Ang Santo Niño na Walang Ulo JOHN IREMIL E. TEODORO This short story won 3rd place in the Palanca Awards 2005 Singkapal ng halumigmig ng takipsilim ang kalungkutan ng mga taga-Bugasong, Antique. Nawawala ang garing na ulo at mga kamay ng kanilang santong patron, ang Santo Niño de Bugasong. Mahigit dala wang buwan na mula nang ninakaw ito. Buong magdamag na walang kuryente noon at sinamantala ito ng mga magnanakaw. Sinira nila ang pinto ng simbahan at ang bakal na geyt na kinalalagyan ng santo sa bahaging likod ng simbahan. Natagpuan na lamang kinaumagahan ng tagalinis ng simbahan ang Santo Niñong walang ulo na nakahiga sa marmol na sahig na katabi nito ang bolt cutter. Malungkot ang prusisyon ngayong hapon. Halos lahat ng mga matandang kasama sa prusisyon ay umiiyak. Hindi nila matanggap na muling ninakaw ang imahen ng kanilang milagrosong santong patron.Alaskuwatro pa lamang ng hapon ay isinara na ni Bingka ang kanyang parlor. Sasama kasi siya sa prusisyon upang tumulong na ipagdasal ang pagbabalik ng kanilang santong patron. Ang santong patron na hindi lamang isang beses tinulungan ang kanilang pamilya. Siya mismo ay produkto ng milagro ng Santo Niño. Ang tunay niyang pangalan ay Niño Juan. Subalit hindi na kilala sa bayan ng Bugasong ang pangalan niyang ito. Bingka na ang tawag sa kanya ng kanyang mga kustomer at kababayan. Lumaki siya sa bukid kung kaya’t sunog ang kanyang ang kanyang balat katulad ng mga k ababaryo. Maitim Maitim na maitim siya kaya binansagan siyang Bingka dahil sing-itim niya ang nasunog na bibingka. Kaya nga ang pangalan ng kanyang parlor ay “B Beautiful,” “B” para sa Bingka. Ito ang pinakasikat sa tatlong parlor s a bayan ng Bugasong. Ipinangalan si Bingka ng kanyang mga magulang sa kanilang santong patron bilang pasasalamat. Sampung taon na kasing kasal ang mga magulang niya noon subalit hindi pa rin nagbubunga ang kanilang pagsasama. Hanggang sa naisipan nilang magnobena sa Santo Niño. Nagkamilagro nga! Matapos ng siyam na Biyernes na pagnonobena nila, biglang naglihi ang nanay ni Bingka. At hindi lamang siya ang naging anak. Nagkaroon pa siya ng apat pang mga kapatid.Noon namang napulmonya ang bunso nilang si Marimar at naospital ng isang linggo sa Antique Provincial Hospital sa San Jose de Buenavista Buenavist a at muntik pang ipadala ng mga doktor sa lungsod ng Iloilo, naisipan nilang huming i ng tulong sa Santo Niño. Dinala ni Bingka pauwi sa Bugasong ang kahuhubad pa lamang na damit ni Marimar at diniretso sa simbahan. Ipinahid niya ito sa mga paa ng santong patron at nagdasal siyang iligtas ang buhay ng kanyang kapatid dahil ang batam-bata pa nito para mamatay. Nagkamilagro nga! Sabi ng kanyang nanay, nang hapon ding iyon, biglang bumuti ang pakiramdam ni Marimar na pati ang mga doktor ay nagulat. Hindi na natuloy ang pagpapadala sa kanila sa Iloilo at tuluyan na ngang bumuti si Marimar. Hanggang ngayon, hindi na muli nagkasakit ang bata. Sinadya ni Bingka na iwanan ang kanyang tsinelas sa pagsama niya sa prusisyon. Gusto niyang magpenetensya. Nahahawa na rin siya sa pag-iyak ng mga m atatanda. Natatakot kasi siya sa maaaring mangyari sa kanilang bayan kung hindi maibalik ang Santo Niño sa simbahan. Ang tatlong