PARAAN NG PAGLULUTO NG CHOPSUEY.docxFull description
Florante at Laura - Alaala ng Kamusmusan (Buod)Full description
Full description
FILIPINO VI
Magandang Umaga!!!
“Mahiwaga ang balong iyan,” wika ni Eddie. “Iyan daw ay nagbibigay ng magagandang kapalaran sa mga humihiling.” “Siyanga? Paano ang paghiling? Maaari rin ba kaming humiling?” usisa ni Charito. ” Aba, siyempre naman.” sagot ni Eddie. ”Kumuha kayo ng tigatlong maliliit na bato. Pumikit kayo, ihulog ang maliliit na bato kasabay ng inyong paghiling. Nagsikuha sila ng maliliit na bato. ”Ako ang unang hihiling,” sabi ni Annie. Balong mahiwaga! Balong malalim! Pakinggan mo aking hiling; Sana sa paglaki ko, maging doktorang ubod-galing upang lahat ng may sakit ay gumaling.” Palakpakan ang magkakaibigan. “Ako naman ang hihiling,” sabi ni Edward. Balong mahiwaga! Balong malalim! Pakinggan din sana ang aking hiling; Sana magkaroon din ako ng ganitong looban. Malawak, luntian, at sagana sa halaman.” Natanaw ni Eddie ang lola niya. Dala na ang kanilang tanghalian. Matagal pang mangyari ang mga hiling ninyo. Ako naman ang inyong pakinggan,sabi ni Eddie. Balong malalim, tubig na malinaw! Ang aking hiling ay iyong pakinggan; Sana kami’y pakalooban ng mainit-init at masarap na masarap na pananghalian.” At narinig nila si lola. “O, mga bata, halina kayo,” anyaya ni lola sa mga bata. “Nakita na ninyo. Ibinigay agad ang hiling ko,” natatawag sabi ni Eddie.
sagana payak mainit-init ubod-galing
mahiwaga malalim hugis-puso masarap na masarap
sagana sa halaman payak na pagkain mainit – init na pagkain masarap na masarap na pagkain mahiwagang balon malalim na balon hugis-pusong balon ubod – galing na doktor
Ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng mga salita? Narito ang iba pang halimbawa.
A hinog likas berde bihira sariwa
B makatao luntian mahirap palatawa kaysaya
C manipis-nipis maliit-liit tuwang-tuwa putol-putol tambak-tambak
D hubog-kandila lakad-pagong ngiting-aso boses-ipis batang-lansangan
Ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng mga salita? Narito ang iba pang halimbawa.
A hinog likas berde bihira sariwa
B makatao luntian mahirap palatawa kaysaya
C manipis-nipis maliit-liit tuwang-tuwa putol-putol tambak-tambak
D hubog-kandila lakad-pagong ngiting-aso boses-ipis batang-lansangan
Ang mga pang-uring panlarawan ay may apat na kayarian o pagbubuo. Ang mga ito ay: 1. Payak- binubuo ng salitang – ugat 2. Maylapi-nilalagyan ng panlapi ang salitang -ugat 3. Inuulit-inuulit ang salitang – ugat o buong salita 4. Tambalan – binubuo ng dalawang salita
Gawin:
Nangunguna ang Palawan sa mga lalawigan sa bansa sa pagkakaroon ng pinakamalaking hayop sa Pilipinas. Sa Palawan matatagpuan ang ibong tabon. Napakalaki ng itlog nito na mahuhukay sa mga dalampasigan. Higit na malaki ito sa itlog ng manok at pato. Dito rin makikita ang mga hayop na walang katulad gaya ng pilandok, tapiloc, at tandikan.
A. Isulat sa sagutang papel ang kayarian ng panguring nakasaungguhit sa pangungusap. Maylapi ______________ 1. Masisipag ang kabataan sa kabilang ngayon . Inuulit ______________ 2. Madami-dami din ang dumalo sa aking kaarawan. Payak ______________ 3. Sagana sa pagkain ang mga bukirin . Tambalan ______________ 4. Nagkalat ang mga batang-lansangan sa kalye ngayon. Payak ______________ 5. Payapang pamumuhay ang nais ko. Tambalan ______________ 6. Usad-pagong ang sasakyan dahil sa masikip na daloy ng trapiko. Maylapi ______________ 7. Isang masarap na tanghalian ang iniluto ni Nanay. Inuulit ______________ 8. Tuwang – tuwa ang mga bata. Payak ______________ 9. Busog silang lahat. ______________ 10. Masaya silang lahat. Maylapi
B. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pang uri :
1.pagkaligaw sa isang lugar 2.pagsakay sa eroplano o tren 3.pagkawala ng bag o gamit 4.pagkakita sa isang aksidente sa daan 5.pagkapahiya sa isang handaan
Takdang-Aralin
Sumulat ng 5 pang-uring magkasingkahulugan at 5 panguring magkasalungat