NG PAGKAPILI SA A NG
TAGALOG BILANG BATAYAN NG WIKANG
PAMBANSA
Syentipikong komparatibong gramar -nagpapatunay na ang Tagalog ang pinakamaunlad sa mga wikang katutubo. Sensus ng 1939 – pinatunayan nito na ang wikang sinasalita ng pinakamaraming Pilipino, bilang kinagisnang wika at bilang pangalawang wika ay Tagalog at itinuturing na ang mga wikang Bisaya ay magkahiwalay (Frei, 1939). Nobyembre 9, 1937 – ang Surian ay nagpatibay ng isang resolusyon na nagrerekomenda sa tagalog bilang batayan ng pambansang wika. ◦
Isinasaad ng resolusyon na:
Tagalog ang wikang halos tumutugon sa mga pangangailangan ng Batas Komonwelt Blg. 184;
Dahil sa mga konklusyong ito ipinasya na piliin ng Surian ng Wikang Pambansa ang wikang Tagalog na maging batayan ng ebolusyon at adapsyon ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Ang Surian ng Wikang pambansa ay magrekomenda ng adapsyon sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa at ang ganitong adapsyon ay hindi dapat na ipalagay na makaaapekto sa anumang paraan sa pangangailangan na ang pagtuturo sa mga paaralang publiko ay pangunahing isasagawa sa wikang English (Encyclopedia of the Phil. Islands, 1938).
Disyembre 10, 1937 (ikaapatnapu't isang anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayaning Pilipino, na si ]ose Rizal), bilang pag-alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, nilagdaan ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapahayag sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika.
Matapos banggitin ang naging silbi ng Espanol at English sa nakaraang mga panahon, nilinaw ni Pangulong Quezon "maaaring hiramin natin sa loob ng isang panahon ang wika ng ibang bansa, ngunit hindi tayo tunay na makapag-aangkin ng isang pambansang wika malibansa pamamagitan ng adapsyon, paglinang at paggamit ng sariling atin.” (Phil. Commonwealth, 1938) Disyembre 30, 1938 - ang Tagalog ay naging batayan ng pambansang wika ng Pilipinas.
Ang pagkapili sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ay naging isyung pinagtalunan. Napag-ukulan ito ng iba-ibang reaksyon mula sa tahasang paglibak. Ang mahigpit na batikos o kritisismo ay nalathala sa isang lingguhang magasin na nagtala ng sampung kamalian.
Pagwasak sa mga dyalektong di-Tagalog Pagpapailalim sa desisyon ng Kombensyong Konstitusyonal 2. laban sa tagalog Pagsasasantabi sa English 3. Di-demokratikong pagkilalang pangwika 4. Hindi paglalathala ng mga kailangang akda 5. Maling pigpapalagay na ang tagalog ay siyang wikang 6. pambansa Pagtutulak sa Pangulo 7. Mmaling pagpapalagay na ang paglilihi ay siyang pagsilang 8. ng pambansang wika Pagkapili sa di-tamang dyalekto 9. 10. Pagtuturo ng wika bago ito isilang (binanggit ni Frei, 1959, mula sa "Ten Errors of the National Language Movement,” Herald Mid-Week Magazine, March 23,1938). Sang-ayon kay Frei, ang mga puna ay nakatuon hindi laban sa pagkapili sa Tagalog kundi sa naganap sa Kombensyong Konstitusyonal. 1.
Jaime C. de Veyra (unang tagapangulo ng Surian ng Wikang Pambansa) at si Noberto Romualdez (mahistrado ng Korte Suprema) – Mga iskolar sa Visayas, pumuri sa pasyang piliin ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika. Disyembre 30, 1937 – Sa panawagan sa lahat ng Pilipino na itinaguyod ang ganitong desisyon, isinulat ni de Veyra sa Tribune na ang tagalog ay siyang magiging batayan o nukleyo ng pambansang wika, inaasahang ang lahat ng ibang wika ng Pilipinas ay makapag-aambag sa pagpapayaman ng pambansang wika. Bokabularyong Tagalog para sa mga rehiyong di-Tagalog Ang Surian ay nagtayo ng “mga sentrong pangwika” sa mga istratehikong lugar. Nagdaos ng mga lektyur tungkol sa wika at literaturang Tagalog. Nagpasimula ang gobyerno ng mga taunang patimpalak pampanitikan sa Tagalog
Nagsagawa ang Surian ng mga siyentipikong saliksik. Sinabi ni Direktor Jaime C. de Veyra tungkol sa mga syentipikong gawain ng Surian na: Bagamat ang sadyang tungkulin ng Surian ay maglinang at magdebelop ng isang pambansang wika, hinihikayat din nito ang mga pananaliksik sa linggwistikang Pilipino upang maglingkod hindilamang sa bansa para makatulong na makapaglinang ng isang katutubong pambansang wika, kundi para rin sa lalong malaganap na interes ng daigdig sa pamamagitan ng pagaambag sa debelopment ng syensya ng wika.
