This upload is intended to share a block and/or format that students can follow when doing research. No copyright infringement intended. Credits go to the researcher as indicated in the foo…Full description
Halimbawa ng editoryalFull description
dmjfdgfiwr6trtyre8w7fer
Dulang Pilipino
Halimbawa ng pangalanFull description
TALATANUNGANFull description
books is important
mula sa isang pelikula
Dulang Pilipino
talambuhay ni Graciano Lopez JaenaFull description
ISANG ANEKDOTA NA NAGBABAHAGI NG ARAL UKOL SA IMPORTANSYA NG PAGKAIN NG ALMUSALFull description
Full description
v
Full description
AnekdotaFull description
Ginawa ko ito nang mag-isa
script
10 halimbawa ng sawikain at 12 mga halimbawa rin ng salawikain at kasabihan.
Full description
Ang pangarap ay nagsasaad ng iyong tagumpay sa buhay at ito ang iyong ninanais na makuha bilang layunin mo sa iyong sarili. Upang makamit mo ito kailangan mo ng tiyaga sa iyong sarili at kasipagan. Hindi sapat na ang isang tao ay may mayroon lang pangarap. Kailangang nya itong samahan ng tiwala sasarili at paggawa. Bawat taong nabubuhay dito sa mundong ibabaw ay may kani-kaniyang pangarap. Malaki ang papel na ginagampanan nito sa ating buhay. Dahil dito, lumuluha tayo nang hindi natin alam at ngumingiti tayo nang hindi natin namamalayan. Lahat ng bagay na akala natin ay hindi natin kayang gawin ay ating nagagawa dahil sa ating determinasyon, tiwala sa sarili at pagsisikap para lang maabot ang pinakamimithinating pangarap. Naaalala ko pa ang paboritong itanong ng aking mga guro noong ako’y nasa elementarya pa lamang at lalong- lalo na noong ako’y sumampa na sa hayskul. Gusto kong maging isang tanyag na guro upang maibahagi ang aking alam, maging inspirasyon at humubog ng mga mag-aaral na magsisilbing pag-asa ng ating hinaharap. Itinuturing kong bagong bayani ang mga guro. Sapagkat sa guro nakasalalay ang mga buhay at pangarap ng mga batang ipinagkatiwala sa kanila ng mga umaasang magulang. Bagkus, sa guro nakasalalay kung ilan sa mga tinuturuan niya ang mamumuno ng bansa, papatay ng tao, magiging artista o magiging isa na namang guro at marami pang iba. Kaya para sa akin, masaya at masarap maging isang guro. Nagbabahagi ka na ng iyong kaalaman, may natutunan ka pang bago sa mga tinuturuan mo. Matututunan mong humarap sa ibat-ibang klase ng tao. Mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Matututunan mong magpahaba ng pasensya sa mga taong makukulit at bastos. Matututunan mo kung paano rumespeto at dumisiplina ng sarili at ng ibang tao. Matututunan mong magsakripisyo alang-alang sa ibang tao. Matututunan mong makinig sa problema at payo ng iba at gawan ito nang solusyon para sayo at para na rin sa ibang tao.