Politeknikong Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Edukasyon Departamento Departamento ng Elementarya at Sekondaryang Edukasyon
Inihanda nina Joeffrey Sacristan Eubert Lennard Torreliza Antonee Joi Laurio Maria Migalle Hernandez Jazmine Camille Candilado
Ipinasa kay
Prop. Lina Sotalbo-Felices
0
KASAYSAYAN Nabuo ang Pangasinan mula sa pinagsamang salita na “Panag”at “asinan” o “Panag-asinan” na nangangahulugang lugar na gawaan ng asin. Ipinangalan ito ng mga
Malayo-Polenesian (na kilala sa kagalingan sa paggawa ng asin) nang marating nila ang bahaging ito ng bansa gamit ang bangka. Kalauna'y itinuro nila sa mga katutubo ang teknik sa paggawa ng asin. Ngunit ang Panag-asinan ay ngalan lamang ng mga lugar na malapit sa baybayin samantalang ang bahaging loob ng lugar naman ay tinatawag na Caboloan, Caboloan, ito ay galing sa salitang ugat na “bolo” na isang uri ng k awayan na makikita rito at kabilaang panlapi na “ca” at “an” na nagpapahiwatig ng sagana. Ibig sabihin, sagana sa mga kawayan ang loob na bahagi ng Pangasinan. Ito rin ay naging sentro ng kalakalan noong panahon ng Kastila dahilan upang gawin dito ang pinakaunang daanan ng tren at maging isa sa mga daungan n g kalakalang Galleon. Natuklasan ang bayan ng Pangasinan ni Juan de Salcedo nang siya ay utusa n ng kanyang amang si Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legazpi na ayusin ang kapayapaan sa parteng ito ng bansa habang bumabaybay sa Northern Luzon. Noong 1571 ay nasakop ito ni D. Martin de Goiti. Ang Pangasinan rin ay nagsilbing taguan ng rebeldeng Tsino na si Limahong noong 1574, sa maikling pamamalagi niya rito ay nakapagpatayo siya ng kaharian sa Lingayen. Subalit sa pagsapit ng 1575, nakubkub siya ng mga sundalong Kastila. Nakatakas si Limahong paalis ng Lingayen gamit ang lagusan ng tubig na ginawa niya papuntang China Sea. Subalit maraming kasamahan niya ang naiwan sa Pangasinan at dito na nagkaroon ng pamilya 1. Sa Pangasinan din naganap ang makasaysayang rebulosyong Andres Malong at Juan dela Cruz-Palaris. Habang sa pamumuno naman nina Daniel Maramba ng Sta. Barbara, Vicente del Prado ng San Jacinto, Juan Quesada at Elizio Arsadon ng Dagupan, nagapi ang huling pwersa ng Kastila sa tinagurian Digmaang Dagupan. Unang naging alkalde ng Pangasinan si Don Pedro Manrique nang ang lugar na ito ay ginawang Alcadia Mayor.
1
Ito ang nagging dahilan kung bakit ilan sa mga salitang Pangasinense ay may hiram umanong mga salita mula sa Tsina.
1
Samantala, sa bayan ng Bautista naman isinulat ni Jose Palma P alma ang tulang Lupang Hinirang na kalaunay ginawang pambansang awit ng Pilipinas. Noong 1992, naihalal na pangulo ang isang Pangasinense na si Fidel V. Ramos, sa pamumuno niya naipatayo ang dalawang malalaking planta sa Pangasinan: ang San Roque Power Plant na pinakamalaki sa Timog Silangang Asya at ang Sual Coal-Fired Power Plant sa bansa. Kinikilala rin ang Pangasinan bilang isa sa pinakamalaking probinsya p robinsya sa bansa na may sukat na 5,368,082 kilometro kwadrado. Pang-siyam na pinakamalaking pangkatetniko sa bansa, ang populasyon ng mga Pangasinense ay matatagpuan sa bahagi ng Lingayen, sa Pangasinan at sentral na bahagi ng Luson. Samantala, sa kabuoan ang Pangasinan ay may apat na lungsod; ang Alaminos, Urdaneta, Dagupan at San Carlos at may 43 na musisipalidad: ang Agno, A gno, Aguilar, Alcala, Anda, Asingan, Balungao, Bani, Basista, Bautista, Bayambang, Binalonan, Binmaley, Bolinao, Bugallon, Burgos, Calasiao, Dasol, Infanta, Labrador, Laoac, Lingayen, Mabini, Malasiqui, Manaog, Mangaldan, Mangatarem, Mapandan, Natividad, Pozorrubio, Rosales, San Fabian, San Jacinto, San Miguel, san Nicolas, San Quintin, Santa Barbara, Santa Maria, Santo Tomas, Sison, Sual, Tayug Umingan, Urbiztondo at Villasis. Ang Zambales, ilang parte ng La Union at Tarlac ay dating bahagi ng Pangasinan ngunit inihiwalay ito noong 19th century.
KULTURA NG PANGASINAN Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay kilalang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang mga kulturang nagmula sa ating mga ninuno. Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating
ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kilala ang lalawigan ng Pangasinan dahil sa paggawa ng asin at bagoong, iba’t ibang yaman ng kalikasan, kaugalian, pamumuhay, paniniwala at pagdiriwang. Isa sa sinaunang pamumuhay ng mga tao rito ay ang pagsasaka at pangingisda. Kabilang sa kanilang produkto ay isda at mga produkto mula sa isda gaya ng bagoong at daing. Sa paraan naman ng kanilang pananamit ang mga kababaihan noon ay konserbatibo. Para sa kasuotan ng mga babae ay bestida, kimono at pandiling. Hindi sila
2
nagsusuot ng pantalon dahil ito’y p anlalaki. Sa mga lalaki naman ay damit ng
mahahabang manggas na ginagamit nila sa kanilang pagsasaka, sando at maluluwag na pantalon.
PAGDIRIWANG NA KILALA ANG PANGASINAN
Bangus Festival – Ipinagdiriwang ang Bangus Festival sa Dagupan City, Pangasinan. Noong ika-3 ng Mayo taong 2013, kasabay ng pagdiriwang ng Bangus festival ay ang pagdiriwang din nila ng taunang pag-iihaw sa kalsada ng mga bangus. Itinanghal ito na pinakamahabang pag-iihaw ng bangus sa kalsada na tinatayang may sukat na 1,007 metro (3,305 na haba). Tinalo nito ang Canchia’s, Peru na may 613 metro lamang o 2,011 na haba. Dahil sa selebrasyong
ito, nakamit nila ang prestihiyosong Guinness World Record para sa bansa.
Pista’y Dayat – Ang “Pista’y Dayat ay salitang Pangasinan na ang ibig sa bihin ay Pista ng Dagat . Ito ang taunang pagdiriwanang na isinasagawa tuwing buwan ng
Abril hanggang Mayo sa Lingayen, Pangasinan. Tumatagal ang pagdiriwang ng halos dalawang linggong selebrasyon. Ang pista ay pasasalamat sa masaganang kabuhayan na ipinagkaloob ng dagat sa mga residente ng nasabing lugar.
Galicayo Festival – Ipinagdiriwang ito sa Manaoag, Pangasinan tuwing Disyembre. Ang Galicayo festival ay isang pagdiriwang ng pananampalataya, kultura at sining ng mga taga-Manaoag at isang pagpupugay sa Birhen.
PRODUKTO NA KILALA ANG PANGASINAN
B ottled S hrimp P as te o Bagoong - Kilala ang Pangasinan lalo na sa lugar ng Linagyen sa paggawa ng Bagoong at isa rin ito sa kanilang produktong ipinagmamalaki. Ang bagoong na kan ilang produkto ay gawa sa iba’t ibang isda gaya ng, dilis, galunggong, caballas, terong at padas. Inilalahay ang isda at asin sa banga pagkatapos ay ibuburo ito ng 10 hanggang 12 na buwan.
