Title:ATAUL Title:ATAUL FOR RENT Running Time: 94 mins Lead Cast:Joel Cast:Joel Torre, Jacklyn Jose, Irma Adlawan, Noni Buencamino, Buencam ino, Ronnie Lazaro, Pen Medina Director: Neal Tan Producer: Anthony Gedang Screenwriters:Anthony Screenwriters:Anthony Gedang, Neal Tan Music:Nonong Music:Nonong Buencamino Editor: Rocky Ko Genre:Drama Genre:Drama Cinematography: Renato de Vera Distributor:Artiste Entertainment works International Location: Slums of Metro Manila
Ang pelikula ay makatotohanang tumatalakay sa mga buhay ng mga nakatira sa “Kalyehong Walang Lagusan", isang makipot, masikip at miserableng kalyehon sa loob ng squatters area . Masusundan ang kwento sa pagsasalaysay ng taong grasang si Batul (Ronnie Lazaro), isang tila nasiraan na ng bait sa gutom at kahirapan ngunit tanging taong may natitirang delikadesa at moralidad. Sa lugar na ito ay talamak ang lasenggo, sugarol, adik, pusher, prostitute, magnanakaw, isnatcher at lahat na yata ng uri ng kasamaan ng lipunan. Tila ba ang mga taong naninirahan dito ay naubusan na ng kabutihang asal at walang takot na lumabag sa batas, ibenta ang sarili o makasakit sa kapwa. Pangunahing tauhan si Guido (Joel Torre), isang embalsamador at nagpapaupa ng mga m ga ataul, at ang kanyang asawang si Pining (Jacklyn Jose), na nagsisilbing make-up artist ng mga patay at buhay at kubrador ng jueteng. Walang pagdadalawang isip si Guido na maningil ng mataas at humingi na paunang bayad kahit kapos na kapos na ang namatayan at halos wala wala nang ipagpalibing. Magkakasunod ang patay sa kanilang lugar: lugar: si Tale, isang shabu-user at nanay ng lasenggo, si Moises, isang magnanakaw na pinatay ng pulis, si Andoy, isang pusher at kapatid ng call boy na si Danny. Dahil ang kalyehon ay nagiging lungga ng mga salot ng lipunan at masasamang loob, pwersahan silang pinaalis ng pamahalaan upang mabigyan daan ang pagpapatayo ng isang simbahang tila bagang magbibigay ng panibagong pag-asa.
Sa kabuuan, sulit na sulit ang panunuuod ng Ataul for Rent. Rent . May kurot sa puso ang pelikula dahil sa makatotohanang pagganap ng mga tauhan, masining na disenyong disen yong produksyong at mahigpit at pulidong pagsusunod-sunod ng eksena. Mahusay ang sinematograpiya at nahuli nahuli ang mismong damdamin ng miserableng buhay sa loob ng kalyehon. Magaling ang pagsasalaysay ng sinematiko sa pelikula dahil napagsama-sama nito ang masasalimuot na kwento ng bawat isang tauhan na hindi nagiging masalimuot ang mismo takbo ng kwento. Kaya nga lamang, may kahinaan ang pagtatapos ng pelikula, medyo pilit tuloy ang gustong paratingin na leksyon ng may-akda. Kung paanong nagbuhos ng panahon at pagsisikap na buuin ang kwento ng bawat isang tauhan, tila naman namadali ang pagtatapos ng pelikula at pagsasara ng kasaysayan ng mga tauhan. Katwiran ba ang kahirapan upang isantabi muna ang kabutihang asal? Tama nga ba na ipagpalit ang prinsipiyo para sa sikmurang kumakalam? Malinaw ang mensahe ng pelikula at babala sa mga taong ginagawang dahilan ang hirap ng buhay para gumawa ng taliwas… ang kahirapan ay isang daan upang palakasin ang pagkatao, pagtibayin ang pananampalataya at pagkakataon upang ipakita na ang tao ay sadyang kawangis ng Maykapal. Sa gitna ng hirap at pagsubok ang unang unang napakadaling gawin ay ang iligtas ang sikmura gasino na lang kung sino ang masagasaan o masaktan o itapon ang prinsipiyo at dangal. Subalit sa huli, ang mga taong pumili ng landas na ito ay lalong nababaon sa kahirapan ng buhay, sa ismid ng lipunan at dagok ng kapalaran. Lalong napapasama ang taong nagsasamantala o nagpapasamantala kapalit ng kaunting barya. Sa kabilang dako, kung gaanong napakadali isantabi ang Diyos sa oras ng tagumpay at pagpapasasa, gayun din kadaling kalimutan siya kapag nahihirapan na sa buhay, upang madaling bigyan ng katwiran ang paggawa ng masama at magbingi-bingihan sa tawag ng konsensya. Kaya nga lang, anumang talikod ng isang tao tao sa Diyos, anumang pilit niyang itanggi ang katotohanan ng Diyos, sa Kanya Kanya pa rin ang takbuhan ng tao sa huli. May mga usapan, eksena at temang
hindi angkop sa mga bata at makabubuting kasama ang mga magulang o nakatatanda sa panunuod ng pelikula upang magbigay gabay.
Joel Torre
Guido / Guidote Alejo
Jacklyn Jose
...
Pining
Ronnie Lazaro
...
Batul
Pen Medina
...
Tata Islaw
Irma Adlawan
...
Aling Carmen
Noni Buencamino
...
Boy Kagaw
Coco Martin
...
Danny
Irish Contreras
...
Doray
Tita Swarding
...
Boding
Ramon Zamora
...
Chairman Tando
Aleera Montalla
...
Inciang
Denver Olivarez
...
Andoy
Jet Alcantara
...
Moises
Che Ramos
...
Susan (as Cheryl Ramos)
Jimmy Concepcion
...
Bokbok (as Jimi Concepcion)
Ina Alegre
...
Igna (as Inah Alegre)
Susan Corpuz
...
Bebang
Jack Gamboa
...
Kadyot
Betong
...
Butsukoy
Pipoy Jr.
...
Estong
Alex Montenegro
...
Boyong
Gloria Villones
...
Aling Tale
Victor Calalang
...
Drug User
Gigie Jurilla
...
Drug User
Liwayway Padilla
...
Vendor
Jasmin Suello
...
Vendor
Nenita Suello
...
Vendor
Elsa Tuazon
...
Vendor
Ricardo Poblacion
...
Jail Inmate
Rene Tuazon
...
Jail Inmate
Irving Fabon
...
Jail Inmate
Marvin Suello
...
Policeman
Jimmy Dolatre
...
Policeman
Benjie Dela Costa
...
Policeman
Chris Advincula
...
Policeman
June Cruz
...
Gambler
Eduardo Angeles
...
Gambler
J.R. Cortez
...
Gambler
Jazzel Zarah Fronda ...
Gambler
William Asuncion
...
Gambler
Dominador Chavez
...
Gambler
Chona Santillan
...
Gambler
Aida Galvez
...
Gambler