Virgilio Enriquez, From Colonial to Liberation Psychology: The Philippine Experience (Manila: De La Salle University Press, 1994), 47.
Ibid., 233.
Reynaldo Ileto, " The "Unfinished Revolution" in Philippine Political Discourse," Southeast Asian Studies vol. 31, no. 1 (June 1993): 64.
Pedro Laktaw, Diccionario Tagálog-Hispano (Manila: Islas Filipinas, 1914), 417.
Joaquín de Coria, Nueva Gramática Tagalog, Teórico-Práctica (Madrid: Impr. de J. A. García, 1872), 81.
Consuelo Paz, Ginhawa, Kapalaran at Dalamhati: Essays On Well-Being, Opportunity/destiny and Anguish(Quezon City: University of the Philippines Press, 2008), 5.
Ibid., 6.
Sofronio Calderón, Diccionario Ingles-español-tagalog: (Con Partes de La Oracion y Pronunciacion Figurada) (Manila: S. Martinez, 1915), 21.
Ibid., 516.
V. M. de Abella, Vade-Mecum Filipino, O, Manual de La Conversación Familiar Español-Tagalog: Sequido de Un Curioso Vocabulario de Modismos Manileños.vade-Mecum Filipino, O, Manual de La Conversación Familiar Español-Tagal (Manila: C. Miralles, 1874), 77.
Frank Ringgold Blake, A Grammar of the Tagálog Language, the Chief Native Idiom of the Philippine Islands,(New Haven: American oriental society, 1925), 308.
Francisco Dementrio, Myths and Symbols Philippines (Quezon City: Ateneo de Manila University, 1980), 228-31.
Damiana Eugenio, Philippine Folk Literature: The Epics (Quezon City: University of the Philippines Press, 2001), 1-2.
Ibid., 23-24.
Ibid., 224.
Jose Rhommel Hernandez, "Reduccion: Ang Pag-Uwi Sa Diskurso Ng Pananakop at Pakikipagtunggali,"Malay 23, no. 1 (2010): 76.
P. Juan de Plasencia, Costumbres de Los Tagalos (Manila: Chofre, 1676), 592-603
Vicente Rafael, Contracting Colonialism: Translation and Christian Conversion in Tagalog Society under Early Spanish Rule (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1988), 171.
Ibid., 172.
Ibid., 173.
Consuelo Paz, Ginhawa, Kapalaran at Dalamhati: Essays On Well-Being, Opportunity/destiny and Anguish(Quezon City: University of the Philippines Press, 2008), 48.
Adrian E. Cristobal, The Tragedy of the Revolution (Makati City: Studio 5 Publishing Inc., 1997), 40.
Ibid., 46.
Ibid., 49.
Ibid., 18.
Ibid., 19.
Isagani Medina, " Cavite Before the Revolution 1571-1896," CSSP Publication (1994): 157.
Jose Rhommel Hernandez, " Don Telesforo Canseco: Kasaysayan ng Paghihimagsik ng mga Pilipino sa Caviite," Philippine Dominican Center of Institutional Studies (1999): 61.
Emilio Aguinaldo, Gunita Ng Himagsikan (Manila: Virtual Printer, 1998), 71-72.
Jose Rhommel Hernandez, " Don Telesforo Canseco: Kasaysayan ng Paghihimagsik ng mga Pilipino sa Caviite," Philippine Dominican Center of Institutional Studies (1999): 65.
Ibid,. 67.
Ibid,. 71.
Ibid., 262.
Ibid., 263.
Ibid., 265.
Ibid., 267.
Ibid,. 269.
Cornelio R. Bascara, " Stories from the Margins: The Other Narrative of the Philippine-Spanish Revolution," University of Santo Tomas Press (2002): 43.
William Dale Stephens, "The Roots of Social Protest in the Philippines and Their Effects On U.s.-R.p. Relations" (master's thesis, NAVAL POSTGRADUATE SCHOOL, 1990), 12, accessed November 15, 2015,
Ibid., 13.
James Francis Warren, The Sulu Zone, 1768-1898: The Dynamics of External Trade, Slavery, and Ethnicity in the Transformation of a Southeast Asian Maritime State (Quezon City: New Day Publishers, 1985), 3--15.
1
Kaginhawaan at Himagsikan: Ang Daloy at Ugnayan ng Kaginhawaang Pilipino at Simbahang Katoliko sa Himagsikang 1896
G. Chen V. Ramos
Masterado ng Sining sa Kasaysayan
Pamantasang De La Salle-Maynila
Introduksyon
Ang pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino, mabuti man o masama ay sumasalamin sa hangarin na makamtan ang matagalang kaginhawaan na ipanaglaban noong pa mang bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. Hindi maipagkakaila na ang paghahanap sa kaginhawaan ay nakaugat di lamang sa mga kaugalian ng mga Pilipino kundi maging sa malalim nitong relasyon at paniniwala na maibibigay ng mga diyos at diyosa ang paggabay sa Pilipino upang matagpuan ang kanilang kaginhawaan sa kanilang paglalakbay. Ang pagkakaroon ng malalim na pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa kanyang kapwa at diyos ay tumutulong upang maunawaan niya ang konsepto ng pagbibigay-kabuluhan sa kulturang nakaugat sa kanyang pagiging Pilipino.
Ang pakikipagkapwa ay kaugaliang Pilipino na hanggang sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy upang maunawaan ang halaga at gampanin ng kanyang sarili sa panahon na kanyang kinabibilangan. Ang pakikipagkapwa ay isang mas malalim na pakikipag-ugnayan sa kapwa tao na ipapantay nito ang kanyang sarili sa taong gusto nitong makilala upang magkaroon ng pagpapasa at pag-uunawaan ng kanilang kaugalian at kultura. Kaya't hindi maitatanggi na ang pagpasok ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nangangahulugan ng pag-uugnay ng kanilang kultura at paniniwala sa mga Pilipino na ang kaisipan ay nakakabit sa paniniwalang Katolisismo, kung saan ay nagkaroon ng bagong kahulugan sa kaginhawaan na nakabatay sa dayuhang pananaw.
Sa paglipas ng taon ng kanilang pangongolonya ay hindi maitatanggi na malaki ang naging papel ng Simbahang Katoliko upang mabuo ang paniniwala at pananaw ng mga Pilipino sa nararapat nitong kaginhawaan, ngunit maraming mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa kanilang pilit na pagbabago at ang Himagsikang 1896 ay magsisilbing produkto ng pagnanais na kumawala sa pagmamalupit at pagwawalang-bahala sa kaginhawaang Pilipino na kanilang ipinaglalaban.
Si Dr. Jose Rizal ay isa sa mga pangunahing Pilipino na nanguna upang imulat ang mga Pilipino sa mga pangyayari at suliraning panlipunan noong panahon ng Espanyol. Ngunit ang paraan ng kanyang pakikipaglaban na gamit ang pluma at kaisipang liberal ay bunga ng kanyang edukasyon mula sa mga Dominikano at Heswita. Ang kapaligiran at kaisipan noong 19 daantaon ay produkto ng edukasyong dala ng mga Espanyol na naging malaki ang epekto upang mabuo ng mga Ilustrado ang kanilang kaisipan sa himagsikan at kalayaan.
Marami sa mga nakasulat tungkol sa panahon ng Espanyol ay nakatuon lamang sa masamang ambag at pagbibigay ng Simbahang Katoliko ng suliranin sa mga Pilipino lalo't marami sa mga ito ang nagsabi na maituturing na walang puso ang mga paring Kastila sa mga Pilipino at ayaw nito sa liberal na ideya at paniniwala. Ang akda ni Teodoro Agoncillo at Oscar Alfonso na A Short History of the Filipino People ay nagtakda na ang totoong kasaysayan ng mga Pilipino ay nagsimula noong 1872 kung saan pinatay ang tatlong Pilipinong paring martir, sina Gomez, Burgos at Zamora ng pamahalaang Kastila na nagbunsod upang maghimagsik ang mga Pilipino. Ang pangyayaring ito ay naghayag ng paglagpas ng mga Kastila bilang isang bansa na magbibigay ng sibilisasyon at relihiyon patungo sa pagpigil nito sa pag-usbong muli ng nakaraang kultura at kaginhawaan ng mga Pilipino. Dahil sa ganitong uri ng historiograpiya ay naging masama ang pagtingin ng mga kasalukuyang mga mambabasa ng kasaysayan ng Himagsikan at ang papel ng Simbahang Katoliko sa Himagsikan na hindi sinaalang-alang ang kaugnayan ng Kaginhawaang Pilipino sa labanang ito.
