Ang nobelang El Filibusterismo, Filibusterismo, karugtong karugtong nang naunang nobelang nobelang Noli Me Tangere, ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas, Jose Rizal. Ang pagkamatay ng tatlong paring sina Don Marciano Gomez, Don Jose Burgos at Don Jacinto Zamora ang nagbigay inspirasyon kay Rizal sa pagsulat ng El Filibusterismo kaya naman inihahandog niya ito sa kanila. Tulad ng Noli Me Tangere, ito ay nakasulat sa Kastila. Nakompleto ni Rizal ang nobela noong
Marso 29, 1891,
sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ang aklat noong Setyembre 22, 1891. 1 Sa nobela, naging malaki ang ginampanang papel ng mga katanungan ukol sa posibilidad ng rebolusyon. Sinisimbulo ang mga katanungang ito ng karakter ni Simoun, ang pangunahing tauhan sa nobelang nagbalik sa Pilipinas matapos usigin ng mga awtoridad bilang dating si Don Crisostomo Ibarra. Dalawa ang misyon ni Simoun sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas: Una, iligtas o bawiin si Maria Clara mula sa kanyang kumbento at, ikalawa, maghiganti sa mga umapi sa kanya. Sinubukan niyang gawin ang dalawang ito nang sabay sa pamamagitan ng pagpapasiklab ng isang rebolusyon, subalit hindi siya nagtagumpay dahil, sa mismong araw na dapat ay mag-uumpisa ang kaguluhan, nalaman niyang patay na ang dati niyang kasintahang si Maria Clara. Agad na nawalan ng layunin si Simoun para sa kanyang rebolusyon at, sa gayon, naudlot ito. Makalipas ang panahon, sinubukang mag-umpisa muli ng kaguluhan si Simoun. Wala na siyang iba pang gusto kung hindi maghihiganti dahil sa kasawiang dinanas ng dahil sa mga Espanyol. Nagbalak si Simoun ng panibagong rebolusyong mag-uumpisa sa hudyat ng pagsabog sa pook ng pagtitipon para sa kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez. Ang nagsilbing simbulo para sa panibagong rebolusyong ito ay ang nitro-gliserinang nakakubli sa lamparang regalo ni Simoun para sa bagong kasal na siyang ihahatid ng alalay ni Simoun na si Basilio. Pero sa kanyang kamalas-malasan, naudlot din ang rebolusyong ito ni Simoun dahil, nang malaman ni Isagani ang tungkol dito, agad na inagaw ni Isagani ang lampara para iligtas si Paulita. Hindi sumabog ang
gusali, natuklasang si Simoun ang may pakana, at nabaril si Simoun habang tumatakas. Naging isang malaking katanungan kung bakit hindi hinayaan ni Rizal na matuloy ang dalawang tinangkang rebolusyon ni Simoun. Sa nobela, nang malaman ni Simoun na patay na si Maria Clara, hindi natuloy ang unang rebolusyon; nang dahil sa pag-ibig din ni Isagani para kay Paulita, inagaw niya ang bombang lampara at hindi natuloy ang ikalawang rebolusyon. Maliwanag ang naging mensahe ng mga pangyayaring ito sa nobela. Hindi puwedeng nakabatay ang rebolusyon sa simpleng emosyon. Kailangang may mas malalim itong dahilan at kailangang naiintindihang mabuti ng mismong mga puwersa at kasamang tao sa pag-uumpisa ng himagsikan ang dahilan ng kanilang pag-aalsa. Tulad na nga rin ng sabi ni Padre Florentino kay Simoun sa bandang huli ng akda:
“
Ginoo, kung hindi pa handa ang ating bayan, kung inilalahok lamang sila sa pakikibaka sa pamamagitan ng panlilinlang o pamimilit, walang malinaw na pagkaunawa sa kanilang ginagawa, mabibigo ang kahit pinakamatalinong balak.
2
”
Hinayaan din niyang magsalita si Padre Florentino sa pangwakas niyang kabanata ukol sa rebolusyon:
“
Ang karangalang maging tagapagligtas sa isang bayan ay hindi dapat
makamtan ng isang nagdagdag sa kapahamakan nito. Inakala ninyo na maaaring mapadalisay at mailigtas ng isang krimen at kawalang-katarungan ang isang nabatikan at nabaluktot dahil sa isang krimen at kawalang-katarungan. Mali. Walang nalilikha ang poot kundi mga halimaw; ang krimen, mga kriminal. Pag-ibig lamang ang tanging nakapagliligtas! Kung lalaya sa hinaharap ang ating bayan, hindi ito dahil sa bisyo at krimen, sa pagsira sa kaniyang mga anak, sa
paglinlang sa ilan, sa pagbili sa iba. Hindi. Ang katubusan ay nangangailangan 3
’”
ng kabutihan, kabutihan, pagtitiis at pagtitiis, pag-ibig
Ngunit, paano kung hindi na emosyon ang nagpapaandar sa rebolusyon bagkus ang tunay na panlipunang kamalayan ng mga naaapi, nasasantabi, at walang kapangyarihan? Papaburan ba ni Rizal ang rebolusyon? Mula sa kasaysayan, alam nating tinanggihan ni Rizal ang pamumuno, pagsali, o kahit pag-endorso man lamang sa rebolusyon ng KKK nang ipadala ni Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan kung saan ipinatapon si Rizal. 4 Simple ang naging dahilan: Hindi handa ang mga kawal ni Bonifacio dahil hindi sasapat ang armas nila laban sa armas ng mga Espanyol. 5 Paano kung handa na ang mga kawal para sa digmaang bayan? Papaburan na ba ni Rizal ang rebolusyon sa wakas? Ayon kay Bonifacio Gillego (1990) sa kanyang pag-aaral sa rebolusyonaryong diwa ni Jose Rizal sa Requiem for Reformism: The Ideas of Rizal on Reform and Revolution, bagamat hindi agarang tinatanggihan ni Rizal ang rebolusyon, tinitignan
niya lamang ang instrumentong ito ng panlipunang pagbabago bilang pinakahuling sandata. Ang unang sandata ay nararapat na mapayapang reporma pa rin.
6
1. http://www.joserizal.ph/fi01.html 2. Rizal, J. (1891). El Filibusterismo. (V. Almario, Trans.) Quezon City: Adarna House, Inc., pahina 301 3. Ibid, pahina 298 4. Agoncillo, T. (1956). The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan. Quezon City: University of the Philippines Press.
5. Ibid 6. Gillego, B. (1990). Requiem for Reformism: The Ideas of Rizal on Reform and Revolution. Manila: Wall Street Communication & Marketing, Inc.