Bucayo- isang delikasi sa Lingayen
Pastillas at Yema – Ang Pastillas (de leche) ay matamis na kendi na gawa sa
gatas at karaniwang nagsisilbing panghimagas. Ang tunay na paraan ng pagluluto nito ay nangangailangan ng paggamit ng gatas ng Kalabaw ( water buffalo) at kailangan ding niluluto nang maiigi.
3
Bangus- Kilala ang bangus sa Dagupan City . Ito rin ang dahilan kung kaya sa kanilang lugar ipinagdiriwang ang Bangus Festival.
Canned Taba ng Talangka – Ito ay mga taba ng talangka na nahuhuli kadalasan
kapag kabilugan ng buwan, kinukuha at iniipon ang taba saka ito inilalagay sa lata. MGA ATRAKSYON NA MATATAGPUAN SA PANGASINAN
Hundred Is lands National Park ( Pangsainan: Kapulo-puloan o Taytay Bake) - Ang Hundred Islands ng Alaminos, Pangasinan ay isa sa mga atraksyong dinarayo ng mga turista at bakasyonista dahil sa mga magagandang tanawin at kakaiba nitong taglay. Binubuo ng 124 na isla. 124 kapag low tide at 123 kapag hightide. 1,844 ektarya or 18.44 kilometro kwadrado. Pinaniniwalaang 2 milyong taon na ito. Dito rin makikita ang pinakamalaking Clams sa buong mundo o tinatawag na “Taklobos.” Ito ay may bigat na 225 kilo .
Bukod sa mga magagandang tanawin ng Hundred Islands, tatlong isla rin ang dinarayo ng mga turista at bakasyonista rito: ang Governor Island , Quezon Island at Children's Island . Hindi lahat ng isla rito ay may pangalan. Narito ang ilan: Century Island , sinasabing isa sa mga naging taguan ng mga taga Alaminos noong World War 2. Lopez Island, New Scout Island, Marcos Island, Clave Island, Old Scout Island, Martha at Ramos Islands, Cuenco Island, Romulo Island, Devil Island o Cagao Island, Cathedral Island, Bangar Island, Turtle Island, Braganza Island, Hernandez Island, Abad Santos Island, Sulpot Island, Cariaz Island, Monkey Island, Sison Island, Shell Island , at ang pinakahuli ay ang Camantiles Island.
The S hrine of Our Lady of the R os ary of Manaoag - Idineklarang Minor Basilica ni Pope Francis ang The Shrine of Our Lady of the Rosary of Manaoag . Dahil sa mga katangian ng Mahal na Birhen, hindi mabilang ang mga debotong bumibisita sa kanya dito sa kanyang luklukan sa Simbahan ng Bayan ng Manaoag o mas kilala sa tawag na Nuestra Seňora De Manaoag. Dahil sa kanya, ang bayan ng
Manaoag ay kilala bilang Pilgrimage Town hindi lang dito sa Pangasinan, pati na rin sa buong bansa at maging sa buong mundo. May ilang simbahan na rin sa bansa na itinuturing na Minor Basilica gaya ng Manila Cathedral, Basilica del Santo Niño sa Cebu, at ang simbahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo.
Patar Beach - Makikia ito sa Bolinao, Pangasinan - Ipinagmamalaki sa lugar na ito ang Patar beach dahil sa pino at puting buhangin nito at may malinaw na tubig.
4
Bolinao Falls - Ito ay matatagpuan sa Brgy. Samang Norte, Bolinao Trail, Bolinao, Pangasinan.
MGA PANINIWALA
Huwag linisin ang hapag habang may kumakain pa.
Huwag isukat ang wedding gown bago ang kasal. Ang pagreregalo ng kutsilyo o matatalim na bagay ay sinasabing hindi magandang iregalo sa bagong kasal.
Arinola o chamberpot bilang regalo sa bagong kasal ay pinaniniwalaan na magbibigay ito ng swerte.
Iwasan ang pagtatravel.
Mag-alay ng itlog kay Sta.Clara upang hindi umulan.
Kapag umulan sa araw ng kasal ay sinasabing ito ay blessing. Ang paghahagis ng bigas bilang confetti ay magbibigay ng swerte sa bagong kasal.
Dapat mauna ang lalaki na dumating sa simbahan bago ang babae.
Kapag ang babae ay may dalaw sa araw ng kasal, sila ay bibiyayaan ng maraming anak.
LARONG SUMIKAT SA PANGASINAN
Taguan - Isang larong sikat sa mga lalawigan ng Pangasinan, Nueva Ecija at Pampanga, ito ay hango sa larong Ingles na ang tawag ay Hide and Seek .
Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming kubo, puno at matataas na halamanan. Kahit ilang tao ay pwedeng sumali, ang kailangan lamang ay may tukuyin na “taya.” Ang sinumang matukoy na taya ay siyang magbibilang ng hanggang 30 habang nakapikit at nakasandal sa puno na nagsisilbing home base. Habang ang taya ay nagbibilang, ang mga kalaro ay naghahanap ng kanya kanyang mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya ay hahanapin na niya ang mga nagtago. Ang bawat nagtago naman ay hahanap ng paraan
5
upang makapunta sa home base nang hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng “save”. Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang makapunta dito nang hindi
nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nak alabas na sa pinagtataguan.
Luksong Baka - Sa larong ito, ang isang manlalaro ay tutuwad ng bahagya
habang nakasuporta ang kamay nito sa kanyang tuhod. Ang mga kalaro ay lulukso sa itaas ng taya gamit lamang ang mga kamay. Kapag sumayad ang mga binti ng lumukso sa ibang parte ng katawan ng taya, siya ang papalit dito. Sa mga bukirin ng Pangasinan sikat ang larong pinoy na ito. KILALANG PERSONALIDAD
F. Sionil Jose- Si F. Sionil José o Francisco "Franky" Sionil José ay isinilang
noong Disyembre 3, 1924 sa Rosales, Pangasinan. Lumaki siya sa Baryo Cabugawan ng Rosales, ang bayan kung saan siya nagsimulang magsulat. Isa sa mga pinakabantog na mga Pilipinong manunulat sa wikang Ingles. Ang kaniyang mga nobela at maikling-kuwento ay kakikitaan ng mga sitwasyon at pakikibakang panlipunan at maging ng kolonyalismo sa Pilipinas. Naisalin ang mga obra ni José sa 22 iba’t ibang mga wika2.
Fidel V. Ramos- Si Fidel Valdez Ramos ang ikawalong pangulo ng ikatlong
Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez. Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya ay inatasan na maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Sa ilalim naman ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kalaunang Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol. Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang inatas ng IMF-World Bank na programang repormang tinatawag na " Philippines 2000 " na naglalayong baguhin ang ekonomiyang batay sa agrarian tungo sa isang industriyal na pinapatakbo ng pamilihan.
Jose De Venecia mas kilala bilang JDV or Joe De V, ipinanganak noong
December 26 taong 1936. Noon, siya ay nasa ika-apat na pinakamataas na 2
Mas kilala siyang manunulat sa wikang Ingles kumpara sa Wika ng Pangasinense na kanyang sinilangan. Subalit isa siya sa mga aktibong nakikilahok sa muling pagpapalakas ng wikang Pangasinense.
6
posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas at Speaker ng mababang kapulungan ng Pilipinas. Kumandidato si De Venecia bilang Pangulo ng Pilipinas noong Mayo 1998 ngunit nabigo kay Pangalawang Pangulong Joseph Estrada. Siya ay Kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Pangasinan noong 2001 hanggang sa kasalukuyan.