Ngunit ang 333 taon na pananatili ng mga Espanyol sa Pilipinas ay hindi lamang masasabi na puro paghihirap ang naging ambag sa Pilipinas kundi nakapagdulot at nakaimpluwensiya rin ito sa pagpapayaman ng kultura, paniniwala sa iisang diyos, pagsasaayos ng sistema ng pamahalaan, pagbubuklod ng mga barangay o reduccion at pagpapalawig ng ekonomiya ng Pilipinas sa iba pang panig ng mundo. Ang ganitong mga uri ng progreso ng kabihasnang Pilipino kasabay ang mga Espanyol ay di maitatangging isang paraan upang mas maunawaan pa ng mga Pilipino ang kaginhawaan na kanilang hinahangad sa panahong iyon.
Sa pag-aaral na ito ay tatalakayin at susuriin ang daloy at ugnayan ng iba't-ibang pangyayari sa Himagsikang 1896 sa pananaw ng Simbahang Katoliko at ang naging papel nito sa pagbuo ng isang panibagong kahulugan ng kaginhawaan para sa mga Pilipino. Tatalakayin rin ng pag-aaral na ito ang daloy ng kaginhawaang Pilipino mula pre-hispaniko hanggang sa Himagsikan 1896 kung saan ito ay nagpapatuloy lamang sa kulturang Pilipino kahit sa pagpasok ng mga dayuhang konsepto. Gagamitin na halimbawa ang mga tala ni Don Telesforo Canseco upang mas maunawaan ang epekto ng edukasyon at kontribusyon ng pananaw ng Katolisismo sa paghubog ng kaisipan ng mga Pilipino sa naganap na Himagsikan. Sa huli, mauunawaan ang pagbabago at pagpapayaman ng kaginhawaang Pilipino sa daloy ng kasaysayan ay produkto ng paghahanap at pagbuo ng mga Pilipino ng isang kaginhawan na magpapatuloy sa mga darating na panahon at magbibigay ginhawa sa bayang Pilipinas.
Kaginhawaan sa Daloy ng Kulturang Pilipino
Kung bubuuin ang kahulugan ng kaginhawaan sa konsepto ng mga Pilipino ay maaring magkaroon ng iba't-ibang pagbibigay pananaw sa tunay na kahulugan nito. Maaaring suriin ang ugnayan ng kahulugan ng bawat rehiyon sa kaginhawaan upang makita ang kabuuan nitong kahulugan sa Pilipinas, na ipinapakita at ipinapaliwanag nito ang kagustuhan ng mga Pilipino sa maayos na buhay. Ang mga diksiyunaryo na nalimbang sa panahon ng mga Espanyol at Amerikano ay makatutulong upang maunawaan ang konteksto at kahulugan ng kaginhawaan sa Pilipinas sa panahong nabanggit.
Ayon kay Laktaw ang kaginhawaan ay tungkol sa mga gawain o ideya na makabubuti sa tao . Pinatotohanan ni Joaquín de Coria ang naunang kahulugan, na ang kaginhawaan ay isang gawain na makapagbibigay ng ginhawa sa tao at tutulong upang ayusin ang kalagayan ng kanilang bayan o bansa. Sa pag-uugnay ni Paz ng kahulugan nito sa iba't-ibang rehiyon, nabuo nito ang isang sentral na kahulugan. Para sa mga Tagalog, ang salitang kaginhawaan o ang pagiging maginhawa ay nangangahulugan ng pagiging mayaman, mapayapa at pagkawala ng malalim na suliranin. Para sa ibang rehiyon katulad ng Hiligaynon, Romblomanon, at Sorsoganon, ang kaginhawaan ay maginhawa; sa Sebwano, moginhawa; sa Aklanon at Waray, guminhawa; sa Kapampangan, mangisnawa; at sa Sambal manginanawa na may kahulugan na "kaluwagan". Makikita na ang salitang tagalong na Kaginhawaan ay may kaugnayan sa iba't-ibang lingguwahe ng Pilipinas ngunit nagkakaisa sa ibig nitong patungkulan, ang pagkakaroon ng isang maayos na pamumuhay. Ang salitang Kaginhawaan ay repleksyon ng kulturang Pilipino sa pagbibigay nito ng halaga sa kanyang buhay, kaya hindi katakataka na ang konsepto ng kaginhawaan ay namamayani sa kulturang Pilipino.
Sa pagpasok ng mga Espanyol, sila ay nagpakilala ng bagong salita na magiging katumbas ng kanilang kaginhawaan, ang Alivio na sinasabing mayroong salitang katumbas ng kaginhawaang Pilipino. Ayon sa Diccionario Ingles-Español-Tagalog, mula sa salitang allayment bilang ingles at kaginhawaan para sa Pilipino, ipinapakita nito ang pag-uugnay ng kahulugan ng kaginhawaan ng Espanyol sa Pilipino na mamamayani sa panahong iyon. Minsan ay ginagamit rin ang Alivio bilang salita na nagpapakita ng kanilang kaginhawaan pagkatapos ng isang nakakapagod na pagtatrabaho. Iniuugnay rin ito sa pag-inom ng tubig kung saan ito ay nagpapakita ng daloy ng kaginhawaan mula sa kalikasan tungo sa katawan ng tao. Ngunit kadalasan ay nakaugat ang kahulugan nito sa mga nararamdaman ng mga Pilipino sa kanyang paghihirap na nararanasan. Ayon sa tala ni De Abella, ang paghihirap ng mga tao ay resulta ng mga masasamang mga gawain na nagbibigay ng pasakit sa mga tao at ang diyos na si Hesus ang makapagbibigay ng kaginhawaan sa mga naniniwala sa kanya.
Mula naman sa pananaw ng Amerikano, ang salitang Ginhawa ay katumbas ng salitang "be better" kung saan makikita na katulad lamang ang ibig sabihin nito sa kahulugan ng mga Pilipino at Espanyol sa kaginhawaan. Kumpara sa mga Espanyol, naging mas marami ang pagbibigay-kahulugan sa Kaginhawaan ang mga Amerikano dahil na rin sa materyal nitong pagtingin sa Kaginhawaan. Sa mga diksyunaryo na nagpakahulugan sa salitang Kaginhawaan, maaaring mabatid na nagkakaisa ito sa isang kabuluhan na ang kaginhawaan ay mga gawain o isang uri ng pag-iisip na magbibigay sa mga tao ng isang mabuting pananaw o maayos na estado para sa ikabubuti ng kanyang bayan at sarili. Ang ganitong pananaw ng mga Pilipino sa kaginhawaan ay matatagpuan rin sa mga Epiko ng bawat rehiyon sa Pilipinas.
Ayon kay Dementerio, S.J., Una, ang mga epiko ay nagpapakita ng mga matagal na kultura ng isang lahi na ang sentro ay ang kanyang kalinganan bilang isang tao. Ikalawa, nagpapakita ng buhay na paniniwala sa mga ganitong uri ng tradisyon. Ikatlo, ang mga tradisyon na ito ay nabuo mula isang tao o grupo ng tao na mayroong malalim na kaisipan para sa sining o tradisyon. At huli, ang epiko ay nakatuon sa mga kaugalian na nagpapakita ng pambansang kahalagahan ng kultura na makikita lamang sa grupo o taong ito. Ang epiko ay isang repleksyon ng isang malalim na tradisyon ng mga Pilipino, na maiuugat rito ang daloy ng kaginhawaan sa buhay ng mga tao sa pagdaan ng kasaysayan.
Ang Biag ni Lam-ang ay isang epiko ng mga Ilokano ay nagpapakita ng paglalakbay ni Lam-ang para sa kaginhawaan ng kanyang sarili at ng kanyang bayan. Sa pag-silang ni Namongan kay Lam-ang ay ang pagtatakda ng pagsisimula nito sa kanyang paglalakbay tungo sa paghahanap ng kaginhawaan. Sa kanyang paglaki ay naghanap ito ng ama kung saan ito ang tutulong at magtuturo kay Lam-ang upang makamtan ang kaginhawaan para sa kanyang bayan. Noong malaman nito na ang kanyang ama ay pinatay ng mga Igorot ay sinubukan niya itong hanapin upang mabigyan ng karapat-dapat na paggalang mula sa kanya. Natagpuan ni Lam-ang ang ulo ng kanyang ama sa gitna ng pagdiriwang ng matagumpay na pangangayaw ng mga Igorot. Mula rito ay pinatay niya lahat ng ito sa pamamagitan ng sibat upang makuha muli ang ulo ng kanya ama. Ang pagbawi sa katawan ng kanyang ama ay nagbuo ng isang bahagi ng kanyang kaginhawaan. Ang pagbalik muli nito sa kanyang bayan mula sa kamatayan at pagpapakasal kay Ines Cannoyan ay sumisimbolo ng walang hanggang pangtatangka na makamtan ang kaginhawaan kahit ang kamatayan ay hindi magiging hadlang para rito. Maaring ikumpara si Lam-ang sa kaginhawaang Pilipino kung saan ay mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kamatayan ay hindi nito kinalumutan ang kanyang pagkakaugat sa kanyang bayan at ang kanyang pag-uwi ay nangangahulugan ng pagbalik muli ng kaginhawaan. Ang daloy ng kanyang buhay ay daloy rin ng kaginhawaan.
