D NG PA DA AH HO ON N N G P AG GP PA AP PA AT TIIB BA AY Y Nais kong humingi ng pahintulot na ma-aprubahan ang sulating pananaliksik na ito na pinamagatang, “Paggamit “Paggamit ng wikang tagalog sa iba’t ibang asignatura sa paaralan”. paaralan”. Ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang impormasyon tungkol sa paggamit ng wikang tagalog sa iba’t ibang asignatura sa paaralan ng Flos Carmeli Institution of Quezon City.
Inilagay rin ng mananaliksik na mula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos Carmeli Institusyon of Quezon City ang mga opinion ng mga mamamayan, partikular na ang mga mag-aaral ukol sa paksang sinabi. Ang sulating pananaliksik na ito ay ginawa bilang isang proyekto at requirement sa Filipino.
Maraming salamat po sa inyong konsiderasyon.
_____________________ Gng. Brenilda Medina (Punong-Guro)
_____________________________ ___________________________ __ Bb. Jessilyn Ranges (Guro sa Filipino)
P PA AS SA AS SA AL LA AM MA AT T Ang pananaliksik na ito ay hindi ko magagawa kung wala ang tulong ng aming guro na si Bb. Jessilyn D. Ranges na gumagabay at umaalalay sa akin habang ginagawa ko ang pag-aaral na ito. Hindi ko rin ito magagawa kung hindi din dahil sa tulong ng aking mga kapamilya at mga kamag-aral sa pagbibigay nila ng kanilang mga opinion ukol sa aking nagawa para mas mapaganda ko pa ang aking pananaliksik.
Kaya naman pinasasalamatan ko silang lahat dahil hindi ko ito matatapos kung wala ang kanilang tulong at suporta.
T NG NIIL TA AL LA AA AN N N G N LA AL LA AM MA AN N PASASALAMAT KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO” A. INTRODUKSYON B. LAYUNIN NG PAG-AARAL C. MGA SULIRANIN SA DI -KADALASANG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL E. SAKLAW AT LIMITASYON
KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA” KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK” A. DISENYO NG PANANALIKSIK B. MGA RESPONDENT C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK D. TRITMENT NG DATOS
KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS” KABANATA 5 “KONKLUSYON BIBLIOGRAPIYA
AT
REKOMENDASYON”
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
A. INTRODUKSYON Ang paksa ng aking pananaliksik ay ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’ t ibang asignatura sa paaralan. Matatalakay dito ang suliranin at kahinaan ng mga estudyante sa wikang Filipino dahil sa mas napapadalas ang paggamit ng banyagang wikang Ingles sa mga asignatura. At dahil nga sa madalas na nagagamit ang wikang ito, mahinang pagintindi naman sa sariling wika ang kapalit. B. LAYUNIN
NG
PAG-AARAL
Sa pagbubuo ng aking pananaliksik, isinasaalang – alang ko ang mga sumusunod na mga layunin: 1. Matalakay ang mga kadahilanan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang asignatura. 2. Matukoy kung kinakailangan ng isang wika sa pagtuturo ng mga asignatura. 3. Malaman kung mas epektibo ang paggamit ng sarililng wika sa pagtuturo. Matukoy kung may koneksyon ang mababa at bagsak na grado ng mga estudyante sa wikang ginagamit sa pagtuturo.
C. MGA SULIRANIN SA DI -KADALASANG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO
Mas nakasanayan na gamitin ang wikang Ingles kaysa Filipino kahit sa mga simpleng pang-araw –araw na pakikisalamuha sa buhay.
Pumapangalawa na ang wikang Filipino sa wikang Ingles
Mas maraming natutunan na mga salitang Ingles kaysa Filipino
Habang tumatagal, bumababa ang pag-unawa sa wikang Filipino
Madalas nabubuo ang salitang “Taglish”
Nauudlot ang tuluyang paglawak ng wikang Filipino
D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Itong pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagkakaunawa ng hindi lamang mga estudyante kundi lahat ng mga tao ang kahalagahan ng kanilang sariling wika. Malaki ang mabebenipisyo ng aking pananaliksik sa mga mag-aaral, mga guro, mga magulang at sa lahat. Mapapakita at mapaparating sa aking pananaliksik ang mga epekto at mabuting naidudulot ng paggamit ng sariling wika sa pag-aaral. Sa panahon ngayon mas nabibigyan importansya ng mga kabataan ang wikang Ingles at sadyang napapabayaaan na ang sariling wika, pumapangalawa na lamang ang wikang Filipino sa wikang Ingles.
Makakatulong ito sa mga magulang sa paraang magkakaroon sila ng sapat na kaalaman tungkol sa pagtuturo ng mga salita gamit ang ating sariling wika, dahil sa paraan na ito ay madaling matututo ang mga bata at para sa kanyang paglaki ay magkaroon siya ng sapat na kaalaman sa ating wika.
Sa mga guro, makakatulong ito sa kanila upang malaman kung ano ang dapat gamitin sa pagtuturo. Mas makakatulong sa pag-iisip ng estratehiya ang mga guro para mas maunawaan ng mga estudyante ang kanilang pinag – aaralan sa kanilang leksyon.
Sa mga estudyante, makakatulong ito para lubos nilang maintindihan na hindi sunodsunod na paggamit ng wikang Ingles ang solusyon sa mabuting pag – aaral.
