Makabagong Teknolohiya at Kalikasan Sa ating panahon ngayon, kapansin-pansin ang pag-unlad ng paraan ng pamumuhay na ating tinatamasa kumpara sa ating mga ninuno. Hindi maitatanggi na kalimitan sa mga pagbabagong ito ay bunga ng modernong teknolohiya. Sa simula ay sapat ito at kuntento tayo sa biyayang dulot nito sa ating buhay subalit sa paglipas ng panahon dumarami ang ating mga pangangailangan. Ito ang naging dahilan upang umisip ng paraan ang tao kung paano matutugunan ang mga pangangailangang ito. Ang mga imbentor ay walang humpay sa paglikha dahil hindi nauubos ang pangangailangan ng tao. Sa tulong ng makabagong siyensiya at teknolohiya, nagbago ang pamamaraan ng ating buhay pati na rin ang ating kapaligiran. Nakapaglalakbay ang tao sa kalawakan at narating din ang ilalim ng karagatan. Sa isang saglit, agad naipararating ang mga kaganapan saan mang sulok ng mundo sa pamamagitan ng internet at satellite. Kung ating nanaisin ay maaari tayong makipag-ugnayan sa taong nais nating makausap dahil mayroon na ngayong cellphone. Iba’t-ibang gamot na panlunas sa mga nakamamatay na karamdaman ang nalikha dahil sa makabagong teknolohiya. Dahil din sa agham at teknolohiya kung bakit umunlad ang mga industriya na lumilikha ng ibat’-ibang gamit sa paghahanapbuhay at lumikha din ito ng mga trabaho para sa maraming tao. Ang kalikasan ay naging mas kapakipakinabang dahil sa modermong teknolohiya. Isang halimbawa ang mga talon o falls na pinalilinangan ng hydroelectric energy. Ang mga bulkan ay napagkukunan ng geothermal energy na pinagmumulan ng elektrisidad. Ang mga enerhiyang ito ay renewable, kaya sa makatuwid, ito ay matipid at di nakasisira sa kapaligiran. Ang kapakanan ng kapaligiran ay dapat laging isinasaalang-alang sa bawat paglikhang isinasagawa. Dapat ang mga ito ay environment-friendly. Hindi dapat malagay sa panganib ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan at hindi makakasira sa ating kalikasan. Ang pagreresiklo ng mga waste materials ay isa sa pinakamahalagang solusyong magagawa sa pagbabawas ng basura. Bukod sa maiiwasan din nito ang polusyon at mga sakit, ito ay makapagbibigay pa ng kabuhayan sa mga tao. Ang pagsulong ng makabagong teknolohiya ay maraming benepisyong naidudulot sa tao. Ito ay nangangahulugan din ng kaunlaran. Pero kaakibat nito ay ang responsibilidad sa ating kapaligiran. Dapat sa pag-unlad ng tao ay ang pag-unlad din ng kalikasan. Huwag natin itong hayaang masira o ipagsawalang-bahala dahil sa kagustuhan natin na mapagaan ang ating buhay. Ang mundo ay iisa lamang at ito ang ating tahanan.