PANITIKAN Napakayaman ang panitikan ng Pangasinan, pinakaunang naitala ang kanilang mga panitikan na sinasabing nasusulat sa lumang panulat o kahalintulad ng Baybayin. Subalit nabago lamang ito nang dumating ang mga Kastila at ipinakilala nila ang Alpabetong Latino, hanggang sa ngayon ay ginagamit pa rin. Isa sa uri ng panitikan na kinahihiligan nila hanggang sa kasalukuyan ay ang pabitla/bonikew (bugtong) at ang diparan (parabula). Nagsimula ang panitikan ng Pangasinan nang dumating ang mga misyonerong Kastila. Nanguna rito ang mga Paring Dominikano na nag-aral sa Wikang Pangasinense at nagsalin ng mga librong Kastila at Latin patungo sa Wikang Pangasinense. Nagpatuloy ang kanilang paggawa ng mga panitikan hanggang sa katapusan ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Ayon kay Amurrio (1970a), karamihan naman sa mga nailimbag na mga panitikan ay nagawa noong 19th Century 3 sa tulong ng palimbagan na Colegio de Sto. Tomas (ngayon ay University of Sto. Tomas ). Malinaw na dahil sa ang mga Paring Dominikano ang nagpasimula ng panitikan, karamihan sa mga ito ay relihiyoso. Pero hindi kaila na marami rin namang nailimbag na mga gramatika at diksyunaryo tungkol sa wikang Pangasinense. Ang mga bugtong ay kadalasang sinasabi pagkatapos ng hapunan, ay kadalasang magkatugma. Kinasasangkapan ito ng tatlo hanggang apat o marami pa. Ang nasa ibaba ay isang halimbawa (Nelmida, 1890:90) Talahanayan 1. Halimbawa ng Bugtong Pangasinan
Filipino
Pusoy balolaki, Gatas na marikit,
Puso ng isang binata, Gatas ng isang dalaga,
3
Isa ang Linggohang “Liwawa” sa mga nai limbag na nasusulat sa Wikang Pangasinense at Iloko tumagal mula 19151932. Itinatag ito ni Fr. Mariano Rodriguez.
7
Payak na andirit, No sikaray manlaktip, Saksakey so pansumpalan da. (Gagalen)
Pakpak ng isang tutubi, Kapag sila’y pinagsasama,
Ay nagiging iisa. (Nga:nga)
Mayroong higit sa 300 kilalang diparan/dimaran o parabula ang Pangasinan, karamihan sa mga paglalarawang makikita dito ay mga bagay na nakikita sa sakahan, parang, kanayunan at mga kabukiran. Karamihan din ay mga pagtutulad gaya ng malaking paa, are singa karyo (tulad ng pala), habang ang malaki at nakaumbok na mata ay matan singa bisokol (mga matang kasinlaki ng susu). Laging may aral na dala ang parabula ng Pangasinan, pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay, katotohanan, kahinahunan, karangalan, pagpapakumbaba, kabaitan at ipinagbabawal ang paggawa ng mga bagay na kasalungat ng mga aral. Ang halimbawa ng parabula sa ibaba ay ukol sa payong mahinahon (Nelmida 1980:81): Talahanayan 2. Parabula Pangasinan
Filipino
No agmo labay so nadangdang, Agka onaasinger ed apuy.
Kung ayaw mong mainitan, ‘Wag kang lumapit sa apoy.
Matapos ang pananakop ng mga Kastila, nagsimula nang magsulat ng iba’t ibang paksa ang mga Pangasinense gaya ng tungkol sa kultura, kaugalian, paniniwala at sumulat ng ibang anyo ng panitikan tulad ng tula, cancionan, moro-moro at zarzuela. Karamihan dito ay nailimbag nila. Ilan sa mga nakilalang may malaking ambag sa panitikan ay sina: Catalino Palisoc mula sa Lingayen na kanilang kinikilala bilang ama ng Sarswelang Pangasinense ito’y dahil sa kanyang likha na “Say Liman Ag Naketk et, Pampinsioan” (The Hand that Cannot be Bitten, Must be Kissed ). Ito ay isinadula’t ipinalabas noong 1901 sa loob ng 25 na taon hanggang sa siya ay namatay. Si Pablo Mejia galing Malasiki na binansagang prinsipe ng tulang Pangasinense noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Julian Zulueta mula sa Calasiao at ang taga Manawag na si Francisco Rosario at mga nobelista gaya nina: Maria C. Magsano, Juan C. Villamil. Si Villamil4 rin ay nakapagsulat na ng higit sa isandaang maiikling kwento, mga diskurso at tula. 4
Kinilala silang outsanding novelist , 4 ang nobela ni Magsano kabilang ang isang saling wika mula a Hapon habang 6 naman ang kay Villamil.
8
Ayon pa kay Amurrio (1970b), si Pablo Mejia ay tinuturing ding ama ng Wikang Pangasinense dahil sa gawa niyang Pangasinan Grammar na pinaniniwalaang balarila ng Pangasinense gaya ng kay Lope K. Santos.5 Habang ang Aligondo naman ay itinuturing na pinakamahabang kantang pampasko sa Pilipinas. Nagmula ito sa salitang Aguinaldo o mas kilala nating mga pamasko (regalo). Kinakanta ito at tumatagal ng hanggang isa’t kalahating oras. Ang kantang ito ay nakasentro sa paglalakbay ng tatlong Magi (Mago) patungo sa lugar kung saan isinilang si Jesus. Ayon naman sa pag-aaral ni Lydia Ico, may tinatawag na Concionan na uri ng panitikan ang Pangasinan. Ito ay mula sa salitang Espanyol na cancion o kanta/awit. Isa itong mahabang palitang berbal (kahawig ng Balagtasan) na may kahalong kanta. Isa naman sa kilalang sayaw sa kanila ay ang imunan (kaselosan) isang panligaw na sayaw mula sa San Jacinto. Ipinapakita dito ang dalawang babaing nag-aagawan sa isang lalaki. Kaugnay naman sa lumalalang problema na kinakaharap ng wikang Pangasinense, isa sa nakita nilang paraan upang maiwasan ang pagkamatay ng wikang ito ay ang pagpapayaman pa lalo ng kanilang panitikan gamit ang kanilang wika. Itinatag ang Ulupan na Pansiansia’y Salitan Pangasinan [Association for the Preservation of the Pangasinan Language] noong 2000 upang magsilbing paunang hakbang sa pagbuhay ng kanilang wika. Rehistrado ang organisasyong ito sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa Baguio City. Matapos ngang mabuo ang organisasyong ito, sinimulan agad nila ang paglalathala kada ikatlong buwan ng magasin na Balon Silew 6 (Bagong Ilaw) at ang pinakaunang isyu na kanilang inilabas ay noong Oktubre 28, 2000 (Flores, 2001). Taong 2010 nang nalathala ang aklat pambata sa wikang Pangasinan, ang Pasirayew ya Malapati ( Ang Mayabang na Kalapati ) ni Erwin Fernandez, sa taguyod ng Ulupan na Pansiyansiya’s Salitan Pangasinan . Nilalayon ng publikasyong ito na buhayin ang isang naghihingalong wika.
5
Ito ang nilinaw na Fr. Amurrio (1970) subalit hindi ito nagtagumpay. Nawala ang manuskrito nito at walang makapgsasabi kung nasaan na ang manskrito. 6 Ang Balon Silew (tanging nasusulat sa wikang Pangasinense) ay isa sa 20 lokal na pahayagan at magazine na matatagpuan sa Pangasinan. Habang 17 naman na pahayagan at magazine ang inilalathala tuwing lingo.