talampakang Santo Niño de Bugasong ay regalo ni Reyna Isabela ng Espanya noong 1703 nang ipinatayo ng mga prayleng Agustino ang simbahan sa Bugasong. Yari sa primera klaseng garing ang ulo at kamay nito. Ang orihinal na kapa nitong pilak ay pinaniniwalaang pinaniniwa laang yari sa platinum. Tinatayang nagkakahalaga nagkakahalaga na ito ng apat na milyong piso nang unang ninakaw ito noong 1983 at nabawi sa isang antique collector sa Iloilo na bumili nito sa mga magnanakaw. Nang nawala ito noon, mistulang pinarusahan ng Diyos ang Bugasong. Ilang araw b ago ang anihan habang nawawala pa ang Santo Niño ay inatake ng mga balang ang palayan. Sinundan ito nang sumunod na araw ng pagdagsa ng pitong patay na balyena sa dalampasigan. Ilang araw ding naaamoy sa poblasyon ang lansa ng mga bulok na balyena kahit na pinagtulungang inilibing ito ng mga tao sa buhangin. Kasabay din nito ang paghina ng huli ng mga mangingisda. Maraming mga magsasaka at mangingisda ang nagutom noon. Umiiyak si Bingka hindi lamang dahil nawawala ang ulo at mga kamay ng kanilang santong patron. Umiiyak siya dahil alam niya kung sino ang mga magnanakaw. Isa na rito ang kanyang boypren na si Nestor.“Abaw! Gabaan uli tayo ng Diyos dahil hinayaan nating nakawin ang Santo Niño!” Palahaw na sigaw ng isang matandang babae na natatakpan ang luhaang mukha ng belong itim.Nanginig itim.Nangin ig sa takot si Bingka.Hindi si Nestor ang unang lalaki sa buhay ni Bingka. Lumaki siya sa isang baryo na ginagawang parausan ng mga binata ang mga bakla. Kapag naliligo siya noon sa ilog ay nagsusunuran nagsusunura n ang mga lalaki at pinipilahan siya.Dahil walang pera ang mga magulang ni Bingka na paaralin siya sa kolehiyo kahit na matataas din sana ang kanyang mga grado at k asama siya sa iilang mga kaklase niya na pumasa sa NCEE, naghanap na lamang si Bingka ng trabaho sa San Jose. Medyo nahirapan siyang maghanap ng trabaho dahil nga sa bakla siya. Walang may gustong kumuha sa kanya na boy dahil mukhang ang hinhin niya at mukhang hindi niya kayang bumuhat ng mabibigat na bagay. Hanggang sa nakapasok siyang tagalinis at all-around na utusan sa Arnold’s Beauty Parlor. Doon siya natutong manggupit, magmanikyur, magpedikyur at mag-meyk up. Sa pinagtatrabahuhan pinagtatrabahuhan niyang parlor, sagana ang mga lalaki. Mga estudyanteng lalaki na pahada.Mat pahada.Matapos apos ng limang taon na pagtatrabaho sa San Jose, naisipan niyang umuwi sa Bugasong at magpatayo ng sarili niyang parlor. Noong una, noong hindi pa niya kayang mag-arkila ng puwesto sa palengke para sa minimithi niyang parlor, nagse-service muna siya sa mga bahay ng kanyang mga kustomer. Dahil likas na magaling siyang manggupit at magmanikyur, dumami ang kanyang suki. Hanggang sa nakaipon siya at nakapag-arkila ng isang maliit na puwesto sa palengke. Dumami pa ang kanyang mga kustomer at nakapag-arkila siya ng lupa malapit