Sa Hudhud hi Aliguyon ng mga Ifugaw ay nagsisimula ang epiko sa kapanganakan at paggabay ng kanyang ama na si Amtalao at kanyang ina na si Dumulao kay Aliguyon. Sa kanyang paglaki ay tinuruan nito ng kanyang ama kung paano maging isang mahusay na sundalo upang maipagtanggol nito ang kanyang bayan para sa mga nagnanais itong sakupin. Sa kanyang pakikipaglaban sa Daligdigan ay natutunan ni Aliguyon na hindi lamang pagiging malakas ang makakapagbigay ng kaginhawaan kundi ang pagkakaroon ng pagkikipagkapwa sa iba. Natutunan niya bigyan ng halaga ang kakahayan ng kanyang kalaban upang maging dahilan upang itigil ang digmaan at makipagsandugo ito para sa kapayapaan. Sa huli ay nagkaroon ng masayang buhay si Aliguyon kasama ang kanyang asawa at mga anak. Makikita ang ugnayan ng dalawang epiko sa isa't-isa na ang pagkakaroon ng pagdurusa sa buhay ay mapapalitan ng kaginhawaan kung paghihirapan ito at ang kapayapaan ang bubuo sa kaginhawaan ng isang tao.
Sa Mindanao ang epiko na Agyu: The Ilianon Epic of Mindanao ay nagpapakita ng pagkakagulo ng bansang Ayuman. Ang pagpatay sa kanilang Datu ay nangahulugan ng pagkagulo ng kanilang sistemang panlipunan. Dahil sa ganitong pangyayari ang kanilang kaginhawaan ay unting-unting nawawala. Ang pag-aalay ng kanilang buhay para sa kanilang bayan ay nagsisilbing kanilang utang na loob para sa ginawa ng kanyang bayan para sa kanyang kaginhawaan. Sa huli ay nagapi ng anak ni Agyu ang mga kalaban at sa kanilang pag-uwi ay nagpatuloy ang kanilang maayos na pamumuhay.
Bukod sa kaginhawaan ay marami rin mga pananaw ang nagbigyan ng pansin ng mga epiko na may kaugnayan sa Kaginhawaan. Ang pag-uwi ay makikita sa bawat epiko sa Pilipinas, ayon kay Hernandez ito ay ang pagbabalik sa pinaggalingang bayan na nangangahulugan na naging matagumpay ang kanyang layunin sa kanyang paglalakbay. Sa pag-uwi ay matatagpuan ang liwanag, kaginhawaan at katahimikan mula sa lahat ng karimlan, paghihirap at kaguluhan ng kanyang paglalakbay. Kaya makikita na sa isang epiko ang kanyang kapanganakan ay ang pagsisimula nito sa kanyang paglalakbay sa pagbuo ng kanyang kaginhawaan. Ang kanyang mga magulang o mga kababayan ang tutulong sa kanya upang malagpasan ang mga pagsubok kakabit ng kanyang paglalakbay. Sa huli, ang kanyang pag-uwi ay nangangahulugan ng kanyang matagumpay na layunin na makuha ang kanyang kaginhawaan at ang balik sa bayan ay magiging pagtatapos ng kanyang suliranin.
Ang paghahanap ng kaginhawaan ay hindi lamang nakakabit sa paglalakbay nito habang nabubuhay pa, ito ay nagpapatuloy hanggang sa kanyang kamatayan. Ang kamatayan ay ang paghihiwalay ng katawang lupa at kaluluwa ng isang tao kung saan magpapatuloy ang kanyang kapalaran sa tinatawag na "Kabilang Mundo". Sa mundong ito ay nagwawakas ang kapalaran ng isang tao. Kahit hinahati ng hantungan ang katawan at kaluluwa, magkaugnay pa rin ang dalawang mundo kaya't muling "binibigyang-buhay" ang mga yumao sa kaanyuan ng mga kaluluwa o anito sa kulturang Pilipino. Ayon sa mga Maranao, may mga kaluluwang nagbabantay laban sa masasamang ispiritu na maaring magdulot ng sakit o kapinsalaan sa tao. Kaya't maraming mga seremoniya ang ginawa upang hindi magkaroon ng kakambal na kaluluwa ang mga tao na makikita sa kanilang paniniwala.
Sa mga unang tala ng mga Espanyol sa pananampalataya ay naipapakita ang mayaman na kaalaman ng mga Pilipino ukol sa kabilang mundo. Ayon kay Plasencia, tinatawag ng mga Pilipino ang kabilang mundo bilang maca, na nangangahulugang paraiso o lungsod ng mga patay. Sinasabi na ang makakapunta lamang rito ay mga taong matatapang, namatay ng walang masamang ginawa sa kapwa at nagpapakita ng moralidad. Kakabit ng maca ang salitang caloualhatian kung saan ito ay nangangahulugan rin na paraiso o para sa mga katoliko ay estado ng pagpapahinga, malamin na pagtulog o panaginip at kamatayan. Sa panahon ng mga Espanyol ay ginamit nila ito upang pag-isahin ang wika ng paraiso at kamatayan sa kamalayan ng mga Pilipino. Ang pagkakaroon ng isang pakahulugan sa kamatayan ay nagpapakita ng pagkapantay-pantay ng mga tao sa Pilipinas kahit nagmula ang mga ito sa pinakamamababang estado ng lipunan; kapag ito ay namatay matatapos rin ang pagkakahati at lahat ay ituturing na anak ng diyos.
Ayon naman kay Rafael mula sa isang sermon ni Padre Juan Oliver, ang pagpabibigay ng tao ng kanyang sarili sa diyos ay nangangailangan ng pagsunod sa lahat ng kahilingan nito, bilang kapalit ay makakaasa na papapasukin ito sa bayan ng diyos at sa langit kung saan ay hindi na ito ituturing na alipin ngunit bilang anak ng diyos ama. Ang pagtingin ng mga Pilipino sa bayan ng diyos bilang isang lugar na makapagbibigay sa kanya ng kaginhawaan ay makikita sa mga tala ng mga Espanyol sa kanilang pagbibigay ng bagong relihiyon sa Pilipinas. Ang ganitong uri ng larawan ng kabilang mundo ay matatagpuan sa mga tala ni Blancas de San Jose na En alabanza de la Gloria, na ang mahirap na paglalakbay ng mga tao ay matatapos rin at ang pinakahihintay nitong araw ay nalalapit na, kung saan magkakaroon ng walang hanggang kasiyahan ang kaluluwa na puno ng paghihirap at ang bayan ng diyos ang magiging tahanan nito panghabang-buhay.
Isa rin ang tala ni Pedro Herrera sa Meditaciones sa pumapatungkol sa kabilang mundo. Ayon sa kanya, kung walang kamatayan, kasiyahan lamang ang magiging daloy ng buhay ay mayroon malaking pagkukulang sa ganitong aspeto ng buhay, ang pagkakaroon ng walang hanggang kaginhawaan ay matatagpuan lamang sa mundo ng kamatayan kung saan walang anumang paghihirap, kalungkutan at mayroon lamang na pagkakapantay-pantay.
Mauunawaan na walang pagkakaiba ang konsepto ng kamatayan sa mga tala ng mga Espanyol at nagpapakita ng malinaw na daloy ng kaginhawaan sa isang lugar kung ginawa ng diyos ang kabilang mundo upang tapusin ang paghihirap ng kanyang mga anak na naranasan habang ito ay nabubuhay pa. Makikita na ang paniniwala na makararating lamang ang mga Pilipino sa kabilang mundo sa pagsunod nito sa mga batas ng diyos ay naging laging paalala ng mga kaparian upang hindi maputol ang koneksyon ng mga Pilipino sa inaasam na kaginhawaan na ipinakilala ng mga dayuhan. Masasabi na ang ganitong uri ng ugnayan ay ginamit ng mga Espanyol upang tuluyang hawakan ang daloy ng kaginhawaang Pilipino, ngunit hindi ito mababago dahil sa malalim na pagkaunawa ng mga Pilipino sa magiging daloy ng kanyang kaginhawaan kahit sa dayuhan na pananaw.