9
DAGDAG NA KAALAMAN SA WIKANG PANGASINENSE: ISANG PANANALIKSIK Pangasinense: Naghihingalong Wika? KUNG DI AKO HIHINGA , ‘
WALANG HANGIN . KUNG DI AKO LALAKAD , ‘
WALANG LUPA . KUNG DI AKO MAGSASALITA , ‘
WALANG MUNDO . (Pakahulugan ni Yamamoto mula sa isang espada ng isang matandang Navajo, PBS-TV Millenium Series Tribal Wisdom and the Modern World, hosted by David Maybury-Lewis, aired on 24 May 1992)
Tatalakayin sa bahaging ito ang tungkol sa katotohanang nais malaman ng lahat, ang wikang Pangasinense nga ba ay naghihingalo at malapit nang mawala? Ito ba ay totoo o kathang isip lamang? Simulan natin ito sa pagtanaw sa kabuoan. Ayon sa tantiya ng Catalogue of Endangered Languages 7 (ELCat) grupo ng mga lingwista mula sa University of Hawaii , University of Manoa , at ng University of Eastern Michigan, limampung porsiyento (3176, 46%) ng mga wikain sa mundo (6,800 estima) ang pingangambahang mawawala pagdating ng taong 2100 (Habang ang iba ay 2050 ang taong tantiya). Simula 1960, mahigit 639 na wika na ang naitatalang patay na sa mundo, 227 rito ay kamamatay lamang sa kasalukuyan. Dagdag pa nila, batay sa pagaaral sa kasaysayan ng mga wikain, may mga wikang namamatay kada apat na buwan habang ayon naman sa Associated Press, isa sa 6,000 na wika ang namamatay kada dalawang Linggo. Habang sa Pilipinas ay mayroon namang 169 na buhay na wika, 32 rito ay sinasalita ng mga Negrito na nakakalat sa buong kapuluan ng bansa —at ang mga wikaing ito ng mga Negrito ito ay kritikal na (Headland 2001). Sa natitirang 137 na mga wikain sa bansa, 27 sa mga wikang ito ay mga komunidad na hindi bababa sa 5,000 ang mananalita. 7
Ito ay inisyatibo ng nasabing mga institusyon na may pagmamahal sa wika. Itinatala nila ang mga wikang pawala at nawawala na sa mundo saka idinu-dokumento.
10
Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pagkakahati ng mga wikain sa buong bansa. Tahanayan 3. Mga Pangunahing Wikain sa Pilipinas, 1990 Census Mga Wikain Taal na Mananalita Porsiyento ng Populasyon Tagalog Sebwano Iloko Hiligaynon Bicolano Waray Kapampangan Pangasinense Magindanao Kabuoan
17 15 8 7 3.5 2.4 1.9 1.1 1 56.9
24% 21% 11% 10% 7% 4.60% 3.70% 2.30% 1.70% 87%
(Pi nag kuhanan: G ordon 2005)
Makikita sa itaas kung gaano na kababa ang bilang ng mga mananalita ng Pangasinense. Malinaw, kung pagbabatayan ang talahanayan sa itaas, ang wikang Pangasinense ay naghihingalo na nga. Upang malaman ang ilang kaligirang kasaysayan ng wikang ito at kung paano dumating sa punto na ito ay nalalapit nang mawala, balikan natin ang nakaraan. Ayon sa kasaysayan, unang naimapa ang kinaroroonan ng lugar ng Pangasinan noong ikalabintatlong siglo. (Gonzalez 1977) Samantalang unang naitala ang pakikipagkalakalan ng mga Pangasinense mula sa ibang karatig bansa lalo na ang mga mangangalakal na Sung noong 1225 ayon sa datos na inilahad ni Scott (1989). Samantalang nang dumating ang Spanish Explorer na si Juan de Salcedo sa Pangasinan noong 1572, ang mga Pangasinense ay nagsimula nang kumalat hanggang sa mga lugar na ngayon ay kilala nang probinsya ng La Union pati sa kalagitnaan ng Tarlac. Nagsimulang dumayo ang mga Ilokano sa Pangasinan matapos mag-alsa ang grupo ni Serrat noong 1816, at lalo namang dumagsa nang buksan ang Port of Sual noong 18558. Isa sa mga dahilan ng migrasyon ng mga Ilokano sa Pangasinan ay ang matabang lupa nito (sanhi ng Ilog Agno) para magsaka. Taong 1834 nang dumami ang mga naninirahan sa teritoryo ng Kamiling buhat sa Bayambang, dito bumuo ng pamilya ang mga Pangasinense kasama ng pamilya mula sa Ilokos. Mula noon, nagsimulang
8
Binuksan ito ayon sa utos ng Pamahalaang Espanya para sa kalak alan sa ibang bansa at pagawaan din ng barko.
11
humina ang wikang Pangasinense na halos natatabunan na dahil sa mas maraming mananalita ng Iloko. Sa pananakop ng mga Amerikano, ipinatupad nila ang Ingles bilang Lingua Franca at natatanging wikang dapat gamitin sa buong bansa. 1901 nang ang itayo ang isang paaralang purong wikang Ingles ang itinuturo na may kabuoang bilang na 1,074 mga guro. Dito lalong humina ang wikang Pangasinense. Upang mapigilan ang pinangangambahang pagkawala ng kanilang wika, itinatag ng iilang mga manunulat mula Pangasinan ang Academy of Pangasinan (Awiran na Pangasinan), isa sa kanila si Pablo Mejia. Layon nitong pag-isahin at paunlarin ang wikang Pangasinense. Pero tumagal lamang ito ng hanggang 1921. Taong 1920 nang opisyal nag gawing lingua franca ang wikang Ingles sa paaralan, industriya at gobyerno sa pakikipagtalastasan. Dahil wala pang iisang wikain sa bansa, manukadkad ang wikang Pangasinense sa panahong iyo Unang kinilala ang wikang Pangasinense kasama ng iba pa ng wikain noong 1933 nang ipasa ang isang panukala na nagtatakda sa mga wika bilang media of instruction. (Gonzalez, 1977) Subalit pagkaraan ng ilang taon ay ginawang Ingles. Pagsapit ng 1960 ay muli na namang sinimulang buhayin ang Awiran na Pangasinan ni Prof. Generoso Castro at sinimulang maglathala ng kumpletong hanay ng mga batas para sa ortograpiya ng Pangasinan sa Lingguhang Magazine na “Sinag .” 1973 naman nang gawing Filipino at Ingles ang opisyal na wikain sa bansa ni Pang. Ferdinand Marcos na kilala rin bilang mamamayan ng Ilokos, sa panahong ito humina ang wikang Pangasinense. Subalit sa panahong ito rin itinakda na dapat gamitin ang mother tongue ng mga paaralang nasa mga lalawigan lalo na ng Pangasinan mula una hanggang ikaapat na baitang. Doon muling nakakita ng pag-asa ang wikang Pangasinense na muling itaguyod at palaganapin ang kanilang naghihingalong wika. Subalit pagsapit ng dekada 70, sang-ayon sa batas na ipinatupad ni Pang. Marcos, halos lahat ng babasahing nakalathala ay nasusulat sa Ingles, hinahaluan nalang ng mga wikang nasusulat sa Pangasinense at Iloko sa ilang mga espesyal na isyu lamang. Mula sa Kasaysayan, tuklasin naman nating ang ilang mga aspektong dapat isaalang-alang kung bakit unti-unti nang namamatay ang wikang ito at kung bakit hindi ito naiwasan.