sa simbahan at pinatayuan niya ito ng may kalakihan na parlor na yari sa kahoy at kawayan. Ito ang parlor niya ngayon na “B Beautiful.”Maraming Beautiful.”Maraming mga pakawalan pakawalang g binatilyo ang nagtatambay sa kanyang parlor. Pero ngayong medyo tumatanda na siya, ayaw na niya sa mga binatilyo. Barya lang naman ang kailangan ng mga ito o kung minsan ay masaya na sila na makainom ng libreng Tanduay. Gusto ni Bingka na maging maayos ang kanyang buhay. Dalawang kapatid pa niya ang kanyang pinapaaral at tumatanda na ang kanyang tatay. Ayaw niyang masyado itong magpapakapagod sa pagsasaka.Ang gusto ni Bingka, magkaroon siya ng lalaking mamahalin at magmamahal din sa kanya. Masyado na kasing lumulungkot ang kanyang buhay. Oo nga’t masaya siya sa pagtulong sa kanyang pamilya pero parang mayroon pa ring kulang sa kanyang buhay. May mga pagkakataong parang nangangagat sa kaibuturan ng kanyang pagkatao ang kalungkutan ng pag-iisa. Lalo na kung umuulan, kumukulog, at kumikidlat. Gusto sana niyang may katabi siya sa pagtulog upang may mayakap siya na mainit na katawan. Mayroong magproprotekta sa kanya sa kulog at kidlat. Naiinggit si Bingka sa mga kababata niyang may mga pamilya na ngayon. Katulad na lamang kay Vilma na matalik niyang kaibigan noong bata siya. Sunod-sunod ang laki lak i ng limang anak nito. Lusyang na nga ang kaibigan niyang ito. Kulu bot na ang sunog na mukha sa katatrabaho sa bukid at sa pag-aasikaso ng maliit na kubo nila, luyloy na ang mga suso, at halatang hirap sa buhay. Pero kung makita niya itong kasama ang limang anak at ang banang si Luting sa pagsisimba kung Linggo ay naiinggit siya. I sa si Luting sa mga lalaking pumipila kay Bingka sa ilog noon. Pero espesyal si Luting sa paningin ni Bingka dahil ang lalaking ito lang ang pinapantasya ni Bingka na maging bana. Kahit na pango ang ilong nito, matipuno naman ang katawan at ang lapad ng balikat. Iniimadyin noon ni Bingka na natutulog siya sa bahaykubo nila ni Luting at ginagawa niyang unan ang matipunong bisig nito. Sa ngayon, katulad ni Vilma, parang ang tanda na rin ni Luting. Bugbog din ang katawan sa katatrabaho ng lupang hindi naman pag-aari nito.Nahihiya mang aminin ni Bingka sa kanyang sarili at lalo na sa ibang tao, ilang beses na rin siyang humingi sa Santo Niño de Bugasong ng isang nobyo. Yung mabait at responsable. Kahit hindi masyadong guwapo. Pero ang gusto sana niya, mas matangkad sa kanya. At gusto niya, payat pero maskulado. Hanggang isang araw, naligaw sa parlor niya si Nestor. O mas magandang paniniwala para kay Bingka na ipinadala ng Santo Niño si Nestor sa “B Beautiful.” Kaklase ni Bingka si Nestor sa Bugaso ng Central School mula Grade 1 hanggang Grade 6. Anak ito ng isang titser. Hindi sila naging magkaibigan dahil mga babae ang mga barkada ni Bingka. Sa katunayan nga, bugoy itong si Nestor at ito ang lider-lider upang paglaruan si Bingka. Ang paboritong pang-aasar ni Nestor sa kanya ay ang gapusin siya sa harap ng mga kaklase nila. Pagkatapos tatanungin tatanungin siya ni Nestor kung sino ang crush niya. Kung magmamatigas si Bingka at hindi sumagot, lalong hinihigpitan hinihigpit an ni Nestor ang paggapos sa kanya hanggang sa mamilipit si Bingka sa sakit. Tatanungin uli siya ni Nestor kung sino ang crush niya. Mapipilita Mapipilitan n si Bingka na sumagot ng Richard Gomez. Subalit hindi ito tatanggapin ni Nestor. Ang gusto nitong sagot ay ang pangalan ng isa nilang kaklase. Mapipilitan Mapipilitan si Bingka na banggitin ang pangalang Ronel, ang pinakamatangkad na kaklase nila. “Sige, ulitin