Sa kabuuan, mauunawaan na ang daloy ng kaginhawaang Pilipino ay magsisimula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kanyang kamatayan at magpapatuloy ito sa pagbibigay nito ng paggabay sa kanyang bayan. Mula sa mga epiko at mga tala ng mga Espanyol tungkol sa pananaw ng mga Pilipino sa kamatayan, makikita na malinaw ang daloy nito at patuloy na pinapasa ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkamit ng kaginhawaan para sa ikauunlad ng kanilang bayan at sarili. Ang mga epiko ay isang halimbawa ng daloy ng kaginhawaan kahit marami sa mga panyayari rito ay hindi makatotoohanan sa kasalukuyan, ang mga kaugalian at pananaw sa kaginhawaan ang nananatiling namamayani sa mga kwentong ito. Ang pagtatapos ng mga epiko sa pag-uwi ng mga bayani ay hindi nangangahulugan ng pagtatapos nito sa layunin na makuha ang kaginhawaan. Ito ay nagpapatuloy parin sa kabilang mundo kung saan mapaglilingkuran muli ng mga Pilipino ang kanyang bayan bilang isang gabay para sa mga ito.
Ang kamatayan para sa mga Pilipino ay ang pagsisimula ng walang hanggan nito kaginhawaan kaya ang paglaban para sa bayan ay nangangahulugan rin na paglaban sa kanyang kaginhawaan. Mas mauunawaan ang pananaw ng kaginhawaang Pilipino sa panahon ng himagsikan kung saan ang pangunahing ipaglalaban ng mga Pilipino ay ang mga bagay na makakabuti sa kanyang bayan at makikita ito sa mga pilosopiya ng Katipunan kung saan ito ang pangunahing magpapaalala sa mga Pilipino at Espanyol ang kahulugan ng kanilang kaginhawaan sa Pilipinas.
Kaginhawaan at Katipunan: Ugnayan ng kaginhawaang Pilipino sa Himagsikan
Kung susuriin ang mga kasalukuyang historiograpiya ng Himagsikan, ito ay nagpapakita lamang ng pakikipagdigma ng mga lider na Pilipino laban sa mga Espanyol dahil sa kagustuhan nitong lumaya sa pagmamalupit ng mga ito. Pinapakita ng ganitong uri ng diskurso na nakatuon sa mga gawain ng mga mahuhusay na pinuno na ang kabuuan ng himagsikan sa pananaw lamang ng elit at hindi ang bayan nito. Kung mas lalawakan natin ang pag-unawa sa Himagsikan, ang orihinal na pilosopiya nila Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ang nagbigay ng hudyat upang ipaglaban ang kaginhawaan ng Inang Bayan sa panahon ng pagpapahirap ng mga Espanyol. Ngunit ang kanilang pananaw sa kaginhawaang Pilipino ay nakalimutan nang iugnay sa Himagsikan dahil sa uri ng pagsusulat na nakatuon sa pilosopiyang Marxismo.
Katulad ng mga epikong Pilipino, sina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ay nagpakita ng masidhing pagmamahal at pagpapahalaga sa kaginhawaan ng kanyang bayan. Kung ikukumpara kay Lam-ang, makikita ang paghihirap ng mga ito upang manumbalik sa kanyang bayan ang nawala nitong kaginhawaaan na maiuugat sa malaming nitong kultura. Ang pagkatatag ng Katipunan o Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan ay sumisimbolo sa pagnanais na magkaroon ng iisang bansa na para mga Pilipino na mabalik nito ang kinagisnang kultura na nakahiwalay sa pagtingin at pamamahala ng mga Espanyol. Dahil sa pag-iisip nila Bonifacio at Jacinto bilang mga anak ng bayan, makikita ang kahalagahan ng kaginhawaan sa pagbuo muli ng bansang Pilipinas. Sa akda ni Bonifacio na "Katapusang Hibik ng Pilipinas" ipinapakita nito ang pagdurusa ng mga Pilipino sa "dagat ng dusa ng Karalitaan" at "bagyong masasal ng dalihta't hirap" ang ganitong uri ng paghihirap ay nagsimula dahil sa pagpilit ng mga Espanyol na ihiwalay sa kultura nito ang mga Pilipino. Sa kanyang dekalogo, "Mga Katungkulan dapat Gawin ng Anak ng Bayan" ipinakita ang malalim na pananalig ng mga Pilipino sa Diyos Maykapal, pagmamahal sa kanyang tinubuang lupa, pagbibigay-halaga sa kapwa at paglaban sa hangarin ng Inang bayan para sa kaginhawaan ng kanyang mga Anak. Karamihan sa kanyang mga akda ay mayroong ganitong uri ng tema na nagpapakita ng pagmamahalan at pag-unawa sa kaginhawaan ng Inang Bayan. Para kay Bonifacio, ang pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas ay nagdulot ng kaguluhan at pagwasak sa kultura ng mga Pilipino. Sa kanyang akda "Ang Dapat Mabatid ng mga Pilipino" ay isang pagkontra nito sa mga paniniwala na pilit na pinapasok ng mga Espanyol sa kultura ng mga Pilipino. Pinapakita ni Bonifacio ang pagkakaroon ng mayamang kultura ng mga Pilipino na isang repleksyon ng pagiging masagana ng kabihasnang Pilipino.
Para naman kay Jacinto, ang Kartilya ay maituturing na isang mahalagang bahagi ng pagiging isang kasapi ng Katipunan upang magkaroon ng iisang pananaw ng kaginhawaan. Sa unang bahagi ng Kartilya, nagpakita ng pagkakaisa sa kaisipang para sa Kaginhawaan ang bahaging ito:
"Sa salitang tagalog katutura'y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din."
Kahit magkakaiba ng rehiyon o wika na pinaggalingan, para sa Katipunan ay malinaw na lahat ng Pilipino ay tagalog at anak ng bayan na handang lumaban para sa kanilang Kaginhawaan. Para sa Katipunan, ang mabuting hangarin ang magpapalaya sa pag-aalipin ng mga dayuhan, at ang mga nang-aapi ay dapat supilin upang magkaroon ng kapayapaan sa bayan. At ang pagbabalik ng tunay na kahulugan ng kaginhawaan ay maikukumpara sa pagtatapos ng madilim na bahagi ng paglalakbay tungo sa kaginhawaan at ito ay makikita sa huling bahagi ng kartilya:
"Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaabaabang Sangkalupuan, at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi't magkakapatid ng ligaya ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang natumbasan."
Naging kakabit rin ng Kaginhawaan ang daloy na Liwanag-Dilim-Liwanag, kung saan ay makikita rin ito bilang daloy sa mga akda ni Bonifacio. Ang Unang Liwanag ay nangangahulugan ng mayamang kultura ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila kung saan umiikot sa pagiging mapayapa, kasaganahan at pagmamahal ang buhay ng mga Pilipino; Dilim para sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan at paggulo nito sa Kaginhawaang Pilipino; Muling Pagliwanag kung saan nagpapakita ng alab para sa kalayaan at panunumbalik muli ng kaginhawaan.
Kakabit ng panunumbalik ng liwanag ay ang pagkakaroon ng kalayaan. Sa akda ni Jacinto na "Liwanag at Dilim", pinapakita rito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kalayaan bilang prekondisyon ng pagkakaroon ng isang lipunan na makatwiran. Ito ay pinagkait ng mga Espanyol sa Pilipinas upang mapigil nito na makamtan ang pinaglalaban na kaginhawaan. Ayon kay Jacinto, ang kalayaan ay kakambal ng buhay ng Pilipino. Kung wala nito ay hindi magkakaroon ng kaayusan, kabutihan, katwiran at kaginhawaan ang tao sapagkat labag sa kalikasan ng buhay ang anumang pagsikil sa kalayaan.
Ang bisyon ni Bonifacio at Jacinto ng kaginhawaan ay nakaugat sa pre-hispanikong kultura na nagpapakita ng mayamang kultura ng mga Pilipino. Umikot ang kaniyang ideolohiya sa apat na aspeto ng kaginhawaan Una, ang pagiging malaya mula sa mga dayuhan. Pangalawa, mayroong sariling dangal at taas noong nakikipag-ugnayan sa kalapit nitong bansa. Ikatlo, may kapurihan at "mayaman sa kaasalan ng lahat" at huli, may sariling kabihasnan kung saan "marunong magbasa at magsulat" ng sarili nitong alpabeto. Makikita sa akda na ginawa nila Bonifacio at Jacinto ay naging malinaw ang kanilang daloy ng kaginhawaan at dapat nitong tunguhin sa Himagsikang Pilipino. Ang panunumbalik ng kapayapaan, pagmamahalan, at kaginhawaan para sa Inang Bayan ay mahalaga dahil ito lamang ang makapagbigay muli ng liwanag na matagal na ipinagkait ng mga Espanyol sa kaginhawaang Pilipino.
