Pangalan:__________________________________________________________________
Antas/Seksyon:_________________
ARALIN ______: DESKRIPSYON NG PRODUKTO DESKRIPSYON NG PRODUKTO - Ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang negosyo. - Mahalaga ito upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo, presyo ng isang produkto o serbisyo. Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripyson ng Produkto: 1. Maikli lamang ang deskripsyon ng produkto. 2. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili. 3. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepisyo. 4. Iwasan ang mga gasgas na pahayag. 5. Patunayan ang paggamit ng superlatibo. 6. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa. 7. Magkwento tungkol sa pinagmulan ng produkto. 8. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama. 9. Gumamit ng mga testimonya o patunay mula sa social media. 10. Gumamit ng pormat na madaling i-scan. 11. Gumamit ng kaakit-akit na larawan ng produkto. Kahalagahan ng Deskripsiyon ng Produkto 1. Upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga a. benepisyo, b. katangian c. gamit d. estilo e. presyo 2. Mahalaga rin angdeskripsiyon ng produktoupang maipakita samamimili na angprodukto ay akma sakanilang mgapangangailangan. 3. Mahalaga sa laranganng kalakalan o negosyodahil sa napakalas angkompetensiya ng iba’t ibang kompanya 7 Paraan Para Mas Maging Mabenta ang Inyong Produkto 1. Study your Target Market. Isa ito sa mga aspetong kadalasang nakakalimutan ng mga negosyante. Tanungin muna ang sarili: Sino nga ba ang gusto nating bentahan? Kapag nasagot na ang tanong na ito ay mas mapapadali na ang pagbebenta dahil pwede nang magfocus sa kung ano ang gusto at interes ng inyong posibleng consumer. Kung hair loss treatment ang inooffer ninyo, baka hindi akmang ibenta sa mga college students ang produkto ninyo. 2. Offer Free Taste/Experience. Alam naman natin na anumang libre ay tatangkilikin. Kaya kung nagsisimula pa lang at di pa ganoon kakilala ang inyong produkto o serbisyo, baka kailangan mo ng kaunting patikim. Maglaan ng kaunting budget para rito, mag-invite ng mga kaibigan, bloggers at kapitbahay na ma-experience ang ino-offer ninyo. Isipin ninyo na lang na Pagsulat sa Piling Larangan-TechVoc Lea Queen M. Tamayao
Page 1
best marketing pa rin ang “word of mouth,” kaya pag nag-enjoy at nagustuhan nila, hindi lang sila bibili, paniguradong ipagkakalat din nila ito sa iba. 3. Improve your packaging. Para sa mga product-based na negosyo, mahalaga ang tip na ito. Umiwas na sa mga plain na plastic na lalagyan at hindi mabasang label. Gawing kaaya-ayang tingnan ang inyong mga produkto kapag nakadisplay na ito. Gumamit ng kakaiba o unique na packaging para isang tingin pa lang, mae-engganyo na ang mga taong bumili. 4. Maximize the Internet/Social Media. Ayon sa Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP), halos kalahati na ng ating populasyon ay online noong 2014. Gawing accessible ang inyong negosyo sa pamamagitan ng social media at Internet. Gumawa ng website, Facebook page, Twitter at Instagram account para maipakita ang inyong produkto at serbisyo. 