mo pa! Sino ang ang crush mo?” Tanong Tanong uli ni ni Nestor. “Si Ronel!” Sigaw Sigaw naman ni Bingka. Saka lamang siya pakakawalan ni Nestor. Hiyang-hiya si Bingka kay Ronel dahil namumula rin ito sa hiya. Wala lang magawa si Ronel dahil ayaw nitong kalabanin si Nestor kahit na kayang-kaya niya itong umbagin dahil titser nga ang nanay nito sa k anilang paaralan. paaralan. Ang kinatatakutan noon ni Bingka, baka mapikon si Ronel sa kanya at basta na lamang siyang suntukin. Crush naman talaga ni Bingka si Ronel pero sekreto niya ito. Pinilit lamang siya ni Nestor na isigaw ito sa lahat ng kaklase nila. Minsan, Minsan, nagkasabay sa CR sina Bingka at Ronel. Sila lang dalawa. Natakot si Bingka. G usto niyang magpaliwanag kay Ronel subalit hindi naman niya alam kung paano niya sisimulan ito. Subalit nagulat si Bingka. Inakbayan siya ni Ronel at sinabihang, “Okey lang ‘yon. Di mo naman kasalanan. kasalanan. Pinilit ka lang ni Nestor.” Paglabas ni Ronel ng CR, tuluyang napaiyak s i Bingka. Napaiyak siya dahil parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Hindi pala galit sa kanya si Ronel. Napaiyak din siya dahil inakbayan siya ni Ronel.Sa kabila ng ugaling iyon ni Nestor, hindi pa rin nagagalit si Bingka dito. Crush din kasi niya si Nestor. Mas crush nga niya ito kaysa kay Ronel. Kaya lang, noong naghaiskul sila, sa St. Anthony’s College na sa San Jose de Buenavista pumasok si Nestor . Bihira na ito umuuwi sa kanila sa Bugasong. Sa Manila na rin ito nagkolehiyo. Civil Engineering ang kinuha. Iyon nga, isang hapon, bigla na lamang sumulpot si Nestor sa parlor ni Bingka. Lalo itong gumuwapo. Medyo maputi ito at makinis ang balat dahil sa Manila nga tumatagal. Matagal nang pinag-iisipan ni Bingka kung ano meron sa Manila. Bakit pumuputi ang mga tagakanila na nagtatrabaho doon. Katulad na lamang ng isang pinsan niyang katulong doon. Ang puti-puti na ngayon. “Asenso na tayo tayo a,” nakangiting nakangiting bati ni Nestor. “Okey lang. Nakaraos Nakaraos din,” sagot sagot ni Bingka habang patapos patapos siya sa ginugupitang ginugupitang may may edad na babae. “Matatapos na ako rito. Magpapagupit Magpapagupit ka ba? Mukhang kailangan mo. Medyo mahaba na na rin yang buhok mo.”
“Natatakot ako.” “Bakit?” “Kasi, baka saksakin saksakin mo ako ng gunting. Di ba palagi kitang kitang inaalaska noong maliliit maliliit pa tayo?” Tumawa si Bingka. Pati ang kustomer niya’y nakitawa rin. “Buti naalala naalala mo pa ‘yon. Inaapi mo nga ako noon. Pero Pero ba’t ka pa pumunta rito sa parlor ko kung natatakot ka pala na sasaksakin kita?” “Wala lang.” Magmula noon, halos araw-araw ay nasa parlor na ni Bingka si Nestor. Kung hindi man ito makapunta, palagi naman nilang tini- text ang isa’t isa. Paminsan-minsan, Paminsan-minsan, nag-iinuman pa sila. Sa mga inumang ito nalaman ni Bingka na hindi pala nakatapos si Nestor sa kanyang pag-aaral. Nalulong daw siya sa shabu sa Manila dahil sa mga barkada niya. Narehab pa nga siya ng anim na buwan. Kakalabas lang niya kaya umuwi na siya sa Bugasong. Nahihiya nga raw siya sa kanyang mga magulang dahil sinayang lang niya ang mga ginasta sa kanya. Hindi naman sila mayaman. Ang nanay niyang titser, palagi naman atrasado ang