12
Migrasyon patungong Pangasinan
Dahil sa malawak at matabang lupain ng Pangasinan, maraming Ilokano ang dumayo rito upang magsaka, habang ang iba ay dito na nanatili at bumuo ng pamilya, kaya taong 1800 ang populasyon sa Pangasinan na nasa 102,305 (Cortes 1990) lamang ay halos dumoble hanggang 242,476 pagdating ng taong 1850 sa tatlumpu’t apat na bayan. Dahil sa malawakang migrasyon ng mga Ilokano, sa kasalukuyan ay nahahati ang Pangasinan sa tatlong grupo ng mga mananalita. 1. Purong Pangasinan – Sila ang mga purong pangkat-etnikong Pangasinense na taal ang pagsasalita. Matatagpuan sila sa timog at silangang bahagi ng gulpo ng Lingayen, sa labing-anim na bayan at tatlong lungsod (San Carlos, Dagupan at Lingayen). 2. Halong Iloko at Pangasinense – sila ay nakapalibot sa buong Pangasinan(Urdaneta). 3. Purong Iloko – Karaniwang Iloko ang wikang ginagamit lalo ng mga bayan sa (isang buong lungsod Sta. Maria, Tayug) silangan at katimugang bahagi ng Pangasinan. Pagmamay-ari ng Lupa
Taong 1960 nang bumaba ang kabantugan ng wikang Pangasinense dahil sa papalaking bilang ng mga mapaghangad at bihasa sa tagumpay na mga Ilokano. Lalong dumami ang mga nagmamay-ari ng lupa na dati ay sinasaka lang ng mga Ilokano, hanggang sa dumating ang puntong anim na porsyento na lamang ang lamang ng populasyong Pangasinan laban sa mga Ilokano sa kanilang lugar. Kapangyarihang Politikal
Lalo namang nanaig sa kalakhang Pangasinan ang wikang Iloko sa pagkapanalo ni Pang. Ferdinand Marcos na kilala bilang mamamayang Iloko. Mas lalong tumaas ang reputasyon ng mga Iloko nang mga panahong iyon kumpara sa Pangasinan na kahit nakikipagtagisan ay hindi malamangan ang taas na naabot ng isa sa kanilang katunggali sa wika. Migrasyon palabas ng Pangasinan
Sang-ayon sa kasaysayan, ang Pangasinan ay isa sa mga may pinakaunang paaralang pang-elementarya at sekundarya sa bansa na pinamamahalaan ng mga Amerikano. Karamihan sa mga nagsisipagtapos dito ay nakikitang nakikipagsapalaran sa
13
Maynila upang makahanap ng mas magandang trabaho. Taong 1920 nang magsimulang dumayo ang mga Pangasinense sa Maynila para magtrabaho sa gobyerno, industriya at iba pang mga mapapasukang trabaho. Habang ang iba naman ay lumabas na ng bansa patungong Guam at sa kanlurang bahagi ng baybayin ng Estados Unidos. Namasukan ang ilan bilang mga manggagawang agrikultural. Habang bandang 1960 naman nang lumago ang bilang ng mga Pilipinong nangingibang-bayan kasama na rito ang mga Pangasinense. Ilan sa mga lugar na pinuntahan ay ang Gitnang Silangan, Kanlurang Europa at Hilagang Amerika, at karamihan sa mga Pangasinensing lumisan ay hindi na nagsibalik sa Pangasinan. Urbanisasyon
Isa rin ang urbanisasyon sa nakikitang may malaking epekto kung bakit humihina ang wikang Pangasinense. Ayon sa datos noong 2000, kalahati (48.03 porsiyento) ng mga Pilipino ay nasa lungsod na nakatira, kung saan ang dominanteng wika ay Ingles at Tagalog. Kasunod ng urbanisasyon ay ang pagbabago ng wika dahil iba’t ibang pangkat ng mananalita ang nakihalubilo sa Pangasinan, unti-unting naapektuhan ang kanilang wika na nahahaluan ng ibang wika, sa madaling sabi, kaugnay sa sinasabing dinamiko ang wika, kailangang ampunin ng mga Pangasinense ang ibang wika upang makaagapay sa ibang pangkat ng mga mananalita sa lungsod. Pabago-bagong takbo sa paggamit ng wika
Dahil sa paiba-ibang panahon ay dumarating ang peryodong nagkakaiba-iba ang paraan ng paggamit ng wika, mula sa mga matatanda hanggang sa kasalukuyang kabataan. Kung sa mga nakaraang panahon ay hindi maalam sa wikang Iloko ang mga Pangasinense, kaiba na ngayon dahil mas bihasa na sila, patunay ito ng pabago-bagong takbo ng panahon at pakikibagay na rin sa kapwa. Nagkakaroon din ng pagkakataon na mas gamitin ang wikang labas kumpara sa Pangasinan na walang kamag-anak na wika at napakahiarap unawain. Ayon kay de Vera (2009) ang Pangasinan ay mayroong limang diyalekto na may pinaka-detalyado at komplikadong mga salita. Halimbawa nalang dito ay ang ulan. Ang ulan ay iniuugnay sa pang-uri tulad ng normal na paggamit bilang maksil [malakas] o makupay [mahina] sa ibang bahagi ng Pangasinan. Subalit sa gitnang Pangasinan, napakaraming termino ang ginagamit para sa ulan gaya na lamang ng maya-maya [ambon], tayaketek [mas mabigat ng kaunti sa ambon] at ambusabos [malakas na ulan]. Samantalang upang makasabay naman sa mga pinaniniwalaang ilitistang Tagalog, inaampon na rin ng mga Pangasinense ang wikang Tagalog upang makipagsabayan sa mga tao sa kalakhang Maynila kung saan naroon ang sentro ng
14
komersyo at merkado, isa pang wika ang idinaragdag ay ang wikang Ingles alinsunod sa kautusan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang layunin ay ihanda ang mga Pilipino na maging bihasa sa wikang ito upang makasabay sa pandaigdigang paliksahan. Batay sa Catalogue of Endangered Languages , ang talahanayan sa ibaba ay ilalahad ang batayan upang matukoy kung ang wika ba ay malapit nang mamatay o mananatiling buhay. Dito natin malalaman kung ang wika nga ba ay nalalapit nang mawala o kaya pang isalba. Ang Catalogue of Endangered Languages ay gumawa ng komprehinsibong pananaliksik ukol sa mga wikain sa buong mundo upang alamin ang mga kalagayan nito at kung bakit namamatay. Maraming wika sa Africa ang natuklasan nilang malapit nang mamatay habang ang iba nama’y nanganganib na. Ang mga wikang ito ay wika mula sa iba’t ibang mga tribo , gaya sa ating bansa, iilang wika na ang namatay na hindi man lang naido-dukomento at karamihan dito bukod sa mga wika ng mga N egrito ay wika ng iba’t ibang mga tribu na nakakalat sa kalupaan ng Pilipinas.
15
Kung gagawing basehan ang talahanayan 4 sa naunang pahina, malinaw na ang Wikang Pangasinense ay hindi pa gaanong nanganganib lalo na kung ang batayan ay bilang ng mga taong nagsasalita nito. Dahil sa kasalukuyan ay may 2,779,862 ang bilang ng populasyon rito hindi pa kabilang doon ang mga nasa US at Hawaii at maging sa iba pang mga bansa sa buong mundo. MULING PAGPAPASIGLA NG WIKANG PANGASINENSE Paggamit bilang pangunahing wika sa lugar
Kinumpirma ng Gobernador ng Pangasinan na si Amado Espino Jr., na ang kanilang wika ay humihina na. Ito ang kanyang ipinagtapat nang maimbitahan siyang maging panauhin sa ginanap na pagdiriwang ng ikasampung taong anibersaryo ng Ulupan na Pansiansay Salitan Pangasinan (UPSP) sa Pangasinan State University (PSU) noong Agosto 7, 2010. Ayon sa online na pahayagang Balita, inamin ni Gob. Espino na ang kanilang wika ay namamatay na at kailangang kumilos sila upang isalba ito. "For instance, we should use the Pangasinan dialect in all local occasions, instead of Tagalog or English."