5. Create Promos. Dahil ginamit mo na din naman ang social media sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa iyong negosyo, palakihin lalo ang reach at following sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga promos para sa iyong consumer. 6. Explore Crowdfunding. Ito ay ang paghahanap ng funding para sa isang negosyo sa tulong ng donasyon mula sa grupo ng mga tao. Puwedeng bigyan ng reward / produkto ang mga taong magpe-pledge na magdo-donate sa inyong negosyo. Alternatibong paraan ito para makakuha ng dagdag na kapital. 7. Use your USP. Unique Selling Proposition. Ito ang ikinaiba o ikinabuti ng inyong produkto/serbisyo laban sa ibang kakumpitensiya. Bukod sa target market, kailangan mo ring matukoy ang inyong USP. http://www.bamaquino.com/7-paraan-para-mas-maging-mabenta-ang-inyong-produkto/
Pagsulat sa Piling Larangan-TechVoc Lea Queen M. Tamayao
Page 2
Pangalan:__________________________________________________________________
Antas/Seksyon:_________________
ARALIN ______: MENU NG PAGKAIN Ang pagsulat ng menu o paglalarawan sa pagkain ay itinuturing na isa sa mga anyo ng komunikasyong teknikal. MENU- ang menu ay listahan ng mga pagkain na pwedeng orderin nsa isang kainan. Maaari itong maging À La Carte, na kung saan pipili ang mga kostumer sa mga nakalista na pagpipilian, at Table D'hôte, naman ay nakasulat lahat ng inihahain ng isang restawran na maaaring pagpilian ng mga mamimili. Tatlong Mahahalagang Salita sa Pagbuo ng isang Menu: A. HITSURA - Layunin nitong paglawayin ang tumitingin sa litrato upang masigurong pipillin ng tagatangkilik ang pagkain na kaniyang nakita. Inaasahan dito ang pagiging kakaiba ng kualy o presentasasyon ng pagkain at salitang gagamitin upang mailarawan ito. B. TEKSTURA - Ito ay tumutukoy sa pagkakahabi ng pagkain na nakikita sa menu at kung gaano kaartistiko ang pagkakahain upang mas maging kapana-panabik ito sa mga tagatangkilik. Inalalarawan dito kung ang manok ba ay malutong, makatas, malasa, at iba pa. C. LASA - Ang lasa ng pagkain ay ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga tagatangkilik ang produkto. Sa menu, inaasahang mailalarawan kung nao ang lasa ng pagkaing nakikita nila bago pa man bumili ang mga tao. Mga Gabay sa Pagsulat ng Menu: 1.Iwasan ang paggamit ng mga salitang humihikayat sa artipisyal na sahog. 2. Maging tiyak at payak sa paggamit ng salita. 3. Iwasan ang paggamit ng mga salitang pang-ugnay. 4. Ipakita ang personalidad ng pagkaing ilalarawan. 5. Mainam na magkaroon ng tema ang menu na bumabatay sa imahe ng restawran. 6. Iwasan ang mga tipograpikal na pagkakamali.
Pagsulat sa Piling Larangan-TechVoc Lea Queen M. Tamayao
Page 3
Pangalan:__________________________________________________________________
Antas/Seksyon:_________________
ARALIN ______: FLYERS AT LEAFLETS Pagsulat ng Materyal na Pampromosyon Ang PROMOSYON o PROMO ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng negosyo. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ang kompanya ng mas mababang halaga ng kanilang mga produkto o serbisyo sa itinakdang panahon. Ginagwa ang promo uoang makaakit ng mga potensyal na kostumer. Mga Dapat Isaisip sa paggawa ng Promosyonal na Materyal: 1. 2. 3. 4.