Ngunit kasabay ng paghihimagsik ng Katipunan ay pagkalaban rin nito sa kaginhawaang ipinakilala ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang susunod na bahagi ay tatalakay sa naging ugnayan ng Kaginhawang Pilipino at Simbahang Katoliko sa Himagsikan at ang naging pagtingin nito sa nagaganap na Himagsikan.
Ang Historia ni Don Telesforo Canseco: Ang Ugnayan ng Kaginhawaang Pilipino at Simbahang Katoliko sa Himagsikan 1896
Ang matagal na pakikipagkapwa ng mga Pilipino sa mga dayuhan ay nagbigay ng pagkakataon upang maunawaan ang bagong polisiya ng mga Espanyol sa kanyang kolonya at ang hatid nitong bagong kaginhawaan. Ang mga tala ni Don Telesforo Canseco na Historia de la Insurreccion Filipina en Cavite ay isang batis pangkasaysayan na iiba sa mga dokumento katulad nila Emilio Aguinaldo, Artemio Ricarte at Santiago Alvarez kung saan ang mga pananaw ng mga pangunahing mga pinuno at heneral na lumaban sa Himagsikan ang namamayani.
Hindi mapagkakaila na ang mga nasabing tala ay ginamit sa iba't ibang mga awtor upang maunawaan ang mga pananaw ng mga lider ng himagsikan sa iba't ibang kaganapan sa loob ng bansa noong panahong ito. Ang mga tala ni Don Telesforo Canseco ay sumasalamin sa ibang pananaw sa himagsikan at epekto nito sa kanyang bayan sa Cavite. Maiiba ang mga tala ni Canseco dahil na rin sa posisyon ng akda sa himagsikan kung saan iikot ito sa kanyang pananaw at karanasan sa masamang naidudulot ng kaguluhan sa kaginhawaang Pilipino at sa Simbahang Katoliko. Ang Historia ni Canseco ay susmasalamin sa naging epekto ng pag-sasama ng kaginhawaan ng Pilipino at Simbahan sa buhay ng mamamayan nito at ito ay makikita sa kanyang mga tala.
Si Telesforo Canseco ay ipinanganak noong ika-5 ng Enero 1852 sa Binondo, Maynila mula kina Norberto Arellano y Catalina Aritson y Aguelles. Sinasabi na ang apelyidong Canseco ay ginamit upang makapagtago sa awtoridad si Canseco, dahil maaring nagkaroon ng masamang reputasyon ang kanyang apelyidong Arellano. Naulila nang maaga si Telesforo, na naging dahilan upang mapasama siya sa mga paring Dominikano. Si Fray Rafael Castro, O.P, isang hermano ang nagkupkop at nagturo kay Canseco ng mga tamang asal sa loob ng kumbento. Masasabi na malaking bahagi ng kanyang edukasyon ay produkto ng kanyang pamumuhay kasama ang mga Dominikano, na naging isang salik ng lalamanin ng kanyang mga tala. Lumaki si Canseco sa Naic sa Cavite kung saan siya ay naging isang Famulo, ang tawag sa isang batang lalaking nagsisilbi sa mga prayle. Nagsilbi siya bilang isang sakristan sa misa, katulong sa mga mahahalagang gawain sa simbahan at tinuruan din siya ng katekismo. Sa gulang na 26 ay nagpakasal siya kay Rita Pobleta, tubong Naic at nagmula sa isang mayamang pamilya, at nagkaroon ng anim na anak; Victoria, Dolores, Maria, Margarita, Teodora at Filomena.
Sa panahon bago sumapit ang himagsikan ay ginawang siyang Inquilino o tagapamahala ng isang bahagi ng hacienda ng mga Dominikano at naging Principales ng Naic sa panahon ding iyon. Dahil na rin sa kanyang naging posisyon sa Cavite ay napag-aral niya ang kanyang mga anak sa Maynila at nakapagpatayo din siya ng isang bahay na bato. Dahil sa kaugnayan ni Canseco sa mga Dominikano, naging mainit ang dugo ng mga insurekto sa kanya dahil sa layunin nito na kumuha ng salapi mula sa mga hacienda na hawak ng mga prayle. Masasabi na naging maunlad ang pamumuhay ni Canseco bago pumutok ang himagsikan, ngunit dahil na rin sa lumalawak na ideya ng mga Pilipino sa paglaya sa Madre Espanya, naging malupit din ang kapalaran niya sa mga katipunero at insurekto. Mula sa ganitong mga pangyayari sa kanyang buhay, masasabi na mahalaga ang mga tala ni Telesforo Canseco dahil na rin sa ibang pananaw nito sa mga kasalukuyang nasusulat at ito ay sumasalamin sa ugnayan ng kaginhawaan ng Pilipino at Simbahang Katoliko kung saan naging malaki ang ugnayan nito.
Ang mga tala ni Canseco ay nakatuon sa lalawigan ng Cavite at ang ugnayan nito sa iba't ibang lalawigan na nagsimula na maghimagsik, ang pag-aalsa sa buong lalawigan ng Pasong Kalabaw (Sta. Clara), San Franncisco de Malabon (Heneral Trias) ayon kay Ricarte at Noveleta ayon kay Canseco dahil sa pagkamatay ng Kapitan ng Tenyente ng San Franscisco. Ang pagsisimula ng himagsikan sa lalawigan ay nagbigay kaguluhan at pasakit sa mga tao ng mga bayang ito dahil sa mga putukan at pagbubuo ng mga kilusan na lalaban sa mga Espanyol sa mga iba't ibang bayan. Ang pagkalat ng balita sa himagsikan sa Noveleta ay naging masama ang epekto sa mga pari ng iba't-ibang bayan sa Cavite. Noong natanggap ni Padre Galo Minguez, isang dominikano at kura ng Naic, ang balita ng pag-aaklas sa Novelta, tinawag niya si Canseco upang maghanda na lumisan sa bayan sa madaling panahon upang maiwasan ang kanilang kamatayan.
Ang liham na binasa ni Padre Galo sa pagtatapos ng kanilang pag-uusap ay nagpakita ng kaayusan ng himagsikan at ang ugnayan nito sa ibang probinsiya at mga paghahanda sa pagsalakay sa mga bayan ng Salinas, Noveleta, Caridad, San Roque, Tanguay, Cavite Viejo, Imus, Dasmarinas at Malabon, at ang mga lalawigan ng Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, La Union, Tayabas at Batangas na lumalaban sa mga Espanyol. Dahil sa pagsisimula ng Himagsikan, marami itong naidulot na suliranin lalo na sa aspeto ng mga pumapasok na tulisan sa mga bayan. Ang mga Tulisang Pulpup ay mga tulisan sa San Mateo kung saan nagnanakaw ang mga ito ng mga iba't ibang mahahalagang kagamitan at pumapatay lamang kung sila ay kakalabanin.
Ang mga ganitong uri ng pagnanakaw sa mga bayan ay nagpakita na ang himagsikan ay nagbunga ng kagustuhan ng mga Pilipino na panatilihin ang kaayusan sa kanilang buhay at sinusubukan na ipakita ang kanilang paraan ng pagkamit ng kaginhawaan sa gitna ng Himagsikan. Marami ang mga Pilipino na handang ipaglaban ang kanyang bayan laban sa mga nagnanais na putulin ang kaginhawaan na nararansan bago pumutok ang Himagsikan. Ang mga Cuadrillos na nagngangalaga sa Agustin Lobos, ay isang halimbawa na handang ipagtanggol ang kanyang bayan sa pamamagitan ng maayos na paggagamit ng mga mabuting salita upang ipatiggil ang himagsikan at kaguluhan.
Sa pagdaan ng mga araw, nasaksihan ni Canseco ang paghihirap na naransan ng mga pari at mga Pilipino na may kaugnayan sa Simbahan sa kamay ng mga Katipunero at insurekto. Sina G. Puga at Padre Simeon ay inakala na may hawak ng labimpitong libong piso ng cargo at inakala na higit sa labindalawang libo nito at mga ginto ay dinala ng mga pari, na naging dahilan upang patayin sila at kuhanin ang mga yaman na kanilang hawak. Sa pagpatay sa kanila, kinuha ang mga damit nito ng mga insurekto at ginamit na nagpapakita ng walang pagrespeto sa mga ito, ngunit dahil sa labis na pagpapahirap at pagpatay sa mga pari sila ay hinatulan din ng kamatayan. Sa paniniwala ni Canseco ang himagsikan ay magtatagal lamang sa loob ng labing limang araw, naisipan ni Canseco na hindi na lamang siya aalis ng bayan upang mapigilan ang patuloy na kaguluhan at nanatili siya kasama ng mga pari. Ang damdamin ni Canseco sa himagsikan na matigil na ito upang magkaroon at maranasan ulit ng mga Pilipino at ng Simbahan ang kalayaan na nararanasan nila bago pumutok ang himagsikan upang manumbalik rin ang kanyang kaginhawaan.