Idinagdag pa niya na upang muling mabuhay ang kanialng wika, kailangang gamitin ito araw-araw saan mang lugar, kahit sa opisina o usapang transaksyunal. Ayon pa sa Language Vitality and Endangered (2003), upang masigurong nasa ligtas na antas ang wika, kailangang ang lahat na tao na mananalita nito ay mayroong pagpapahalaga sa wika at umaasang itataguyod pa ito nang mas malawak at komprehensibo. Isa si Gob. Espino sa namuno sa Pangasinan sa muling pagbuhay nito. Noong 2007 ipinatupad niya ang wikang Pangasinense bilang pangunahing wikang dapat gamitin sa Kapitolyo ng probinsya lalo na kapag araw ng Lunes para sa pagtataas ng watawat. Gamitin ang wika bilang midyum sa Panitikan Binuo ang Association for the Preservation and Revitalization of the Pangasinan Language at ang Ulupan na 12 Pansiansia’y Salitan Pangasinan , isa sa publikasyon nito ay ang Balon Silew (Bagong Ilaw) na naglilimbag ng mga kontemporaryong panitikan na
nakasulat sa wikang Pangasinense. Isa sa kilala sa kanila ay si Santiago Villafania na naglilimbag ng kalipunan ng mga Anlong (tula) at ilan sa mga ito ay naisalin na sa iba’t
16
ibang wika sa buong mundo. Ang lumalawak na tagabasa nito na mga Pangasinense ay nagbigay sa kanila ng ideya kung gaano na kalala ang antas ng kanilang wika. Ayon naman kaya Emilio Jovellanos, isang lexigographer o espesyalista sa bukobularyong bernakular na ang wikang Pangasinense ay napakayaman, inihalintulad pa niya ito sa sa wikang Pranses. Ang mayamang bukobularyo ng Pangasinense lalo na ng Pang-uri ay nakatutulong para mas mapadali ang pagggawa ng isan g akda ang isang manunulat. Halimbawa na la mang ng salitang “baliw.” Kaya itong isalin hanggang sa labinlimang salita tulad ng atapis, atiwel , at ambagel. Ang barayti ng mga salita sa wikang ito ang dahilan kung bakit makulay at mas mabilis makabuo ng tula s i Ginoong Villafania. Ang social media bilang medyum
Habang ang ibang mga bantog sa Panitikan ay tinitingnan ang mga social media sites na imbakan ng mga “basura” o mga amatyur na panitkan, isa naman ito sa nakikitang paraan ni G. Santiago Villafania 9 upang lalong ipangalat sa tao ang kaalaman sa wikang Pangasinense. Ginagamit niya ang kanyang Facebook upang ilagaya doon ang kanyang mga likhang tula na ang iba ay naisalin na sa iba’t ibang wika. Mahal agang midyum ito upang mas mabilis na maabot higit lalo ang mga kabataan na hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang nakararami sa mga kabataan ay mas aktibo sa mga social networking cite.
Bilang isa sa mga pursigidong nagsusulong ng wikang Pangasinense at ng mga panitikang nasusulat sa ganoong wika, gumawa rin si G. Villafania ng websayt na nakalaan para sa anlong o tula (http://dalityapi.com). Habang nitong 2006 lamang ay sumulat sa kanyang blog ang mamamahayag na si Behn F. Fortaleza Jr., na may pamagat na “Pangasinan: a Dying Dialect, ” isang sanaysay ukol sa nanghihingalong wika ng Pangasinan at umaapela sa kanyang mga kababayan ang pagsusulong nito sa kanilang probinsya. Pagbuo ng mga Samahan
Taong 1988 nang ang isang samahang tinatawag na Save the Pangasinan Dialect Movement ang nagbigay babala sa madla at ikinatatakot ang antas ng wikang Pangasinense sa lipunan na ito ay malapit na nang mawala. Isa ang grupong ito sa mga nanguna upang manawagan lalo na sa bayan ng Pangasinan sa muling sabuhay ng Pangasinense. 9
Bilang tulong sa wikang nawawa nakapaglimbag na ng Sonata ng Pangasinan ni Santiago Villafania. Mdaling lapitan si Ginoong Villafania, lalo na sa Facebook. Sa pamamagitan ng Facebook siya nakapanayam nga mga mananaliksik ukol sa panitikan ng Pangasinan.
17
Habang noong 2003 naman ay binuo ang Pangasinan Writers Association at Pangasinan Council for Cultural and the Arts (Anderson, V. at Anderson, J., 2007) na may layuning gumawa ng Sentro ng mga pag-aaral sa Pangasinan sa ilang mga piling unibersidad sa Pangasinan kasama na rin ang pagdudukomento ng mga kultura sa Pangasinan. Nitong Hunyo 2015 lamang, nagkaroon ng Memorandum of Understanding (MoU) sa pagitan ng Gobernador ng Pangasinan at ng Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na si Alfredo Pascual na may layuning lalong palakasin at isulong ang wika at kultura ng Pangasinan. Samantala, Enero 2016 naman nang binuo ang Center for Pangasinan Studies (CPS) 10 kasama ang Unibersidad ng Pilipinas at iba’t ibang Unibersida d sa Pangasinan. Ang mga nasa likod ng CPS ay pinagsama-samang miyembro ng faculty na may bakas ng Pangasinense na nais tumulong sa lalawigan sa pamamagitan ng pagaalay ng kanilang mga nalalaman at pagbibigay serbisyo sa mga lokal na komunidad gaya ng pag-aaral, kasaysayan, wika, kultura at sining, maging ng arkitektura, pagpaplanong panglunsod, panitkan, kalusugan at iba pang mga aspekto. Sa huli, nasa mamamayan pa rin ng Pangasinan nakasalalay ang higit na katubusan ng wikang Pangasinense mula sa naghihingalo nitong antas. Nasa kanila ang kasagutan kung nais ba nilang talikdan ang kanilang wika para sa mga dominanteng wikain at ito’y bayaan na lamang na nasusulat sa mga dokumento at kasaysayan o, masigasig nila itong itaguyod hanggang sa pinakahuling salin-lahi na kanilang maaabutan. Kung ano’ng p ipiliin nila, walang makapagsasabi. Talahanayan 5. Trato ng Mga Mananalita sa kanilang Wika Antas
Trato ng mananalita
5
Lahat ng tao ay pinahahalagahan ang wika at umaaasang itataguyod ito.
4
Karamihan sa mga mananalita ay sumusuporta sa pagpapanatili ng wika.
3
Katamtamang dami ang bilang ng mga sumusuporta sa pagpapanatili ng wika; habang ang iba ay ayaw sumuporta at ang iba nama'y sang-ayon sa pagkawala ng wika.
10
Ito ay alinsunod sa kasunduang nilagdaan sa pagitan ng dalawang kampo noong 2015.
18
2
May iilang miyembrong sumusuporta sa pagpapanatili ng wika; habang ang iba ay ayaw sumuporta at ang iba nama'y sang-ayon sa pagkawala ng wika.
1
Kaunti lang ang miyembrong sumusuporta sa pagpapanatili ng wika; habang ang iba ay ayaw sumuporta at ang iba nama'y sang-ayon sa pagkawala ng wika.
0
Walang may pake kung mawala ang kanilang wika; lahat ay mas gustong gamitin ang dominanteng wika.
(Pinagkuhanan: Language Vitality and Endangerment, 2003)
PONOLOHIYA Ponolohiya ay ang pag-aaral ng mga tunog o ponema ng isang wika, ang pagkukumpara
ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan. (Wikipedia) Ponemang Segmental
Katinig Patinig
Ponemang Suprasegmental
Haba Diin Tono Hinto PATINIG Malapatinig /w/ at /y/
Larawan 1. Ang Patinig
19
Talahanayan 6. Mga katumbas na Titik Ponema
Katum bas na titik
Wikang Pangasinense
Wikang Tagalog
/t/
T
Masamit
Matamis
/d/
D
Diman
Doon
/m/
M
Mama
Manong o lalakeng matanda
/n/
N
Nana
Manang o babaeng matanda
/l/
L
betèl
Malamig
/r/
R
Aro
Pag-ibig
Talahanyan 7. Mga katumbas na Titik Ponema
Katumbas na titik
/p/
P,F
/b/
B,V
/k/
/Ŋ/
Wikang Pangasinense
Wikang Tagalog
pokèl
buto
fecha o pecha
petsa
baleg o valeg
malaki
kakapat
ikaapat na hati
mantiquilla
mantekilya
ngarem
tanghali
mangan
kain
lapis
lapis
ciudad
lungsod
Juis
Tagahukom
K, QU
NG , ÑG
/s/
S, C
/h/
J,H
20
/ch/
CH , TCH
pasajero
pasahero
achi
panganay na babae
atchi
tsokolate
MORPEMA Ang panlapi o morpemang di-malaya ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang salita Napakaraming uri ng paraan ng paglalapi sa mga salita ng Pangasinan, kaya naman kukunin lang ng mananaliksik ang pinkagamiting salita at mga paglalapi. 1. Gitlaping UM (Gitlapi)
Ito ay inilalagay sa pagitan ng unang katinig at patinig sa salitang ugat. Nakabubuo ito ng bagong salita gaya ng Pang-uri o Pangngalan na nagbibigay sa salitang ugat ng kahulugan o trabaho. Ang unang pantig ng salitang ugat ay inuulit. Talahanayan 8. Halimbawa ng Gitlaping UM bumubuis
tagabayad ng buwis (taxpayer)
umaanak
nagsisimulang manganak
d umarait
sastre o mananahi
sumusulat
manunulat
2. Unlaping MAKAN at AKAN
Ikinakabit sa salitang ugat upang matukoy na ito ang nagmamay-ari ng partikular bagay, o tagapagpatupad ng kilos na ipinahihiwatig ng salitang ugat.
