Banghay Aralin Para sa Araling Panlipunan
I. Mga Layunin
Sa loob ng isang oras na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. naipaliliwanag ang ibig sabihin ng manifest destiny; 2. nasusuri ang dahilan ng mga banyagang Americano sa kanilang pananakop sa Pilipinas; 3. naipapahayag ang saloobin at opinyon ukol sa paliwanag ni Pres. Mckinley; at 4. napapahalagahan ang mga epektong naidulot ng pananakop ng mga Americano.
II .Nilalaman
A. Pangkalahatang Paksa: Ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin B. Tiyak na Paksa: Manifest Destiny C. Mga Konsepto: manifest destiny D. Babasahin: Manifest Destiny, pp 367-368 ng Kasaysayan ng Daigdig E. Mga Kagamitan: Aklat ng Kasaysayan ng Daigdig, handouts at questionners
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagtala ng mga lumiban 4. Pagpapasa ng takdang-aralin 5. Balik-aral a. Magtanong sa mag-aaral kung ano ang huling tinalakay. b. Balik – aralan ang tungkol sa Unang Yugto ng Emperyalismong Kanluranin. c. Itanong kung ano ang mga bansang nanguna sa kolonisasyon noong Unang Yugto ng Rebolusyong Emperyalismo. d. Itanong kung ano ang mga pangunahing dahilan o motibo ng mga kolonisasyon dulot ng eksplorasyon noong Unang Yugto ng Emperyalismong Kanluranin
B. Paglalahad
1. Ipaalam sa klase na ang paksang tatalakayin ay ang tungkol sa Ikalawang Yugto ng Emperyalismong Kanluranin partikular ang tungkol sa Manifest Destiny. 2. Ilahad ang ibig sabihin ng manifest destiny. 3. Ipahayag na ang mga banyagang amerikano ay isa sa mga sumakop sa Pilipinas noon. 4. Itanong kung bakit tayo napasailalim sa kapangyarihan ng mga amerikano. 5. Ipamahagi ang mga handouts ukol sa paliwanag ni Mckinley kung bakit napasailalim ang Pilipinas sa bansang America. 6. Ipabasa at ipaunawa sa klase and nilalaman ng pahayag ni Mckinley. Handouts: Manifest Destiny, Continued: Mckenly Defends U.S. Expansionism
Hold a moment longer! Not quite yet, gentlemen! Before you go I would like to say just a word about the Philippine business. I have been criticized a good deal about the Philippines, but don’t deserve it. The truth is I didn’t want the Philippines, and when they came to us, as gift from the gods, I did not know what to do with them. When the Spanish war broke out Dewey was at Hongkong, and I ordered him to go to Manila and capture or destroy the Spanish fleet, on and he had to; because, if defeated, he had no place to refit on that side of the globe, and if the Dons were victorious they would likely cross the Pacific and ravage our Oregon and California coasts. And so he had to destroy the Spanish fleet, and did it. But that was far as I thought then.
When I first realized that Philippines had dropped into our laps I confess I did not know what to do with them. I sought counsel from all sides – Democrats as well as Republicans – but got little help. I thought first we would take only Manila; then Luzon; then other islands perhaps also. I walked the floor of the white house night after night until midnight; I am not ashamed to tell you, gentlemen, that I went down on my knees and prayed Almighty God more light and guidance more than just one night. And one night late it came to me this way – I don’t kow how it was but it came: (1) That we would not give them back to Spain – that would be cowardly and dishonorable; (2) that we could not turn them over to France and Germany – our commercial rivals in the Orient – that would be bad business and discretable; (3) that we could not leave them to themselves – they were unfit for selgovernment – and they would soon have anarchy and misrule over there worse than Spain’s was; and (4) that there was nothing left for us to do but to take them all, and to educate the Filipinos, and uplift and civilized and Christianized them, and by God’s grace do the very best we could by them, as our fellow-men for whom Christ also died. And then I went to bed, and went to sleep, and slept soundly, and the next morning I sent for the chief engineer of the War Department (our mapmaker), and I told him to put the Philippines on the map of the United States (pointing to a large map on the wall of his office), and there they are, and there they will stay while I am the President!
C. Pangwakas na Gawain a. Pagbubuod Itanong ang mga sumusunod: 1. Ano ba ang doktrinang manifest destiny? 2. Batay sa pahayag na binasa, anu-ano ang mga dahilan at napagpasyahan ni Pres. Mckinley na ipasailalim ang Pilipinas sa imperyalismo ng mga
Americano?
b. Paglalapat Itanong ang mga sumusunod: 1. Sa iyong palagay, kapuri-puri ba ang pasya ni Pres.Mckinley na sakupin ang Pilipinas? Bakit? 2. Naniniwala ka ba na ang Pilipinas ay noon ay isang bansang wala pang sapat na kakayanang pamahalaan ang sarili? 3. Ano ba ang mga kabutihang naidulot ng imperyalimong Americano sa Pilipinas?
IV. Pagtataya
Ipasagot ang mga sumusunod na tanong sa test questioner.
1. Ano ang nararamdaman mo habang binabasa mo ang paliwanag ni Pres. William McKenley tungkol sa pagsakop ng America sa ating bansa? Bakit?
2. Katanggap-tanggap b ang paliwanag ni Pres. Mckinley kung bakit nito sinakop ang Pilipinas? Bakit?
3. Nakabuti ba sa ating bansa ang pagsakop ng mga Americano? Pangatwiranan.
4. Sa kasalukuyang panahon, nararanasan pa rin ba ang impluwensiya ng mga Americano sa ating bansa? Patunayan.
5. Sa panahong ito, paano ka makatutulong upang ipakita sa mundo na ang Pilipinas ay bansang may kakayahang pamahalaan at paunlarin ang sarili?
V. Takdang - aralin
1. Ano ang ibig sabihin ng nasyonalismo?
2. Maghanap ng isang awiting nagpapahayag ng masidhing damdamin ukol sa bayan o sa lipunan. Kunin ang mga linya ng kanta na labis na nakaantig sa iyo at ipaliwanag kung ano ang ibig iparating ng kantang iyong napili.
Banghay Aralin Para Sa Araling Panlipunan
Manifest Destiny
Ipinasa ni: Amor C. Altubar Student Teacher
Iniwasto ni: Mr. Isidro T. Esparagoza SST-1, Cooperating Teacher