Ang Pulitika ng Wikang Panturo ni Patricia M. Melendez-Cruz Sa isang multi-linggwal na bansa katulad ng Pilipinas, nagkakaroon ng pagtatalo ukol sa wikang mas mainam gamitin sa pagtuturo. Ano ba ang dapat nating gamitin? Ingles o Pilipino? Wikang bernakular o Wikang Opisyal? Teorya ng Wika at Edukasyon ▫
Ang wika ay kapahayagang kultural ng isang sambayanang may katakdang panlipunan at pangkasaysayan
▫
Wika + Kognisyon = Edukasyon
▫
“Ang wika ang siyang kaisipan ng sambayanan.” –Jose Rizal
▫
Ayon naman kay Plato, “Ang wika ang siyang pangunahing kaparaanan ng tao sa pag -iisip.”
▫
Ang wika ng pagtuturo ay hindi lamang isang isyung pedagogikal kundi isang isyung pulitikal
Patakarang Pangwika sa Edukasyon: Kasaysayan Bilang Asignatura ▫
Mahigit sa isang daan ang katutubong wika -
Walo ang pangunahin
-
Napadagdag pa ang Arabe, Kastila’t Ingles dala ng ating kasaysayan
▫
Ang isyung wikang pambansa at isyu ng wikang panturo ay dalawang salik ng usaping pangwika
▫
Konstitusyon ng Biak-na-Bato ng Unang Republika ng Pilipinas (Mayo 31, 1897) -
▫
isinasaad na ang Tagalog ang opisyal na wika ng Republika
Programang Constitucional de la Republica Filipino ni Mabini
-
nakatakdang dapat ituro sa primary ang pagbasa, pagsalita at pagsulat sa Tagalog na siyang wikang opisyal
▫
42 taon bago tuluyang nakapasok sa mga paaralan ang wikang pambansa
▫
Kautusang Pangkagawarang Bilang 1, serye 1940: itinakdang simula Hunyo 19, 1940, ang wikang pambasa sa lahat ng paaralan bilang asignatura sa 4
th
year high school at sa mga kolehiyong
pangguro ▫
Kautusang Pangkagawarang Bilang 22, serye 1978: ipinapatupad na magkaroon ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng programang kurikular ng mga kolehiyo (public and private)
Bilang Wilang Panturo
“Primary instruction should be given in the first instance in every part of the island in the language of the people.” (Mckinley, 1900)
Rekomendasyon ng UNESCO noong 1951, “…pupils should begin their schooling through the
medium of the mother tongue, because they understand it best and because to begin their school life in the mother tongue will make the bre ak between home and school as small as possible.”
Departamento ng Pilipino at Panitikan ng Pilipinas sa Kolehiyo ng Agham at Sining ng Unibersidad ng Pilipinas nuong 1966
Nuong 1971, pinagpatibay ng UP ang patakarang pagkakapantay ng wikang Ingles at Pilipino
Resolusyon Bilang 45, serye 1969 – paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa grade 1-4 sa buong kapuluan
Presidential Commission to Survey Philippine Education
Patakarang Bilingwal 1974 -Pilipino: Social studies/social sciences, character education, music and arts -English: Sciences, mathematics, and technology.