21
Talahanayan 9. Halimbawa ng Unlaping MAKAN at AKAN
say makananak o kaya ay akananak say akanabung
ang magulang ang may-ari ng bahay
say akantonbok
may-ari ng susi, susi ng kandado
say akan-gawa
tagapagpatupad, gumagawa ng kilos
3. Unlaping INKA Ito ay uri ng unlapi na ang katumbas sa Tagalog ay “ka” at “an” gaya ng kabataan. Idinurugtong ito sa Pangngalan at maging sa mga Pang-uri.
Ipinahihiwatig nito ang kakanyahan ng kalikasan, katauhan ng bagay, tao o hayop. Talahanayan 10. Halimbawa ng Unlaping INKA inkaugaw
kabataan
inkalaki
kalalakihan
inkabii
kababaihan
inkadyus
ka-Diyos-an
4. Unlaping KA
Unang kaso, nangangahulugan itong kasama (pagsasama), kaukulan, katumbasan, kaaway, pagsasama, pagiging miyembro at kasama. Talahanayan 11. Halimbawa ng Unlaping KA sa unang kaso kaaro
kaibigan
kaabay
kapitbahay
kapoted
kaputol
kaluganan
kasama sa pagsakay sa sasakyan
22
Ikalawang kaso,kung ang una nito ay tumutukoy bilang kasama, ang ikalawa naman ay tumutukoy sa sukat gaya ng haba, laki at rami. Talahanayan 12. Halimbawa ng Unlaping sa ikalawang kaso kapitlo
pangatlong digri na magpinsan
kalimalima
limang mga kamay
ontan kabaleg
ganito kalaki
5. Kabilaang Panlaping KA at AN
Unang kaso nito ay tumutukoy sa lahi, kadugo o pagiging kabilang gaya ng: Talahanayan 13. Halimbawa ng kabilaang Panlaping KA at AN sa unang kaso kasesyonan
kaklase
kadalaan
ng parehong lahi; kadugo
kabaleyan
kabababayan
Ikalawang kaso, kolektibo, isang uri ng paniniwala ng karamihan. Pweding dami ng tao, o dami ng mga bagay. Talahanayan 14. Halimbawa ng Kabilaang Panlaping KA at AN sa ikalawang kaso katooan
sangkatauhan, (hindi naman lahat ng uri)
karaklan
matao (mataong lugar)
Saray kaasawaan yo
mga asawa mo
kanyogan
lugar na maraming niyog
kamanggaan
lugar na maraming puno ng mangga
kaboloan
lugar na maraming puno ng kawayan
23
Ikatlong kaso, ginagamit rin ito upang ipakita ng nararamdaman. kaermenan kalungkutan kaliktan
kasiyahan
Ikaapat na kaso, nagpapakita ng kaantasan ng isang bagay. Ang salitang ugat ay maaring inuulit. kapegpegleyan pinakagitna, gitna katagtageyan
ang pinakamataas na antas (mula sa tagey na taas)
karaldaleman
Pinakamalalim (dalem malalim)
6. Ang hulaping AN
Ito ay ginagamit upang tukuyin ang isang lugar. luganan sakayan tinbangan
timbangan
seslekan
kanluran
7. Ang unlaping SAN
Ito ay mula sa salitang isa (one) at ikakabit sa pang-angkop na “n,” ito ay nagiging: a) Kapasidad sanpasig
Isang malaking garapon
sankaban
Isang kaban
b) Haba sankarangan
isang dipa
sandepa
luwag ng dalawang kamay na nakainat
24
c) Oras sanagew
isang buong araw
santaon
isang buong taon
d) Dugo o pakikipag-ugnayang sosyal (katumbas ng MAG sa tagalog) May dalawang uri naman ng pagtukoy para sa paglalaping ito. 1. Una ay ang pangdalawahan, may Pangngalan o pagbibigay ng tawag sa bilang halimbawa ang tigdalawa. Pangdalawahan. sanasawa
mag-asawa
sanama
mag-ama
saninaro
magkasintahan
2. Ikalawa. Uulitin ang unang silaba ng salitang ugat saka idadagdag ang unlapi sa unahan ng salitang ugat. Samantala, kung ang dudugtungang salitang ugat ay nagsisimula sa katinig ang SAN na unlapi ay dadagdagan ng “g” at magig ing SANG. Pangmaramihan
kapinsan
kakapinsan
sangkakapinsan
kaaro
kakaaro
sangkakaaro
ayro
aayro
sanaayro
8. Kabilaang SANKA at AN
Ang sanka at an ay halos palaging magkasama sa isang salita. Ito ipinapalagay na ay mayroong kolektibo, superlatibo, maramihan at mariin na KA at AN kasama ang SAN.
25
dyad sankamundoan
sa buong mundo
sankamundoan
ang buong mundo
sankabaleyan
Ang buong bayan
Ang Kabilaang panlapi na ito ay nagpapakahulugan din sa dami o bilang na kailangan, o sapat ba para mapunan ang isang bagay. Hal. sankaaysingan mga tela na sapat sa paggawa ng isang damit sankaabungan
mga kagamitan sa pagbuo ng bahay
sankabalotoan
kung ano ang makakapuno sa isang bangka
HAMBINGAN NG PANG-ABAY mangipipiguray sakey
mangkukompara’y duwara
mangkukompara’y amin
magana
mas magana
sangka ganaan
matakken
mas matakken
sangka takkenan
baleg
mas baleg
sangka balegan
PAGTUKOY SA PANGHALIP NG PANGASINENSE PAMATLIG
Ang pamatlig ay ginagamit sa pagturo ng bagay, tao o lunan. May apat na anyo ang panghalip-Pamatlig ng Pangasinense. Ang unang anyo ay may “sa” ( saya, satan at saman); habang ang ikalawa naman ay may “i” o kaya ay “a” ( aya, itan at iman); at ang panghuli ang pinaikling salita na walang unlapi o mas kilala sa tawag na payak (ya, tan, man). (Benton, 1971)
26
PATUROL Pangasinense
Tagalog
saraya/saya/aya
Ito
Satan/itan/saratan
Iyan
Malapit sa kausap
Saman/iman/saraman
iyon
Malayo sa kausap
Malapit sa nagsasalita
PAARI
Ang Pangasinan ay walang pagkakakilanhan sa anyong paari. Ang Panghalip ay ginagamit nila bilang mga Pangngalan at at kinukuha ang unang anyo ng paturol saka idaragdag kasunod pagkatapos ng “na” (gaya ng “ng” sa tagalog). Ginagamit din ito para sa maramihan. Pangasinense
Tagalog
na saya
nito
na satan
niyan
na saman
niyon/noon
Hal. PANG: Dinmagop iray amin ya ombaley ed arap na saman ya abung. TAG: …at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. (Mk 1:33) PATULAD Sa Pangasinense ang “onya” at “singa” (tulad) ay ikinakabit sa unahan ng unang anyo ng paturol upang makabuo ng panghalili sa “ganoon” ng Tagalong.