suweldo at libing na rin ito sa utang. Hindi pa natatapos ang buwan ay nakasangla na ang tseke nito sa Intsik sa San Jose.Mahapdi na ang mga talampakan ni Bingka. Mainit pa kasi ang simentong kalsada. Pero titiisin niya ang hapding ito. Kulang pa ito kung tutuusin para sa kasalanang ginawa ni Nestor.Hindi Nestor.Hindi lamang mag-isa si Nestor sa pagnanakaw ng ulo at mga kamay ng Santo Niño. May ibang mga kasama ito. Alam ni Bingka na isang pulis na taga-Iloilo na napatalsik sa serbisyo dahil sa pangongotong ang mastermind. Hindi klaro kay Bingka kung paano napasama sa grupong ito si Nestor.Nalaman niyang kasama si Nestor dahil nang gabing nangyari ang pagnanakaw, doon pa sa parlor niya natulog si Nestor. Balisang-balisa ito nang dumating mula sa Iloilo ng tanghaling tapat. Wala itong ganang kumain kahit na nagluto si Bingka ng paborito nitong adobong baboy na may karots.KayNestor lamang natagpuan ni Bingka ang paglalambing na hinahanap niya sa isang lalaki. Napagod na rin kasi si Bingka na ginagawa lamang siyang parausan at gatasan ng mga lalaki. Karamihan sa mga lalaking ito, makaraos lang sila ay agad tatayo, hahanapin ang brip at pantalon, at saka hihingin na ang napagkasunduan nilang bayad. Pagkakuha ng pera ay magpapaalam na na aalis at maiiwan si Bingka na nag-iisa upang laruin ang sarili kung hindi pa siya nawawalan ng gana. Kakaiba si Nestor . Hindi yung mismong akto ng pagtatalik ang pinakarurok ng pagsasama nila kundi ang pag-uusap nilang dalawa bago at pagkatapos ng pagtatalik nila.Kung minsan nga, hindi na nila kailangang magtalik. Mahihiga lamang silang dalawa dalaw a at magkayakap na mag-usap tungkol tungko l sa kanilang mga plano sa buhay. Si Bingka, gusto niyang balang araw ay magiging erkon ang “B Beautiful.” Si Nestor naman, gustong kausapin ang ama na tulungan siyang makapagpundar ng isang babuyan at manukan sa maliit nilang palayan. Pinag-uusapan din nila kung minsan ang kanilang kabataan. Kung paanong masayang-masaya si Nestor kung inaapi niya si Bingka. Nakakatulugan nila ang pag-uusap at magigising sila sa umaga na magkayakap pa rin.Noong una, hindi pa sigurado si Bingka kung ano ang motibo ni Nestor sa pagtatambay sa parlor niya at sa pagiging malapit nito sa kanya. Medyo natatakot siya dahil usap-usapan nga na kaya natigil sa pag-aaral pag -aaral si Nestor kasi naging adik adi k ito sa Manila. Ilang buwan na rin silang text mate nang nagyaya si Nestor na mag-overnight sila sa Villa Valderama, isang mountain resort sa kabilang bayan. Isang Linggo ay umakyat silang dalawan doon. Nagbaon sila ng pagkain at isang long neck na Tanduay.Halos buong araw ay naligo sila sa swimming pool. Masayang-masaya si Bingka. Pakiramdam niya, babae talaga siya dahil sa pagtrato sa kanya ni Nestor. Nagrenta sila ng isang kamalig na yari sa kawayan at nipa. May munting balkonahe ito at doon sila naupo habang hinihintay nilang antukin sila. Malamig doon sa Villa Valderama. Nasa gitna ng gubat ang resort kung kaya maririnig ang huni ng mga ibong panggabi at mga kuliglig. May dumadapya pang hangin na kay lamig ng haplos sa balat ni Bingka. Niyaka p niya ang sarili. “Ang lamig no?” Sabi ni Nestor at naupo sa tabi ni Bingka.“Oo nga. Nanginginig Nangingini g nga ako e.”