JACOSALEM, John Paul M. 2013 - 14795
PI 100 - WFR 1 Dr. Nilo S. Ocampo
Panunuring Aklat : Etikang Tagalog: Ang Ikatlong Nobela ni Rizal
I.
Alamin ang layunin ng may-akda at tagasalin at sabihin kung paano o hindi ito natupad o naangkupan.
Ayon kay Rizal, kanyang ang isinulat ulat ang akda kda sa pagna gnanais ais na pumak umakssa sa eti etika - sa mga mga gawi gawi’t ’t ugal ugalii ng mga mga Pili Pilipi pino no.. Hind Hindii katu katullad ng kany kanyan ang g dal dalawan awang g higi higitt na tany tanyag ag na nob nobela, ang ang Noli at ang Fil Fili, and pan pangatl atlong nobela ay hindi gaano anong gaga agawing sentro ang ang pul pulitik itikaa o relih elihiy iyon on.. Mith Mithiiin ni Riza Rizall na magi aging masay asaya, a, mapa mapanu nudy dyo o at mata matala lass ang ang kanyang pangatlong kanyang pangatlong nobela na siyang pupukaw sa emosyon ng mga Pilipino. Ang palagay ng est estudyante nte sa kun kung ano ang layun yunin ng may-a y-akda kda at tagasalin ay ang itaas ang kamalayang pansarili ng mga Pilipino. Sa kaso ni Rizal, ito ay ang pagtalakay sa mga etika ng mga Pilipino gamit sana ang pambansang wika at sa kaso ng tagasalin, ang paggamit ng sariling wika tungo sa paglimbag. Dada Dadala lawa wa laman amang g ang ang kar karakte akterr na Espa Espany nyol ol sa kwen kwento to at ito ay dahi dahill ang ang gus gustong tong bigyang pansin ng akda ay ang mga pag-uugali at pagkilos ng mga Pilipino sa kwento. Ang akda ay isinulat para sa mga Pilipino sapagkat ngayon ay ang pakay ni Rizal ay isan isang g repo reporm rman ang g pang pang-i -ind ndib ibid idwa wall - na maki makita ta ng mga mga Pili Pilipi pino no ang ang mga mga kapu kapuna na-p -pun unan an sa mga asal at pag-iisip nila at iwaksi ang mga ito; makita ang mga mabubuting gawi at sila sila’y ’y ipag ipagpa pattuloy uloy.. Ali Alinsun nsunod od sa sulat ulat ni Riza Rizall na “ Ang parang ng paglalabanan ay ang Filipinas: doon tayo magtatatagpo.” magtatatagpo.” , dina dinada dala la ni Riza Rizall ang ang katu katung ngku kula lan n ng pagb pagbab abag ago o sa bawat isa niyang kabayan. Ang pagsalin naman sa wikang pambansa ay alinsunod sa mithiin ni Rizal na mapa mapallagan aganap ap ang ang pagg paggam amiit at pagk pagkab abih ihas asaa ng wika wikang ng pamb pamban anssa. Ayon Ayon sa puna puna ni Riza Rizall, ang mga Pilipino ay kusang loob na nagnanais na matuto ng mga wikang banyaga, partikular na ang wikang Espanyol. Ani niya, kabaligtaran ito ng dapat na mangyari. Ang paggamit ng sariling wika ay nagpapatibay at nagpapalago sa ating kaalaman at sa
kasarinlan natin bilang isang bansa. Si Rizal, na nakalibot na sa buong mundo, mismo ay nagsabi na “hindi na ako sanay magsulat sa Tagalog.” Nagbanggit siya ng mga halimbawa ng mga bansa tulad ng Russia o ng Alemanya na pinigil ang paggamit ng mga wikang pambansa ng kanilang mga sinakop na bansa. Ang paggamit ng sariling wika ay parte ng pagkakaroon ng tunay na kalayaan at ang pagsalin ng akdang ito sa Filipino ay patunay ng kagustuhang paunlarin ito. Ang paraan ni Rizal na paggamit ng mga metapora para sa pagsasalamin ng mga pangyayaring kasalukuyan ay makikita sa akda subalit kung ito ba ay naging epektibo ay hindi masasabing buong-buo. Bagamat naging maganda ang pagkakapuna ni Rizal sa mga etika ng mga Pilipino, ito ay maaring hindi maging malinaw sa pangkariniwang Pilipino na sila ang tinutukoy sa akda. Maaring maging mababaw ang suri sa akda at hindi maaabot ang nais na kamalayang pansarili na minimithi ng manunulat at ng tagasalin. Maari rin naman na maging mulat ang mambabasa sa tinutukoy ng akda ngunit itanggi na sila ay may mga hindi tamang gawi. Upang matupad ang layunin ng may-akda at tagasalin, tama ang unang hakbang na paggamit ng wikang pambansa ngunit ito ay kailangan sabayan ng angkop na gabay at pagkamulat ng isip upang matupad ang repormang indibidwal na ninaais para sa bawat Pilipino.
