mga pananaw teoretikal mula sa aklat ni Dr. Paquito Badayos compiled by: aprilmbagon-faeldan [email protected] victoria, oriental mindoro
This is the tagalog version of the story Three Little PigsFull description
afdsgdsgFull description
Ang Mataba at Payat Na Usa
ESP 8 Modyul 1
Alleluia Ang Mesias ay Dumating Na Parts If you want the orchestration and music, email me at [email protected] with subject Alleluia ang mesias ay dumating na
Maikling KwentoFull description
Ang Buod Ng Palabas Na.bonifacio
Full description
filipino
docFull description
Full description
musical jazz
ANG PALAKOL NA GINTO Sa isang liblib na nayon, malapit sa bundok ng Sierra Madre ay may isang mangangahoy na may ginintuang puso. Siya ang naghahanap-buhay para sa kanyang inang may-sakit. Hindi niya alintana ang pagod at hirap sa pagtratrabaho.Sa pag uwi niya sa hapon ay dala-dala na niya ang mga kahoy niyang naputol upang ipagbili sa kabayanan. Sa araw-araw ay sa ganito umiikot ang kanyang buhay. Isang araw, gumayak na muli ang mangangahoy upang pumulak ng kahoy sa kagubatan. Madaling araw . pa lang ay nagsimula na siyang maglakad. May kalayuan din ang kagubatan sa kanilang tirahan. Sinapit niya ang kagubatan na ganap na ang sikat ng araw. Nagsimula na siyang pumulak ng kahoy na kanyang dadalhin. Tanghaling tapat nang matapos siyang pumulak. Dahil sa katanghalian na ay minabuti muna niyang kumain bago umuwi. Binuksan niya ang kanyang dala-dalang baong pagkain at sinimulan na niyang mananghalian. Nakaramdam siya ng pagkauhaw matapos kumain kaya minarapat niyang magtungo sa kalapit na sapa upang doon ay uminon. Sa kanyang pagyuko sa batis ay hindi inaasahang nalaglag ang kanyang palakol. Malalim ang sapa at hindi siya marunong lumangoy. Labis na lungkot ang kanyang nadama. ‘Paano ko ito makukuha, ‘ ang tanong niya sa kanyang sarili . Sa tindi ng kalungkutan ay napaluha siya. Pangangahoy lamang ang alam niyang hanapbuhay at nawala pa ang kanyang pinakaiingatang gamit .Sa tangpo ito ay lumitaw ang isang diwata.Batid ng diwata ang kabutihang puso ng mangangahoy . “Bakit ka umiiyak, ginoo?” ang tanong ng diwata.” Nalaglag pos a sapa ang aking palakol na katulong ko sa paghahanap buhay,’ang sagot ng mangangahoy.Biglang nawala ang diwata at nang lumitaw ay may hawak na palakol na ginto.” Ito ba ang nawawala mong palakol? tanong ng diwata .” Hindi po iyan,” ang magalang na
sagot ng mangangahoy. Nawala ang diwata at nang muling lumitaw ay may hawak na pilak na palakol. “Hindi po iyan. Ang sa akin po ay isang luma at kalawanging palakol, ang matapat na tugon ng mangangahoy. Nawala uli ang diwata at muling lumitaw. Sa huling pagkakataon ay hawak niya ang isang lumang palakol.“Ito ba ang nawawala mong palakol?” ang muling tanong ng diwata. “Opo, yan nga po ang sagot ng mangangahoy. Ibinigay ng diwata ang kanyang nawawalang palakol at nagwika, “ikaw ay isang mabuting tao, masipag, matulungin at higit sa lahat ay matapat. Dahil sa iyong katapatan ay ibibigay ko na rin sa iyo ang ginto at pilak na na palako.” Pagkabigay ay nawala nang parang bila ang mahiwagang diwata. Umuwing masaya ang mangangahoy na dala ang kanyang tatlong palakol. Pagdating sa kanila ay ibinalita.ang nangyari sa kagubatan. Habang siya ay nagbibida sa mga kasamahang nangangahoy ay mayroon palang isang mangangahoy na nakikinig na maitim na balak. Palihim na umalis patungo sa kagubatan ang mangangahoy na ito.Pagdating sa sapa ay sadya niyang inihulog ang kanyang palakol at sinimulang umiyak .Sa tagpong ito ay lumitaw ang isang diwata. Batid ng diwata ang maitim na budhi ng mangangahoy. “Bakit ka umiiyak, ginoo?” ang tanong ng diwata. “Nalaglag po sa sapa ang aking palakol na katulong ko sa paghahanap-buhay,” ang sagot ng manganaghoy. Biglang nawala ang diwata at nang lumitaw ay may hawak na palakol na ginto. “Ito ba ang nawawala mong palakol?” tanong ng diwata. “Opo, yan nga po,” ang sagot ng ginoo. “Sinungaling ka ginoo! Hindi busilak ang iyong puso. Bilang parusa sa iyong kasamaan ay liliit ang iyong mga kamay upang mawalan ka ng lakas sa pagpulak ng kahoy,” ang sumpa ng diwata. Biglang naglaho ang diwata at nagkatotoo ang sumpang binitiwan niya sa kanya.