“Gusto mo yakapin kita?”“Ikaw?”Iyon ang naging pasakalye ng unang pagtatalik nila ni Nestor. Nang gabing iyon, umulan nang malakas sa Villa Valderama.Bago mag-Pasko ay nagkasakit ang sampung taong gulang na nag-iisang kapatid ni Nestor na si Akay. Ilang buwan nang namamaga ang mga paa nito at binabanyusan lamang ng kanyang nanay ng kung ano-ano . Hanggang sa namaga pati mukha ng bata at hinihika na. Hirap na hirap ito sa paghinga kung kaya isinugod na nila sa ospital sa San Jose. Hindi ito kaya ng mga doktor doon kaya idiniretso pa si Akay sa St. Paul’s Hospital sa Iloilo. Doon na nag-Pasko ang mag-anak.Magba-Bagong Taon nang umuwi si Nestor. Siya lang ang umuwi. Ang nanay at tatay niya ay nagbabantay pa rin kay Akay sa ospital sa Iloilo. Sa “B Beautiful” na tumuloy si Nestor. Puyat ang itsura nito at problemadong-problemado. Noon unang nakita ni Bingka na umiyak si Nestor. Napayakap ito kay Bingka at napahagulgol. Takot itong mamatay si Akay. Ayaw nitong mamatay ang nag-iisang nag- iisang kapatid. “Siya na nga ang matalino sa aming dalawa, siya pa ang nagkasakit. Sana ako na lang. Ako ang walang silbi. Ako ang dapat magkasakit. Kaya dapat lang na ibigay ko itong kidni kidni ko kay Akay. Kahit dalawa pa. Okey lang,” sabi nito na humahalo sa mukha ang mga luha, sipon, at laway.Hindi alam ni Bingka kung ano ang k anyang sasabihin sasabihin sa pagkakataong iyon. Wala siyang magawa kundi ang yakapin lamang si Nestor.Nasira ang dalawang kidni ni Akay. Hindi ito makaihi kung kaya naipon ang tubig sa kanyang katawan kaya siya namamaga at hindi makahinga dahil napapasukan
na rin ng tubig ang kanyang mga baga. Nagdadayalisis ito ngayon sa St. Paul’s tatlong beses kada linggo. Kailangan siyang dalhin sa Manila upang magpa-kidni transplant doon. Malaking pera ang kakailanganin. kakailanganin. Kailangan ding ibigay ni Nestor ang isa niyang kidni kay Akay.Kinaumaga Akay.Kinaumagahan, han, madaling araw pa lang ay ginising na ni Bingka si Nestor. Pinilit niya itong magsimba kasama n iya.“Ipagdasal natin si Akay sa Santo Niño. Pagagalingin siya ng Santo Niño kagaya ng pagpapagaling niya kay Marimar noon. Maniwala ka lamang,” sabi niya kay Nestor. Agad namang bumangon at bumihis ang binata at malamig na malamig ang hanging sumalubong sa kanila paglabas nila ng parlor papuntang simbahan. Alasingko e medya magsisimula ang misa.Abril na ay wala pa rin si Nestor. Ni hindi ito nagti-text. Kung tatawagan naman ito ni Bingka, palaging out-of-coverage-area ito. Naisip ni Bingka na baka ibinenta ni Nestor ang kanyang selfown. O baka nagtatago na rin.Madilim na at nasindihan na ang mga kandila ng mga nagpuprusisyon.. Ilang linggo na rin ginagawa ng mga deboto ang prusisyong ito ng Santo Niñong walang nagpuprusisyon ulo at mga kamay. Kasama ang kura paroko, napagkasunduan nilang gagawin ito hapon-hapon hanggat hindi maibabalik ang ninakaw na bahagi ng rebolto ng kanilang santong patron. Gagawin din nila ito upang maiwasan ang mga gaba na maaaring dadating sa Bugasong dahil sa pagnanakaw na ito.Nag-aalala ito.Nag-aala la si Bingka kay Nestor. Kung natuloy ngang siya ang magbibigay ng kidni kay Akay, kamusta na kaya ito? Sana man lang tini-text siya para hindi