II.
Sabihin kung paano ito kaugnay o hindi sa ating kursong pinag-aaralan at sa pagkasalukuyang sitwasyon.
Ang akda ay kaugnay ng ating kurso dahil makikita rito kung sino ba at ano ang mga katangian ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Sa pagtutulungan ng may-akda at ng tagasalin ay nakikita ang malasakit ni Rizal para sa Inang Bayan at ang kanyang kamalayan sa kung ano ang kinakailangan upang maging tunay na malaya ang mga Pilipino. Binibigyang halaga ni Rizal na ang parang ng paglalabanan ay nasa Pilipinas, na ang gamot ay dapat dinadala at inilalapit sa maysakit at nararapat lamang na tayo mismo
ay tumungo at maging parte ng laban para sa ikalalaya ng bansa at ng mga kababayan natin. Isa pang pinapaksa ng akda ay ay halaga ng paggamit at ng pagtangkilik sa ating wikang pambansa. Ito ay lalong napapanahon sapagkat makikita natin kung paano pinagkakaitan ng malasakit ang ating wikang pambansa ng ating mga pinuno at mga lider mismo. Mga matalas na halimbawa ay ang pagnanais ng CHED na tanggalin ang mga Filipino subjects sa kurikulum, ang implementasyon ng mga “ English Only” na polisiya sa mga paaralan. Kagaya ng mga Pilipino sa akda ni Rizal na napakataas magbigay halaga sa mga gawain, asal at opinyon ng Kura ng Espanyol, gayon pa rin ang nakakalungkot na sitwasyon sa ating lipunan ngayon. Makikita natin na ang pag-unlad ng bayan natin ay nahahadlangan dahil mas tinatangis natin ang lahat ng bagay na banyaga. Masyado nang nanuot sa ating mga buto ang kolonyal na pag-iisip at ito ang humaharang sa tunay na paglaya natin bilang isang bayan. Maging si Rizal ay hindi kaila dito, kagaya ng kanyang karanasan sa barko kung saan malaya niyang nakakausap ang mga banyagang Aleman, Pranses, at Ingles ngunit hindi magkaintindihan ng isang kakabayang bisaya. Ang pagkakaparehas ng lebel ng tingin sa pambansang wika sa panahon ni Rizal, sa kanyang mga akda, at sa pagkasalukuyang sitwasyon ay isang nakakalungkot na katotohanan na napakahalaga ng kursong ito sa pag-angat sa ating pagkakakilanlan.
III.