WIKANG PANTURO: ISYUNG PULITIKAL Instrumento ng Kolonisasyon ng Isipan
PILIPINO BILANG ASIGNATURA
MInistri ng Edukasyon, Kultura, at Isports -
Programa ng Masaklaw na Edukasyon: 3 yunit para sa Pilipino, 9 na yunit para sa Ingles
-
Tanging ang Unibersidad ng P ilipinas ang mayroong 6 na yunit sa Pilipino at 6 na yunit sa Ingles
PILIPINO BILANG WIKANG PANTURO
Mahigpit na tinututulan ng mga makakapangyarihan at mga edukador -
Sa kabila ng kaalaman na ito ay hindi mabuti sa mga aspektong pedagogical, sikolohikal, at pulitikal
Edukasyon
Mahalaga sa pagpapanatili ng umiiral na kaayusang sosyo-ekonomiko
Kailanman ay hindi naging ‘neutral’
Panahon ng mga Kastila
Hindi itinuro ng mga prayle ang wikang Kastila sa mga Pilipino sa kabila ng isang dekretong royal na nagtatagubili na ito ay ituro sa mga kolonya
“hatiin at paghatian” (divide and conquer)
Binuksan lamang ang mga unibersidad at kolehiyo sa mga katutubo noong 1863
Tinawag ni Rizal na “mapang -ayop, mapang-aba’t di maka-tao”
Panahon ng mga Amerikano
Mahalaga ang papel sa benevolent assimilation
Tinanggal ang ugat ng nasyonalismo
Ilusyon ng demokrasya, indibidwalismo, at liberalismo
INGLES BILANG WIKANG PANTURO
Hindi lamang bilang asignatura kundi tanging wikang panturo
Paggamit ng retorikang altruistiko
Sinuportahan ng clase ilustrada y rica
Patuloy na mis-edukasyon ng mga Pilipino
Kurikulum sa pagtuturo -
Repleksyon ng kultura at ideolohiyang Amerikano
Monroe Survey Commission -
Filipino Grade 4 = American Grade 2
-
Filipino High School Graduate = American Grade 5
Mababang kaildad ng edukasyon para sa mga Pilipino
1980: Ikawalong National College Entrance Examination -
Bumabagsak ang mga mag-aaral sa Ingles
Bumaba ang kalidad ng pagtuturo ng Ingles
Dumadanas ang Pilipinas ng “language handicap”
EPEKTO NG INGLES BILANG WIKANG PANTURO
Sa mga mag-aaral -
Bumagal ang pagkatuto
-
Naging palatanggap sa halip na maging palatanong at mapanuri
Sa mga edukador at iskolar -
Nakadepende, kundiman nakabilanggo sa mga kanluraning teo rya at metodolohiya
-
Inuulit lamang o sinasang-ayunan ang mga pag-aaral sa kanluran
Sa pangkalahatan -
Pinapanatili ang sosyo-ekonomikong di pagkapantay-pantay sa halip na ilaganap ang demokrasya
-
Para sa mga mayayaman o may-kaya
-
Monroe Survey Commission: “the rank-and-file of Filipino students do not learn the English language well enough to guarantee facility in its use in adult life”
-
Third largest English-speaking country?
Maliit na grupo na bihasa sa Ingles, isang malaking grupo na marunong magbasa at magsalita sa Ingles, at isang mas malaking grupo na hindi kayang maihayag ang sarili sa Ingles
Instrumento ng Pagpapalaya ng Isipan
Isang makabayang edukasyon: -
Para kanino ang edukasyon?
-
Kapasiyahan hinggil sa usapin ng wikang panturo?
-
Ang wika ng makabayang edukasyon ay ang wikang Pilipino
-
Mahirap makamit ang pantay na bilingwalismo (coordinate bilingualism)
-
Ang mga batang tinuruan sa Pilipino ay kasing husay na nakakabasa at nakakasulat sa kanilang wikang bernakular kahit hindi pormal na tinuruan
-
Pilipino bilang wikang panturo maging sa asignatura sa siyensya, matematika at teknolohiya
-
Mas maraming pagkakamali sa Ingles ang mga bata bilang wikang pansulit kaysa Pilipino
-
Ang panimulang kahirapan [na dinadanas sa paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo] ay bunga ng paninibago ng guro at estudyante sa Pilipino dahil hindi ito nakasanayan
-
Kung sa Pilipino ituturo ang siyensya at matematika sa lahat ng antas, hindi ito magiging napakahirap para sa mga estyudante
-
Hindi wika ang sahol kundi ang gumagamit
-
Makikinabang ang sambayanan sa mga pag-aaral sa lipunan at kultura yamang kanilang magaganap dahil nasusulat sa wikang pambansa
-
Hindi matatamo ang tunay na kaunlaran at kasarinlan hangga ’t hindi nakalaya sa kamangmangan at karalitaan ang masa
KONKLUSYON
Pilipino ang itinataguyod nating wikang panturo sa lahat ng antas
Gawing asignatura lamang ang Ingles mula sa unang baitang hangang sa kolehiyo
Maging bahagi ng pambansang identidad ang mga grupong etniko
Wikang Pilipino ang patuloy na gagamitin sa tahanan, pamayanan, rehiyon at bilang katulong na wikang panturo sa lahat ng antas
Ang pananaig ng Ingles sa ating pambansang buhay ay naka-ugat sa mala-kolonyal at maka-uring balangkas sa ating lipunan -
"For as long as these elites continue to run the country, then English will be favored."
-
Upang hindi magamit sa pagpapalaya, ang gamit nito [wikang Pilipino] ay hinahanggahan sa pamilihan at sa mga kaparaan ng walang muwang na aliwan at hangga ’t mapipigilan ay ayaw papasukin sa akademya