A storytelling session in video, transcribed using word, and copy & paste commands; this is for the benefit of Elementary students still deep within the CLE curriculums.Full description
Full description
AlamatFull description
alamat
alamatFull description
Alamat ng CARFull description
alamatFull description
Full description
alamat
Full description
gh
asdadsadFull description
dFull description
luhaaaaFull description
asdadsad
Wika
sfda
pagbasaFull description
Group 2 Ang Alamat ng Lamok Ni Severino Reyes
Noong unang panahon sa bayan ng Tungaw ay sagana pa ang ito sa lahat ng bagay. Matabang lupa, masayang mga tao. Pero marumi ang kanilang kapaligiran at kumakalat na kahit saang mga bakuran. Isang araw, nahintakutan ang lahat sa biglaang pagkawala ng ilang mga tao sa bayan. Kahit isa ay walang nakakaalam kung saan sila napupunta. At ito’y naging padalas na ang pangyayari ang mga nawawalang tao. Kaya’t silay lumapit na sa kanilang hari upang humingi ng tulong. At tugon namn ng hari na bantayan ang bawat sulok ng bayan dahil sa mga nangyayari. Hanggang sa makita nila ang paglitaw ng higanteng si Amok sa may paanan ng bundok. Kinuha niya ang isang magbubukid at agad na kinain. Ang mga tao ay biglang nabigla sa pangyayari at tinamaan ng takot. Ang ibang matatanda nagsabing dapat nang lisanin ang bayan, ngunit ang hari’y nagmatigas na ipagtanggol ang bayan. Samantalang si Amok naman ay nasasarapan sa pagkain ng mga taong marurumi. Kaya ang hari ay nagutos na dapat maglinis upang mapag-iwanan sila ng higante. At agad-agad silang naglinis sa bayan, ang mga bata ay naligo, nagwalis ang kababaihan at naglaba ang kalalakihan. Nang lumusob muli ang higante, pinaulanan ito ng mga pana sa dibdib, pero hindi ito tinablan at kinain ng higante ang ibang kawal at dinakip ang ilang taumbayan. Nag-isip ng paraan ang hari kung paano mapapatay ang higante. At minsang nabusog ito, napasama ang hari sa dinakip ng buhay. At nakarating sila sa kuweba, at isang batang higante ang sumalubong kay Amok. Binigyan nya ang batang higante at umalis si Amok. Biglang bumunot ng espada ang hari at nagmamakaawa ang batang higante na huwag siyang patayin. Tinatanong ng hari kung saan ang puso ng kanyang ama ngunit nagmatigas ang batang higante, pero di nagtagal ito’y natakot sa banta ng hari at sinabi ang kahinahaan ng kanyang ama na nasa ilong nito ang kanyang puso. At itinali ng hari ang batang higante at pinakawalan ang mga taong nadakip. At ang hari ay nagtungo sa bayan para harapin ang higanteng Amok. Habang si Amok ay kumukuha nang mga tao, ang hari naman ay umakyat sa puno at tinaga ang ilong ng higante. At namimilipit siya sa sakit at hanggang pinagtulungan itong itinali kasama ang batang higante at sinunog ng taong bayan. Pero bago masunog ay nagbigay ng banta si Amok na hindi sila basta mamatay hangga’t marumi ang kapaligiran. Itinapon ng taumbayan ang mga abo ng mag-amang higante sa maruming ilog. At tumahimik na muli ang bayan ng Tungaw, ngunit nagulat sila sapagkat mula sa maruming ilog ay may maliliit na insektong lumulusob sa bayan tuwing gabi. Naninipsip ng dugo ng tao. Naalala ng mga matatanda ang sabi ng higanteng Amok bago masunog. Kaya nilinis ng mga tagaTungaw ang kanilang maruming ilog. At dumalang ang insektong naninipsip ng dugo. Di kalaunan, tinawag ng mga taong bayan ang mga insektong ito, bilang Lamok.