabi. Ngunit nakulong pa rin si Thomas dahil sa hindi pa rin niya pagsunod sa batas ng Glade. Habang nakakulong siya nalaman niya ang mapa sa loob ng maze, at kung kalian ito nagbubukas. Nag iba ang panahon noong araw na iyon, malaki ang pagdududa ni Theresa na ang Maze ay binubuo ng mga Codes.Kinagabihan, ang malalaking pinto ng Maze ay hindi pa rin sumisira kaya, naghahanda siang lahat sa papasok na mga Grievers sa Glade. Noong gabi din iyon, sumalakay ang Grievers sa kanila, marami ang namatay, ngunit kaunti na lang ang naiwan sa Glade. Kinaumagahan, nagkaroon ng plano si Thomas kung paano nila malulusutan ang loob ng Maze. Kaya nagdesisyon sila kung sino ang sasama kay Thomas, at kung sino ang magpapaiwan sa Glade, maraming gusto magpaiwan dahil alam nilang delikado ang sa loob ng maze, ngunit nakumbinsi din ang iba, dahil silang lahat ay gusto makalaya. Sa kanilang pagpasok sa Maze ay maraming pagsubok siang nadaanan. Nakalaban sila ng maraming Grievers, ngunit sa huli ay nakaalis din silang lahat. Naaman nila ang
totoo dahil mnay iniwan na isang video message si Ava Paige. Pagkatapos nun’ ay may mga rescuers na dumating. Sa ngayon, ay nakalabas na sila, matapo ang ilang araw nilang paninirahan sa maze. III.
Paksa Ang paksa ng nobela ay tungkol sa pagtutulungan ng bawat isa upang mapagtagumpayan ay gusto nilang makamit. Kagaya ni Thomas, na gustong makalaya sa loob ng maze. Kahit traydor man ang turing ng Gladers, sa kanya. Ngunit dahil sa pagtutulungan nilang lahat napagtagumpayan din nilang lahat ang makatakas.
IV.
Bisa sa Isip Maraming bagay ang tumatak sa aking isipan matapos kong mabasa o mapanood ang nobelang ito, ang nobelang ito ay nag iwan sa akin na hindi natin magagawa ang gusto nating abutin o hindi tayo makakalaya kung patuloy pa rin tayo sa pagiging kulong. Magagawa lang natin ito, kung magtutulungan tayo sa isa’t isa kaya’t nakatatak sa isip ko, na kahit sa anumang pagsubok ang pagdaanan ay makakayanan kung may pagtutulungan. Bisa sa Damdamin Matapos kong mapanood ang nobelang ito sa pelikula ay nakaramdam ako ng matinding takot, dahil kung ako ang nasa sitwasyon nila, ay hindi biro, nakakulong sila sa Maze na kung saan kung magtatangka sila lumabas ay marami pa silang pagsubok na dadaanan. Masaya ako dahil sa nobelang ito mas napalawak ang aking imahinasyon tungkol sa di makatotohanang pelikula. Gayunpaman, Ito ang napili kong nobela dahil sa magandang epekto na nadala nito sa aking sarili.
V.
Mensahe Ang mensahe ng nobelang binasa ay tungkol sa pagtutulungan nila sa bawat isa upang mapagtagumpayan ang misyon na makalaya silang lahat sa maze. Na sa pamamagitan ng pagtutulungan ay makakamit natin ang anuman, at malalampasan ang mga pagsubok na dumating sa buhay natin.
VI.
Teoryang Ginamit May iba’t ibang teoryang ginamit sa nobelang The Maze Runner kabilang dito: Eksistensiyalismo- Gumawa nang desisyon si Thomas at nang tagaGlade na pumasok sa Maze upang makalabas at baguhin ang kanilang kapalaran, at makamit ang kalayaan na matagal na nilang inaasam. Naturalismo- Nagpakita ng Naturalismo ang nobela sa pamamagitan ng mga suliranin nila, kabilang na doon na nakakulong sila sa maze, at ang mga Grievers na sumalakay sa kanila. Na kapag na kagat ka nito, maaring mag iba ang anyo mo. Ipinakita nito ang kapangitan ng kalagayan ng bawat tauhan sa loob ng maze. Humanismo- Ipinakita dito na sina Thomas at ang mga tao sa Glade ang sentro ng nobela, pinag ekspirementuhan sila, upang sila ay maging malakas sa darating na susunod na henerasyon na pagsubok. Romantisismo- Nagpakita rin ng romantisismo ang nobela, dahil ang mga karakter tulad nina Thomas at Teresa ay may nararamdaman sa isa’ t isa, pati rin naman sa pagiging magkaibigan nila, ay nagtutulungan silang lahat para makalaya, dahil mahal nilang ang isa’t isa bilang isang pamilya.
Deniellene S. Hinayon Grade 10-Quezon