Dahil sa kaguluhang nagaganap sa buong bayan, naging pagkakataon ito sa pagnanakaw sa mga Hacienda upang makuha ang mga kayaman ng mga mayayamang mga Pilipino at kaparian. Ayon kay Canseco, noong narinig niya ang dalawang putok sa Casa Tribunal na mula sa dalawang Kuwartel, ay nagsigawan ang mga taong bayan at masayang nagtungo sa Case Hacienda kung saan ang mga ito ay pag-aari ng mga Dominikano, ang pagputok ay naging hudyat upang magtipon at salakayin ang Casa Hacienda upang kunin ang yaman nito. Sa pagsalakay sa mga Hacienda, ito ay pinamunuan ng mga gwardiya sibil, mga kwadrilyero at si Kapitan Agustin Lobos. Dahil na rin sa kaugnayan ni Canseco sa mga Dominikano, hinanap siya at ang kanyang asawa at pamilya upang patayin, hindi natagpuan ng mga insurekto sa bahay si Canseco at ang kanyang pamilya, kaya't ninakawan nila ito at pagkatapos ay sinunod nila ang mga tindahan ng mga Intsik kung saan ito ay pagmamay-ari rin ni Canseco.
Noong narinig ng mga taong bayan ang tunog ng Barko dahil sa paniniwala na ito ang mga Kastila, iniwan nila ang hacienda at pinag-utos ng Kapitan ng mga Kwadrilyero na pumunta sa pampang ng ilog upang makipaglaban. Ngunit sa pagkakita ng mga taong bayan na hindi nagdadala ang mga ito ng tropa, nagbalik ang mga ito sa pagnanakaw sa hacienda at sinira lahat ng hindi maaring dalhin at magamit. Dahil sa naganap na pagnanakaw sa mga ari-arian ng mga Simbahan at sa bahay ni Canseco at mga tindahan ng mga Instik, ito ay pagpapakita ng kababaan ng dangal at kawalan ng kahiyaan ng mga insurekto na kahit ang Moro ay hindi mapapantayan ang kanilang ginawa sa Hacienda ayon kay Canseco. Masasabi sa pahayag na ito na ang kaginhawaan ay hindi makakamtan sa paggamit ng dahas kundi sa pamamagitan ng malaya talakayan at pag-uunawaan tungkol sa naganap na himagsikan, ang pahayag ni Canseco ay nagsasabi na ang Himagsikan ay naglayo sa mga Pilipino upang matagpuan ang kaginhawaan na ipinaglalaban ng Simbahang katoliko, at naging dahilan upang manumbalik ang mga ito sa pagiging hindi sibilisado na maiuugnay noong bago dumating ang bagong kaginhawaan na hatid ng paniniwalang katoliko.
Ayon kay Canseco, ang himagsikan ng mga Pilipino ay hindi kataka-taka na nagsimula sa pananaw na magbibigay ng ikalulungkot ng mga taong mapayapa at marangal na malaki ang kaugnayan sa paniniwala ng Simbahan. Ang paniniwala ng insureksiyon ay nabuo ayon sa aral ng mga masoniko ayon sa pahayag ng mga Cabecilla. Dahil sa ugnayan ng mga paniniwala ng masoneria at insureksiyon, ang mga nanakop sa mga bayan ay mga pinunong mason, mga tulisan at mga taong masama ang pamumuhay. Ang pagdami ng mga kasapi ng pag-aalsa ay dahil na rin sa mababa na kwalipikasyon na pumili lamang ang mga insurekto ng mga Pilipino na handang pumatay ng mga Kastila at mga taong hindi sumusunod sa kanilang kagustuhan. Dahil sa kaguluhan na nangyayari, iniugnay ni Canseco ang masoneria sa Katipunan, na isang samahan na binuo ng mga mason para sa lahat ng uri ng tao. Ang tanging kahilingan ng Katipunan sa pagpasok sa samahan ay ipangako na ipagtatanggol ang lahi ng bayan laban sa mga Kastila hanggang kamatayan. Kaya't makikita na maging mga batang lalaki at babaeng Kastila ay kanilang pinapatay. Sa pangyayaring ito, mauunawaan ang masamang pananaw ng mga Pilipino sa Kastilla sa kadahilan na gusto nito na makuha na ang kaginhawaan na kanilang pinaglalaban, dahil na rin sa kaugnayan ni Canseco sa Simbahan, ang mga ganitong uri ng paghihimagsik ay matuturing na labag sa pilosipiya ng Simbahan at masasabing masamang aksyon ng mga Pilipino laban sa relihiyon.
Ang pagtingin ni Canseco sa pag-aalsa ay isang sakit ng mga masasamang tao, binaggit din ni Canseco na maraming bayan sa Cavite ang hindi napagtanggumpayan ng pilisopiyang Masonaria na impluwensyahan katulad ng mga bayan ng Noveleta, Salinas, San Francisco de Malabon, Cavite Viejo, Imus Silang at Maragondon. Sa mga nabangggit na bayan ay mayroon maliit na bilang na mga masonario at katipunanero na dahilan kung bakit hindi naging malaki ang epekto ng kanilang pilosopiya upang mabago ang kaginhawaan na pinaunawa ng mga Espanyol, ayon kay Canseco magsisimula lamang ang kaguluhan sa pagsama sama ng mga Masonario at katipunan sa isang bayan dahil na rin sa bilang malaking bilang nila sa mga bayan na kanilang nasasakupan. Kaya ang mga bayang nag-himagsik ay produkto ng pagkakaugnay ng mga taong bayan sa paniniwalang masonarya.
Ang pahayag at pananaw ni Canseco tungkol sa himagsikan ay nagpapakita ng masamang kaginhawaan na ipinaglalaban ng mga naghihimagsik at ang pagpatay sa mga Kastila, ayon sa kanya hindi solusyon ang pagpatay sa mga kaparian at pag-limot sa mga aral ng Simbahang Katoliko upang makamtan ang kaginhawaan na kanilang ipinaglalaban. Ngunit sa kabila nito ay nakakita rin si Canseco ng mabuti pangyayari sa Himagsikan na nagpakita ng ugnayan ng pilosopiya ng katolisismo at kaginhawaan ng mga Pinunong Pilipino.
Si Cornelio Magsarili, naging kalihim ng Presidencia ni Mariano Alvarez, ay mahigpit na tumutol sa mga nakawan at pagmamalabis na ginagawa ng mga insurekto. Masasabi na si Magsarili ay may puso sa paglilingkod nito sa simbahang katoliko dahil sa araw-araw na pagsisimba. Ayon din kay Canseco, kasapi sa mga pinuno ng himagsikan ang pumigil sa imoralidad ng mga kasapi nito. Nagpakita naman si Diego Mojica, Ministro de Hacienda ng isang nobena upang humiling sa Diyos ng pagtatagumpay at kalayaan para sa bayan. Hiniling din ni Mojica sa kanyang nobena na huwag sanang parusahan ng Espanya ng buong kalupitan ang nagsipag-alsa laban sa kaniya. Si Pascual Alvarez na nagpalabas ng sirkular na lahat ay dapat magdasal ng Rosaryo sa kanilang tahanan o kaya ay sa Simbahan at nag-utos din na lahat ng kasapi ng Katipunan ay manguna at maging isang halimbawa. At si Emilio Aguinaldo, kung saan ipinagbabawal ang pagpatay sa mga kaparian at mga kababaihan na ginagawa ng ibang insurekto. Ang mga kaparian na nagpalabas ng sirkular ay dapat mag misa para sa mga namatay na inserekto sa labanan, maging ang mga Kastila at mga Pilipino na kasapi ng Himagsikan.
Marami pa rin sa mga Pilipino ang masasabing hindi kasapi ng himagsikan at patuloy sa pagsamba sa Simbahang Katoliko na pinapanatili ang kaayusan ng kanilang buhay sa pamamagitan ng pakikinig sa mga misa at pinanatili parin ang mga fiesta upang makamtan parin ang kasiyahan kahit sa gitna ng kaguluhan. Ang pagpatay sa mga pari ng mga insurekto ay ikinalungkot ng mga taong bayan at sinasabing mapaparusahan ang mga ito ng diyos dahil sa masamang mga ginawa nito sa Simbahan. Maraming mga Pilipino ang nagnais na manumbalik ang kapayapaan ng kanilang buhay ay maiuugnay sa kanilang kaginhawaan na naranasan sa panahon ng kanilang paniniwala kaya't ang karamihan sa kanila ang ipinagdarasal ang pagtigil ng Himagsikan at tulungan ng mga insurekto na maunawaan ang kanilang mga masamang ipinaglalaban.