naman siya mag-alala nang husto.Bakit gan’on? Bakit kung sino pa ang mga inosente siya pa ang napapahamak? Tanong ni Bingka sa sarili. Katulad na lamang ni Akay. Kay bait na bata. Bakit nagkasakit nang ganoon kalala? Si Nestor, gusto na ring magbagong buhay, bakit naigugupo ng isang masyadong malaking problema at napipilitang gumawa muli ng masama? Marami siyang hindi maintindihan. Bakit hindi pinakinggan ng Santo Niño ang dasal nila ni Nestor na pagalingin si Akay?Minasd an ni Bingka ang likuran ng imahen ng kanilang santong patron sa unahan ng prusisyon. Para itong multo ngayong madilim na at nababalot ng liwanag ng spot light. Mistulang isinisigaw nito ang nawawalang ulo.Bakit ayaw mong pagalingin si Akay? Bakit hinayaan mong masadlak uli sa putik ng kasalanan si Nestor? Bakit hinayaan mong nakawin ang iyong ulo at mga kamay? Bakit kami ang malilintikan kapag ninanakaw ninanakaw ang bahagi ng iyong katawan? Bakit mo hinayaang magkalayo kami ni Nestor? Ito ang mga tanong na mistulang malalaking alon na humahampas humahampas sa dalampasigan ng isipan ni Bingka. Hindi na niya alintana ang init ng tumutulong kandila sa kanyang kamay. Ang bigat ng kanyang kalooban. Marami siyang mga tanong sa Santo Niño. Marami siyang hindi maintindihan. maintindih an. Ang alam lang niya, hindi siya dapat mag-isip ng mga tanong katulad nito sa Santo Niño. Dapat igalang ang santong patron. Dapat igalang ang desisyon nito. Sabi nga minsan ng kanilang kura paroko sa sermon nito, marami tayong mga hiling na hindi tinutugunan ng Diyos. Kadalasan hindi natin ito naiintindihan. naiintindihan. Kung minsan nagtatampo tayo. Pero may rason ang Diyos kung bakit may mga panalangin tayo na hindi niya tinutugunan. Balang araw maiintindihan din natin ang rason na ito.Biglang-bigla, ito.Biglang-bigl a, naging maliwanag kay Bingka ang kanyang nararamdaman. Hindi lamang pala siya natatakot para kay Nestor at naaawa kay Akay. Hindi lamang pala siya nahihidlaw kay Nestor. Nagtatampo siya sa Santo Niño de Bugasong. Ginawa ni Bingka ang lahat ng kanyang makakaya huwag lamang sumali si Nestor sa grupo na magnanakaw ng ulo at mga kamay ng Santo Niño. “Matakot ka sa gaba ng Diyos!” Sabi niya sa lalaki.“Gaba?! Hindi pa ba gaba itong nangyayari kay Akay?”“May awa ang Diyos. Hindi niya pababayaan si Akay.”“Kay daling sabihin ‘yan. Pero kung makita mo ang kalagayan ni Akay sa National Kidney Institute sa Manila, maiisip mo na walang Diyos!”“May Diyos, Nestor. Alam kong alam mo ‘yan!”“Para kaming kawawa doon sa ospital. Pumipila sa doctor. Pumipila sa dayalis. Pumipila para sa gamot. Para kaming namamalimos! Sa St. Paul’s pa lang sa Iloilo, naubos na ang pera nina Mama at Papa. Naibenta na rin ni Papa ang palayan namin. Kulang na kulang pa rin ito para sa pagpapatransplant pagpapatranspla nt ni Akay. Awang-awa na ako sa k apatid ko. Nahihirapan siya sa p agpapadayali agpapadayalisis. sis. Kailangan kong makatulong. makatulo ng. Kailangan kong makahanap ng pera. Kaya sasama ako kina Tsip Flavie sa pagnakaw ng Santo Niño. Ipagdasal mo na lamang ako.”Nakatalikod ako.”Nakatalikod sila sa isa’t isa nang matulog sila ng gabing iyon. Pagkatapos nag-brown out. Maya-maya, tumunog ang selfown ni Nestor. Bumangon