1941 - nagkaloob ng mga panimulang kurso sa Tagalog at Linggwistikang Pilipino sa Summer Institute sa Unibersidad ng Pilipinas sa layuning maipakilala sa mga prospektibong guro ng Pambansang Wika ang istruktura ng Tagalog (BE Memorandum No. 1, s. 1941).
MGA UNANG H AKBANG SA KODIPIKASYON NG
WIKANG P AMBANSA
Abril 1, 1940 - nilagdaan ng Pangulong Quezon ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na nagpapahintulot sa paglimbang ng Bokabularyo at Balarila ng Wikang Pambansa na kapwa inilathal ng SWP, at ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa lahat ng paaralan sa buong Pilipinas, publiko at pribado.
Inaatas ng Kalihim ng Paturuang Pambayan na maglagda ng kaukulang tuntuninat regulasyon sa implementasyon ng kautusang ito. Kalihim Jorge Bacobo – nilagdaan niya ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 1, s. 1940 ◦
Naglalahad na simula sa Hunyo 19, 1940 ang Wikang Pambansa ay dapat ituro sa mga paaralang sekundarya at normal.
Batas Komonwelt Blg. 570 – para sa higit na mabisang implementasyon, sa bisa nito, simula sa Hulyo 4, 1946 ang wikang pambansa ay ipinahayag ng isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas para sa higit na mabisang implementasyon.
Ang wikang pambansaay sinimulang ituro bilang asignatura mula sa unang baitang ng elementarya hanggang ikaapat na taon ng sekundarya.
Ang Lupon na binuwag sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1, 1940 , at muling natatag noog Hulyo 10, 1947, ay nahusto ang pagkabuo, na kinabibilangan nina Inigo Ed. Regalado, Teodoro E. Giner, Benigno Zamora, Sofronio Calderon, Juan C. Laya, Jacinto R. de Leon, at Beatriz Ronquillo. Wikang Pambansa- Isang buwanang magasin na nailathala. Batas Komonwelt Blg. 570 – pinagtibay noong Hunyo 7, 1946 na nagtatakda sa Wikang Pambansa bilang isang wikang opisyal na nagkabisa simula Hulyo 4, 1946.
Inilahad ng Batas:
Para sa layunin ng batas na ito, ang lahat ng teksbuk para sa mga primaryang paaralan na nasusulat'sa pambansang wika na kailangan para sa pagpapalaganap nito sa pamamagitan ng mga publiko at pribadong paaralan at iba pang ahensya at pamamaraan ng popularisasyon ay dapat sa ilalim ng superbisyon ng Kwanihan ng Edukasyon, na alinsunod sa pagpapatibay ng Surian ng Wikang Pambansa kung may kinalaman sa anyo ng wika. (Seksyon 2)
Sa pamamagitan ng atas ng Konstitusyon at mga hakbang lehislatibo, gayundin ang mga kautusang tagapagpaganap, na ilahad ang patakaran sa pambansang wika. Ipinalagay noon ng marami sa mga bumubuo ng intelehensya na naisagawa na ang pasyang nagbibigay-wakas sa lahat ng ispekulasyon at diskusyon sa bagay na ito.
Nasiguro na ang pagpapalaganap at debelopment ng isang pambansang wika, ngunit hindi nalutas sa pamamagitan nito ang problemang pangwika ng bansa kaugnay ng edukasyon sapagkat ang problema sa paggamit ng midyum ng pagtuturo ay iba sa desiminasyon ng isang pambansang wika.