Ang mga tala ni Canseco na nabanggit tungkol sa himagsikan ay nagpapakita ng malalim nitong paniniwala sa kaginhawaan na kakabit ng paniniwala niya sa Simbahan kaya't marami sa kanyang mga tala tungkol sa mga paniniwala ng mga Pilipino sa kaginhawaan na hindi nakaayon sa mga pananaw ng Simbahan ay masasabing "huwad na relihiyon". Maraming mga insurekto ang naniniwala sa mga anting-anting at ang mga librito na may mga panalangin nakasulat sa hindi maunawaang wika at kinikilala nila ito na makapangyarihang birtud na tumutulong sa mga insurekto upang himdi magkaroon ng marahas na kamatayan at tamaan ng mga bala mula sa mga lumalaban sa kanila. Ayon kay Canseco, ang mga taong naniniwala sa ganitong uri ng pananampalataya ay silang naglinlang sa mga mahina ang ulo na mabibigyan sila ng kaginhawaan na katulad ng ipinapahayag ng Simbahang katoliko. Ang paniniwala ng mga Pilipino sa kaginhawaan ay nagbago ng anyo ngunit katulad ng sa paniniwala ng Simbahan ay nakakabit ang kaginhawaang Pilipino sa paghahanap nito ng kalayaan at maayos na pamumuhay.
Ang tala ni Canseco sa Historia, ay nagpakita ng ugnayan at epekto ng kaginhawaang hatid ng Simbahang Katoliko kung paano nito magbibigyang kahulugan ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran kaugnay sa kaginhawaan na kanyang hinahangad, at hindi natin masisisi si Canseco kung ang pananaw nito sa Himagsikan ay nakakasama sa karamihan dahil sa naranasan nito sa himagsikan na nagbigay sa kanya masamang pananaw na hatid nito sa kanyang kaginhawaan, ngunit kung susuriin ang ipinaglalaban ng mga insurekto at katipunan ay may malaki ang kaugnayan rin sa paniniwala ng Simbahang katoliko ng kaginhawaan. Ngunit dahil matagal na ang nito ugnayan sa Simbahang Katoliko, nagbago ang pagtingin ng karamihan sa kaginhawaang Pilipino at naging dahilan kung bakit ang pananaw sa mga paniniwala na matatagpuan sa mga kabundukan ay sinasabing huwad, ngunit ito ang kaginhawaang na nag-ugnay pa sa pre-hispanikong paniniwala ng mga Pilipino.
Ang Ugnayan ng Pilipino at Simbahan sa Kaginhawan sa Pagdaan ng Panahon
Mula sa mga tala ni Canseco sa kanyang Historia at sa mga paniniwala ng mga Pilipino noong pre-hispanikong panahon sa kanyang kaginhawaan, masasabi na hindi nagbago at natili itong gabay upang mas unawaan ang kaugnayan ng bawat bayan at kultura ng Pilipinas sa isa't isa na maghangad ng isang mas maunlad na kaginhawaan na magpapaunlad sa kanilang uri ng pamumuhay. Ang paghihimagsik ng mga Pilipino sa pamahalaang kolonyal ay resulta ng mahaba nitong paghahanap at pakikipaglaban sa kaginhawaan at dahil na rin sa ugnayan ng mga Pilipino sa Simbahang Katoliko, masasabi na nagbigay ito ng bagong pananaw sa kaginhawaan na nakatuon sa mga aral ni Kristo, ngunit dahil sa pagkakaroon nito ng pagkahalintulad sa kultura ng kaginhawaang Pilipino, hindi kinakalimutan ng mga Pilipino ang kanyang kultura na nakaugat sa panahong pre-hispaniko kundi ginamit niya ang bagong pananaw upang mas maunawaan pa ang kanyang sarili sa gitna ng pagsubok sa pagkamit ng kaginhawaan.
Ayon kay Bascara, isa sa problema ng mga pari sa mga Pilipino ay ang walang hanggan nitong paghanga sa mga bagong uri ng paniniwala o kultura na dumadating sa bayan. Kaya naging interesado ang mga Pilipino sa hatid na kaginhawaan ng Simbahang Katoliko dahil sa pangako nitong walang hanggang buhay sa piling ng panginoon. Ang ganito uri ng pagtingin sa bagong kultura na hatid ng mga dayuhan ay nanatili sa kulturang Pilipino. Hindi masasabi na walang sariling konteksto ng kaginhawaan ang mga Pilipino at kinakailangan pa nito ang paniniwala ng iba upang maintindihan ang kanilang kinakailangan ngunit ito ay nagpapakita na sa pagdaan ng panahon ay nagbabago ang harangin ng mga Pilipino na mas maunawaan ang kaginhawaan nito sa paniniwala ng Simbahan Katoliko na nagsabi na magpapalaya sa kanya sa kahirapaan na kanyang nararanasan. Ang kaginhawaan ng mga dayuhan ay hindi masasabi na mabuti sa lahat ng panahon at kadalasan ay naging dahilan ng di pagkakaunawaan ng dayuhan sa isa't-isa. Ang mga "Masasamang Kastila" ay sinasabing may ibang pagtingin sa kaginhawaan na ipinaglalaban ng mga tradisyonal na Kastila na nakaugnay sa mga aral ng Simbahan. Hindi natin masisisi ang ganitong uri ng pagbabago ng pananaw ng mga Kastila sa kaginhawaan dahil na rin sa mga karanasan ng mga ito sa Pilipinas sa pagdaan ng panahon. Ang mga "masasamang Kastila" ay mga naniwala sa pilosopiya ng liberalismo at masonarya na naging dahilan ng pagmamalupit at pag-iimpluwensiya nila sa mga Pilipino. Ang kanilang panibagong paniniwala ng Kaginhawaan ay resulta rin ng kanilang panghahangad ng mas mapaunlad ang kanilang buhay na hindi nila natagpuan sa kanilang paniniwala sa Simbahan o sa relihiyon.
Ngunit ang mga Pilipino ay pinanatili pa rin ang ugnayan ng kaginhawaan at pang-araw -araw nitong karanasan upang mahanap ang kaginhawaan ng buhay kasabay ang pag-unlad ng kanyang bayan at bansa. Ang mga labanan ng mga Pilipino noong himagsikan ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan at sa iba nitong anyo, ang kanilang mga karanasan sa araw-araw na pamumuhay lalo ang kanilang mga paghihirap ay maikukumpara sa mga pinaglalaban ng mga Pilipino noong panahon ng Himagsikan. Ang mga lokal na paghihimagsik ay repleksyon ng kagustuhan ng mga Pilipino na magkaroon ng reporma sa pamahalaan na magbibigay sa kanila ng kaginhawaan sa panahon ng Espanyol. Ang ganitong pananaw ng mga Pilipino ay hindi nagbabago sa kadahilan na hindi rin nila nakukuha ang kanilang hinahangad na kaginhawaan sa kasalukuyang nitong kondisyon. Ang mga rally ay nagpapakita ng boses ng mga Pilipino at ang kanilang opinyon sa suliranin ng bayan ngunit karamihan sa mga Pilipino lalo na ang mga elit o edukadong mga Pilipino ay tinitingnan ito bilang isang paraan ng mga tao upang guluhin ang kapayapaan. Katulad ng mga tala ni Canseco, ang paghihimagsik ay nagbibigay lamang ng kaguluhan ngunit kung susuriin ang mga ipinaglalaban ng mga insurekto at katipunan, ito ay ang kaginhawaan ng mga Pilipino. Dahil sa mga pagbabago ng kaalaman ng tao sa buhay, nagiging hadlang din ito upang maunawaan ang matagal ng kaugnay nito sa kanyang bagong kaginhawaan.
