DESIREE G. KIASAO BSE IV- FILIPINO ALAMAT NG BUTIKI
Noong unang unang panahon, may isang isang batang ubod ng pilyo pilyo at pakialamero pakialamero sa sa lahat ng ng bagay. bagay. Marami tuloy ang nagagalit, kaya madalas mapalo at mapagalitan si Kiko ng ama’t ina. Gayunpaman, wala ring kadala-dala ang batang ito na lalong tumigas ang ulo at wala pang galang sa matatanda. Dahil dito, walang may gustong makipagkaibigan sa kanya. Palibhasa’y walang kalaro, ang mga hayop na lang ang ginagawang libangan nito. Ang maamong hayop ay nagiging mailap dahil sa pananakit ni Kiko. Kalaunan, pati ang tanim ng may tanim ay lihim nitong sinisira. Isang araw, habang nagwawalis ng bakuran ang ina ay lumapit si Kio sa punso at walang sabisabing winasak ito. Galit na galit ang ina sa anak. Pagkatapos ay abut-abot ang paghingi nito ng paumanhin sa mga duwende na pinaniniwalaang pinaniniwalaang nakatira nakatira sa punso. “Mga nuno, patawarin po ninyo ang aking anak.Hinding -hindi nap o siya uulit. Magbabait nap o siya. Pangako po.” Pianangaralang mabuti ng ina si Kiko na wag ng uulitin ang ginawang paglapastangan nito sa punso dahil dahil masamang masamang magalit magalit ang mga lamang lamang lupa. Subalit kinabukasan, matapos isuga ang kalabaw ay bayawak naman ang napagtuunan ng pansin ng batang sutil. Sinundan ito ngunit nawala nang sumuot sa nakausling ugat ng puno. Hawak ang tirador ay sinalaliksik ni Kiko ang buong paligid. Laing galak nito ng matagpuan ang maraming itlog ng bayawak at tuwang-tuwa na tinirador ang mga itlog. Biglang nagulat ang bata ng lumitaw sa harap niya ang isang duwende. “HOY! BATANG SALBAHE, BAKIT MO BINABASAG ANG MGA ITLOG? HINDI MO BA ALAM NA MAY BUHAY SA LOOB NITO? SA GINAWA MONG IYAN, KIATA’Y PARURUSAHAN. MAGIGING KALAHI KA NANG BAYAWAK…!” “Huwag po, maawa po kayo sa akin. Magpapakabait nap o ako, peks man.” “SINUNGALING! ILANG BESES KA NANG NANGANGAKO TUWING PINAPALO KA NANG TATAY MO. AT KAHAPON LANG, NANGAKO ANG NANAY MO, PERO NAGBAGO KA BA? NGAYON, BILANG PARUSA, IKAW AY HAHALI SA LUPA BAGO MAGTAKIP SILIM AT DAHIL IKAW AY TAO NA NILALANG NG MAYKAPAL MAYKAPAL KAYA SA TAHANAN KARIN MANANAHAN. BUTIKI ANG ITATAWAG SAYO!” Pagkawika’y dagling naglaho ang duwende. Dali-daling Dali-daling kumapripas ng takbo ang nahintakutang bata at nagsisigaw ng… AYOKONG AYOKONG MAGING BUTIKI, NANAY, TULUMGAN MO AKO… AYAW KONG MAGING BUTIKI…!” Napadungaw Napadungaw ang ina at kitang kita niya ang pagkasubasob pagkasubasob ng kanyang anak bago bago pa man ito makaakyat ng hagdan. Nagtaka ito sa pagbabagong-anyo ni Kiko hanggang maging maliit na hayop na animo’y bayawak. Palibhasa’y “BUTIKI” ang huling katagang narnig sa anak’ kaya butiki na ang itinawag niya rito. Bagama’t mabait ay mailiap ang hayop na ito dahil sa hiya.
DESIREE G. KIASAO BSE IV- FILIPINO
Patuloy pa rin ang paghalik ng butiki sa lupa tuwing dapithapon. Panahon na lang ang hahatol kung nararapat nan gang ibalik sa dating anyo si Kiko. Para sa mga duwende, mabuti nang manatili tong butiki sa habang panahon. (IKAW BATA, GUSTO MO BANG MAGING BUTIKI?)
