13. Pagkakasunud-sunud (Sequence) a) Pagbibigay ng palagay kung anong mga kilos o pangyayari ang maaaring maganap sa pagitan ng dalawang malinaw na ipinahahayag sa mga kilos o pangyayari.
TEORYANG PAMPANITIKAN Dahil sa napakadaming bahagi ng nobelang ito, marami ring teoryang pampanitikan ang maaaring gamitin sa pagsisiyasat dito. Ngunit sa aking palag ay, mas kapansin-pansin ang paggamit ng Teoryang Moralististiko, Teoryang Markismo, Teoryang Historikal at Teoryang Realismo.
Teoyang Moralistiko
Ito ay teoryang nagbibigay-diin sa mga layuning dakila at pinahahalagahan nito ang kabutihan, ang tama, ang kagandahang asal, tamang pakikipagkapwa, mabuting pag-uugali at wastong reaksyon ng tao sa kanyang kapwa. Itinatakwil nto ang kasamaan. binibigyang diin ang literal na unibersal na katotohanang- "ang mabuti ay gagantimplaan at ang masama ay parurusahan." Nauugnay ang teoryang ito sa iba't- ibang aspeto ng buhay tulad ng - sa pag-aaral, paghahanapbuhay, pangangarap, pakikipagkapwa pakikipa gkapwa at pakikibaka sa mga suliraning panlipunan. ang moral ay nauunting nawawala dahil sa makabagong panahon.
Teoryang Markismo Si Ka Amado ay kilalang sumosuporta sa kilusang Komunismo, at makikita sa kanyang nobela. Maraming ideolohiya ng kilalang Ama ng Komunismo na si Karl Marx ang naging mahahalagang elemento ng Luha ng Buwaya. Ang Teoryang Markismo ay hindi lang nagpapatukoy sa pagkakapantay-pantay ng distribusyon ng kayamanan at kapangyarihan. Tinatalakay din nito ang kahalagahan ng paglalaban paglalaban ng mga iba’t-ibang iba’t-ibang uri ng tao sa lipunan. Layunin ng Teoryang Markismo na ipakita na ang tao o mga tao ay may sariling kakayahan upang umangat sa buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ipinapakita rin nito ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalungkutan ng akda upang ito ay maging modelo para sa mga mambabasa.
‘’ Ya’y sa kanila dapat sabihin, Alkalde,’’balik ni Tasyo. ‘’Kami po’y nakalugmok, na ang tanging gusto’y makabangon.’’ Ang nasa itaas ay isang sipi mula sa nobela nob ela (p.207). Base sa sipi na ito, mapapatunayan natin ang kagustuhan ng mga iskuwater at mga magsasaka na makaalis
sa hikahos ng buhay na idinulot sa kanila ng pang-gigiit at panlalamang ng mag-asawang Grande.
Teoryang Historikal Ang nobelang ito ay naisulat noong 1962, ilang taon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pananakop ng mga Hapones sa ating bansa. Ang Luha ng Buwaya ay ang makatotohanang pagsasakatauhan ng krisis sa sosyo-politikal na naganap sa Pilipinas mula 1930’s hanggang 1950’s. Masasabing gumagamit ang akda ng Teoryang Historikal dahil kinakitaan ito ng pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa pagbabagong nagaganap sa ating lipunan. Kasama rin ditto ang pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukas yon, agrikultura, at higit sa lahat, sa ating pananampalataya. Sa nobelang ito, nailarawang pyudal sa pagitan ng pamilya Grande at kanilang mga piling kaibigan. Maaalala natin na ang ganitong pamamalakad – ang pagbibigay ng gantimpala kapalit ng proteksyon o kapangyarihan – ay naging popular noong unang panahon. Naging hangarin ng mga maralita na buwagin ang sistemang ito. Sa kabutihang palad ay sila naman ay nagtagumpay kaya napasimulan na ang pagbab agong babali sa nakagawian ng nakaraan.
Teoryang Realismo Kahit ang nobela ay mayroong elementong historical, hindi pa rin maiaalis ditto ang elemento ng pagiging makatotohanan at pagiging makapanahunan. Kung ating iisipin, ang mga pangyayari sa nobela sa nakabatay sa panahon ng 1950’s, ay maaari pa rin nating maihalintulad sa mga pangyayari sa makabagong panahon. Ginamitan ng Teoryang Realismo ang nobelang ito sapagkat ito ay isang makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan ng makatotoong pangyayari sa buhay. Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng ordinaryo at hindi eksaheradong suliranin. Wala itong elementong supernatural at mistiko at nakabase an g tagpuan sa mga makatotohanang lugar. Dagdag pa rito, ang mga usapan ng mga tauhan ay ginamitan ng tuwid at natural na wika.