Hindi kinakailangan gamitin ang salitang Ingles sa pang-araw – araw na pakikisalamuha sa buhay. Hindi rin kinakailangan gamitan lagi ng salitang
Ingles sa pakikipagugnayan sa kapwa Pilipino. Ang paggamit o pagsasalita sa wikang Ingles ay hindi minamasama dito, maaari rin naman itong gamitin at may sariling importansya rin ito, ngunit hindi kinakailangan na lagi ito gamitin. Oo, banyagang wika natin ang Ingles, pero pambansang wika natin ang Filipino. E. SAKLAW AT LIMITASYON Sa pananaliksik na ito ay sumasaklaw ang lahat ng mga estudyante sa ikaapat na antas at ikaanim na baiting sa loob ng nasabing iskwelahan ng Flos Carmeli Institution Of Quezon City. Ang nasabing baiting at antas sa iskwelahan na ito ay binigyan ng “survey” upang kanilang masagutan. Limitado lamang sa iskwelahan na ito ang pagbigay ng “survey”. Nilimitahan lamang ito sa isang pangkat ng mga estudyante sa ikaanim na baitang at isang pangkat ng mga estudyante naman sa ikaapat na antas.
KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Ayon kay Dr. Amalia Cullarin Rosales: Mapanghamon, sapagka’t napakaraming balakid ang susuungin ng mga nagmamalasakit sa wikang Filipino upang maisakatuparan ang adhikaing ito. Bagama’t nakatagpo tayo ng kasangga sa katauhan ng Pangulong Estrada
sa ating adhikaing pagpapalaganap sa wikang Filipino
bilang wikang dapat na gamitin sa mga paaralan, mga tanggapan ng pamahalaan, Kongreso at pakikipag-ugnayang panlabas, ay damang-dama naman ang pagtutol ng ilang mga kilalang tao na ang wikang Filipino ay gawing wika ng pagtuturo at pakipagtalastasan ng ating pamahalaan.
Ayon kay Padre Pedro V. Salgado,OP: Bakit kinakailanagn sayangin ang buong buhay sa pag – aaral ng ibang wika, kung meron naman tayong sariling wika.
Ayon kay Jose T. Saragosa: Marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad ang wikang pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang Wikang Filipino bilang wikang panturo o midyum ng edukasyon. Naniniwala ang mga makabayang dalubwika o linggwistiko na ang paggamit ng pambansang wika sa pagtuturo ng kaalamang teknikal at aghamin ang susi sa pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.
Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak na pagsusuri masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturo ng anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon. Kung wikang dayuhan ang gagamitin sa pagtuturo, may tatlong proseso ang nagaganap sa ating isipan: Persepsyon (Kaalaman), Pagsasalin, Pag-unawa.
Ayon kay Engr. Virgillio S. Perdigon: Ang suliranin ng pag - aaral sa ating bayan ay kung paano isasalin ang kaalaman mula sa paaralan patungo sa masa. Ang wikang Ingles ay hindi siyang lunas.
Ayon kay G. Michael Tan: Madaling matututo ng ibang wika kasama na ang kahusayan sa mga asignaturang Matematika at Siyensya kung mahusay na sa katutubong wika.
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. DISENYO NG PANANALIKSIK Ang disenyo sa pananaliksik na ito ay impormatib. Nagbibigay ito ng sapat na impormasyon o kaalaman tungkol sa paggamit ngating wikang Filipino. Impormatib ang siyang naging disenyo ng pananaliksik na ito upang maipahayag ng mainam o maging detalyado ang pagpresenta sa pananaliksik na ito. B. MGA RESPONDENT Sa paaralan ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, isang pangkat ng mg estudyante sa ikaanim na baitang at isa ring pangkat ng mga estudyante sa ikaapat na antas ang napiling maging respondent sa pananaliksik na ito dahil sa sila ang mas may koneksyon sa pananaliksik na ito. Mga estudyante sa ikaanim na baiting ang pinuntirya upang sila ang tumayo bilang kinatawan ng mga batang mas mabababa ang baiting kaysa kanila. Gayun rin sa ikaapat na antas, sila rin ay napili bilang mga respondent upang sila ay magsilbing kinatawan naman ng mga estudyanteng mas mababa ang antas kaysa kanila. C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK Ang instrumentong pananaliksik ay ibinubuo ng mis mong instrumentong “survey” kung ang mga katanungan ay nakasaad, bawat estudyante ay bibigyan ng isang “survey” na naglalaman ng 2item na katanungan. Essay type ang “survey” na ito. D. TRITMENT NG MGA DATOS Bawat datos sa pananaliksik na ito ay nakuha via internet research. Bumista ng iba’t ibang websites. Inanalyze ng maige ang mga datos na ito bago isayos para sa pananaliksik.
KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
KABANATA V LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. KONKLUSYON
Bigyan importansya at kahalagahan ang sariling wika
Sanayin na magsalita sa wikang Filipino kahit sa simpleng pangararw – araw na pakikisalamuha sa buhay.
Iwasan na magsalita ng “Taglish”
Intindihin ng mabuti ang sariling wika bago intindihin ang iba.
Huwag magdalawang isip na subukang palawakin ang wikang Filipino
Huwag baliwalain ang sariling wika
B BIIB BL LIIO OG GR RA AP PIIY YA A Collier’s Encyclopedia http://www.wikipedia.com http://www.answers.com http://www.TCET.com Encarta