DESIREE G. KIASAO BSE IV- FILIPINO
ANG NAWAWALANG SINGSING
Matalik na magkaibigan sina Manok at Lawin. Para na silang magkapatid. Nagbibigayan sila ng pagkain. Naghihiraman din sila ng gamit. Sa kanilang dalawa, mas maalalahanin si Lawin. Hindi nakakalimutang dalhan ng pasalubong ni Lawin si Manok kapag galling siya sa malayong lugar. May masama rin namang ugali si Lawin. Nagtatanim siya ng galit. Isang araw, dumating buhat sa malayong paglalakbay si Lawin. Dinalaw ang kaibigang si Lamok. “Aba, Lawin, ikaw pala!” bati ni Manok. “Saan ka galing?” “Galing ako sa lungsod,” nakangiting sagot ni Lawin. “Wala palang makukuhang pagkain doon. Pero hindi ko rin nasayang ang pagpunta ko.” “Bakit?” tanong ni Manok. “Tingnan mo itong napulot kong singsing,” ani Lawin. “Hiraman tayo rito pero pakakaingatan nating mabuti at nang hindi mawala.” “Naku oo! Hayaan mo at kapag nasa akin ay iingatan kong mabuti” pagtitiyak ni manok. Ganoon nga ang nangyari. Minsan ay si Lawin ang nagsusuot ng singsing. Minsan naman ay si Manok. Mahal na mahal nila ang singsing dahil ito ang pinakamahalaga nilang pag-aari. Isang umaga, inihabilin ni Lawin kay Manok ang singsing. “Matagal mong iingatan ang sing sing natin. Pupunta ako sa malayong lugar at matatagalan bago bumalik. Huwag mong gagamitin ang singsing sa masukal na lugar. Baka mahulog ay mahirap ng hanapin,” bilin ni Lawin. “Huwag kang mag -alala. “kung gaano mo kamahal ang singsing ay gayundin ako.” Nakalimot si Manok. Isinuot niya ang singsing araw-araw. Dala niya ito saan mang lugar. Ipinagyayabang niya ito sa mga ibon, bibi, gansa, pabo at iba pang kalahi nila. Minsan, galling siya sa pamamasyal ngang may mapansin. Wala sa daliri niya ang singsing. Kinabahan siya. Nagbalik siya sa huling pinuntahan. Hinanap niya ang singsing pero hindi niya Makita. Dumating si Lawin. Hindi malaman ni Manok kung paano ipaliliwanag ang nagyari. Nagalit si Lawin. “Kapag hindi mo nakita ang singsing, habambuhay mo akong makakagalit. Iiwasan mo ako dahil pati magiging anak mo ay madadamay.” Hanggang ngayon, ang manok at lawin ay magkagalit. Lagging kumakahig sa lupa ang Manok sa paghahanap niya sa singsing. Pati ang kanyang sisiw ay takot sa lawin. Dinadagit kasi sila nito.
Gintong Aral: Pahalagahan ang pagtitiwala nang kapwa.
DESIREE G. KIASAO BSE IV- FILIPINO
ANG TIGRE AT ANG ALAMID
Magkasamang naghahanap ng pagkain ang tigr at ang alamid. Ilang oras na ang lumipas ay bigo parin sila. Hindi sila makakita ng maliliit na hayop na maaaring kainin. Nang may Makita silang kuneho ay agad nila itong hinabol. Madali naman nilang nasukol ang kuneho. Nagsimulang mag-angilan ang tgre at ang alamid. Makalipas ang ilang sandal, dumating ang isang leon at inawat ang dalawa . “Sa aking dapat ang kuneho dahil ako ang unang humabol!” katwiran ng alamid. “Hindi! Sa akin dapat dahil ako ang unang humabol!” katwiran ng alamid. Natawa ang leon. “Dahil sa pag -aaway ninyo, ang pagkaing pinag-aagawan ninyo ay wala na! hayun!” ang sabi ng leon sabay turo sa kuneho nakatakbo na sa malayo. Nagsisi ang dalawa.
GINTONG ARAL: Sa pag-aaway at pagiging ganid, ang lahat ay nawawalan.