ito at nagsuot ng pantalon at sapatos. Hindi tuminag si Bingka pero alam niya na alam ni Nestor na gising siya. “Kahit anong mangyari, huwag kang lumabas,” bilin ni Nestor nang palabas na ito. Pasado alasiyete na natapos ang prusisyon. Dala-dala pa rin ni Bingka ang bigat ng kanyang kalooban pagbalik niya sa kanyang parlor. Tinatamad siyang magluto dahil wala naman siyang ganang kumain gayung ni wala siyang kinain kahit ano matapos siyang nag-agahan kaninang alasdiyes ng umaga. Tiningnan niya ng kanyang selfown na iniwan niya sa tokador. Wala talagang text mula kay Nestor.Pumasok siya sa kanyang maliit na kuwarto kuwart o sa likod ng parlor. Tumayo lang siya sa pinto. Pinagm asdan niya ang kanyang kama. Mistulang walang kulay ang sapin nitong may imprenta ng mga gumamela at pikoy. Parang ang lawak-lawak ng kanyang kama ngayong walang nakahiga nakahiga rito. Kahit na mainit sa loob ng kanyang kuwarto, may narar amdamang lamig sa kanyang kaibuturan kaibutu ran si Bingka. Lamig na ang init ng mga halik at yakap lamang ni Nestor ang makakapawi.Uuwi siya sa kanilang bahay sa bukid. Ayaw niyang mag-isa ngayong gabi. Kapag lungkot na lungkot siya, umuuwi si Bingka sa kanila. Ayaw niyang matulog mag-isa. Mabuti roon sa kanila, katabi niya sa pagtulog sa sahig na kawayan ang tatlo niyang kapatid.Nagpalit siya ng t-shirt. Hinubad din niya ang pantalon. Magso-short lang siya pauwi. Tatlong kapatid.Nagpalit
kilometro rin ang lalakarin niya pauwi. May tatawirin pa siyang bukirin dahil nasa bakulod ang bahay nila. Kinuha niya ang kanyang knapsak na pula at nagbaon siya ng isang t-shirt at brip. Isinili d din niya sa bag ang dalawang lata ng karne norte na nasa kabinet sa maliit niyang kusina. Dinampot niya ang kanyang selfown at nilagay sa bulsa ng kanyang bag.Wala nang mga taong nag-iikot sa poblasyon nang lumabas siya. Wala na rin kahit isang traysikel ang nagbibiyahe. Pinatay niya ang lahat ng ilaw sa loob ng parlor at ikinandado ang pinto. Madilim na madilim ang paligid subalit medyo malamig ang mahinang ihip ng hangin. Huminga siya nang malalim. Sarado rin ang malaking pinto ng simbahan nang nadaanan niya ito. Hawak-hawak ang flashlight ay naglakad si Bingka patungo sa kanila.Nakalabas na siya ng poblasyon nang tumunog ang text tone na Ocho-Ocho ng selfown niya. Si Nestor pa ang naglagay ng text tone na ito sa kanyang selfown. Tumigil siya sa paglalakad at kinuha ang selfown sa bag. Binasa niya ang mensahe: “di na2loy transplnt t ransplnt ni akay. wala na sia. uwi jan bangkay nya bukas. d k makauwi. mis u. wag ka reply. d k 2 cell. ingatz.”Tila bumigat ang mga paa ni Bingka nang m atapos niyang basahin ang text ni Nestor. Naghanap siya nang maupuan. Naupo siya sa mga damo sa natuyong kanal sa gilid ng kalsada.Galit siya. Tumingala siya sa langit at kay dami ng mga bituin. Ngayon lang uli siya nakatingala sa langit na maraming bituin. Kumikinang ang mga bituin. Walang pakialam ang mga ito sa pagdurusa ng mga tao sa mundo. Naalala niya ang Santo Niño d e Bugasong.Galit na galit si Bingka. Ayaw tumulo ng kanyang mga luha sa laki ng galit niya. Malalalim ang napadalas niyang paghinga. Bukas pupunta siya sa simbahan. Magtutuos sila ng Santo Niñong walang ulo.