Hanapin/tuklasin sa nobela ang mga sumusunod A. Jose Miguel Espiritu/Mark Darius Mendoza - mga estudyante ng musika Dominique Joan Bautista/Jonel Mico Bautista - baptismo, isang sakramento ng
simbahan na maaring ibigay o hindi ng isang pari sa mga lumalapit sa kaniya; ito ay simbolismo ng kanilang kapangyarihan gaya na lang ni Padre Agaton
B. Katangian ng wikang pambansa (aktwal at desiderata)
Si Rizal ay ipinakita na ang wikang pambansa ay dapat na sinasalita at ginagamit. Ang kanyang nais ay ang isulat ang akda sa wikang pambansa(desiderata) ngunit
dahil hindi na siya dalubhasa rito, siya na lamang ay nagsulat sa wikang Espanyol (aktwa). Ito ay nagpapakita ng isang katangian ng wika na dapat itong ginagamit kung hindi ay mawawala ang pagkadalubhasa rito at hindi mabubuhay ang wika.
C. Iba’t ibang anyo o antas ng pananamit
-
Kapitana Barang: Ang kanyang suot ay halos puti at napapalamutian ng mga pinong burda at makikinang na alahas.
-
Kapitan Panchong: Siya ay nakapantalon, nakapulupot ang kurbata sa kuwelyo ng kamisa, nakasuot ng frac, may baston at panyong sedang napakarikit sa pagkaburda, nakapantalon, nakapulupot ang kurbata sa kuwelyo ng kamisa.
-
Anday: Kapansin-pansin ang sulsi at tagpi ng kanyang kasuotan.
-
Cecilia: Siya ay nakapanluksa, may talukbong na panyuwelong tulle na bahagyang nakatatakip sa kanyang mukha at isang itim na rosaryong nakapulupot sa kamay ang tanging suott na alahas
-
Manang Sebya: Siya ay may 3-4 na eskapularyo sa kuwelyo at halu-halong sintas at kuwintas at kapansin-pansin ang mga sulsi at tagpi ng kanyang kasuotan.
D. Formula sa pagkakautang ni Anday
Si Anday ay may utang na PHP 70.00 at ang kanyang sweldo kada taon ay PHP 3.88: P hp 70.00 na utang P hp 3.88 na sweldo kada taon
= 18 taon ng paninilbihan
Kung ang utang ay naging PHP 74.50 at ang kanyang sweldo kada taon ay PHP 3.88 pa rin: P hp 74.50 na utang P hp 3.88 na sweldo kada taon
= 19.20 taon ng paninilbihan
E. Sino ang kumanta nito at bakit: Oh Cecilia, binibiyak mo ang puso ko... Niyuyogyog mo kumpyansa ko araw-araw... Oh Cecilia.... Nakaluhod na ako, nagmamakaawa...
Sa tingin ng estudyante, ang kumanta ng Cecilia ay si Isagani ang kumakanta nito sapagkat siya ay mapagtatantong mayroong pagtingin kay Cecilia ngunit hindi sila magkakatuluyan ni Cecilia sa huli. Ani ni Don Fermin,“iba ang pipitas ng prutas” at ito ay patungkol sa kawalan ng pag-asa ni Isagana kay Cecilia. Malamang sa malamang, kay Padre Agaton mapupunta si Cecilia dahil ito ay napakamakapangyarihan at maimpluwensiya, dahilan para mabiyak ang puso ni Isagani.
F. Subuking laruin ang tuktukan, o ibang pang larong sangkot ang itlog. Parang experiment, ibahagi ang haypotesis, proses at result.
Haypotesis - Ang itlog sa ilalim ang mabibiyak sapagkat ang mga laman nito, kung ito ay hindi palsipikadong itlog, ay mapupunta sa ilalim na bahagi ng itlog at ang maiiwan sa taas ay tanging ang balat. Ang itlog naman sa taas ay nasa ilalim na bahagi napupunta ang laman. Ibig sabihin kapag itinuktok sa itlog sa ilalim, ito ay mas malakas dahil ang tumutuktok ay hindi lamang balat kung hindi ay balat at ang bigat ng laman ng itlog.
Proseso - Kumuha ng dalawang itlog na hindi palsipikado at kilatisin na parehong silang magkasingtibay. Ituktok ang dalawang itlog ayon sa paraan sa akda at tignan kung aling itlog ang mababasag.
Resulta - Ang itlog na nasa ilalim ang nabasag.