Sa aspeto ng produksyon, ito ay naging ugat din ng himagsikan ng mga Pilipino dahil lahat ng mga naghimagsik na bayan o probinsya ay nakatuon ang kanilang kabuhayan sa pagtatanim, dahil sa mga regulasyon ng pamahalaan at ng pribadong sektor nagkaroon ng paghihirap sa mga manggagawa dahil na rin sa pagnanais ng mga kaparian at Espanyol na napanatili ang kanilang kapangyarihan. Masasabi na ang ganitong uri ng suliranin ay nasa lipunan pa rin ng mga Pilipino na naging dahilan ng pangingibang bansa ng mga Pilipino at naniniwala na makukuha ang kaginhawaan sa pagtatrabaho sa bansang mas maayos ang sistema sa lakas paggawa. Ang ganitong uri ng pandarayuhan ay maiuugnay sa pangangayaw ng mga Pilipino, ayon sa akda ni Warren sa Sulu Zone, ang malawakang pangangayaw o pakikipagkalakalan ng mga taga-Sulu ay nagpapakita ng ugnayan ng kaginhawaan ng timog-silangan Asya. Masasabi na ang pangingibang bansa ng mga Pilipino ay isang natural na uri ng paghahanap ng mga Pilipino sa kanyang kaginhawaan kung saan iiwan nila ang kanilang mga pamilya upang mangayaw sa ibang bansa at sa pagbalik sa bansa ay dala nito ang bagay na magbibigay sa kanyang pamilya ng kaginhawaan.
Sa huli, ang ugnayan ng paniniwalang Pilipino at Simbahan ay isang repleksiyon ng hangarin na maunawaan at makamtan ng bawat bayan ang kanilang kaginhawaan. Ang mga panibagong mga paniniwala na pumasok sa kulturang Pilipino ay nadala sa Pilipinas ng bagong interprestasyon na magiging dahilan upang maghanap ng mas magandang uri ng kaginhawaan na magbibigay solusyon sa kalungkutan na kinakaharan nito sa kasalukuyan.
Kongklusyon
Ang kaginhawaan na ipinaglalaban ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay maiuugat sa pre-hispanikong pananaw ng kaginhawaan kung saan ang pagkamit nito ay kinakailangan ng pagtutulungan at pag-uunawan sa isa't isa upang lubusang maunawaan ang tunay na makakabuti sa sarili at bayan. Masasabi na ang mga pangyayari sa daloy ng kasaysayan ng Pilipino lalo na sa ugnayan nito sa Simbahan ay nagbigay ng bagong pagtingin at pag-unawa sa magiging kaginhawaan sa kanilang panahon. Makikita ito sa pananaw ni Canseco sa kanyang Historia na patuloy na maghahanap ng kaginhawaan sa gitna ng himagsikan dahil na rin sa mga masamang pangyayari na nararanasan ng mga Pilipino sa panahon ng Himagsikan. Ayon kay Canseco ang paghihirap ng mga Pilipino ay hindi dahil sa simbahang Katoliko kundi dahil sa mga masasamang insurekto na tumalikod sa mga turo ng relihiyon. Ang matagal na ugnayan ng mga Pilipino sa Simbahan ay dahil sa malapit nitong ugnayan sa kinagisnan na kaginhawaang Pilipino na nakaugat sa kultura nito. Masasabi na ang pagkikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa mga dayuhan ay sumisimbolo ng paghahanap nito ng isang bagong pananaw ng kaginhawaan upang maunawaan at makamtan ang kaginhawaan sa loob ng kanyang bayan.
Ang paghahanap sa kaginhawaan ay isang matagal na proseso at kinakailangan ng matinding pag-unawa sa kulturang panloob kung tutulong upang matagalan na manatili ang kaginhawaan sa kanyang bayan. Sa huli ang pakikipagkapwa ay isang mahalagang bahagi ng pagkamit sa kaginhawaan at masasabi na ang kulturang Pilipino ay magaling sa aspeto ng pakikipag-ugnayan sa kapwa Pilipino at mga karatig nitong bayan. At sa kasalukuyan ay nanatili parin ang ganitong kultura ng mga Pilipino upang ipaglaban at matagpuan ang kaginhawaan na nararapat para sa kulturang Pilipino.
Mga Sanggunian
Mga Aklat
Abella, V. M. de. Vade-Mecum Filipino, O, Manual de La Conversación Familiar Español-Tagalog: Sequido de Un Curioso Vocabulario de Modismos Manileños.vade-Mecum Filipino, O, Manual de La Conversación Familiar Español-Tagal. Manila: C. Miralles, 1874.
Aguinaldo, Emilio. Gunita Ng Himagsikan. Manila: Virtual Printer, 1998.
Antonio, Teresita. The Origins and Causes of the Philippine Revolution by Juan Alvarez Guerra (1899). Quezon City: University of the Philippines, 2002.
Bascara, Cornelio. Stories from the Margins: The Other Narrative of the Philippine-Spanish Revolution. Manila: University of Santo Tomas, 2002
Blake, Frank Ringgold. A Grammar of the Tagálog Language, the Chief Native Idiom of the Philippine Islands,. New Haven: American oriental society, 1925.
Calderón, Sofronio. Diccionario Ingles-español-tagalog: (Con Partes de La Oracion y Pronunciacion Figurada). Manila: S. Martinez, 1915.
Churchill, Bernardita. The Movement for Independence in the Philippines (1896-1898). Quezon City: Philippine National Historical Society, Inc, 2011.
Constantino, Renato. The Philippines: A Past Revisited vol.1, Quezon City: Twentieth Printing, 2005. House, 1996.
De Ribadeneira, O.F.M, Marcelo. History of the Philippines and Other Kingdoms. Manila: MDB Printing, 1971.
Enriquez, Virgilio. From Colonial to Liberation Psychology: The Philippine Experience. Manila: De La Salle University Press, 1994.
Fernandez O.P, Pablo. History of the Church in the Philippines. Manila: National Book Store, 1979.
Icagasi, Rosa Maria, The Philippine Insurrection: The Four Truths by Javier Borres Y Romero 1897, Quezon City: University of the Philippines, 2002.
Isidoro, Alonso. The Catholic Church in the Philippines Today. Manila: Bookmark Inc., 1968.
Ileto, Reynaldo. Filipinos and their Revolution: Events, Discourse, and Historiography, Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2003.
________. Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910, Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2011.
Gomez, O.P, Fausto. The Dominicans' Mission Here and Now. Manila: University of Santo Tomas, 1988.
Hernandez, Jose Rhommel. Don Telesforo Canseco: Kasaysayan ng Paghihimagsik ng mga Pilipino sa Cavite 1897, Quezon City: Philippine Dominican Center of Institutional Studies Press, 1999.
Laktaw, Pedro. Diccionario Tagálog-Hispano. Manila: Islas Filipinas, 1914.
Licuanan, Virginia. The Philippines under Spain: A Compilation and Translation of Original Documents. Quezon City: University of the Philippines Press, 1990.
Mactal, Ronaldo. Ang Pulitika Ng Imperyalismo at Ang Rebolusyong Pilipino 1895-1902. De La Salle University-Manila: Manila, 2003.
Rafael, Vicente. Contracting Colonialism: Translation and Christian Conversion in Tagalog Society under Early Spanish Rule. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1988.
Richardson, Jim. The Light of Liberty: Documents and Studies On the Katipunan, 1892-1897. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2013.
Paz, Consuelo. Ginhawa, Kapalaran at Dalamhati: Essays On Well-Being, Opportunity/destiny and Anguish. Quezon City: University of the Philippines Press, 2008.
Plasencia, P. Juan de. Costumbres de Los Tagalos. Manila: Chofre, 1676.
Schumacher Jr, John. Growth and Decline: Essays on Philippine Church History. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2009.
________. The Making of a Nation: Essays on Nineteenth-Century Filipino Nationalsim. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1991.
Uncilla, Fermin de. Urdaneta y La Conquista de Filipinas. Madrid: San Sebastián, 1907.
Villarroel O.P, Fidel. The Dominicans and the Philippine Revolution 1896-1903. Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 1999.
Warren, James Francis. The Sulu Zone, 1768-1898: The Dynamics of External Trade, Slavery, and Ethnicity in the Transformation of a Southeast Asian Maritime State. Quezon City: New Day Publishers, 1985.
Thesis
Stephens, William Dale. "The Roots of Social Protest in the Philippines and Their Effects On U.s.-R.p. Relations." Master's thesis, NAVAL POSTGRADUATE SCHOOL, 1990. Accessed November 15, 2015.
Artikulo
Hernandez, Jose Rhommel. "Reduccion: Ang Pag-Uwi Sa Diskurso Ng Pananakop at Pakikipagtunggali." Malay 23, no. 1 (2010): 76.
Ileto, Reynaldo, "Heroes, Historians and the New Propaganda Movement, 1950-1953," Philippine Studies vol. 58 no. 1-2 (2010): 225-227.
Ileto , Reynaldo, " The "Unfinished Revolution" in Philippine Political Discourse," Southeast Asian Studies vol. 31, no. 1 (June 1993): 64.
Martinez, Felicisimo. "The Dominican Ideal of Truth and the Dialogue with Cultures and Ideologies." The Dominicans' Mission Here and Now (1587-1987) (1988): 66-67.