Ang mga mananaliksik ay gumamit ng metodong pagtatanong-tanong sa pananaliksik ukol sa catcalling. Ang mga kalahok ay ang mga estudyante sa loob ng Intramuros. Ang layunin ay ang malaman kun…Full description
pHILIPPINEFull description
Isang masuring pananaliksik ukol sa Depresyon at Pagkabahala sa mga mag-aaral ng Far Eastern University-Manila.Full description
WIKA
Filipino SHS G11
SanaysayFull description
Ang Wika at ang Linggwistiks- Gawain sa Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika.Full description
Full description
PAGHIHIKAYAT
For Fil
UKOL SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Zeus A. Salazar
ANG WIKA AY IMPUKAN-KU IMPUKAN-KUHANAN: HANAN: Bakit naging impukan –kuhanan ang wika? 1. Ito ay isang malaking sisidlan ng kasaysayan na nagtatakda pagkakakilanlan o maaring sagisag kultural ng isang bayan o estado. Kung titignan natin ang pananaw ng pagyabong ng wika, dahil ito sa mga salik salik kultural, historikal at heograpikal na nakaimpluwensya dito. 2. Ang wika ay batis-ipunan at salukan ng kaisipan. Dahil sa malawak na kasaysayan ng isang bansa naipapaloob sa wika ang mga naganap sa nakaraan. Hal. Kung titignan natin ang malawak na kasaysayan ng Pilipinas, nahubog ang ating wika. Sa loob ng mahigit tatlong daang taong panankop ng mga kastila malaki ang naging impluwensya nito sa paghubog ng ating wikang pambansa, dumating at nanakop ang mga Amerikano at doon naging ingles ang wikang pambansa, sa pagpasok ng komonwelt, nangarap si Manuel L. Quezon ng isang wika na magbibigkis sa damdaming makabayan. Itinakda ang tagalong bilang wikang pambansa, ngunit marami ang nagalit at nagsabi na hindi naman daw ito ang sumasalamin sa wikang pambansa, binago at ginawang PILIPINO, ngunit marami pa din ang nag protesta dahil ito ay nakabatay pa din sa Tagalog at maraming artipisyal na salita ang ginawa ngunit wala namang gustong gumamit, tulad ng salimpapaw, salumpuwit, salong suso. Upang matugunan ang problema, Binago ang wikang pambansa at ginawang Filipino ay nauukol para maging isang magandang kombinasyon ng iba’t ibang salita, konsepto, at tono ng maraming mga salitang ginagamit sa Pilipinas. Nakabase pa rin ito sa Tagalog pero marami itong hiram na mga salitang dayuhan, lalung-lalo na sa Ingles.
Muli, ang wika ay isang impukan-kuhaan ng malawak na kaisipan at konsepto ng wika na bunga ng mayabong at malawak na kasaysayan nito na patuloy na umuunlad at lumalago at saka ipinatitibay.