27
Pangasinense
Tagalog
onya/singa saya/sirin
ganito
onya/singa satan/sirin
ganyan
Onya/singa saman/sirin
ganoon
PANG-ABAY NA PANLUNAN
Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap. Sa Pangasinense, natutukoy ang “sa ganito” mula sa “dito” sa pamamagitan ng ed (sa Tagalog ay “sa”) at pagdurugtong sa dito ng unang anyo ng paturol upang makabuo ng salitang panghalili sa “ dia” (“ditto” sa
Tagalog). Pangasinense
Tagalog
ed saya/dia
dito
ed satan/ditan
diyan
ed saman/diman
doon
Hal. PANG: Siopa kasiy makatalus ed saya? TAG: Sino ang makatatanggap nito? (Jn 6:60) PANG: Inaro ak na Ama lapu d saya, TAG: Dahil dito’y minamahal ako ng Ama,
(Jn 10:17)
PANG: dia ak nepeg a bistaen. TAG: dito ako dapat litisin. (Ac 25:10) PANG: Tinmaynan diman si Jesus TAG: Umalis doon si Jesus (Mt 1 5:21)
28
May katumbas din ang Pangasinense sa mga salitang Pang-abay na Panlunan sa mga Tagalog gaya ng narito (mula sa). Upang matumbasan ito ng Pangasinense, kailangan nilang maglagay ng eksistensyal na salitang “ wala” (mayroon sa Tagalog) at
susundan ng payak na Panlunan (gaya ng ditan).
Pangasinense
Tagalog
wala dia/wadya
narito
wala ditan
nariyan
wala diman
naroon
SINTAKSIS PANG-ANGKOP
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito. Ayon kay Amurrio (1970) ang mga pang-angkop na makikita sa Pangasinan ay a, ya o n. Ang kaibahan nilang lahat ay simpleng mapaganda lamang ang istruktura ng mga salita. Ang n ay ay ginagamit kapag ang unang salita na idurugtong sa isa pang salita ay nagtatapos sa patinig. Gaya ng: inaN maaro (mapagmahal na ina). Ginagamit naman ang ya kapag ang ikalawang sallitang idurugtong ay nagsisimula sa patinig gaya ng: baleg ya abung (Malaking bahay) habang ang a naman ay ginagamit kung ang ikalawang salita na durugtungan ay nagsisimula sa katinig. Hal. Abung a baleg.
29
Paggamit ng Pang-angkop 1. Sa pagitan ng Pangngalan at pang-uri.
melag ya abúng
maliit na bahay
maksil a toó
malakas, malusog na tao
ugaw ya marunong
magaling o matalinong bata
toón melag
maliit na tao
2. Sa pagitan ng dalawang Pangngalan. Kung ang nasa huli ay ang tinutukoy ng
nasa unahan. agew a sinba
araw ng pagsimba
bulan a Disyenbre
buwan ng Disyembre
abúng a siminto
bahay ng semento
abúng a kiew
bahay na Kahoy (Kahoy na bahay)
30
Mga Talasanggunian
“Pinablin Taoir” on aksyon radyo to keep Pangasinan Language alive. [ca. 2011]. In Facebook [Profile page]. Retrieved February 2, 2016, from https://www.facebook.com/sonny.villafania/notes
10 Pinakasikat na Larong Tradisyunal ng Pilipino. (n.d.). In Wikipilipinas. Retrieved December 21, 2015 from http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=10_Pinakasikat_na_Larong_Tradisyunal_ng _Pilipino Admin. (2011). Wedding Folklore & Superstitions. Retrieved from http://pangasinanweddingpractices.blogspot.com/p/wedding-folklore-superstitions.html _______ (2011). Trivias. http://pangasinanweddingpractices.blogspot.com/p/trivias.html Amurrio, Fidel (1970). Pangasinan Grammar . Pangasinan. Anderson, Victoria B. and Anderson, James N. (2007). Pangasinan - An Endangered Language? Retrospect and Prospect. Philippine Studies . 55 (1): 116-144. Benton, R. (1971). McKaughan, Ed. Spoken Pangasinan . Honolulu, Hawaii: University of Hawaii Press. Balonglong, Richard. “STORIES from the Bible translated in Pangasinan" Philippine Daily Inquirer , Enero 1, 2013 Cayabyab, M. J. (2011, May 31). Keeping alive the Pangasinan language. Vera Files, retrieved from http://verafiles.org/keeping-alive-the-pangasinan-language/ Chasing Waterfalls: Bolinao Falls. (2012, August 7). Retrieved from http://harrybalais.com/2012/08/chasing-waterfalls-bolinao-falls/ de Vera, P. E. (2009, June 18). Is Pangasinan A Dying Language? Retrieved from http://popoydevera.blogspot.com/2009/06/is-pangasinan-dying-language.html Encarnacion, A. D. at Quilinguing. K. G. (2015, June 24). UP experts to lead the push in preserving Pangasinan’s language and culture. UP System News. Retrieved from http://www.up.edu.ph/up experts-to-lead-the-push-in-preserving-pangasinans-language-and-culture/ Fase, W., Jaspaert, K., & Kroon, S. (1992). Maintenance and loss of minority languages: Introductory remarks. In W. Fase, K. Jaspaert, & S. Kroon (Eds.), Maintenance and loss of minority languages. Studies in bilingualism. 1. 3-13. Flores, M. N. (2007). The Cattle Caravans of Ancie nt Caboloan (Interior Plains of Pangasinan). Ermita, Manila: National Historical Institute. __________ “Introduction: Pangasinan Literature. Filipinos Writing: Philippine Regions. (general ed.) Lumbera, Bienvenido, Pasig City: Anvil, 2001.
31
Literature from the
_________. Rediscovering Pangasinan. An Introduction. unpublished document. _________. Pangasinan: Isang Etnokultural na Pagmamapa. PhD. dissertation. University of the Philippines, Diliman, 2002. Fox, J.J. (2005). Liao, H-c. and Galvez Rubino, C. eds. A Comparative Analysis of the Relationship Terminologies of Northern Luzon. Currecnt Issues in Philippine Linguistics and Anthropology: Parangal kay Lawrence A. Reid. pp. 227-247. Guia, J. (2015, May 15). The Wonderful Hundred Islands in Pangasinan. Retrieved from http://vigattintourism.com/tourism/articles/The-Wonderful-Hundred-Islands-in-Pangasinan Headland, T. (2003). Thirty endangered languages in the Philippines. Work Papers of the Summer Institute of Linguistics, University of North Dakota Session. 47:1-12. History. (n.d.) retrieved from http://pangasinan.gov.ph/the-province/history/ Ladefoged, Peter. 2004. The world’s langu ages are vanishing. UCLA Today 24(14). 11 May 2004. Online journal, http://www.today.ucla.edu/2004/040511voices_mymind.html, accessed 17 Feb. 2016
Learning With The Mother Tongue (Part 2 ) By DR. FLORANGEL ROSARIO BRAID. [July 29, 2 011]. In Facebook [Profile page]. Retrieved January 27, 2016, from http://www.mb.com.ph/articles/328821/learning-with-the-mother-tongue-part-2 Llamson, T. (1978). Handbook of Philippine Language groups. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. McFarland, C. D. (2008). Deictic Pronouns In Philippine Langauges. Studies in Philippines Languages and Cultures. 19: 123-141. Micua, L. V. (2010, August 7). Pangasinan confirmed to be a dying dialect. Balita, retrieved from http://balita.ph/2010/08/07/pangasinan-confirmed-to-be-a-dying-dialect/ Pangasinan language gasping for last breath (2010, Aug. 15), Sunday Punch. Re trieved from http://punch.dagupan.com/articles/news/2010/08/pangasinan-language-gasping-for-last- breath/ Pangasinan language. (n.d.). In Wikipedia. Retrieved January 24, 2015, from https://en.wikipedia.org/wiki/Pangasinan_language Pangasinense. (n.d.). In Wikipedia. Retrieved December 22, 2015, from https://bcl.wikipedia.org/wiki/Pangasinense Pista'y Dayat. (n.d.). In Wikipilipinas. Retrieved January 3, 2016 from http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Pista%27y_Dayat Rayner, E. A. (1923). Grammar and dictionary of the Pangasinan language. Retrieved from http://quod.lib.umich.edu/p/philamer/adl9486.0001.001/5?view=image&size=100
32