Kailangang isaisip ang reputasyon at imahen ng kompanya. Paghandaang manuti ang mga materyal na gagamitin. Kinakailangang bumuo ng tema na angkop sa layunin ng promosyong isasagawa. Isipin kung paano makakaapekto sa buhay ng mga mamimili ang produkto o serbisyong inaalok. 5. Huwag magbigay ng hindi makatotohanang pahayag sa mga pasulat at patalastas. 6. Sumangguni sa mga empleyado at iba p-ang propesyonal kaugnay sa gagawing materyal pampromosyon. FLYER- ay isang uri ng pampromosyanal na materyal. Kahalagahan at Gamit ng Flyers a. Ginagamit ito sa desiminasyon o pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang personal na Gawain o sa isang negosyo. b. Mura ang flyers at madali itong gawin. c. Mahalaga ito para sa mga maliliit o nagsisimulang negosyo. Pagbuo ng Flyer Maraming aplikasyon ang maaaring magturo o makatulong kaugnay sa paggaa ng isang flyer. Kailangan ng mabisang layout o pagdidisenyo sa flyer sapagkat nagtataglay ito ng mahalagang impormasyong nais ipakalat. Maaaring gamitin ang aplikasyonng Microsoft Publisher o Adobe Photoshop sa pagbuo nito. Doon ay mayroon nang mga gabay sa bubuing layout. Tips sa Paggawa ng Flyer 1. Sumulat ng pamagat. Kailangang simple at malaki ang pamagat. Hindi ito dapat hihigit sa limang salita, kasya dapat sa isang linya sa pahina, at nakagitna. Dapat mas malaki kaysa sa buong teksto ang lettering ng pamagat upang Makita ito ng mga tao mula sa malayo. Gumamit ng malalaking titik (all caps) at sans serif tulad ng Arial, Times New Roman at Book Antiqua. 2. Gawing simple ang mensahe. Dapat ay hindi na kailangang basahin ng mambabasa ang kabuuan ng flyer. Dapat maunawaan na agad ng ito ng titingin o babasa. Pagsulat sa Piling Larangan-TechVoc Lea Queen M. Tamayao
Page 4
3. Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon. Mas matatandaan ng mga tao ang mensahe sa tulong ng mga kasamang imahen. Iwasan ang sobrang daming larawan upang hindi magmukhang siksik at magulo ang flyer. 4. Magbigay ng Deskripsyon sa ibaba ng larawan. Nararapat na maikli lamang ito, ngunit detalyado na. Maaari itong dalawa hanggang tatlong linya. Gumamit ng mallaking titik para sa mga susing salita. Gumamit ng mapanghikayat na mga salita. 5. Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan ng mga taong nais tumugon o interesao sa nilalaman ng flyer. 6. Pagsasabuliko ng impormasyon ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo ng flyer.
Pagsulat ng Leaflets LEAFLETS- isang uri din ng pampromosyonal na materyal tulad ng flyer, ngunit ito ay higit na malaki at mas komprehensibo ang nilalaman nito. Tinatawag din itong brochures o pamphlets. Karaniwang ginagawa ito ng mga nagsisimula ng isang negosyo o kaya ay para sa isang kampanyang pangkamalayan para sa isang adbokasiya o pangyayari. Karaniwan itong isang buong papel na tinupi sa dalawa o higit pang bahagi, na may iba’t-ibang disenyo at teksto ayon sa particular na layunin. Paggawa ng Leaflet 1. Planuhin ang mga detalyeng nais ilagay sa leaflet. Bumuo ng rough layout o guhit na nagpapakita kung paano gusting iposisyon ang mga larawan at teksto sa leaflet. 2. Gumamit ng mga parirala para sa mga pamagat at teksto. 3. Kompara sa flyers, mas malaki ang espasyong inilalaan sa leaflets at maaaring magdagdag ng impormasyon tungkol sa produkto o serbisyo. Maglagay ng web link na maaaring puntahan ng mga interesadong mambabasa kung may karagdagang tanong. 4. Maaaring gumamit ng MS Word, na popular sapagkat karaniwan na itong ginagamit sa halos lahat ng kompyuter. Bukod sa MS Word, maaarin ding gamitin ang Microsoft Publisher na mayroon nang nakahandang templates ng mga disenyo na maaaring pagpilian. Pagsulat sa Piling Larangan-TechVoc Lea Queen M. Tamayao
Page 5
5. Magsama ng mga larawan upang maiwasan ang pagkakaroon ng bulto ng teksto na hindi laman ng babasahin ng mga tao. 6. Tingnan kung may mga pagkakamali sa baybay at sa gramatika. 7. Maglimbag ng mga sampol bago ipamahagi ang mga kopya.
Pagsulat sa Piling Larangan-TechVoc Lea Queen M. Tamayao
Page 6