Ang Kabataang Pilipino At Ang Makabagong Teknolohiya Ang tao ay hinuhubog ng kanyang mga mithiin. Ang kanyang puso at kaluluwa ay hinugis ng bawa’t pagnanasa bilang isang makamundong nilalang. Mapaghanap, mapusok, malikhain. Ang tao ay hindi tumitigil sa pagkamit ng bawa’t bagay na alam niyang kanya dapat mapasakamay. Lumipas ang maraming dekada at tuluyan nang binago ng panahon ang mundo pati na rin ang saloobin ng kaluluwa ng tao. Sadyang tayo ay walang kapagurang galugarin ang bawa’t posibilidad upang maabot ang pinakamataas na antas ng pamumuhay. Isinilang ang teknolohiya ayon sa pagkahayok natin sa pagbabago. Bagong panahon, bagong pangangailangan. Bagong lipunan, bagong pagnanasa. Walang humpay, walang pahinga sa paghahanap. Ni hindi natin itinatanong kung saan talaga tayo patutungo. Sinasabi na binabaybay na natin ang landas patungong bukas. Nguni’t kailan ang bukas? Ngayon na ba ang bukas o ito’y malayo pa? Masusukat natin kung gaano na kalayo ang ating nilakbay kung halos limot na ang mga bagay na kinagiliwan nating gawin sa mga nakalipas na panahon. Tulad halimbawa ng paglalalaro ng bahay-bahayan kung saan minsan ka nang gumanap bilang ama o ina o anak sa larong ito. Madaling humulas ang mga alaalang ito sa ating isipan sapagka’t wala nang kabataan ngayon ang naglalaro nito. Wala na ring naglalaro ng baril-barilan na mga gawa sa puno ng saging, kotse-kotsehang may gulong na gamit ay bunga ng tabog-tabog o kaya naman ay paglalaro ng siyato na gamit ay sanga ng yakan at kawayan. Parang kailan lang ang mga ganitong tagpo. Maaaring nangingiti ka sa pagbalik-tanaw sa mga alaalang ito.
Tila natatakpan na ng lumalagong teknolohiya ang ating masasayang alaala ng kahapon. Tila baga naaliw na tayo sa saliw ng indak ng kasaganahan ng anumang nasa harapan natin. Telepono, internet, at iba pang...
Ang teknolohiya (Griyego τεχνολογια < τεχνη "kasanayan sa sining" + λογος "salita, pagtutuusin" + ang hulapi ια) ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong. Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito. Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.” ------------------------------------------------Pagbabago sa Teknolohiya Kadalasan kapag sinabing bago, lalo itong mabuti sa teknolohiya at mga lipon ng inhinyeriya. Ang kuro ng nakalaang teknolohiya na sumulong noong ika-20 siglo na isinalarawan ang katayuan kung saan di kanais-nais gamitin ang pinakabagong teknolohiya o iyong mga nangangailangan ng daan sa mga ilang sentralisadong infrastructure o bahagi o kasanayan na inangkat sa ibang dako. Nanggaling ang kilusang eco-village dahil sa ganitong hinaing. Tinutukoy ng teknolohiyang intermediate, mas tinatalakay sa ekonomiya, ang kompromiso sa pagitan ng sentral at mahal na
Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang kompyuter. (ayon sa wikipedia) Ang kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito ay nakapaghahatid ng aliw, nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang programa. Mayroong aspeto ang kompyuter na tinatawag na software. Ito ay ang mga programang ginawa para mapagalaw ang kompyuter. Isang halimbawa ay ang
Accounting software. Ito ay may tungkulin na magtala at magproseso ng mga transaksyon sa accounting. Ito’y gumaganap bilang isang accounting information system na nagoorganisa at nagpapadali ng gawain ng isang accountant. Ninanais ng mga mananaliksik na mapag-aralan ang epekto na dulot ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa loob ng UST-AMV-CoA partikular na sa mga mag-aaral ng ika-4 na antas taong 2008-2009. Kahalagahan/Kabuluhan (importance) Ang kahalagahan ng pag-aaral ng ito ay upang mapagibayo pa ang pag-gamit ng kompyuter. Sa pag-alam ng mga mabuting epekto, mas makikinabang ng malaki ang gagamit ng kompyuter . Maari ding malaman ang solusyon at karampatang kaalaman ng mga negatibong epekto. Layunin (aim) Ang layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy at maipakita kung anu-ano ang mga nakakatulong at mga hadlang sa paggamit ng kompyuter para sa kursong accounting. Hangad din nitong makahanap ng impormasyon ukol sa kalamangan ng mga computer literate sa larangan ng accounting. Nais ng mga mananaliksik na magkaroon ng sapat na pag-unawa ang mga estudyante sa paggamit ng kompyuter at ang aplikasyon nito sa kanilang magiging propesyon na accounting.